Mga Kurso sa Railway Engineering, Dapat Isulong Para sa Trabahong Pang-tren- Villanueva

Published

Itinuturing ni Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva na malaking job generator ang pinakamalaking railway project sa Pilipinas, kaya nanawagan ang senador ang pagsulong ng railway engineering and technology courses sa mga paaralan sa bansa.

Sinabi ni Villanueva na nangangailangan ng trained and skilled manpower para patakbuhin ang planong Philippine National Railways South Long Haul project (PNR Bicol).

Dagdag ng senador na kailangang umpisahan na ng gobyerno ang pagkakaroon ng mga programa sa mga unibersidad at kolehiyo na gagawa ng isang lupon ng railway technology experts sa bansa.

Sa ngayon, may graduate program sa Polytechnic University of the Philippines para sa railway engineering. May memorandum agreement naman sa pagitan ng Commission on Higher Education at Department of Transportation para sa continuing training ng railway technicians at engineers.

Naging panawagan ni Villanueva ang mabilisang paglawig ng mga inisyatibong ito sa mas maraming institusyon sa kanyang pagdalaw sa Bicol region para mangampanya nitong linggo.

Tinawag ng senador na “game changer” ang “modernized and extended Bicol Express” bilang ligtas at abot-kayang transportasyon para sa mga tao at kalakal sa pagitan ng Metro Manila, CALABARZON, at Bicol.

Nanawagan din si Villanueva sa TESDA na siguraduhing may programa ang ahensya para sa “skilling, upskilling, and reskilling” ng mga manggagawa lalo na sa construction sector, para sa implementasyon at konstruksyon ng mga proyektong imprastraktura ng gobyerno. Pinagtanggol ng senador ang 2022 budget ng ahensya, at sinigurong may Php 1.515 bilyon sa ilalim ng Tulong Trabaho Law para sa training ng mga benepisyaryo ng batas na ito.

Hinimok ni Villanueva na ilatag ng gobyerno ang “educational groundwork for the country’s railway future” matapos maging pinal ang P142 bilyon na kontrata para itayo ang unang 380 kilometro ng riles mula Banlic, Calamba papuntang Daraga, Albay.

Nakikita rin ng senador na importanteng bahagi ng National Employment Recovery Strategy ang mga trabahong mula sa PNR Bicol para maabot ang target nitong paglikha ng 2 milyon na trabaho. Sinabi rin niya na ang mga trabahong ito ay bahagi ng job creation galing sa pagpapatuloy ng Build, Build, Build initiative ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa DOTr, inaasahang gumawa ng 5,000 na trabaho ang pagtatayo ng PNR Bicol project.

Aabot ng 560 kilometro ang proyekto at magkakaroon ito ng 35 na estasyon kapag tumakbo na ang mga biyahe ng tren.

Mula sa Maynila, dadaloy ang PNR Bicol papuntang Laguna, Quezon, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon.

Magkakaroon din ito ng spur line papuntang Batangas, papunta sa mga siyudad ng Santo Tomas, Lipa, and Batangas.

Ayon kay Villanueva, ang PNR Bicol ay isang “powerful economic stimulus, a catalyst of development and above all a clean mode of transportation.”

“Mababawasan nito ang paggamit ng fossil fuels. Makakatipid tayo sa pera, at makakabawas din ng polusyon. Mas mapapabilis din nito ang biyahe ng mga commuter,” sabi ni Villanueva.

Tinatantyang may bilis na hanggang 160 kilometers per hour ang “Bicol Express”, at paiigsiin ang biyaheng Manila hanggang Legazpi City na maging apat at kalahating oras na lamang mula 14 o 18 na oras kung sakay sa express line.

Inaasahan ng DOTr at PNR na matapos ang mga riles sa 2024, at magpatakbo ng mga biyahe sa third quarter ng 2025.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

P1-M halaga ng e-bike stores lanos sa sunog

BULAKAN, Bulacan—Nalanos din sa naganap na sunog madaling araw...

San Ildefonso ‘Bulak’ Festival is 2024 Best Indakan sa Kalye

CITY OF MALOLOS- Showcasing Bulacan’s etymological names “bulak” (cotton)...

Grayscale XRP Trust: An Important Step for XRP

Grayscale Investments introduces Grayscale XRP Trust. How does it...

“Let’s go bigger for BUFFEX. Let’s go greater for Singkaban and let’s go global for Bulacan!” – Fernando

External Affairs Division PPAO CITY OF MALOLOS – “Malaki o maliit...