SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Halos 60 Bulacan-based local and national media members ang babakunahan nang libre ng provincial government ngayong buwan pagdating ng mga kasunod ng bakunang inaantay ng lalawigan.
Ito ang ipinahayag ni Gob. Daniel Fernando nitong Lunes sa mga mamamahayag.
Nauna rito ay humiling din si Jenny Raymundo ng Mabuhay Newspaper at pangulo ng Bulacan Press Club (BPC) sa gobernador na agaran ng ibilang ang mga kasapi ng samahan upang mabigyan na rin ng proteksiyon ang palaging expose na media members.
Inatasan din ng gobernador si Frederick Silverio, Correspondent ng Manila Times at dating pangulo ng BPC na gumawa ng listahan ng lahat ng media members sa lalawigan at isama doon kahit hindi miyembro ng BPC upang makabilang rin sa babakunahan.
Patapos na second dose ang maraming senior citizens at co-morbidities (A2 and A3) ang binabakunahan ngayon sa Bulacan at kasunod na ang nasa A4 category na frontline personnel mula sa hanay ng essential sectors kabilang ang media, uniformed personnel at higher risk other than senior citizens and poor population.
Nito lamang Abril naisama sa A4 category ang media matapos na hilingin ng mga miyembro nito at iba pang sektor sa national Inter Agency Task Force na maisama sila.
Maraming media members ng Bulacan na affiliated sa local and national media organizations partikular ang mga miyembro ng Bulacan Press Club ang patuloy na lumabas at nagtrabaho sa field sa buong panahon ng pamdemya kung kaya’t expose ang mga ito at mataas ang banta na mahawa.
Marami sa mga ito ang mga nag-su-suob din kapag may sintomas na nararamdaman at ang iba ay nagse-self quarantine na agad hanggang sa bumuti na ang pakiramdam. Halos puro very mild symptoms lang naman ang kanilang naramdaman.
Ayon kay Fernando, paparating ngayong linggo ang 70,000 pa na doses ng bakuna dahil priority ng national IATF ang Bulacan dahil ito ito sa National Capital Region (NCR) Bubble Plus.