Nagniningning ang Pasko sa SM City San Jose del Monte

Published

Ni Cloei Garcia

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE–Tuloy na tuloy na ang masaya at nagniningning na Kapaskuhan sa SM City San Jose del Monte matapos na pailawan nito ng tradisyonal na Christmas centerpiece, tunnel of lights, at paglalagay ng mga maliliwanag na dekorasyon sa paligid ng mall.

Masaya at maliwanag na tinatanggap ng SM City San Jose del Monte ang mga mamimili sa pag bungad sa kanila ng 30 talampakan na taas na Christmas tree na may pula at gintong palamuti, may dalawang gintong reindeer at isang higanteng ribbon.

Sa paligid nito ay mayroong anim na 6-foot na Christmas tree na may taas na 6-foot, apat na gazebo-like dining pods kung saan masisiyahan ang mga customer sa kanilang pagkain at inumin, dalawang higanteng gift box-like bounded by fairy lights na may mga bangko sa loob kung saan masisiyahan din ang mga customer sa pagkuha ng litrato.

“The way we celebrate this festive season may change with times, but the way we share our time, food, gifts, and love for our family and friends remain,” ani ng Mall Manager na si Jose Mari Emmanuel Correa.

Inilawan din ang mga parol na kumakatawan sa sariling pagdiriwang ng San Jose del Monte, ang Tanglawan, na sumisimbolo sa liwanag na gumagabay sa mga tao tungo sa tagumpay.

Upang madagdagan ang vibe at mga kulay, ang mga escalator at mga haligi sa paligid ng mall ay napapaligiran din ng mga Christmas lights na may green at silver na dekorasyon.

Hindi lamang sa loob ng mall may mga maliwanag na dekorasyon. Sa north entrance ay sasalubong sa mga mamimili ang IG-worthy at festive spot na pinalamutian para sa pagkuha ng larawan sa three na may giant red reindeer, limang Christmas tree na may taas na 10 talampakan, at isang pulang bangko na perfect para sa isang masayang larawan ng pamilya o ‘barkada picture’.

Panghuli, ang SM City San Jose del Monte ay naglagay ng tunnel ng mga ilaw sa view deck bridge nito sa al fresco area na nagpapakinang ng pangkalahatang atmosphere sa Christmas malling.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

IMPULSES: Fishery fragility unfolds

By Herman M. Lagon     Poor fishing threatens Iloilo's economy and...

SOLUTIONS JOURNALISM PROGRAM ON SMALL-SCALE GOLD MINING LAUNCHED

Gibby Gorres MANILA, PHILIPPINES - Applications for a solutions journalism...

PGB reasserts ownership of 12-hectare property in Malolos

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB)...

IMPULSES: Unmasking flaws in testing

By Herman M. Lagon THE NATIONAL Achievement Test (NAT) and...