Home Blog Page 443

Reymalyn Team Pagbabago, hindi tatanggap ng suweldo sa munisipyo

0
Si Manggahan Sta. Maria Barangay Captain Renato "Rey" Castro at vice mayoralty tandem nito dating seasoned municipal Councilor Obet Perez kasama ang kanilang anim na konsehales--Sonia Cristobal, Jayson Latube, Hector Hilario, Froilan Caguiat, VJ Salazar at Cristian Catahumber sa kanilang pledge of manifesto o plataporma ng kanilang paglilingkod sa Bayan ng Sta. Maria. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

STA. MARIA, Bulacan– Kakaibang mga aspirante na maglilingkod sa bayan ang humarap sa mga residente mula sa iba’t ibang sektor sa bayang ito  ng manumpa sa kanila nitong Sabado ang “Reymalyn-Obet Team Pagbabago” ng mataas na uri ng pamumuno at paglilingkod kapag sila at ang kanilang buong grupo ang nanalo sa halalan sa Mayo 2022. 


Pinangunahan ni mayoralty candidate Manggahan Barangay Captain Renato “Rey” Castro at vice mayoralty tandem nito dating seasoned municipal Councilor Obet Perez ang pledge of manifesto o plataporma ng paglilingkod kapag sila ang mauupo sa dalawang pinakamataas na puwesto sa kanilang bayan na ginanap sa Rosmen Event’s Place sa Barangay Parada. 


Tinawag ng Team Reymalyn-Obet kasama ang anim nilang mga kandidato sa pagka-konsehal–Sonia Cristobal, Jayson Latube, Hector Hilario, Froilan Caguiat, VJ Salazar at Cristian Catahumber na Gabi ng Pagbanago ang pagharap nila sa kanilang mga kababayan at ipinrisinta sa kanila ang 13 nilang isusulong at ipapatupapad  na mga programang babago sa direction ng pamumuno at paglilingkuran sa Bayan ng Sta. Maria kung sila ang papalaring manalo. 

Una sa lahat ay ang malinis na panunungkulan sa pamamagitan ng takot at pagsunod sa Diyos bilang pangunahin nilang paiiraling prinsipyo at paninindigan. 


Higit sa lahat ay ang bukas-pusong pagtulong sa kapwa. Katunayan, kapag naupong alkalde si Kap. Rey ay hindi niya iuuwi ang kanyang suweldo at ito ay iuukol na lamang niya para ipamahagi sa mga nangangailangang kababayan alo na sa mga kailangang-kailangan ang gamot at medical attention sa panahong ito ng pandemya.


Gayundin, ipatutupad nila ang transparency o ang Ipapahayag sa bayan ang lahat ng gastusin at pondo ng munisipyo. 

Si Manggahan Sta. Maria Barangay Captain Renato “Rey” Castro at vice mayoralty tandem nito dating seasoned municipal Councilor Obet Perez kasama ang kanilang anim na konsehales–Sonia Cristobal, Jayson Latube, Hector Hilario, Froilan Caguiat, VJ Salazar at Cristian Catahumber sa kanilang pledge of manifesto o plataporma ng kanilang paglilingkod sa Bayan ng Sta. Maria. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Ipagbabawal ang red tape at under the table transactions and policies sa munisipyo at iba pang lokal na tanggapan o “Increase Competitiveness and the Ease of of Doing Business” kasabay din ng pagsulong ng city hood ng Sta. Maria.


Palalakasin sa pamamagitan ng tulong at gabay ang entrepreneurship. Isang buhay na halimbawa ang buhay at tagumpay sa negosyo ni Kap. Rey na nagmula sa isang mahirap na pamilya subalit nagsikap at naging isang inhinyero. Imbis na mamasukan ay nagtayo ng sariling negosyo katuwang ang asawa at mga anak at ganoondin ang magulang at mga kapatid hanggang sa mapalago ito. 


Aggressive Drive on Health o ang pagpapatatayo ng mas maraming health care facilities lalo na upang tumugon sa pandemya. 


Infrastructure. Ipapagawa at pagagandahin ang mga kalsada kabilang ang public market maging ang gusali ng munisipyo.
Isusulong at paiigtingin ang Peace and Order situation sa bayan sa pamamagitan ng mga anti criminality programs and operations partikular ang kontra illegal drug efforts upang makamit ang zero crime rate. 

Environment. Pabababain sa murang halaga ang ibinabayad ng munisipyo sa paghahakot ng basura ng buong bayan. 
Agriculture. Palalakasin ang urban gardening at farming sa mga barangay.


Education. Maglalagay ng free internet/wi-fi sa bawat barangay at dadagdagan pa ang benepisyaryo ng full scholarship sa mga kabataang estudyante. 

Kabataan. Bukod sa suporta sa edukasyon, isusulong ang iba’t ibang sports events para sa mga kabataan upang ilayo sila sa tukso ng bisyo. 


Turismo. Lalong isusulong at palalakasin  ang pagpo-promote sa One Town One Product ng Bayan ng Sta. Maria hindi lang sa Bulacan at sa Pilipinas kundi maging sa international community. Kabilang dito ang pagtatampok nito ng chicharon sa World Guinness Book of Records.

Bulacan Alert Level 2 until Nov. 14

0
Sa patuloy na mobile vaccination ng Capitolyo, ipinapaliwanag ni Gob. Daniel Fernando sa mga magulang at residente ng Barangay San Mateo, Norzagaray na hindi niya papayagan ang face to face classes hangga't hindi nababakunahan lahat ng 12-17 years old sa buong lalawigan upang masigurado ang kaligtasan ng kanilang hanay laban sa COVID-19. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

LUNGSOD NG MALOLOS–Dahil sa patuloy na pagbaba ng active COVID-19 cases sa Bulacan ay ibinaba na sa Alert Level 2 ang buong lalawigan mula Nobyembre 1-14, ayon sa huling executive order na inilabas ni Gob. Daniel Fernando.

Sa ilalim ng quarantine status na ito, bukas na halos lahat ng industriya, negosyo at establisimiyento, maging mga opisina at pinapayagang mag-operate kabilang ang food shops and stalls, tourism, recreational and event places, spa, beauty salon, and wellness, sports, religious gatherings ng 50% kung indoor at 70% kung outdoor.

Ang casino, horse racing, cockfighting o tupada at mga cockpit arena, maging lottery at betting shops and other gaming establishments ay nananatili namang hindi pa pinapayagan ayon na rin sa atas ng national Inter Agency Task Force (IATF) on COVID-19. 

Gayundin, hindi rin pinapayagan ng gobernador na chairman ng Bulacan COVID-19 Task Force ang face to face classes sa buong lalawigan hangga’t di nababakunahan ang 12-17 years old. 
Noong Miyerkules ay ipinahayag ng gobernador na mananatiling nasa General Community Quarantine (GCQ) ang Bulacan hanggang Nobyembre 30 at isasailalim sa alert level system sa Disyembre 1. 
Subalit dahil sa magandang record ng Bulacan na mababang kaso ng COVID-19 cases ay agad na itong naibaba sa Alert Level 2. 
Ang 4,700 na active cases ng lalawigan noong 3rd-4th week of August ay 821 na lamang noong Miyerkules, ayon kay Bulacan COVID-19 Task Force Vice Chair Hjordis Marushka Celis habang ang total number of COVID-19 cases sa lalawigan ay umabot sa 86,268, habang ang recoveries ay 83,954 at nasa 1,404 naman ang mga namatay. 

Police mahigpit na ipinatutupad ang health protocols sa Dolomite beach sa Manila Bay

0
dolomite sand beach sa Manila Bay

Ni: Christian Paul S. Tayag

Manila–Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang Manila Police na tiyaking sinusunod ng mga lokal na turista at mga residente ang minimum health protocols sa pag-bisita nila sa bagong bukas na dolomite sand beach sa Manila Bay upang masiguradong ligtas ang lahat sa COVID-19.

Nagpakalat ng mga marshalls sa lugar upang ipatupad ang mga alituntunin sa kaligtasan sa panahon ng 3-araw na public viewing.

Maigting ang pagpapaalala ng pulisya sa lahat ng mga dumadayo sa lugar sa pagsusuot ng face mask at face shield at pagpapanatili ng physical distancing.  Ang mga batang 11 taong gulang pababa ay hindi pinapayagang pumasok sa loob.

Kailangang magbntay ang kapulisan upang masiguraro ang tamang pagdistansya lalo na sa malalaking grupo na dumarating sa artificial  beach.

Nitong 5:30 a.m. ng Miyerkules, mahaba na ang pila ng mga bisita sa nasabing beach. October 28 (Huwebes) ang huling araw bago ito magsara para sa #Undas2021. Walang papayagang bumisita mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

Mula nang magbukas ito noong Hunyo 18, pinahintulutan ang publiko na mamasyal at maglakad sa tabi ng bay sa loob lamang ng limang minuto upang maiwasan ang dagsa ng mga bisita at mapanatili ang social distancing.

MPL S8 finals bigong sirain ang code ng Blacklist International

0
PHOTO FROM: TWITTER @TrulyTopTier

Ni: Christian Paul S. Tayag

MANILA– Muling pinatunayan ng Blacklist International na kaya nilang protektahan ang korona at pagiging back-to-back champion ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines, matapos nilang talunin ang Onic PH sa score na 4-1 nitong nakaraang Season 8 Grand Finals kamakailan lang.

Sa live na panood ng NEWS CORE sa Grand Finals ng Mobile Legend: Bang Bang Professional League PH Season 8 noong Oktubre 24, pangalawang pagkakataon na makuha ng Blacklist International ang korona ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League para patunayan na hindi lang tsamba ang pagkapanalo nila noong nakaraang MPL S7 at makuha ang respeto sa ibang mga team ng MPL Philippines.

Matapos lumubog sa lower bracket, Matapang nilang inakyat ang Grand Finals at talunin ang Omega sa score na 3-1 at naging matamis na paghihiganti matapos silang ilaglag ng nasabing team sa lower bracket at nabigong talunin ang Blacklist matapos ang kanilang do-or-die match at harapin ang Onic PH sa grandfinals.

Patuloy na pinakita ng Blacklist ang kanilang laks at abilidad sa late-game, salamat sa season 7 championship-winning hero ni Danerie James “Wise” Del Rosario na si Aldous upang gumuhit ng unang laro para sa Blacklist. Ang regular season na MVP na si Salic “Hadji” Imam na gumamit ng hero na si Yve ay nakakuha ng MVP recognition na may 100 porsiyentong kill participation at sa Captain ng Blacklist na si Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at sa kanilang Head Coach Kristoffer “Bon Chan” Ricaplaza na patuloy na umuukit ng kanilang pagkapanalo hanggang sa Game 5 at nakamit ang score na 4-1 at tinanghal na Champions ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 8 at magiging kinatawan ng Pilipinas sa M3 World Championship ngayong taon.

Hawak ng Blacklist ang record sa kasaysayan ng MPL sa regular na season sa likod ng 13-1 win-loss record, natalo sila ng Onic Philippines sa pamamagitan ng 2-0 sweep noong regular season. Dalawang laban sila natalo sa regular na season ng Season 7 at Season 8, Ang huling beses na nag-uwi ang isang koponan ng back-to-back championship sa MPL ay ang Sunsparks sa Seasons 4 at 5.

Kauna-unahang Zero Waste Store sa Bulacan, patok sa mga Bulakenyo

0
Ang Full Fill Store sa Sta. Maria, Bulacan na very environment friendly. Iuuwi ng mamimili ang produkto o ano mang item na nabili niya ng walang supot o plastic upang hindi na makadagdag pa sa mga kalat na ibabayad pa ng pamahalaan para hakutin upang maitapon ng wasto. Larawan ni Rolly Alvarez

Ni Rolly Alvarez

STA. MARIA, Bulacan–Sa dami ng negosyo na maaaring itayo, pinili ng magkasintahang Jian at Charlene Arguelles ng bayang ito ang Fullfill Zero Store kung saan mabibili ang iba’t ibang produkto at kagamitan sa tahanan mula sa gawang lokal na hindi gumagamit ng plastic o supot na lalagyan para sa kanilang mga mamimili kaya walang naiuuwing plastic na nakakalamang na maging kalat lamang at dagdag sa environmental degradation.

Ang patuloy na pagtaas ng porsiyento ng nakukuhang plastic mula sa dagat at landfills nitong panahon ng pandemya ang nagtulak sa magkasintahan upang mahikayat na makapagtayo ng ganitong negosyo. Isa sa tinitingnang dahilan nito ay ang pagsulpot ng kabi-kabilang online at e-commerce store kung saan instant na lamang ang pagbili ng produkto. Ngunit ang malungkot dito, instant din ang nakukuhang plastic ng customer dahil sa packaging nito.

“Kasi kami ng partner ko na si Charlene is gusto namin to start trying Zero Waste lifestyle. Pero wala masyadong option dito sa pilipinas and feeling namin wala pa talagang nakakapag start ng Zero Waste store that will really reach middle to low income consumers which is the majority consumers sa bansa natin. We just genuinely start this store to educate people to start trying zero waste and create enough demand so that big companies who are  responsible in producing waste that ends up sa landfills and oceans natin.” Pahayag ni Jian sa NEWSCORE.

Dekalidad na mga produkto sa abot-kayang halaga ang mabibili dito tulad ng kitchen essential, personal care at home cleaning products.

Hindi lamang ang pagsasaalang-alang ng pag-iwas sa solid waste ang adbokasiya ng Fullfill Zero Waste Store. Ang iba nitong produkto ay mula sa kanilang partnership sa iba’t ibang eco products companies na gumagawa ng  produkto upang matulungan ang mga cancer patients, masuportahan ang mga local farmers, mananahi at iba pang gawang lokal.

Sobrang thankful kami sa suporta kasi hindi inaasahan na ganito ka bilis mag transition yung iba. Nakaka motivate na makarinig na nakamura na sila sa products namin, mas luminis pa daw ang bahay nila at wala na masyadong basura. Marami din nag memensahe na salamat sa pag lagay ng unang zero waste store sa bulacan kadalasan daw ay online at sa manila pa sila nakakakita ng ganito at madalas ay mas mahal pa yung presyo. Nakaka motivate ituloy at palawakin ang store namin to reach not just bulacan but also sa ibat ibang probinsya din.” Pasasalamat ni Jian sa mga tumatangkilik sa kanilang negosyo.

Bukas ang Fullfill Zero Store mula 9:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon na matatagpuan sa Santa Maria Town Center Building sa Poblacion.

Gob. Fernando: Bulacan GCQ until Nov. 30, pero face to face classes bawal pa rin

0
Si Gob. Daniel Fernando nang pangunahan niya ang mobile vaccination sa San Mateo, Norzagaray kung saan inanunsiyo rin niya ang di niya pagpayag sa face to face classes sa lalawigan hamgga't hindi nababakunahan ang lahat ng 12-17 years old na mga estudyante at kabataan sa lalawigan. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

NORZAGARAY, Bulacan–Ang Bulacan ay mananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) hanggang Nov. 30, ayon kay Gob. Daniel Fernando subalit kasabay nito, ay hindi pa rin niya papayagan ang face to face classes. 


Sa pinangunahan ni Gob. Fernando na mobile vaccination sa Barangay San Mateo sa bayang ito noong Miyerkules, sinabi nitong sa Disyembre ay inaasahang isasailalim na rin sa alert level system ang Bulacan katulad ng kasalukuyang quarantine status sa National Capital Region.


Ayon sa national Inter Agency Task Force on COVID-19, ang alert level status ay sa ilalim pa rin ng GCQ. Ang Alert Level 4 ay siyang pinaka mataas at kahalintulad ito ng GCQ kung saan ay 50% indoors sa mga restaurants, church activities. Subalit hindi pa rin pinapayagan ang mga indoor tourism activities. Sa level 3 naman ay allowed ang below 18 years old na lumabas subalit sa limitadong mga gawain lamang. Mas lalong maluwag ang restrictions sa level 1 and 2. 


Ganunpaman, hindi pa malinaw kung magiging Alert Level 4 or 3 ang lalawigan.

Gayundin, sa kabila ng improved restriction na ito dahil sa patuloy na pagbaba ng mga active cases sa lalawigan ay iginiit ng gobernador, chairman ng Bulacan COVID-19 Task Force na hindi niya papayagan ang face to face classes hangga’t hindi pa natatapos mabakunahan ang 12-17 years old sa lalawigan. 


“Hindi po ako pumayag na mag face to face classes ang ating mga kabataan. Kayo po ba mga nanay ay payag sa face to face sila,” pahayag niya sa mga magulang at residente sa ginawang mobile vaccination sa Barangay San Mateo elementary school.
Ang Liceo de Pulilan, isang private high school sa Pulilan ay isa umano sa ilang private high schools sa lalawigan na napiling pilot schools sa face to face classes, subalit kanya ngang tinanggihan.


Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, vice chair ng Bulacan COVID-19 Task Force, ang vaccination ng A3 (pedia category o 12-17 years old with co-morbidities) ay sisimulan sa Nov. 3. Kasalukuyan umano silang  nasa finalization ng pagbilang sa lahat ng mga kabataang Bulakenyo na nasa age bracket na ito, maging co-morbidity man o hindi.


Paliwanag ni Celis na ang mga kabataang ito ay hindi kabilang sa 2.8 milyon herd immunity population ng lalawigan base sa mahigit 3.2 milyong kabuuang populasyon ng mga Bulakenyo.


Patuloy ang pagbaba ng active cases sa lalawigan. Ito ay bumaba sa 854 noong Martes, pinakamababang naitala matapos ang 10 buwan. Noong Miyerkules ay patuloy itong bumaba sa 821 at 840 ng Huwebes. Ngayon araw naman ay pumalo ito sa 870 active cases. 


Noong nakakaraang linggo ay nasa 1,100-1,300 ito. Noong Setyembre ay nasa mahigit itong 2,500 at nakapagtala ng pinakamataas na active cases na 4,700 noong third week of August.


Sa nasabing 2.8 milyon required vaccination sa lalawigan, halos 2 milyon na dito ang nabakunahan, mahigit 800,000 ang kumpleto na ang 2 doses at mahigit 1 milyon ang one dose.


Ayon sa gobernador, binigyan siya ng assurance ng national government sa patuloy na volume ng ibababang bakuna sa lalawigan hanggang maabot at matapos ang herd immunity requirement. 

Hydilyn Diaz at Ces Orena-Drilon, pinangunahan ang 2022 Outstanding Women Search

0
Hidilyn Diaz, photo from her Facebook page

Nina Mochie Lane Dela Cruz at Cloei Garcia

MANILA, PHILIPPINES﹣Inilunsad kahapon ng The Outstanding Women in the Nation’s Service (TOWNS) ang Search para sa 2022 TOWNS Awardees. 

Kasama ang ilang special guests na dati ng awardee ng TOWNS at pinarangalan din ng ibang award-giving bodies, pinangunahan ni Ces Oreña – Drilon, President of TOWNS Foundation Inc. ang nasabing launching through a virtual program and press conference. 


Kabilang sa kanila ang Olympic Gold medal winner na si Hidilyn Diaz (2016 TOWNS Awardee for Sports) at Nobel Peace Prize winner na si Maria Ressa (2007 TOWNS Awardee for Journalism)

Ang TOWNS Awardees ay isang triennial event na naglalayong bigyan ng pagkilala sa mga bukod tanging kababaihan na nagsisilbi sa komunidad at lipunan ng bansa.  Ipinagkaloob ang TOWNS Foundation Award sa mga outstanding Filipino women na may edad 21 hanggang 50 taong gulang.


Sa pagsisimula ng nominasyon ngayong Oktubre para sa TOWNS Awardee 2022, magtatapos ito sa Hunyo 2022. Magkakaroon ng isang Award Ceremony para i-anunsyo ang mga parangal sa Oktubre, 2022.

Binanggit naman ni Lilia De Lima, TOWNS Member & 2022 Search Committee Chairperson, ang mga pamantayan para sa nominasyong magaganap. Ang nominado ay dapat hindi bababa sa 21 taon ngunit hindi hihigit sa 50 taong gulang; Filipino Citizen; Distinguished in her field of specialisation or advocacy; Committed to the promotion of the well being and uplift of the people and community she serves; Pioneering spirit; Achieved success despite daunting challenges; Has Integrity, is Dignified, Respectable, Articulate and Self-Confident. 

Samantala, sa pagtatapos ng launching program ay nag-iwan ang dalawang special guests ng isang magandang payo para sa bawat kababaihan sa lipunan 

Para kay Hidilyn Diaz, “Dream High, Always go back to your WHYs at panatilihin ang iyong Values”.

Taliptip residents di ibebenta ang lupang tinubuan para sa international airport project

0
Si dating Konsehal Cadio Mendoza kasama ang ka-barangay sa Taliptip habang itinuturo sa NEWS CORE ang bahagi ng lupa o mga kabahayan sa barrio proper na maaaring mapalis kung magiging malawakan ang acquisition ng SMAI ng land properties para sa right of way ng new Manila International Airport. Larawan ni Carmela Reyes-Estrope

BULAKAN, Bulacan–Nagpahayag ang mga taal na residente ng Taliptip barrio proper sa bayang ito na hindi nila ibebenta ang kanilang mga tinubuan at kinatitirikang lupa para magamit sa Right of Way ng proposed P745-Billion new international airport sa kanilang lugar.


Ang pahayag ay sa gitna ng pagkabahala ng mga mamamayan sa pangunguna ni Chief Renato Samonte Jr., hepe ng Special Projects Division ng Department of Justice at retired Bulacan Provincial Prosecutor matapos makatanggap ng “Letter of Acquisition for Right of Way” ang ilang mga residente kabilang si Juliana Samonte, isang yumao niyang kamag-anak. 


Ipinadala ni Edgar Dona, isang authorized representative ng San Miguel Aerocity Inc. (SMAI), ang nagpapatupad at tagapangasiwa ng nasabing airport project, ang “Right of Way Acquisition Letter for the new Manila International Airport,” noong Agosto 11.  Ayon sa sulat, ang lupa na may sukat na 4.14 square meter na mahigit P1-milyon ang halaga at ang 13,743 sq.m. na may halagang P6.8 milyon ay kakailanganin para sa right of way ng itatayong airport. 

Ayon din sa sulat, sa ilalim ng Right of Way Act ng San Miguel Aerocity Inc. SMAI, may karapatan silang bilin ang pag-aaring lupa na kakailanganin sa proyekto. 

“Under the Right of Way Act, the SMAI will shoulder the capital gain tax, transfer tax, documentary stamp tax, [and] registration fees. However, if you refuse or fail to accept the offer price or fail to submit the documents necessary for payment within 30 days, the SMAI shall be constrained to file for an expropriation case before a court of appropriate jurisdiction in which case the lot owner shall pay the capital gains tax at the rate of 6 percent of the gross purchase price of the affected area,” pahayag pa sa nasabing sulat. 

Isinaad din sa sulat na ang SMAI ay may karapatang isagawa ang expropriation base sa ipinasang batas, Republic Act No. 11506, na nagbigay ng kapangyarihan na itayo ang “airport city.”Ayon kay Samonte, sa isang pakikipag-usap niya kay Noriel Aragon, isa ring representante ng SMAI, nabatid niyang maraming lupa ang tatamaan ng right of way at bibilin ng SMAI.
Ikinagulat ito ni Samonte. Aniya, sapat sapat na marahil ang napakalawak at napakalaking 2,500 hectares na mga idle fishponds sa coastal area ng kanilang barangay na nabili na ng San Miguel Corp. (SMC) para sa itatayo nitong airport.


“Excited kami at masaya sa airport project sa aming lugar dahil hindi lang ang aming Barangay Taliptip ang uunlad, kundi maging ang buong Bayan ng Bulakan at gayundin ang buong lalawigan. Pero kung ganyan ang mangyayari, hindi kami sang-ayon diyan, hindi namin ipagbibili ang aming mga kinatitirikang kabahayan at lupa para sa right of way ng airport project. Napakalaki na ng nabili ng SMC. Hindi na nila ito dapat kunin pa,” pahayag officer of law sa NEWS CORE.


Sa Taliptip umano nag-ugat ang kanilang lahi, doon sila at buo nilang pamilya lumaki at naninirahan at doon din sila mamamatay, dagdag pa niya.

Ayon kay dating Konsehal Cadio Mendoza, kapatid ni Sandiganbayan Associate Justice Maria Theresa Mendoza-Arcega at Konsehal Oya Mendoza na mga tubong Taliptip, ang kanilang angkan kasama ang iba pang malalaking lahi sa Taliptip, bukod pa sa nga Samonte– Dela Cruz, Delos Santos, Villanueva, Ramos, Concepcion, Isidro, Almindres, atbp. ay hindi rin magbebenta ng kanilang lupa at ari-arian  para sa nasabing international airport. 


Nagpahayag din si Mendoza ng pangamba na base sa kapangyarihan ng RA 11506 ay maaaring mas marami pang sakuping lupa o mga kabahayan ang airport project. 


Ayon sa kanya, nasa humigit kumulang 300-500 households o kabahayan sa lupang may lawak na 52 hectares o halos kalahati ng buong barrio proper ng Taliptip ang pinapangambahan nilang maaaring maapektuhan ng right of way acquisition.


Sa panayam din ng mga reporters kay Taliptip Barangay Captain Michael Ramos, sinabi nitong hindi niya alam ang pamimili ng lupa ng SMAI para sa right of way bagama’t dahil pribadong pag-aari ng bawat indibidwal o pamilya ang kani-kanilang lupa ay wala namang makapagbabawal sa kanila na ipagbili ito kung nais nila.


Ganunpaman aniya ay hindi rin siya sang-ayon na mabili ang kalahati ng barangay hanggang sa mabura ang komunidad at maging pag-aari na lamang ito ng airport. 


Agad umano niyang pinulong ang mga kagawad ng barangay upang pag-usapan ang dapat nilang gagawing hakbang tungkol sa usapin. Sinabi nito sa mga reporters na magpapasa sila ng isang resolusyon na nagsasabing hindi nila papayagang mabili ang kalahati ng barangay upang maging right of way ng airport.

COVID-19 active cases sa Bulacan patuloy sa pagbaba

0

Ni: Cloei Garcia

LUNGSOD NG MALOLOS–Patuloy na nananatiling nasa 1,000 ang active cases ng COVID-19 sa Bulacan nitong nagdaang dalawang linggo kumpara sa mas mataas na 1,300 plus noong unang linggo ng buwan habang pumalo naman ito sa mahigit 4,700 active cases noong buwan ng Agosto.

Ayon sa tala ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDDRMO) nitong Biyernes, mayroong 1,001 active cases at walang bagong naiulat na pagkamatay.

Sa kabuuang 82,353 na kaso ng Covid-19 sa lalawigan simula noong isang taon, 79,950 (97%) ang nakarekober, 1012(1%) ang aktibo kaso at 1391 (2%) ang namatay.

Kaugnay ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, karamihan (53%) ng mga kaso ay lalaki. Ang edad ng mga kaso ay mula 1 day to 100 years old. Karamihan (24%) na apektado ng mga kaso ay nabibilang sa pangkat ng edad na 20 to 29 years old.

Ang municipality at city na may pinakamataas na naiulat na aktibong kaso ay ang Marilao, San Ildefonso, at Pulilan. Ngayon, 14 karagdagang pagkamatay ay na-verify at naitala sa kabuuang bilang ng namamatay na kaugnay sa COVID-19, na nagdadala ang kabuuang sa 1,391; na may Case Fatality Rate sa 2 sa bawat 100 kumpirmadong kaso.

Bilang pagtukoy sa impormasyon sa pamamagitan ng pagsisimula ng sakit, ito ay nasa morbidity week 32, 2021 (Agosto 8-14) kung saan karamihan (6%) ng mga kaso ay nagsimulang magpakita ng mga palatandaan at sintomas ng COVID-19.

Sa ngayon, ang alive confirmed cases ay 79,950 (94%) ang nagpakita ng pag galing, kabilang ang 111 karagdagang recoveries ngayon. Habang, mayroon pa ring 1,012 (4%) sa isolation at monitoring sa mga ospital, pansamantala at mga pasilidad sa pagsubaybay o kani-kanilang tahanan.

Christmas decors, yoghurts, fashion accessories ng Malolos at Sta. Maria, mabenta sa DTI Hybrid Likha Fair

0
Face to face buyers ng mga palamuti, accessories at pagkain ng Bulacan sa 2021 Hybrid Likha ng Central Luzon trade fair ng Department of Trade and Industry sa Waltermart Malolos. Larawan mula sa DTI Bulacan

Nina Carmela Reyes-Estrope at Mochie Lane Dela Cruz

LUNGSOD NG MALOLOS – Mga Christmas and Holiday decors, regalo at isinusuot na fashion accessories na ginawa ng mga lokal na negosyante sa panahon ng pandemya ang kabilang sa Bulacan’s fast and best buys sa five-day Hybrid Likha ng Central Luzon joint mall at online trade fair ngayong taon noong nakaraang linggo.

Ayon kay Edna Dizon, Department of Trade and Industry director sa Bulacan, ang mga palamuti at accessories na ginawa ng Malolos handicraft maker at yoghurts at iba pang produktong gatas na gawa sa Bayan ng Sta.Maria ay kabilang sa mga pinakamahusay na nagbebenta para sa Bulacan sa ilalim ng unang Hybrid Likha ng Central Luzon (LCL) Trade Fair na ginanap noong Oktubre 13-17 sa WalterMart Malolos, Bulacan

Ang mga tampok na produkto, mula sa mga processed food, regalo at souvenirs, fashion accessories, home at living products, ay gawa ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na tinulungan ng DTI.

Ang Hybrid trade fair ay isang kombinasyon ng traditional face to face at digital online event upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili na hindi makabisita sa mga mall sa oras na ito ng pandemya at makakatulong din at suportahan ang mga negosyante na ibenta ang kanilang mga produkto sa gitna ng health crisis.

Sa Bulacan, Nasa 13 physical exhibitors ang nagbenta ng kanilang mga produkto at 20 virtual exhibitors naman ang isinulong ang kanilang produkto sa pamamagitan ng Likha ng Central Luzon at DTI Bulacan FB pages.

Hinikayat naman ang mga mamimili at exhibitors ng Bulacan na gumamit ng online facility, pre-order taking scheme, at delivery logistics kaysa sa face to face purchase sa Waltermart Malolos mall na nagdulot naman sa kanila ng magandang benta.

Sinabi ni Dizon na nakapagtala ng halagang P375,000 na benta ang five-day trade fair sa Bulacan.

Ang Likha Central Luzon annual regional trade event na nagaganap sa loob ng 23 taon ngayon ay nagpapakita at nagtataguyod ng magkakaibang mga produkto at mga masasarap na pagkain ng pitong lalawigan ng rehiyon㇐ Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.

Ayon kay Mary Grace Reyes, DTI Bulacan information officer, itinuring na hindi matagumpay ang Pure online sales event noong nakaraang taon para sa buong Region dahil sa pandemya.

Mahigit sa 100 exhibitors ang lumahok sa Hybrid event ngayong taon mula sa pitong lalawigan ng rehiyon sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagbebenta.

Ang mga produkto ng Aurora na may slogan na “Siempre Aurora” ay naibenta sa SM City Cabanatuan; Bataan kasama ang Galing Bataan battlecry sa SM City Olongapo Central; Produktong Tatak Bulakenyo ng Bulacan sa Waltermart Malolos; Nueva Ecija’s Taas Noo Novo Ecijano sa SM City Cabanatuan; Pampanga’s Viva Pampanga products sa SM City Pampanga; Tarlac’s Natural Tarlac sa SM City Tarlac at ang Zambales kasama ang Zambales Finest sa SM City Olongapo.