Ni: Cloei Garcia
Meta na ang magiging bagong pangalan ng Favebook. Ito anv ipinahayag ni Mark Zuckerberg, CEO ng Facebook noong Huwebes, sa taunang virtual at augmented reality conference ng kumpanya.
“We are a company that builds technology to connect. Together, we can finally put people at the center of our technology. And together, we can unlock a massively bigger creator economy,” ani Zuckerberg.
Habang nilalabanan nito ang isang lumalalim na krisis sa relasyon sa publiko at pagtaas ng pagsusuri sa regulasyon, pinapalitan ng Facebook ang pangalan nito sa Meta.
Habang ang pangalan ng kumpanya ay nagbabago bilang Meta, ang umiiral na mga indibidwal na platform at brands – Facebook, WhatsApp, Messenger, Instagram, at Oculus – ay mananatiling ganun parin, ayon kay Zuckerberg.
Orihinal na idinetalye ni Zuckerberg ang kanyang futuristic na ideya ng paglikha ng metaverse, na maaaring ma-access sa pamamagitan ng maraming device at nagbibigay-daan sa mga tao na bumili, maglaro, at makihalubilo sa virtual world.