Nina Carmela Reyes-Estrope at Anton Catindig
LUNGSOD NG MALOLOS–Maituturing na mahuhusay na mga bagong mukhang maglilingkod sa bayan at Best Among the Best candidates na nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-konsehal at pagka-mayor ang isang COVID-19 volunteer registered nurse, isang retired policeman at isang negosyanteng kapitan mula sa Bayan ng Sta. Maria at gayundin ang isang graduating college student ng Ateneo de Mania University mula naman sa Bayan ng San Rafael.
Si Ronald Cristobal, 53 ay isang registered nurse na nag-volunteer bilang COVID-19 vaccinator ng Bulacan Provincial Government sa Hiyas Pavilion simula ng buksan ito noong Mayo.
Kahit na isang registered nurse ay hindi ito ang piniling gawing propesyon ni Cristobal kundi ang kanyang passion, ang maging isang fashion designer at couturier. Bago siya mag-volunteer nurse sa vaccination center ay gumawa muna siya ng sarili niyang version ng Personal Protective Equipment (PPE) na kanyang ibinahagi sa mga local government units (LGU), barangay, piling ospital hanggang sa may mga nagpasadya nang nagpagawa at nakapag-benta na siya sa iba’t ibang lugar.
Siya ay nagtapos ng Nursing sa Our Lady of Fatima College noong 2006 at pumasa sa nursing board ng 2007. Pangalawang kurso niya ang nursing dahil nauna na niyang natapos ang occupational therapy.
Kilala bilang Sonia sa fashion industry hindi lamang sa Bayan ng Sta. Maria kundi maging sa buong lalawigan, nais niyang mas lalong lumawak ang kanyang matutulungan at mapaglilingkuran kaya siya kumandidato bilang konsehal.
Si Cristian Catahumber na isang pulis at naka-assign sa Manila Police District ay nagretiro at tinapos ang 24 na taong pagseserbisyo sa pamahalaan at sa mamamayan bilang uniformed personnel at kumandidato bilang konsehal upang makapaglingkod ng direkta sa mamamayan ng Sta. Maria.
Ayon kay Cristobal at kay Catahumber, idolo nila sa paglilingkod sa bayan at sa kapwa si Kapitan Renato “Rey” Castro ng Barangay Manggahan kaya dito sila sumama upang maglingkod sa kanilang bayan sa ilalim ng “Team Reymalyn”.
Si Kap. Rey ay dating kagawad bago naging kapitan. Siya ngayon ang miyembro ng kanilang pamilya na magsisilbi sa Bayan ng Sta. Maria at sa posisyong mas malaki at mas malawak ang sakop, bilang alkalde. Ang kanyang anak na si Konsehal Ynah Castro, Top 1 councilor ng bayan noong 2019 election ay ipinaubaya na sa kanyang ama ang pulitika, upang kung paano napatatag, napaunlad at naproteksiyunan ng kanyang ama ang kanilang pamilya, ay ganoon din nito mapalakad ang bayan ng Sta. Maria.
Siya ang may-ari at pangulo ng Reymalyn Group of Companies na engage sa pawnshop and trading, pharmacy at medical clinic.
Sa kanyang panunungkulan bilang alkalde, nais ni “Mayor Rey” na pag-ibayuhin ang hospital, medical at iba pang pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan ng Sta. Maria lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Sa Bayan naman ng San Rafael, ang 21 years old graduating student ng Atenedo de Manila University na si Jolo Viceo ay kandidato bilang konsehal ng bayan.
Si Jolo ay anak ni Third District Board Member Atty. Emily Viceo at dating Mayor ng San Rafael Jaime Viceo.
Bantad sa paglilingkod sa kapwa ng kanyang mga magulang mula sa kanyang murang edad, hinila na rin si Jolo ng paglilingkod sa kapwa at sa bayan. Siya ay graduating sa kursong Development Studies sa isang taon.