Maayos ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue, pero top cop ng Region 3 muling mag-iinspeksiyon

Published

BOCAUE, Bulacan–Ikinatuwa ni PNP Reg. 3 Director Police BGen Matthew Baccay ang maayos na mga tindahan ng paputok sa bayang ito, ang considered fireworks capital of the country nang bisitahin at magsagawa siya ng inspection kahapon.


Iyon naman umano ang mahalaga at dapat gawin ng lahat ng mga miyembro ng industriya ng paputok– manufacturer, seller o dealer, retailer at distributor at kahit mamimili, ang sumunod sa batas. 


“Organized sila at tayo ay natutuwa. Matagal na sila sa industriyang iyan. Alam nila ang pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat. Nauna na natin silang pinulong at kinakausap para sa maayos nilang pagsunod sa sinasabi ng batas,” pahayag ni Baccay sa media.


“Ganunpaman, babalik pa tayo dito muli para sa isa pang inspection. Hindi natin gustong arestuhin sila sa New Year’s eve kung kaya’t lahat ng gumagaws ng illegal ay dapat ng huminto at huwag ng ituloy ang masamang ginagawa,” babala ng police region 3 director. 


Ayon kay Police Director Col. Manuel Lukban Jr., inaresto nila sa isang buy bust bandang 12:15 ng umaga noong Linggo (Disyembre 26) sa Bypass road sa Binang 1st si Armando Relatos, 45, isang electrician na nag-side line gumawa at magtinda ng illegal na Kabasi (malaking trianggulo) firecracker product.


Nakumpiska sa kanya ang 18 pieces na Kabasi na nagkakahalaga ng P8,,000.


Ayon kay Lukban, sinampahan nila si Relatos ng violation to RA 7183, laws on the manufacture, sale and distribution of firecrackers and pyrotechnics. 


Kabilang sa mga illegal pang paputok ang Super Lolo, Pla-pla, piccolo, Giant Whistle, Atomic Triangle, Large Bawang, Pop-Pop, Bosa, Goodbye Philippines, Bin Laden, Mother Rocket, Lolo Thunder, Coke-in-Can, Kabasi, Watusi. 


Nilinaw din nila Baccay at Lukban na ayon sa Executive Order 28 ni Pangulong Duterte noong 2017 na nagreregulate sa pag-gamit ng mga paputok, walang ban sa paputok kundi regulation lamang at pinapayagang gumamit ng lahat ng uri ng pyrotechnic o pailaw sa labas ng bahay at ang mga firecrackers lamang ang dapat sa maluwang na lugar o designated areas ng barangay o munisipyo.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Rolling Arrays Joins Forces with Skyform to Lead HRM Transformation Across APAC

Rolling Arrays, Southeast Asia’s largest SAP SuccessFactors specialist, has...

Introducing Dury Dury | Malaysia Newest Durian Top Seller 2024

Dury Dury a new venture in sealed Durian delivery,...