SMC Infra, naghahanda para sa pagbigat pa ng  trapik sa Kapaskuhan, nagpahayag ng toll holiday

Published

Dahil inaasahan pa ang lalong pagbigat ng trapik ay pinaalalahanan ng SMC Infrastructure ang mga motorista na planuhin ang kanilang mga byahe para makarating ng ligtas sa kanilang patutunguhan. 

Dagdag pa ng infrastructure arm ng San Miguel Corporation (SMC) na nagdagdag pa sila ng traffic management personnel sa mga tollways nito na kinabibilangan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR), South Luzon Expressway (SLEX), the Skyway System, NAIA Expressway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) para sa roadside assistance at mapabilis pa ang takbo ng mga sasakyan sa mga exit points. 

Ito ay sa pakikipagtulungan sa lokal na pulisya at traffic bureau ng mga local government units. 

“Traffic buildup and congestion at our expressways, ports, and airports is something we all expect at this time of the year, especially as restrictions have fully eased. We appeal to our motorists for their patience and understanding as we anticipate heavy traffic,” wika ni SMC President Ramon S. Ang. 

“What would be a big help is if we all plan our trips well ahead, and leave earlier to allot more time for travel, especially if you are catching a flight or scheduled bus trips. For motorists, we also suggest to please make sure your vehicles are in good condition, and that your electronic toll collection accounts are topped up, to prevent any delays to you and others,” dagdag pa ni Ang. 

Kasama sa dagdag na tao ang ambulant tellers na tutulong upang mapabilis ang paglabas-masok mg mga sasakyan sa mga toll plaza sa pagscan ng mga Autosweep cards ng mga nakapilang sasakyan. Pinaalalahanan rin ang mga motorista na ihanda ang kanilang mga Autosweep ETC cards ready sa kanilang mga sasakyan. 

Maliban sa pagdaragdag ng mga tao ay inilunsad kamakailan ng kumpanya ang   “Seamless Southern Tollways” bilang paghahanda sa holidays. 

Binabawasan ng programang ito ang toll stops ng mga motorista sa Skyway System, SLEX, at STAR sa dalawa mula sa dating lima sa dalawa na lamang na entry at exit points. Ang Calamba, SLEX Greenfield, at Sto. Tomas, Batangas toll plaza ay magiging pass-through lanes para mabawasan ang chokepoints. 

“We implemented the Seamless Southern Tollways initiative so motorists will no longer need to make as many stops and can fully enjoy seamless travel along Skyway, SLEX, and STAR. We started implementation last December 1, so that motorists can start feeling its benefits during the busy Christmas season. SMC Infrastructure had been working to complete the program since early this year, and we’re glad to report that so far, feedback on the initiative has been very positive,” ani Ang. 

“We’ve been seeing good results the first two weeks. Smoother traffic flow has been observed, and we’re hoping this will translate to a better driving and travel experience overall for many motorists this holiday season,” dagdag pa niya. 

Ayon kay Ang ay pananatilihing bukas ng kumpanya ang Autosweep customer service centers at RFID installation kiosks sa mga gasolinahan sa SLEX para sa mga motorista na wala pang ETC sticker tags. 

Samantala, nagdeklara rin ng toll holiday ang SMC Infra sa STAR, SLEX,  Skyway system, NAIAX, at TPLEX, sa Pasko at New Year holidays. 

Ang toll holiday ay magsisula ng 10:00 pm ng December 24 hanggang 6:00 am ng December 25 para sa Christmas at 10:00 pm ng December 31 hanggang 6:00 am of January 1 para naman sa New Year. 

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

P1-M halaga ng e-bike stores lanos sa sunog

BULAKAN, Bulacan—Nalanos din sa naganap na sunog madaling araw...

San Ildefonso ‘Bulak’ Festival is 2024 Best Indakan sa Kalye

CITY OF MALOLOS- Showcasing Bulacan’s etymological names “bulak” (cotton)...

Grayscale XRP Trust: An Important Step for XRP

Grayscale Investments introduces Grayscale XRP Trust. How does it...

“Let’s go bigger for BUFFEX. Let’s go greater for Singkaban and let’s go global for Bulacan!” – Fernando

External Affairs Division PPAO CITY OF MALOLOS – “Malaki o maliit...