Bulacan nagtala ng P40-Milyon halaga ng nasira sa agrikultura at imprastraktura dala ng mga pag-ulan; 2,000 residente inilikas

Published

SIYUDAD NG MALOLOS–Nasa P40-Milyon ang inisyal na naitalang nasira sa mga pananim at pangisdaan kabilang ang sa pampublikong imprastrastura at may 2,000 residente mula sa 515 pamilya sa 12 bayan at siyudad sa lalawigan ang inilikas matapos na bahain ng hanggang 5ft. flood water ang mahigit 100 barangay dahil sa halos isang linggong pag-ulan bunsod ng southwest monsoon rains na pinalakas ng bagyong Fabian, ayon sa pinakahuling ulat ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).


Ayon sa ulat, nagpalabas ng 210 cubic meter per second (cms) na dami ng tubig ang Bustos Dam kahapon ng umabot ito sa 17.36 meters na lagpas sa 17.00 meters spilling level nito habang ang Ipo Dam ay nagpalabas na rin ng tubig na umabot pa sa 116.31 cms at bumaba ito sa 40.40 cms 5:00pm kahapon matapos lampasan nito ang spilling level na 101.00 meters at umabot sa 101.40 hanggang 101.07 meters. 


Ang mga pag-ulan ay nagpataas sa Angat Dam ng 2 metro dahil nasa 187.47 meters above sea level (masl) na ito kumpara sa mahigit lang 185.00 masl noong isang linggo ng nagsisimula pa lang ang mahinang mga ulan. Ganunpaman ay malayo pa rin ito sa 210.00 masl spilling level.


Inilikas ang 1, 828 na mga residente mula sa 515 pamilya sa siyudad na ito kung saan ang Barangay Bulihan ay inabot ng hanggang 5ft. flood water at mga bayan ng Hagonoy, Paombong, Bulakan at Calumpit, Guiguinto, Plaridel, Bocaue, Obando, Siyudad ng Meycauayan, Norzagaray at Marilao habang naitalang binaha rin ang mga bayan ng Balagtas, Sta. Maria. May mga bayan sa mga nabanggit na ito na inabot ng hanggang 3ft. ang taas ng tubig. 

Nasa 13 ang binahang barangay sa Bocaue, 24 sa Siyudad ng Malolos, 4 sa Plaridel, 14 sa Paombong, 17 sa Calumpit, 11 sa Siyudad ng Meycauayan, 4 sa Guiguinto at mayroon din sa mga bayan ng Bulakan, Hagonoy, Marilao, Norzagaray at Obando. 


Ang Macaiban bridge sa Sta. Maria ay muling hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan habang ang Barangay Sta. Cruz sa Bayan ng Guiguinto at Iba, Saluysoy sa Marilao ay hindi madaanan ng light vehicles. Ang Lias, Marilao road ay hindi rin madaanan ng lahat ng light vehicles. 


Nagtala ng inisyal na halagang P5-Milyon na nasirang imprastraktura ang Bulacan First District Engineering Office habang inisyal namang P14,300,000 ang District 2 Engineering Office at nasa mahigit P19-Milyon ang halaga ng inisyal na  naitalang nasira sa mga pananim na gulay, palay, iba pang gulay at mga pangisda.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Rolling Arrays Joins Forces with Skyform to Lead HRM Transformation Across APAC

Rolling Arrays, Southeast Asia’s largest SAP SuccessFactors specialist, has...

Introducing Dury Dury | Malaysia Newest Durian Top Seller 2024

Dury Dury a new venture in sealed Durian delivery,...