MONDRAGON – VHIOLY ROSATAZO ARIZALA
Minsan masama din sa tao ang nakakatikim ng kapangyarihan, lumalaki ang ulo, yumayabang, nalulunod hindi na alam paano dalhin.
Marami ng nakukulong, nasususpinde na mga pulitiko dahil sa tinatawag na pang a-abuso sa kapangyarihan.
Kagaya na lang itong nangyari sa Barangay Caypombo Sta. Maria Bulacan, isang kaawa- awang barbeque vendor ang binawian ng buhay habang naka posas.
Ang 47 anyos na biktima na si Angelito Alcantara, may asawa at apat na anak at nakatira sa Km. 37 Pulong Bihangin Sta. Maria Bulacan ay agad nasawi mula ng posasan ng Traffic Enforcer na si Mario Domingo.
Ayon kay Col. Ismael Conde Gauna, hepe ng Sta. Maria police station, isang Barangay Caypombo traffic enforcer si Domingo.
Batay sa kwento ng may bahay ng biktima na si Angeline Alcantara pauwi na sila galing sa palengke ng binabagtas na nilang mag asawa ang lugar ng Caypombo ay pinara sila ng enforcer na agad naman silang tumigil.
Paliwanag ni Angeline ay hinahanapan ang asawa nya ng driver’s license at rehistro na wala silang dala.
Ang sabi ng enforcer ay i-impound nya ang motor. Pumayag naman ang biktima at sabi sa asawa ay sumakay nalang sila ng jeep.
Nagtalo lamang sila ng kinukuha ang susi at hindi ibinigay ni Alcantara. Sabi ng biktima hayun ang motor ko impound mu dalin mu. Na siyang ikinagalit ng enforcer na si Mario Domingo kaya pinosasan nya ang biktima na si Angelito Alcantara.
Umiiyak na nagmamakaawa ang asawa na huwag po huwag po may sakit po ang asawa ko. Sinabihan pa raw ng mga kasama niyang iba na tanggalin ang posas subalit matigas si Domingo.
Sa takot at noon lang nakaranas ng ganun ay nanikip ang dibdib at nawalan ng buhay habang naka posas.
Ang tanong ito bang mga enforcer na ito ay sumailalim ba ng seminar? Dapat alam nila ang hangganan ng pagiging enforcer at bakit may posas. Allowed ba na mag bitbit ng posas ang mga traffic enforcer?
Kaninong responsibilidad ang pangyayaring ito?
Command responsibilities, abuse of power and authority. Hindi dapat umabot sa ganyan kung hindi kayabangan ang pinairal. Tama naman, may mali ang biktima pero para posasan mo at hindi naman yata tama na ginawa mong parang isang kilabot na kriminal.
Sa ngayon ay naka piit sa kulungan si Domingo at kinasuhan ng homicide ayon kay Angeline na may bahay ni Angelito.
Dagdag pa ni Angeline habang humahagulgol ay magkaroon ng patas katarungan para sa kanyang asawa.