Hoy Pinoy ako, tama ang pagsulat ko! 

Published

SALLIE A. RAMONES 

Teacher III

Guiguinto National Vocational High School

Hindi po ako galit, hindi po ako suplada, hindi po mainit ang ulo ko, pero hindi naman din po ako nagbibiro. Seryoso po ako sa bagay na aking gustong iparating sa inyo. 


Bilang isang guro sa asignaturang Pilipino, ako po ay dismayadong dismayado sa nangyayaring magulo, mali at wala sa ayos na nauusong mga salitanh karaniwan panghalip na dahil sa text messaging, jejemon o short cut na mga paraan ng mga salita at pahayag sa ngayong panahon ng new media ay naiiba na ang spelling at naiiba na rin ang kahulugan.


Ginagamit sa ordinaryo at di pormal na pakikipag-usap ang jejemon words tulad ng “sa iyo” ay nagiging “s u”. Ito ay medyo maayos ayos pa dahil sa text messaging lang ginagamit ang “s u” na “sa iyo”. Halos okey pa ito at di nakakasakit ng bangs. 


Pero ang tulad ng dapat na salitang “sa akin” na pinaikli ng jejemon message bilang “sakin” at gagamitin sa pormal na salita at gamit tulad ng sa mga sulatin sa eskuwelahan, sa hanapbuhay at kahit sa social media ay hindi tama. “Sa amin” na nagiging “samin”.Ganundin ang salitang “sa atin” na ginagawang “satin” na may iba ng kahulugan (malambot at manipis na tela). Naiiba na ang hahulugan at ikaw na lang na mambabasa ang uunawa sa gustong ipakahulugan ng nagsulat. 


Nariyan din ang salitang “nasaan ka na o san ka na” na dahil short cut ay “san kana”. Ang “kana” ay ibang salita na may sariling kahulugan. Masakit sa mata na basahin.


Ang dapat two words na “na lang” ay ginagawang one word na “nalang”.


Ang “si” na pantukoy ay dapat sa tao lamang ginagamit subalit lagi na ring pinapatungkol sa mga bagay, lugar, atbp. na hindi tama. “Itong si type A na bahay ay kakaiba po kaysa kay Type A1”. “Si cinema blue po ay pareho ni cinema red,” ilan lang sa maling halimbawa.


Ang pantukoy na pambalana o sa mga bagay ay “ang” kapag isa o singular at “ang mga” kapag plural.
Gaya pa rin ng halimbawa na, “masarap siya,” “maganda siya”. Tumutukoy sa mga bagay at hindi tao pero pantukoy na pantao ang ginagamit. Sa bagay, dapat ay, “maganda iyan,” “maganda ito”. Ginagamit na din ang “maganda sila” sa bagay na mali rin dahil pantukoy lang ito sa tao. 


Nariyan din ang salitang “noon” na ginagawang “nun”. Okay lang ito sa jejemon, pero sa pormal na panulat at kahit sa social media ay dapat ang matuwid na salita. 


Ang nangyayari, wala ng distinction ang marami lalo na ang mga kabataan. Nababastos na ang ating wika at napapabayaan.


Napakapangit din ng salitang inimbento ng marami na maling salita na “hawaan” taliwas sa tamang salita na “hawahan”. Ano iyong “hawaan”? Saang diksiyonaryong Pilipino o Tagalog ninyo hinango iyan? 


Sa buong panahon ng pandemya na ating pinagdaanan at patuloy na nararanasan, habang naririnig ko ang commercial ng isang sabon, alcohol at gamot, ay ang salitang “hawaan” ang paulit-ulit na binibigkas.


Nakakahiya, nakakalungkot. Kaming inyong mga guro ay hindi titigil sa pagwawasto ng mga maling gamit ng mga jejemon words hanggang sa maibalik sa matuwid na gamit ang ating mga salita at wika.


Matuto lamang po tayong magpahalaga at sumunod. Lalo ka na, kabataang Pilipino. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

P1-M halaga ng e-bike stores lanos sa sunog

BULAKAN, Bulacan—Nalanos din sa naganap na sunog madaling araw...

San Ildefonso ‘Bulak’ Festival is 2024 Best Indakan sa Kalye

CITY OF MALOLOS- Showcasing Bulacan’s etymological names “bulak” (cotton)...

Grayscale XRP Trust: An Important Step for XRP

Grayscale Investments introduces Grayscale XRP Trust. How does it...

“Let’s go bigger for BUFFEX. Let’s go greater for Singkaban and let’s go global for Bulacan!” – Fernando

External Affairs Division PPAO CITY OF MALOLOS – “Malaki o maliit...