Lalaki at babae nakitang patay sa Pulilan-Baliwag bypass

Published

BALIWAG, Bulacan, Philippines–Dalawang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki at babae ang natagpuan sa Barangay Matangtubig na bahagi ng Pulilan-Baliwag bypass sa bayang ito kaninang umaga. 

Ayon kay Col. Jayson San Pedro, hepe ng pulisya ng bayang ito, nasa late 30’s to early 40’s ang babae na nakasuot ng maong pants, black shirt at rubber shoes na may nakasulat na ‘forever greatful” at may tatoo sa magkabilang balikat na “Lanie” at isang uri ng gang. 

Ang lalaki naman na nasa early 30’s ay nakasuot ng short pants at kulay pink na shirt na may tatak na “Feast of San Lazaro”. 

Bandang 5:50 ng umaga umano ng matagpuan ito ng ilang motorsitang dumadaan sa lugar at ipinagbigay-alam agad sa Baliwag police.

Ayon kay San Pedro, parehong may tama ng bala sa ulo ang dalawa at ang lalaki ay may tama rin ng bala sa katawan. 

Base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, lumalabas na doon binaril ang mga biktima sa pamamagitan ng mga tama ng bala sa ulo at katawan dahil sa mga blood stains na nakita sa crime scene at pagka-recover din ng empty shells at slugs mula sa .9mm kalibre ng baril.

Lumalabas din sa imbestigasyon na taga Maynila ang mga biktima.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Will BTC Price Drop Below $50? Bitcoin Faces Market Turbulence: An Analysis

Bitcoin faces market turbulence as its price drops below...

CARD RBI opens its 39th branch in Zamboanga del Norte

CARD MRI Rizal Bank, Inc. (CARD RBI), a microfinance...

Urgent Call to Save PUV Modernization: ABMAP Appeals to Government as Funding Dries Up

The Automotive Body Manufacturers Association of the Philippines (ABMAP)...