Ang Full Fill Store sa Sta. Maria, Bulacan na very environment friendly. Iuuwi ng mamimili ang produkto o ano mang item na nabili niya ng walang supot o plastic upang hindi na makadagdag pa sa mga kalat na ibabayad pa ng pamahalaan para hakutin upang maitapon ng wasto. Larawan ni Rolly Alvarez

Ni Rolly Alvarez

STA. MARIA, Bulacan–Sa dami ng negosyo na maaaring itayo, pinili ng magkasintahang Jian at Charlene Arguelles ng bayang ito ang Fullfill Zero Store kung saan mabibili ang iba’t ibang produkto at kagamitan sa tahanan mula sa gawang lokal na┬áhindi gumagamit ng plastic o supot na lalagyan para sa kanilang mga mamimili kaya walang naiuuwing plastic na nakakalamang na maging kalat lamang at dagdag sa environmental degradation.

Ang patuloy na pagtaas ng porsiyento ng nakukuhang plastic mula sa dagat at landfills nitong panahon ng pandemya ang nagtulak sa magkasintahan upang mahikayat na makapagtayo ng ganitong negosyo. Isa sa tinitingnang dahilan nito ay ang pagsulpot ng kabi-kabilang online at e-commerce store kung saan instant na lamang ang pagbili ng produkto. Ngunit ang malungkot dito, instant din ang nakukuhang plastic ng customer dahil sa packaging nito.

“Kasi kami ng partner ko na si Charlene is gusto namin to start trying Zero Waste lifestyle. Pero wala masyadong option dito sa pilipinas and feeling namin wala pa talagang nakakapag start ng Zero Waste store that will really reach middle to low income consumers which is the majority consumers sa bansa natin. We just genuinely start this store to educate people to start trying zero waste and create enough demand so that big companies who are  responsible in producing waste that ends up sa landfills and oceans natin.” Pahayag ni Jian sa NEWSCORE.

Dekalidad na mga produkto sa abot-kayang halaga ang mabibili dito tulad ng kitchen essential, personal care at home cleaning products.

Hindi lamang ang pagsasaalang-alang ng pag-iwas sa solid waste ang adbokasiya ng Fullfill Zero Waste Store. Ang iba nitong produkto ay mula sa kanilang partnership sa iba’t ibang eco products companies na gumagawa ng  produkto upang matulungan ang mga cancer patients, masuportahan ang mga local farmers, mananahi at iba pang gawang lokal.

Sobrang thankful kami sa suporta kasi hindi inaasahan na ganito ka bilis mag transition yung iba. Nakaka motivate na makarinig na nakamura na sila sa products namin, mas luminis pa daw ang bahay nila at wala na masyadong basura. Marami din nag memensahe na salamat sa pag lagay ng unang zero waste store sa bulacan kadalasan daw ay online at sa manila pa sila nakakakita ng ganito at madalas ay mas mahal pa yung presyo. Nakaka motivate ituloy at palawakin ang store namin to reach not just bulacan but also sa ibat ibang probinsya din.” Pasasalamat ni Jian sa mga tumatangkilik sa kanilang negosyo.

Bukas ang Fullfill Zero Store mula 9:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon na matatagpuan sa Santa Maria Town Center Building sa Poblacion.