7 Delta variant cases sa Bulacan, OFW’s at NCR workers

Published

SIYUDAD NG MALOLOS–Pito na sa ngayon ang kumpirmadong COVID-19 Delta variant cases sa Bulacan at lahat ito ay mga umuwing Filipino Workers (OFW)’s at mga nagtatrabaho sa Metro Manila.

Apat na kaso mula sa City of San Jose del Monte, City of Malolos, Pandi at Guiguinto ang pinakabagong nadagdag sa unang tatlong kaso mula sa Bayan ng San Ildedonso, Sta. Maria at Plaridel.

Ayon kay Dr. Betzaida Banaag, health officer ng City of San Jose del Monte, ang Delta case nila ay isang empleyado sa National Capital Region na kasalukuyan ng naka isolate sa kanilang lugar.

Ang kaso sa Pandi ay isa ring worker sa Metro Manila ayon kay Pandi Mayor Enrico Roque habang ang sa Guiguinto ay isang kauuwi lang na OFW ayon kay Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. at ang kaso naman sa Siyudad ng Malolos ay isa ring OFW ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, vice chair ng Bulacan COVID-19 Task Force.

Ang kaso sa Sta. Maria ay returning OFW rin habang ang kaso sa Plaridel ay isang worker sa Metro Manila.

Ayon naman kay Dr. Celis, hinihinala na sa national region lang din nakuha ng San Ildefonso case ang Delta variant sapagkat wala itong ibang exposure malban doon sa ospital sa national region. Nagpunta doon ang biktima para magpa-medical check up.

Sa ngayon ay nasa 47,393 ang mga kaso sa lalawigan simula Marso 2020 habang 970 ang mga namatay at 43,607 ang recoveries.

Sa huling tala na ibinigay ni Dr. Celis kay Gob. Daniel Fernando, may 2,296 na active cases sa lalawigan sa ngayon, 230 dito ang nasa Bulacan Infection and Control Center (BICC) at Bulacan Medical Center at 1,921 ang nasa home and facility quarantine.

Nananatiling nasa General Community Quarantine with heightened restriction ang Bulacan until August 15 ayon kay Gob. Fernando at kung hindi na tataas pa ang mga kaso ay nakakalamang na hindi na niya ito irerekomemda sa IATF na itaas sa hihgher restriction na Enhanced Community Quarantine (ECQ) or Modiefied Enhanced Community Quarantine (MECQ).

“Ang lahat ay nababahala. Bagama’t nais natin ang paghihigpit para sa kaligtasan, ang karamihan sa atin ay naniniwala na hindi natin kakayanin ang bumalik pa sa pinakamahigpit na quarantine. Sisikapin natin na mapababa ang kaso sa pamamagitan ng ating mga naunang direktiba,” pahayag ng gobernador.

“Sa kabila ng ating pananatili sa GCQ with heightened restrictions, may kakaibang paghihigpit ang ating isasagawa. Paiigtingin natin ang ating pagbabantay sa ating borders, pagpapatupad ng minimum health standards. Makakapasok pa rin sa trabaho, ba-byahe pa rin ang nasa transport sector, bukas pa rin ang mga establishment para sa essential services. Ito po lahat ay alinsunod sa itinakda sa atin na community quarantine status,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Mayor Cruz, nakahanda silang sumunod sa gusto ni Gob. Fernando kung hihilinging isailalim sa ECQ o MECQ ang buong lalawigan. Ganunpaman sa ngayon, aniya, ay talagang nag-higpit na sila sa Guiguinto. Ipinagbawal na niya sa ngayon ang lahat ng dine-in sa mga restaurants at puro take out na lamang at ibinalik niya ang kanya-kanyang market day ng mga barangay.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Revolutionizing Water Treatment: AQUARING’s Advanced Technology for a Healthier, Sustainable Future

Reurasia management corporation AQUARING, an Italian company revolutionizing water treatment...

Companies, stop striving for zero complaints

MANAGEMENT STRATEGIES Your customers' complaints could be the goldmine you’re...

IMPULSES: Indigenous struggles, speculative hope

 Herman M. Lagon It was an emotional moment when Rynshien...

Statement of the Commission on Human Rights welcoming RA 12006 or the Free College Entrance Examinations Act

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes Republic Act...