Home Blog Page 441

Puwede na ang Christmas parties, active cases sa Bulacan 549 na lang

0
Si Gob. Daniel Fernando kasama si Bokal Alex Castro at iba pang mga opisyal sa ginawang pamimigay ng Christmas goodies sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa Bulacan. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

LUNGSOD NG MALOLOS–Patuloy na bumababa ang mga kaso ng COVID-19 active cases sa Bulacan kaya naman maaari na umanong magsagawa ng mga Christmas parties ang mga grupo at opisina, pahayag ni Gob. Daniel Fernando.


Ayon sa gobernador na chairman ng Bulacan COVID-19 Task Force, sa ilalim ng maluwag na Alert Level 2 quarantine restriction ng lalawigan ngayon, maaari ng magsagawa ng Christmas party ngayong Kapaskuhan na may 70% capacity kung outdoor o al fresco at 50% kapag nasa loob ng isang room na air-conditioned.


Ganunpaman ay kailangan pa ring magsuot ng face mask, mag social distancing at maghugas ng kamay at mag-alcohol. 
Sa pinakahuling tala ng Bulacan Public Health Office, 549 na lamang ang active cases sa Bulacan at ito ay halos kadikit na ng 500 active na mga kaso Disyembre noong isang taon. Ito na ang pinakamababang tala ng active cases sa lalawigan ngayong 2021. 


Nitong Oktubre ay bumaba sa 1,000-2,000 ang active cases matapos mag-record ng all time high na 4,700 active cases bandang katapusan nitong Agosto. 


Ayon sa gobernador na namahagi ng Christmas groceries sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan kahapon, kailangan umanong lalong pag-ibayuhin ng mga Bulakenyo ang pag-iingat at ang pagbabakuna upang patuloy na bumaba ang active cases. 


Aniya, inaasahang bumaba sa mas maluwag na Alert Level 1 ang quarantine status ng Bulacan sa pagpasok ng taon kung patuloy na bubulusok pababa ang record ng active cases. 


Ayon naman kay Bulacan COVID-19 Task Force Vice Chair Dr. Hjordis Marushka Celis, nasa halos 1.2 million ng 1.8 million herd immunity target na mga Bulakenyo ang nababakunahan. Target provincial government na maabot na ang full total 70% herd immunity population o 1.8 million mga Bulakenyo ang nababakunahan ngayong katapusan ng taon upang masiguradong may proteksiyon ang lahat kontra sa mapaminsalang sakit.


Umabot sa 88,865 ang natalang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan simula Marso 2020 habang 86,869 ang recoveries at 1,447 ang confirmed deaths.

P13.6 milyon halaga ng shabu nakuha ng police sa buy-bust ops sa Bulacan

0
Iniharap ni Police Reg. 3 Director BGen Matthew Baccay ang tulak ng P13.6 million droga na si Abubakar Sandigan kasama sina Bulacan Police Director Manuel Lukban Jr., City of Malolos Mayor Gilbert Gatchalian at City of Malolos Police Chief Col. Christopher Leano. Photo by Carmela Reyes-Estrope

LUNGSOD NG MALOLOS–Mahigit 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 million ang nakuha ng mga pulis mula sa isang 31 anyos na tricycle driver sa Quiapo, Maynila sa isang buy-bust operation kaninang madaling araw.


Ayon kay PNP Reg. 3 Director PGen Matthew Baccay, si Abubakar Sandigan, alias “Kapatid,” mula sa TIP St., Barangay 311, Quiapo, Maynila ay nahuli na dala-daa ang mahigit 2 kilo ng shabu na nasa loob ng Chinese Tea bags bandang 1:35 a.m. kanina sa Barangay Tikay.


Ka-transaksiyon ang tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Malolos police sa may harapan ng Tikay elementary school, nakatakas naman ang kasama ni Sandigan na si alias “Ali” sakay ng motorsiklo. 


Ayon kay Col. Christopher Leano, acting chief of police ng Malolos, si alias Ali ang ka-transaksiyon ng kanyang mga tauhan subalit mabilis itong nakatakas at si alias “Kapatid” ang naaktuhang may dala-dala palang malaking volume ng droga.
Ayon kay Bulacan Police Director Col. Manuel Lukban Jr., kung hindi nasabat ang droga ay nakakalamang na naikalat na ito sa mga lansangan sa Bulacan.


Pinuri ni Baccay ang Bulacan police partikular ang Malolos drug enforcement unit at ang patuloy na maigting umano na operations laban sa droga ay bahagi ng Double Barrel Reload Finale ng buong PNP. 


Ayon kay Baccay, direkta ng iniimport ng mga nasa likod ng illegal drugs ang kanilang produkto dahil halos ay nasimot ng mabuwag ng pulisya ang mga drug laboratories sa maraming lugar sa bansa. Patunay umano nito ay ang pang ilang beses na nilang pagkakarecover ng shabu sa loob ng Chinese Tea bags. 


Nagpasalamat naman si Mayor Gilbert Gatchalian sa tagumpay na operasyon ng Malolos police kontra illegal na droga. Ibinalita rin ng alkalde na idineklara ng drug-free ang Barangay Cofradia dahil sa mahusay na anti illegal drug operations ng pulisya sa siyudad.


Ayon kay Lukban, sinampahan na nila ng paglabag sa Sections 5, 11 and 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act. 

Pamilya ni late Mayor Joni Villanueva, ipinaghanda ang 191 na ka birthday ng alkalde

0
Si Mayor Eduardo "Jonjon" Villanueva na personal na iniaabot ang cake sa isa sa 191 ka-birthday ni Mayor Joni. Larawan ni Anton Catindig

BOCAUE, Bulacan–Halos 200 mga ka-birthdate ng namayapang Mayor Joni Villanueva ng bayang ito ang ipinaghanda ng pamilya Villanueva  bilang selebrasyon at pag-alaala sa kanyang ika-44 na kaarawan noong Miyerkules, Nob. 24. 

Sina dating Mayor Eduardo “Jonjon” Villanueva at former CIBAC Partylist Rep. Atty. Sherwin Tugna at mga kasamang konsehales ng Team Solid na nanguna sa “Proud Ako, ka-Birthdate Kita” program sa selebrasyon ng kaarawan ng namayapang Mayor si Joni Villanueva. Larawan ni Anton Catindig


Umabot sa 191 na dumalo sa programang “Proud ako, ka- Birthdate Kita,” ang masuwerteng niregaluhan ng cake, cash gift at nahandugan ng masarap na pagkain ng pamilya Villanueva sa pangunguna ng kapatid ng namayapang mayor, dating Mayor Jonjon “JJV” Villanueva at asawa ng alkalde, dating CIBAC Congressman, Atty. Sherwin Tugna na ginawa sa JIL Compound. 


Sa lugar din iyon mismo ibinurol ang alklade na yumao May 28, 2020 matapos gupuin ng sakit sa gitna ng pamimigay niya ng ayuda sa mga kababayan sa gitna ng pandemya.

Si former CIBAC Partylist Rep. Atty. Sherwin Tugna na personal na iniaabot ang cake sa isa sa 191 ka-birthday ni Mayor Joni.  Larawan ni Anton Catindig


Ayon kay dating Mayor JJV, binuhay nila ang tradisyong pagbo-blow-out ni Mayor Joni sa lahat ng kanyang ka-birthday tuwing kaarawan nito upang patuloy na makapagpasaya ng mga kababayan at upang din hindi mabura sa isipan at puso ng mga Bokawenyo ang kanyang kapatid at ang mga programa at proyekto nito sa kanilang bayan.


Inanunsiyo naman ni Atty. Tugna na kanila pa itong palalawakin sa mga susunod pang taon. Aniya, tiyak na maligaya ang kanyang asawa na nasa langit dahil sa ipinagpapatuloy nila na kanyang pamilya ang sinimulan nitong mga proyekto para sa bayan ng Bocaue lalo na ang mga simpleng okasyon tulad nito subalit nabibiyayaan ang maraming mamamayan.

Ang mga ka-birthday ni Mayor Joni. Larawan ni Anton Catindig


Ipinalabas sa okasyon ang video ni Mayor Joni noong nabubuhay pa siya na pagdalaw sa mga residente at pagkakaloob ng mga handog kahilingan nito sa kanya sa pamamagitan ng pagsulat ng mga ito sa kanya.

Salud DepEd!

0
CATHERINE JOY G. BALATBAT Teacher III

CATHERINE JOY G. BALATBAT

Teacher III

Virgen Delas Flores High School

Baliwag, Bulacan

The whole Department of Education institution (DepEd) deserves high commendation from both its entire members, the government and  society as well for its performance in the current flexible distance learning system during this health emergency crisis brought by the COVID-19 pandemic. 


It is already the second year that DepEd implements the module system in general in all the public schools with a blended online and dominantly online in most private schools in the country.


As a teacher, DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones is one of the most brilliant, effective, efficient leaders in the cabinet of President Duterte. She was firm that classes and education of the Filipino children and the youth should not be stopped amid the pandemic. 


“Education must continue even in times of crisis whether it may be a calamity, disaster, emergency, quarantine, or even war,” she was quoted saying as she thank and appreciate the efforts of the Department of Information and Communications Technology for making this platform available in these trying times. 


Our beloved Secretary and the ranking officers and brightest personalities in the department immediately processed programs and plans under the flexible distance learning for its implementation when they decided that classes resumes October last year.

SHARE- A- TOY AT THE SM STORE

0
Sharing toys is sharing joys. All glammed with their adorable face paints, these girls happily display their pastel colored plush toys from The SM Store during the Share A Toy campaign.

SM shoppers can play Santa to less fortunate kids this Christmas in The SM Store and Toy Kingdom’s Share-a -Toy project, from November 1 to December 31, 2021

Share a Toy booths with bag of toys, play sets, educational board games and novelty will be set up in all The SM Store and Toy Kingdom branches nationwide. Here, shoppers will have the chance to bring and donate pre-loved or brand new toys that they can purchase from The SM Store’s Toy Express and Toy Kingdom.

They will be entitled to a P100 discount coupon for every item donated which can be redeemed on a minimum single-receipt purchase worth P1000.

Share a bear and spread cheer. A Toy Kingdom staff arranges bear plushies at SM City Marilao’s share a bear booth. The booth located at the ground floor of the mall features specially designed bear plushies that shoppers can purchase for only P250 per pair. One for shopper’s keeping and other to be donated to children in various communities, share-a-bear campaign will run until December 25, 2021.

These toys will be donated to thousands of less fortunate children from The SM Store and SM Foundation’s partner organization within the branch vicinities. These include organizations catering to kids 10 years old and below, schools, socio civic and government organizations, and NGOs in a simple turnover ceremony that can be also be done online.

Through the Share A Toy campaign under the SM Share Movement, The SM Store and its loyal customers join together to celebrate this joyous season of giving and hope with a generous heart as a way of bringing smiles to children and sharing the happiness and hope to them even amid pandemic. Other SM Store also campaigns like Donate a Book and Share a Gift have received overwhelming support from customers.

Share A Toy purchases and donations are also valid in-store and Call To Deliver transactions. For more updates about the SM Share Movement and ways on how you could donate, visit www.thesmstore.com and follow its social media pages @thesmstore on Facebook, Instagram and Twitter.

Collect all four bears. The cuddly SM Bears of Joy are once again here to paint smiles across faces! Buy a pair for only P250 – one goes to you and one to donate! Collect all four bears and share the joy this Christmas. Visit the SM Bears of Joy booth located at the ground level of SM City Baliwag, near Watsons

Apart from Share a toy campaign, SM Malls in Marilao, San Jose Del Monte, and Baliwag are also encouraging shoppers to put a smile on children’s faces by purchasing the SM’s Share-a-bear for only Php250 until December 25, 2021. Shoppers get to keep one bear and donate another while proceeds together with the bears will be donated to children in various communities across the country.

This year’s collection features designs inspired by four of the most common interests and hobbies that many Filipinos took up significantly during the pandemic. They are Cookie the Baker Bear, Sunny the Plant Lover Bear, Cammy the Vlogger Bear, and Journey the Biker Bear.

KEEP IN STYLE WITH ALBERTO, HAVAIANAS AT SM CITY BALIWAG

0
Havaianas, your source for all things flip-flops and stylish sandals, is now open at the ground level of SM City Baliwag.

SM City Baliwag continue to bring color to everyone’s lifestyle as it welcomes Alberto and Havaianas, the newest stylish brands in the province. 

Alberto carries a wide range of shoes, bags and accessories for men and women. Known for its variety of comfortable yet stylish shoes to match every occasion, Alberto has the most versatile pieces to choose from such as basic shoes for either work or formal gatherings, featured shoes like women’s heel sandals, wedge sandals, slingback shoes and pump shoes.  For laid back days, you may opt to grab some pieces from their collection of mules, ballerina shoes and flat sandals.

Alberto that carries a wide range of shoes, bags and accessories for men and women is now open at the ground level of SM City Baliwag.

But hey, Alberto isn’t about shoes alone as they also offer high quality bags in different kinds like handbags, clutches, belt bags, travel bags and backpacks. They also have premium belts and functional wallets to suit your needs. Visit Alberto today at the ground level of SM City Baliwag.

Aside from shoes, Alberto also offers high quality bags, premium belts and wallets to suit everyone’s fashion needs. Visit them now at the ground level of SM City Baliwag.

In addition, shoppers may rejoice as Havaianas finally lands at SM City Baliwag. The popular Brazillian brand known for its flip-flop sandals is now a few rides (or even a few walks) away with all of its exciting and newest collection now available at the store. There are classic flip flops and sandals for men, women and kids too. Shop Havaianas wide collection perfect for your holiday gift haul, or find the latest pair you have been longing to buy at their new store located at the ground level of SM City Baliwag.SM City Baliwag wraps up 2021 with exciting new stores to open until the end of the year. Stay tuned as the mall announces the arrival of Japanese-inspired brand OJO Eyewear and Japan’s pioneer Okonomiyaki and Okosoba Specialty Restaurant Chain- Botejyu.

Shopping continue to be fun with safety still on top, as SM City Baliwag will be practicing the #SafeMallingAtSM with minimum health protocols implemented for customers’ safety.

Stay updated as SM Malls gears up towards a new era of level up customer service with many options for easy, safe and efficient shopping. For more information, follow SM City Baliwag on Facebook and Instagram.

1,000 residente sa Taliptip na pagtatayuan ng New Manila International Airport tapos na sa livelihood training ng San Miguel Corp. at TESDA

0
Ang mga nagtapos na ng livelihood training sa construction sa ilalim ng SMC-TESDA partnership na sa ngayon ay pinakikinabangan na ang kanilang pinagsanayan at pinagtapusan. Larawan ng SMC.

BULAKAN, Bulacan–Umabot na sa halos 1,000 katao mula sa Barangay Talitip kung saan itatayo ang New Manila International Airport at Aerocity ng San Miguel Corporation (SMC) at iba pang coastal barangays sa bayang ito, gayundin ang nasa 300 pamilya sa Sariaya, Quezon kung saan may itatayong agro-industrial facility ang nakatapos ng mabigyan ng training para sa kanilang live;ihood progrma mula sa nasabing kumpanya katuwang ang Technical Education Schools Develioment Authority (TESDA).
Ganunpaman ay hindi kuntento dito si Mr. Ramon S. Ang, president and Corporate Operations Officer (COO) ng SMC sapagkat palalawigin pa niya ito upang mas marami pang lalawigan ang maabot habang tutulungan rin nito ang maliliit na negosyo sa Bulacan.

“As our economy starts opening up, there is an urgent need to help the poorest and most disadvantaged sectors get back on their feet. Many have lost their jobs or small businesses during this pandemic, and what we aim to do is upskill them, so they can pursue better job opportunities and help them start or restart their small businesses and allow them to participate in the economy’s growth post-pandemic,”wika ni Ang.

Kasalukuyang isinasagawa rin ang training sa General Santos City at dadalhin ito sa Bataan, Batangas, at Davao.

Binigyan rin ng kumpanya ng karagdagang capital assistance ang mahigit sa 100 pamilya sa Bulacan para sa makapagtayo o karagdagang puhunan sa kanilang mga negosyo.

Ang mga nagtapos na ng livelihood training sa welding sa ilalim ng SMC-TESDA partnership na sa ngayon ay pinakikinabangan na ang kanilang pinagsanayan at pinagtapusan. Larawan ng SMC.

Nagpasalamat si Ang sa TESDA dahil kahit na may limitasyon ang face-to-face training dahil sa pandemya ay umabot sa 1,000 katao ang sumali sa programa.

“We thank the TESDA headed by Isidro Lapena for joining us in this effort that combines the resources of San Miguel and TESDA, to work for the good of many. We are looking forward to the expansion of this program to more provinces nationwide, and seeing its transformative impact on our countrymen who are looking to recover from the pandemic,” ani Ang.

Matagal nang kasama ng SMC ang TESDA sa corporate social responsibility (CSR) programs nito sa ilalim ng San Miguel Foundation (SMF).

Sa ilalim ng MOA sa SMC ay sagot ng TESDA ang skills training, training venues, assessments, at certificates of competency.

Pinopondohan naman ng SMC ang training fees, assessment fees, at ibang pang gastusin ng trainees na hindi qualified sa regular TESDA scholarship. Sagot trin ng SMC ang transportation at food allowance sa training.

Ang mga training program na umaabot ng dalawa hanggang 36 na araw ay naisagawa sa Bulacan, Sariaya in Quezon province, at General Santos City.

Ang mga nagtapos sa SMC-TESDA partnership program ay nanggaling sa 277 pamilya mula sa Bulakan, Bulacan na dating nakatira sa Brgy. Taliptip. Nauna na silang nabigyan ng cash assistance para makapagpatayo ng sarili nilang bahay.

Kasama rin sa beneficiaries ang 302 na pamilya sa Sariaya, Quezon na karamihan ay nakatira sa

Ang mga nagtapos na ng livelihood training sa baking sa ilalim ng SMC-TESDA partnership na sa ngayon ay pinakikinabangan na ang kanilang pinagsanayan at pinagtapusan. Larawan ng SMC.

San Miguel-Christian-Gayeta Homes sa Barangay Castanas.

Itatayo ang NMIA at ang Aerocity development sa Bulakan habang sa Sariaya naman itatayo ang agro-industrial complex na may brewery, grains terminal, feedmill, a ready-to-eat food manufacturing plant, high-tech poultry facility, a fuel tank farm, at port facilities.

Kasama sa mga kurso ng SMC-TESDA program ang heavy excavator operator, electrical installation and maintenance, shielded metal arc welding, dressmaking, beads and accessories making, fish processing, dessert-making, doormat and rugs making, entrepreneurship training, bread and pastry production, hollow block making, at meat processing.

Umabot na 165 na katao mula sa 14 coastal barangays ng Bulacan ang nabigyan ng puhunan sa ilalim ng SMC additional capital assistance initiative matapos sumali sa dalawang araw na entrepreneurship program.

“While the community reselling program is successful, we’ve also diversified the kinds of businesses that can be included in the program. Future beneficiaries can avail of additional cash capital for small businesses like eateries, rice stores, fish processing, as well as online businesses. Apart from capital, we also provided them entrepreneurship training. We also have mechanisms in place to monitor their progress and make sure they have the best chances to succeed,”wika ni Ang.

Thank you and goodbye face shield

0
CATHERINE JOY G. BALATBAT Teacher III

CATHERINE JOY G. BALATBAT

Teacher III

Virgen Delas Flores High School

Baliwag, Bulacan

If there is really one thing the world would just like to end abruptly other than hatred and poverty, it is the COVID-19 pandemic and the misery, anxiety, leashes it brings to each and every individual, rich, poor, old, young, those in the blue and white collar jobs, to everyone, even death to many families.


As this disease makes our daily lives miserable, thus the restrictions it grips us, the quarantine, the minimum health protocols, the wearing of face mask, face shield.


And so the time has come, after almost two years of being imprisoned with these restrictions and while we have yet to really drop off our face masks for good, today we start resting our face shields and we hope and pray we will not put them on ever again.


Each of us had our share of stories in having to abide to wear face shields even to our dislike and discomfort. Yes, it is against our will because of the hassle of putting them on every time we will go out in public. Remember that wearing face shield other than face masks has been ruled as among the minimum health protocols.


Not a single establishment where we would get our food supply, medicines, the malls, supermarkets, dine in and even park, order and go restaurants, the line for the government ayuda, the SAP, the LAG, the community pantry, the line for for GCash, Palawan, everywhere, face shield had been a must. 


Who had not encountered to have left the face shield in his vehicle and need to rush back to wear them on because he cannot enter any establishment without it on his face. I recall several incidents when security guards will tell me that he can lend me his own face shield if I want but which made feel irritated because I know he is making a  mockery of me and making me looks like a fool. “Gusto ninyo po Ma’am ipapahiram ko po sa inyo itong face shield ko”. 


That was a joke and and an insult. Why would anyone allow himself to wear someone else’s face shield when it is body contact, our sweats and each one’s excretions that we  avoid because it is how the COVID-19 virus transmits or infect others, our fellows. 


We are left with no choice. Under the glaring rays of the sun or the cold night, we braced to walk towards our vehicle to wear our face shields. There are times we lost them and have to buy at the nearest store. 


The P3.00-P5.00 most common and ordinary face shield bought in Divisoria is sold from P8.00-P10.00-P15.00-P20.00-P30.00 depending on the place or particular site or location you are. There are those which comes even in multiple color hard plastic available both online and along the sidewalks at P90.00-P150.00 each.


Half face shields are not allowed in all stalls and one must to wear the full face ones. 


And so now, we feel we wanted to celebrate the foreseen dawn of our new normal, going back to the way we were before the pandemic, only with still our masks on. We take our face shields off. Throw them in our waste basket, burn them or clean them with water and soap and keep them for “possible future use”.


But, I am just wondering. Do we still need to keep them with us, would  you still keep yours?

SM City Grand Central magbubukas na ngayong Nobyembre 26

0
Ang SM City Grand Central sa Caloocan City ay magbubukas na sa Nobyembre 26 na angkop na pasyalan ngayong Kapaskuhan at bagong pasyalan sa Caloocan at northern part ng Metro Manila. Ito ang SM Prime Holdings Inc. 78th supermall at pangalawang SM mall sa lungsod matapos magbukas ang SM Center Sangandaan noong 2015. Larawan ng SM

Ni Christian Paul Tayag

Caloocan City, Metro Manila— Sa panahon ng Kapaskuhan ngayong darating na Nobyembre 26 ay  bubuksan ng SM City Grand Central sa siyudad na ito ang pinto nito sa mga mamimili at sa publiko para sa isang bagong exciting mall experience and recreation at the heart of the city.

Ito ang SM Prime Holdings Inc. 78th supermall at pangalawang SM mall sa lungsod matapos magbukas ang SM Center Sangandaan noong 2015.

Isang first class at highly urbanized na lungsod, ang Caloocan ay gumagampan sa isang mahalagang bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ito ang sentro ng mga aktibidad at milestone para sa mga Katipunero. Mayroon itong isa sa pinakatanyag na palatandaan na siyang monumento ng rebolusyonaryong Andres Bonifacio, na idinisenyo ng pambansang pintor na si Guillermo Tolentino.

Ang Caloocan City ay hinirang bilang isa sa mga finalist ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa listahan nito ng “most business-friendly cities in the country” noong 2019 sa loob ng apat na magkakasunod na taon. Sa ngayon, patuloy na tinatamasa ng lungsod ang mabilis na paglago ng ekonomiya mula sa mga bagong alon ng mga mamumuhunan na dumarating kabilang ang mga shopping mall.

Matatagpuan sa kahabaan ng Rizal Ave Ext, East Grace Park, ang SM City Grand Central ay magsisilbi sa mga mamimili sa progresibong lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, gayundin sa mga mamimili mula sa bahagi ng Maynila, Quezon City at Bulacan.

Ang anim na palapag na mall na may 56,000-square-meter gross leasable area ay maglalaman ng mga lokal at internasyonal na tatak. Ang SM Store at SM Supermarket ang mga pangunahing anchor nito kasama ang SM Appliance Center, Our Home, Watsons, Surplus, Sports Central, Crocs, The Body Shop, Uniqlo, at Miniso. Magkakaroon din ito ng mga fashion boutique, Cyberzone at wellness centers.

Bukod dito, ang pinakamataas na palapag ay nagtatampok ng una sa uri nito na panloob na hardin, ang The Skylight Park kung saan masisiyahan ang mga mamimili sa al fresco na kainan sa istilo na may mga bukas na berdeng espasyo. Mayroon din itong kapilya at mga multi-purpose spaces. Ang SM City Grand Central ay magkakaroon din ng anim na digital cinemas – dalawang makabagong regular na sinehan, dalawang Director’s club na mag-aalok ng premium na karanasan sa pelikula na may crystal-clear laser projection system, at sa unang pagkakataon, dalawang pribadong sinehan.

Panghuli, para sa kaginhawahan ng customer at magandang malling experience, mayroon din silang covered parking space para sa iba’t ibang uri ng sasakyan na may higit sa 800 parking slots. Magbibigay ang SM City Grand Central ng hindi malilimutang karanasan para sa lahat ng mga bisita, sila man ay mamili, kumain, maglaro, sumamba, o mamahinga lang. Higit pa riyan, ito rin ay magiging isang katalista para sa mga oportunidad sa trabaho at negosyo sa lugar.

NLEX muling nabigyan ng sertipikasyon ng ISO

0
NLEX photo

LUNGSOD NG MEYCAUAYAN–Bilang pagpapatunay sa pangako nitong patuloy na itaas ang antas ng serbisyo sa mga motorista at iba pang stakeholders, ang NLEX Corporation ay muling nabigyan ng certification para sa isa pang tatlong taon sa pagsunod sa pinagsama-samang mga pamantayan ng sistema ng pamamahala sa kalidad, kapaligiran, at kalusugan at kaligtasan sa trabaho ng mga empleyado nito.

Nakuha ng NLEX ang pinakabagong mga bersyon ng ISO 9001:2015 (Quality Management System), ISO 14001:2015 (Environmental Management System), at ISO 45001: 2018 (Occupational Health and Safety Management System) na inisyu ng DQS Holdings GmbH, isa sa nangungunang sertipikasyon mga katawan para sa mga sistema ng pamamahala sa buong mundo.

Ang sertipikasyon ng ISO ay isang pang-internasyonal na pamantayan na kumikilala sa mga kumpanyang gumagamit ng pinakamainam na mga pamamaraan upang tuloy-tuloy na magbigay ng mga serbisyo ng nakakatulong sa mga kinakailangan ng kostumer at regulasyon; pamahalaan ang mga responsibilidad sa kapaligiran; at protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa.

NLEX photo

“This is part of our continuing journey to business excellence. Our well-established management systems enabled us to adapt to changes and ensure sustainability of our operations. Though faced with the challenges of the ongoing COVID-19 pandemic, we remain committed to improve the company’s processes, preserve the environment, and care for the health and safety of our employees, with the ultimate goal of enhancing our customer service,”ani NLEX Corporation President at General Manager J. Luigi L. Bautista.

Ang NLEX ay isang ISO-certified na kumpanya mula noong 2008, na nagpapatupad ng mga streamlined na proseso at nagbibigay sa mga customer nito ng mataas na kalidad na serbisyo na sinusukat laban sa isang pandaigdigang benchmark.

“Our recertification achievement assures that despite the disruptions caused by the global health crisis, we can ensure the quality of service that we offer to our customers,” dagdag ni Bautista.

Sa isa pang pag-unlad, ang kumpanya ng tollway ay umaasa sa isa pang akreditasyon dahil kasalukuyan nitong hinahabol ang Road Traffic Safety Management System (RTSMS) o ISO 39001 certification. Ang NLEX Corporation ay nagpasimula at nagpatupad ng iba’t ibang mga programa upang itaguyod ang kaligtasan sa kalsada tulad ng patuloy na pagpapanatili at pag-upgrade ng mga asset at pasilidad ng NLEX-SCTEX; pagpapatupad ng mga batas trapiko; pagsasagawa ng mga lectures at pamamahagi ng mga materyales sa ligtas na kasanayan sa pagmamaneho at series of roadshows na humihikayat sa mga motorista na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapanatiling ligtas sa mga kalsada.

Ang NLEX Corporation ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). (Kasamang ulat mula kay Mochie Lane Dela Cruz)