More contact tracers sa ilalim ng TUPAD program ni Sen. Villanueva

Published

SIYUDAD NG MALOLOS–Inaasahang mapapalakas ang contact tracing sa mga close contacts ng mga nag-positibo sa COVID-19 upang maagapan sila mula sa nasabing sakit dahil may mga dagdag na contract tracers na makukuha ang provincial, municipal and city governments sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantageous and Displaced Workers (TUPAD) na programa ni Senator Joel Villanueva. 

Ayon kay Gob. Daniel Fernando, Bulacan COVID-19 Task Force chair, pinagbigyan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello ang sulat-kahilingan niya na na maglaan pa ng dagdag na pondo sa Bulacan sa ilalim ng TUPAD program upang makapag-hire pa ng mga dagdag na contact tracers. 

Kailangang-kailangan umano ito ng Bulacan sa ngayon upang tapatan at labanan ang muli na namang lumaganap na COVID-19 sa panibagong anyo nitong Delta variant. 

Ibinalita naman ni Atty. Kenneth Lantin, hepe ng Employment Services Office ng Bulacan Provincial Government o ng Capitolyo na sa Metro Manila lamang unang pinayagan na ang TUPAD funds ay magamit din sa contact tracers at ito nga ay magagamit na ngayon sa lalawigan dahil sa kahilingan ni Gob. Fernando. 


Dagdag ni Atty. Lantin, bagong programa ang mangyayari sapagkat ngayon pa lamang magha-hire sa ilalim ng TUPAD emergency employment ng mga displaced workers dahil sa pandemya na magta-trabaho bilang contract tracers sapagkat ang pangkaraniwang trabahong ibinibigay sa mga TUPAD-hired ay paglilinis sa kapaligiran.

Sinabi ni Gob. Fernando na mas mabuting pagiging contact tracers ang maging trabaho ng benepisyaryo ng TUPAD sapagkat mas kailangan ang mga contact tracers ngayon upang labanan ang sakit na COVID-19. 

Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando at Board Member Alex Castro ng ika-4 na distrito ang pagtanggap ng sahod ng may 600 TUPAD beneficiaries kasama ang proponent ng programa na si Sen. Joel Villanueva nitong Biyernes sa Bulacan Sports Complex sa Siyudad ng Malolos. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

“Ang paglilinis ng ating kapaligiran ay napakahalaga rin subalit may mga volunteers tayo diyan at ang isinusulong din natin ay volunteerism kaya’t mas magagamit ang ating pondo sa TUPAD para sa contact tracers,” ani ng gobernador sa panayam ng NEWS C CORE. 

Ayon kay Dra. Hjordis Marushka Celis, Bulacan COVID-19 Task Force vice chair. habang tumataas ang bilang ng mga COVID-19 cases sa Bulacan ay mas lalong kailangan ang mga contact tracers. 


Sa pinaka huling tala ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), pumalo na sa 52, 783 ang COVID-19 cases sa lalawigan habang ang recoveries ay nasa 50,000. Nananatili namang mataas pa rin ang Active Cases na 3,699 at ang mga namatay ay 1,086. 

Bukod pa sa contact tracers sa ilalim ng TUPAD ay tuloy pa rin ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pag-hire sa nauna nilang mga kinuhang halos 400 contact tracers para sa provincial government at sa 21 bayan at 3 siyudad sa Bulacan. 


Ayon kay DILG BulacanDirector Darwin David, ang mga kinuhang contact tracers mula Pebrero-Agosto ay muling magtatrabaho hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre. Ganoonpaman ay may bago umanong ibinabang memorandum ang kanilang national office na i-e-extend pa ito hanggang sa Disyembre 31. 

Ngayong taon ay mayroong inilaang P19-Bilyong halaga ang programang TUPAD matapos itong ipanukala at isulong ni Senator Villanueva. Noong isang taon na unang putok ng pandemya ay mayroong P6-Bilyon ang pondong inilaan ng national government upang mabigyan ng emergency jobs ang mga nawalan ng trabaho dulot ng health crisis na COVID-19. 


Nitong Biyernes ay mayroon na namang TUPAD beneficiaries ang kumubra ng kanilang sahod. Ito na yata ang ika-20-30 beses na ang iba’t ibang grupo p sektor ng mga Bulakenyong nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 lock downs and restrictions ay nabigyan ng tabaho sa ilalim ng TUPAD program ng senador. 


Sa kasalukuyan ay nasa senado na ang batas na inihain ng senador na gagwing permanenteng job emergency program tuwing pandemya at kalamidad ang TUPAD program. Sa illaim ng kanyang bagong panukala, ang bilang ng araw na ipagtatrabaho ng mga susunod na TUPAD beneficiaries ay hindi lamang 10-araw kundi maaaring umabot sa 20-30 araw at sasahod ng minimum wage. 

Sa kasalukuyan, nasa P370-P550 per region-based minimum wage ang sahod ng TUPAD beneficiary sa iba’t ibang bahagi ng bansa. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

A CELEBRATION OF EXCELLENCE

Governor Daniel R. Fernando, Vice Governor Alexis C. Castro...

Don’t Miss the Insanithink Year-End Special at Viva Café!

Mark your calendars, comedy fans! The year is...