Home Blog Page 442

Pandi, nagniningning dahil sa 87% herd immunity

0
Ang nangniningning na harapan ng munisipyo ng Pandi matapos pailawan ang giant Christmas Tree, hudyat ng pagbangon at bagong pag-asa mula lupit at pasakit na dulot ng sakit na COVID-19. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

PANDI, Bulacan—Pinagningning na ng mga pinuno ng bayang ito ang kanilang giant Christmas Tree sa harapan ng gusali ng pamahalaang bayan hudyat ng liwanag at pag-asa para sa pagbangon mula sa hagupit ng pamdemyang dulot ng COVID-19 simula sa darating na 2022 at sa mga susunod pang panahon. 


Lubos ang tuwa at pasasalamat ni Mayor Enrico Roque sampu ng kanyang mga kasamahang lingkod bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Lui Sebastian at mga konsehal ng bayan sapagkat ang Pandi ay natatanging bayan sa Bulacan na umabot at nakalampas na sa target herd immunity matapos na umakyat na sa 87% ang nababakunahan.


Sa edad namang 12-17 years old ay 67% na ang nabakunahan, ani ng alkalde. 


Sa mahigit na 155,000 populasyon ng Pandi ay may herd immunity o (70%) ito na nasa mahigit 115,000. Sa 87% nitong mga nabakunahan ay nasa halos 95-100,000 na ang nababakunahan. 


Ipinagmamalaking ibinalita ni Roque na kahilera ng Bayan ng Pandi ang Provincial Health Office ng maraming probinsiya at piling bayan sa rehiyon sa listahan ng Department of Health ng mga local government units na nangunguna sna maabot at malampasan ang herd immunity target at sa patuloy ring pagkakaroon ng sapat na supply ng bakuna. 

Ang lalong nagpatingkad sa hudyat ng Kapaskuhan sa Bayan ng Pandi, ang bibingka, puto bumbong at tsaa, pagkatapos pailawin ang higanteng Christmas Tree. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig


Lubos ang pasasalamat ni Roque kay Pandi municipal health officer Dra. Maricel Atal sa mabilis at maagap na programa at aksiyon nito para sa agarang pagbabakuna upang maging ligtas ang lahat ng kanilang mga mamamayan mula sa COVID-19.
Gayundin, ani ng alkalde, ang proteksiyon ng bayan sa COVID-19 dahil sa bakuna ay naisakatuparan sa tulong at pagmamalasakit ng mga volunteer na doctors  at nurses at iba pang medical front liners.


Ikinatuwa din ng alkalde ang naging magandang bunga ng desisyon niyang pagbili ng munisipyo ng mga freezers upang paglagakan ito ng mga bakuna sapagkat malaki ang naitulong nito upang magkaroon sila ng maraming supply ng bakuna. 


Ayon kay Roque, ang pagniningning ng kanilang Christmas Tree ay nagbibigay ng kumpletong pagdama sa diwa ng Kapaskuhan sa ngayong taon kumpara noong isang taon na matindi pa ang mga kaso ng COVID-19 at hindi sila nakapagsama-sama tulad ngayong taon para sa Christmas Tree lighting dahil natakot silang ang gathering nila ay maging “super spreader” ng COVID-19.


“Noong isang taon ay parang kulang ang pagdama natin sa spirit ng Pasko dahil hindi tayo nakapagsama-sama ng ganito,” aniya. 


Ang Bulacan ay patuloy at pangalawang beses ng nasa ilalim ng mas maluwag na Alert Level 2 mula Nobyembre 15-30. Nauna na ang mas magaang na quarantine status na ito noong Nobyembre 1-14. 

Extra Judicial Settlement of Estate with Partition and Sale

0

Know All Men By These Presents:

That, AMADO G. SANTOS and wife JUANITA DELOS SANTOS both died intestate respectively on Oct. 7, 1977 and April 28, 2011 respectively; 


That they left as heirs PABLO SANTOS, EUSTACIO SANTOS and RAMON SANTOS


That they left a 202 sq.m. lot property under TCT. No. 040-2016014534 in Barangay Sta. Cruz, Sta. Maria, Bulacan;


That their heirs PABLO SANTOS, EUSTACIO SANTOS AND RAMON SANTOS adjudicate equally unto themselves the said property; 


That, they SELL, CONVEY, CEDE and TRANSFER the said lot property to JOAN BALIAD MAKILING, JONA MAKILING STA.ANA, VICTORIA BALIAD MAKILING, JOVY BALIAD MAKILING and JOSIE MAKILING DRIO in the amount of P545,000 under Doc. No. 182, Page No. 38, Book No. 31, Series of 2021 of the Notarial Registry of Atty. Vladimir Mikail Reyes on April 16, 2021 in Sta. Maria, Bulacan.


NEWS CORE websiteNovember 15, 2021

Magic 7 Coop nagsoli ng pera sa miyembro subalit iginiit na walang anomalya sa LAG

0
Ang hindi na ngayon matatapos ng agaran na talipapa na pag-aari ng Magic 7 Cooperative dahil ang share capital ng miyembro nito mula sa Loan Assistance Grant (LAG) ng DSWD ay hindi puwedeng gamiting puhunang pangkabuhayan para sa grupo tulad ng kooperatiba kundi individual at agarang pangkabuhayan at hindi future investment. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

PANDI, Bulacan–Wala umanong anomalya na naganap sa paglalagak ng mga benepisyaryo ng kulang P6.9 milyong halaga na Loan Assistance Grant (LAG) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Magic 7 Cooperative Inc. kahit na iniutos itong ibalik sa kanila, ito ang mariing pahayag ng mga opisyales ng nasabing kooperatiba. 


Ayon kay Nick Cabias, chairman ng Magic 7 Cooperative, walang nawala sa nga nilagak at isinaling puhunan mula sa P15,000 na tinanggap na LAG ng 1,009 nilang miyembro sapagkat kusang loob itong ginawa upang magpatayo ng talipapa para sa long term nilang pangkabuhayan.


Gayundin, lalo ring walang anomalya dahil may sapat na pera ang Magic 7 at naibalik na nila ang pera ng halos 80% ng miyembto. 

Nag-issue ng order si DSWD Secretary Rolando Bautista noong Nob. 3 sa Magic 7 Cooperative na isauli sa 1,009 miyembro nito ang share capital nilang P3,000, P5,000 at P10,000 .


Iniutos ito ni Bautista sapagkat taliwas umano ito aa guidelines ng LAG na dapat ay pang individual at sa agarang livelihood project gagamitin ang tinanggap na P15,000 halaga na LAG at hindi pang grupo na tulad ng kooperatiba at hindi rin pang long term project. 


Ani Cabias, ang mali lamang ay hindi nila alam ang guidelines na ito ng LAG na hindi pala ito maaring gamitin para sa livelihood ng isang grupo kundi individual lamang at hindi pala ito pang-hinaharap o sa mga susunod pang buwan o taon kundi ang hangad ng LAG ay agarang tugon o tulong pangkabuhayan mula sa gobyerno, subalit wala silang anomalyang ginawa sa pera.


Nakita rin ni Sec. Bautista na nagkaroon ng kapabayaan ang DSWD Reg. 3 office sapagkat hindi nito na-liquidate ang pondong ibinaba sa Pandi at hindi rin ito nagsagawa ng progress report sa loob ng 7 araw matapos ang release ng pera.

 
Ito rin ang nauna ng obserbasyon ni Roque sa isinagawa niyang investigation sa Magic 7 Cooperative matapos na may diumano ay 15 miyembrong nagreklamo ng sapilitang pagkolekta at ipinarating ang reklamo sa Presidential Anti Crime Commission (PACC).  Aniya, kung na review ng DSWD region o kaya nag monitor ito sa kung paano ginamit ng beneficiaries ang kanilang LAG ay masasabing mali ito at hindi na naituloy. 


Ang LAG ay ipinagkaloob ng DSWD simula noong Setyembre 2020 hanggang  Marso 2021 sa 3, 521 na benepisyaryo nito sa Pandi upang tulungan sila sa kanilang pangkabuhayan matapos ang masaklap na epekto COVID-19 pandemic. 
Ang Pandi ang isa sa pinakamarami at pinaka malaki ang natanggap na LAG sa buong bansa dahil sa hiling ni Roque sa national government upang makinabang ang marami niyang kababayan lalo na ang mga informal settlers mula sa Metro Manila na inilipat sa bayang ito. 


Mayroong magkahiwalay na 192 at 1,009 beneficiaries ang nag-miyembro sa Magic 7 Cooperative at nag-share capital ng P3,000, P5,000 at P10,000 upang ipatayo ng nasabing talipapa sa Residence 3 Barangay Mapulang Lupa bilang isang maliit na long term investment o livelihood plan. 


Subalit sa hindi malinaw na pangyayari ay lumitaw nga ang diumano ay 15 miyembro na nagreklamo. 
Ikinagulat ito ni Cabias at hinihinala niyang ito ay purely politically motivated upang sirain ang pangalan ni Mayor Roque na sumusuporta sa proyekto nilang talipapa para sa isang long term livelihood ng LAG beneficiaries. 


Kaya naman sa naunang imbestigasyon si Roque ay diniin nito na ang DSWD ang nasa likod ng proyektong LAG at hindi ang munisipyo o LGU ng Pandi. 


Ang Magic 7 Coop ay itinatag ni Cabias na mula sa hanay ng homeowners kasama ang iba pa at gayundin mula sa sektor ng street and market vendors, 4P’s, kababaihan at gayundin mula sa grupo ng kabataan.


Ayon kay Cabias ay binigyan sila ni Secretary Bautista ng 6-8 months para maibalik ang share capital ng 1,009 nilang members subalit hindi matatapos ang taon o hanggang Enero 2022 lamang ay makukumpleto na nila ito. 
Bago pa man umano ang order ni DSWD Secretary ay nagsimula na silang magbalik ng pera ng malaman nilang pang individual at agaran at hindi maaring group and future investment ang isinasaad sa guidelines ng LAG.

Balut at penoy ni Kap. Ver ng Malolos isinuporta sa mga front liners at kababayan noong hard lockdown

0
Si Kap. Virgilio "Ver" San Pedro ng Barangay Lugam, Siyudad ng Malolos at ang kanyang mga balut at penoy sa kanyang farm. Larawan ni Carmela Reyes-Estrope

LUNGSOD NG MALOLOS–Walang pagdadalawang-isip na ipinamahagi ng 42 years old na negosyante at lingkod-bayan ng siyudad na ito, Kapitan Virgilio “Kap Ver” San Pedro ng Barangay Lugam ang kanyang halos ay P8-Milyon halagang balut at penoy na hindi niya na naibiyahe dahil sa hard lockdown noong isang taon dulot ng COVID-19 pandemic sa mga medical front liners, essential workers at mga kababayan.


Sa ngayon ay nakabalik na muli si Kap Ver at kanyang pamilya sa pagbibiyahe ng balut at penoy sa Visayas at Mindanao matapos na lumuwag na ang quarantine restriction ilang buwan ang nakakaraan subalit hindi niya makalimutan ang hiwaga ng buhay na kanyang dinanas sa gitna ng pinsala na idinulot ng pandemya sa kanilang hanapbuhay.


Aniya, imbis na ikalungkot niya at ng kanyang asawa at mga anak ang kanilang lugi ng hindi pagkakabiyahe ng ganoong halaga ng kanilang produkto, ibinaling niya ang kanilang atensiyon na ibahagi na lamang ang mga balut at penoy sa mga taong sadyang salat, nagugutom at grabeng naapektuhan ng pandemya kabilang at gayundin ang ang mga medical front liners at essential workers.


Imbis na titigan nya na lamang ang hindi maibibiyaheng daan-daang trays ng balut at penoy ay inutusan niya ang kanyang mga tauhan na ihatid iyon sa mga hospital sa siyudad na ito gayundin sa iba pang mga front liners tulad ng mga police, barangay tanod na nagbabantay sa quarantine control points, teachers at iba pa.


Gayundin, nagpamigay siya sa mga siyudad at munisipyo ng Meycauayan, San Jose del Monte, Sta. Maria, Bustos, Plaridel at iba pang lugar sa Bulacan.


Bukod dito ang regular niyang pagtulong at pamimigay sa kanyang mga kabarangay sa Lugam at kababayan sa Malolos kabilang ang rice and grocery food packs.


Aniya, higit na kailangan ng lahat ang pagkain lalo na noong panahon ng hard lockdown kabilang ang mga puyat at pagod na medical front liners.


Nakarating din sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang kanyang balut at penoy matapos na bumili ang isang rich donor at sinabing i-deliver niya iyon sa pinili nitong mga munisipyo doon.


Bahagi rin ng P8-milyon halagang nalugi kay Kap ay ang mga hindi niya nakolektang bayad sa mga sinuplayan niya ng mga itlog dahil na nga sa pandemya.


Si Kap ay may ilang hektaryang itikan na minana niya sa kanyang ama at kanyang itinutuloy at pinagyayaman. Ito ay mayroong  14,000 na itik na nangingitlog ng 9,000 na itlog kada araw na ginagawa nilang balut, penoy at itlog na pula. 

Bago umano mag-pandemya ay mayroon siyang 200,000 na itlog kada linggo at ibinibiyahe niya iyon sa Visayas and Mindanao. Sa dami ng kanyang sinusuplayan ay umaangkat siya sa Pampanga upang i-supply doon.


Aniya, ibang klase at mas grabe ng husto ang pahirap at lugi dala ng COVID-19 pandemic kumpara sa lugi na hatid ng bird flu ilang taon ang nakakaraan.


“Noon bird flu, after ng isang taon bawi na agad ang lugi, pero itong pandemic, inabot kami ng mahigit isang taon bago ulit nakapag-ship pero ship lang iyon, hindi pa nakakabawi iyon.  Matagal ang lugi ngayon panahon ng COVID, mabuti na lang at naipamigay namin sa mga tao na talagang nahirapan sa pagkain dahil nga sa pandemya. Iyon na lang ang pampalubag loob namin ng pamilya ko lalo na bilang ako ay isang lingkod bayan,” pahayag niya sa NEWS CORE.


Ganunpaman sa kabila ng trahedya sa pandemya ay mas lalo umano niyang naipadama sa kanyang mga kababayan sa Lugam at sa maraming lugar sa Malolos na ang pagtulong at pagmamahal sa kapwa ay lalong napapatunayan sa panahon ng krisis.

P3.5 Billion Bocaue-Balagtas diversion road papunta sa Bulakan na pagtatayuan ng airport sinisimulan ng gawin

0
Ang google map na ipinapakita ang direksiyon ng Bocaue-Balagtas bypass and diversion road mula Lolomboy, Bocaue hanggng sa Matungao, Bulakan. Mula DPWH First District Engineering Office

(Legacy project of late Bocaue Mayor Joni Villanueva)

BULAKAN, Bulacan–Sinisimulan ng gawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P3.5 bilyon halagang Bocaue-Balagtas bypass/diversion road patungo sa bayang ito na pagtatayuan ng P754-bilyon halagang New Manila International Airport ng San Miguel Corporation at magiging isang alternate route din ng mga motorista upang makaiwas sa congested at binabahang mga bahagi ng MacArthur highway ng dalawang bayan. 


Ayon kay DPWH Bulacan First District Engineering Office Chief Henry Alcantara, kasalukuyan silang nasa proseso upang i-expropriate ang anim na lote sa Barangay Matungao sa bayang ito para sa nasabing proyekto. 


Ang Bocaue-Balagtas bypass diversion road ay isang 6-km project mula Lolomboy, Bocaue na tatawid ng Barangay San Juan, Balagtas hanggang sa Barangay Matungao ng bayang ito.


Ito ay isang brain child at legacy project ng yumaong Mayor Joni Villanueva ng Bocaue sa pamamagitan ng tulong at suporta  ng kanyang kapatid, Senator Joel Villanueva. 


Ayon kay Alcantara, ang proyekto ay isang alternative route para sa mga motorista upang iwasan ang day to day bottleneck traffic sa bahagi ng Bocaue at Balagtas sa MacArthur highway dahil sa mga dumadaang trucks papasok at palabas ng Bulacan. 


Dahil sa nasabing mga trucks, ang four lanes na kalsada ay halos naging sira-sira at lalo naman umanong magsisikip ang trapiko kung pansamantalang isasara ang isa o dalawang lanes para sa kontruksiyon nito. 


Kapag nagawa na, mas bibilis na din ang biyahe sa lugar ng mahigit 20 minutos. 


Ang proyekto ay sinimulang gawin noong isang taon pa subalit nabalam dahil sa pandemya at kinaharap na concern sa anim na tatamaang lote sa Barangay Matungao kaya’t umabot sa prosesong expropriation, ayon kay DPWH Planning and Design Chief Resty Galang. Ito ay nakatakdang matapos sa 2026.

Ang mala-ilog na baha sa Bocaue-Balagtas area ng MacArthur highway tuwing umuulan na ngdudulot ng higit na traffic sa lugar. Larawan ni Carmela Reyes-Estrope


Ayon kay Engr. Iene Ontingco, in-charge sa nasbing project mula rin sa Planning and Design Section of the DPWH First District, kasalukuyan umanong nasa appraisal procedure ang government bank upang mabili ang nasabing mga lote. 


Nagsisimula na rin ang land development sa coastal areas ng Barangay Taliptip sa bayang ito kung saan itatayo ang nasabing P754-bilyon halagang airport at inaasahan din itong mag-operate sa 2026. 


Ang Matungao na huling bahagi ng bypass and diversion road ay may 10-15 km na distansiya papunta sa nasabing airport site.

Urban and mountain children welcome ease restriction with early Christmas smiles

0
Kids once again experienced the joy of Christmas during the unveiling of SM City Baliwag’s latest Holiday attraction, the Christmas Fantasy town. Photo from SM Baliwag

Urban and mountain children welcome ease restriction with early Christmas smiles

By Anton Luis Reyes Catindig 

NORZAGARAY, Bulacan–Children in the mountainous tribe community in this town and in the cities had their shares of early Christmas smiles and joy just after an ease in quarantine restrictions allowed them to go outside of their homes.

While Dumagat tribe children living in Angat Dam watershed areas in this town and adjacent Doña Remedios Trinidad (DRT) within the Sierra Madre mointain ranges live in COVID-19 free environment, they don’t have toys to play and cheer them up. 

Children in the lowland cities and municipalities on the other hand have toys and computer gadgets, yet, still, they were confided inside their homes for nearly two years and were not allowed to go out to the malls, parks and playgrounds because of the stroct pandemic restrictions.

Recently, just a couple of days after Bulacan has been placed under Alert Level 2 wherein 18 years old and below even unvaccinated can now step their feet in malls and parks, children flock the malls to breathe and experience what they have longed for in months. 

At SM mall in Baliwag, the kids were welcomed with an early bright and shining Christmas with the unveiling of a 30 feet Christmas tree perfectly installed in a marvelous 10-by-13 meter venue inspired by Christmas fantasy town.

“We are on to our second year of celebrating yuletide in the midst of a pandemic, yet the spirit of Christmas never ceases to amaze us. This year is extra special as we are finally given the chance to celebrate it with kids at the mall. That alone gives us hope, that while things may still be different from normal, we are finally gearing towards brighter days, carefully, little by little” shares SM City Baliwag Mall Manager Rodora Tolentino.  

Personnel of PNP Reg. 3 Regional Mobile Force Command under Col. Fitz Macariola during their office early Christmas gift giving to Dumagat tribe members in Sitio Dike, Barangay San Lorenzo, Norzagaray. At the background is the Angat Dam, Metro Manila’s 97% source of water. Photo by Anton Luis Catindig

In Sitio Dike, Angat Dam in Barangay San Lorenzo this town and adjacent Sitio Iyak in DRT which is within the Sierra Madre mountain range, Dumagat tribe children received toys, slippers, bags, etc. while their parents received food packs from Col. Fitz Macariola and his troop in the PNP Region 3 egional Mobile Force Battalion.

Macariola and his men and women in the battalion also brought with them a motorized speed boat to bring solar lamps to the Iyak community. 

Macariola told NEWS CORE it is the second time they held a gift giving in the Dumagat communities through the Barangayanihan Legacy Project of President Duterte and its sponsors and partners. 

Doctors without borders / Médecins Sans Frontières (MSF): Kailangang palakasin ang produksyon ng medical diagnostic tools sa Asia

0

Nina Cloei Garcia, Mochie Lane dela Cruz and Ethan Tayag

Binigyang-diin ng mga eksperto sa kalusugan at teknolohiya sa isang webinar  na pinamagatang ‘Local Production of Diagnostics to Meet Health Needs in Asia,’ na inorganisa ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) na kailangang palakasin ang produksyon ng medical diagnostic tools sa Asia, dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang COVID-19 pandemic ang nagpakita na kailangan ng maisaayos at matugunan ang kakulangan sa medical diagnostic market ng Asia. Upang mapanatili ang lokal na produksyon at matugunan ang mga lokal na pangangailangan sa kalusugan.

“The COVID-19 pandemic has clearly shown that when supply is scarce, low-and middle-income countries are at the end of the queue. More investments and actions are needed to scale up local research and development, and production capacity of quality diagnostics in low-and middle-income countries,” Ani ni  Stijn Deborggraeve, Diagnostics Advisor, Médecins Sans Frontières (MSF) Access Campaign .

Ang webinar ay dinaluhan ng humigit-kumulang 100 stakeholder mula sa Southeast Asia. Tinalakay kung paano natuklasan ng  COVID-19 pandemic ang mga limitasyon ng kasalukuyang diagnostics market, kung saan ang karamihan sa mga bansa ay umaasa sa supply ng ilang pandaigdigang manggagawa para sa mga diagnostic test, at ang mga hakbang na kailangan upang pag-iba-ibahin ang diagnostic market na may mas maraming lokal na produksyon.

“Local scientists and producers are key to inclusive and time-critical healthcare. However, they are often on their own in the journey from R&D to commercialisation. A little assistance, such as seed funding or consultation in clinical trial and production, would go a long way. With assistance, these Davids can help beat any pandemic Goliaths,” Ani ni Berlin Tran, Researcher at University of Economics Ho Chi Minh City.

Dahil sa COVID-19, maraming nagkasakit ang dumanas ng mahinang pag-access sa quality-assured diagnostics,  dahil umaasa ang mga bansa sa pag-import ng mga diagnostic test mula sa United States, Europe at mga manufacturer na may mataas na volume na nakabase sa China, India at South Korea.

Ang kaganapan ay pinangunahan ni Howie Severino, isang beteranong Pilipinong mamamahayag na isa sa mga unang pasyente ng COVID-19 sa Pilipinas at gumawa ng isang dokumentaryo tungkol sa karanasan mula sa kanyang hospital bed habang siya ay naka confine.

Pandi, umabot na sa herd immunity

0
Lulan ng mga sasakyang ito ang mga residente ng Pandi na binakunahan sa San Juan, Metro Manila. Larawan mula sa Pandi municipal government

PANDI, Bulacan–Lumagpas na sa tinatawag na herd immunity o nasa mahigit ng 110,000 ang mga nababakunahan mula sa 155,115 na mga residente sa bayang ito. 


Ayon kay Mayor Enrico Roque, nasa 70.60% na ng nasabing populasyon nila ang nababakunahan. Ang Pandi aniya ay nagbabakuna ng 2,200 kada araw at lagpas ito sa atas at tagubilin ng Department of Health na 1,950 bakuna kada araw.


Ayon sa alkalde, dahil sa tuloy tuloy pa lalo ang dating ng mga bakuna ngayon sa Pandi mula sa national government ay nakikita niyang madali nilang makukumpleto ang two doses ng nalampasan na nilang herd immunity requirement ng kanilang bayan.


Ani Roque sa NEWS CORE, mabilis nilang naakyat ang herd immunity kahit hindi pa lahat sa 70.60% ay complete two doses dahil na rin sa tulong ng Metro Manila mayors. 


Aniya, lumapit siya sa mga kaibigan niyang mayors sa Metro Manila noong hindi pa mabilis na katulad ngayon ang bumababa sa Pandi na mga bakuna dahil nag-aalala siyang mas madaling magkaka-COVID 19 at baka humantong sa kamatayan ang kanyang mga kababayan. 

Ang mga residente ng Pandi na binakunahan sa San Juan, Metro Manila. Larawan mula sa Pandi municipal government



Isa umano sa masugid na tumulong sa Bayan ng Pandi ay si Mayor Francis Zamora ng San Juan. 


Ani mayor, hinakot niya ang kanyang mga kababayan doon sa San Juan noong unang linggo ng Oktubre upang mabakunahan. 


Pinasalamatan din ni Roque ang lahat ng sumuporta at tumulong sa kanyang bayan upang mapabilis ang pagbabakuna.

Kabilang din sa mga ito ang mga negosyante at mga medical front liners na nag volunteer na libreng magbabakuna. 


Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Bulacan COVID-19 Task Force vice chair, ang Bulacan ngayon ay nasa 73-75% na ng 2.8 million required herd immunity ang nababakunahan, more than 40 % ang first dose at nasa 35% ang fully vaccinated. Ang Bulacan ay may populasyong mahigit 3.2 milyon.

Extra Judicial Settlement of Estate with Donation

0

Know All Men With These Presents:

That, ALEJANDRO R. GOMEZ, of 93 F. Pascual Street, Bgy. Daang Hari, Navotas City, died intestate on October 28, 1988; That, he left as heirs his widow FLORENCIA C. GOMEZ and children CECILIA G. SALAVARIA, EDMUNDO C. GOMEZ and EDELFLOR G. MARQUITO;

That, he left a 311 sq.m. lot property in Bgy. San Jose Patag, Sta. Maria, Bulacan under TCT No. T- 32.427 (M);

That, all the above mentioned heirs adjudicate unto themselves the said property in proper share with no claim and demand against each other and FLORENCIA C. GOMEZ donating her share to all her three children under Doc. No. 330, Page No. 67, Book No. 14, Series of 2021 through the notarial registry of Atty. Domiciano A. Pagulayan on May 27, 2021 in Balagtas, Bulacan.

NEWS CORE Bulacan website

November 8, 2021

PNP Reg. 3 officials nagpaalala na non-partisan sila sa halalan, naghatid ng early Christmas smiles sa Dumagat

0
Inihabol pa ng pulis na ito ng PNP Region 3 Mobile Force Group ang iniyakang laruan ng isang bata sa Dumagat tribe community sa Sitio Dike, San Lorenzo, Norzagaray. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Ni Carmela Reyes-Estrope at Anton Luis Reyes Catindig

NORZAGARAY, Bulacan–Bumaba ng Bulacan si PNP Reg. 3 Director Police BGen Matthew Baccay noong Biyernes para sa kanyang first command visit sa rehiyon at pinaalalahanan ang mga kabaro na patuloy na pag-ibayuhin ang pagpoproteksiyon sa mamamayan kontra krimen at sila ay dapat ding manatiling non-partisan sa darating na halalan sa 2022.


Kasabay nito ay dinayo naman ni Col. Fitz Macariola, Reg. 3 PNP Mobile Force Group commander at kanyang mga tauhan ang nasa 300 Dumagat tribe members sa Norzagaray at Doña Remedios Trinidad (DRT) para sa isang maagang Christmas gift giving sa ilalim ng Barangayanihan Legacy Project ni Pangulong Diterte.


Mainit na sinalubong ni Bulacan Police Director Col. Manuel Lukban Jr. si Baccay sa Bulacan Provincial Police Office Headquarters sa Camp Gen. Alejo Santos sa Lungsod ng Malolos na katatalaga pa lamang na bagong PNP Region 3 director noong Lunes, Nobyembre 1.

Si Police Col. Fitz Macariola, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion ng Region 3 Police Office sa isinagawa nilang early Christmas gift giving sa Dumagat tribe community sa Sitio Dike, Angat Dam, Barangay San Lorenzo, Norzagaray. Larawan ni Anton Catindig


Binati ni Baccay ang buong puwersa ng kapulisan ng Bulacan sa maigting na performance laban sa lahat ng uri ng krimen at hinimok niya itong lalo pang pagbutihin ang ganitong mataas na kalidad ng trabaho. 


Sinabi niya na dapat ang mga chiefs of police ay two steps ahead kontra krimen upang maging ligtas ang pamayanan. 


Gayundin, pinaalalahanan niya ang kanilang hanay na sila ay dapat na manatiling non-partisan sa darating na halalan. 

Masaya ang mga nanay at mga chickiting sa food packs at munting regalong laruan at bagong tsinelas handog ng Barangayanihan legacy project ni Pangulong Duterte. Larawan ni Anton Catindig


“Bilang tayo ay mga deputies ng Commission on Elections sa panahon ng halalan, tayo ay dapat na impartial at non-partisan. Bilang pangunahing law enforcement ng bansa, ang lahat ng ating resources ay dapat nating ituon para sa pagkakaroon ng peaceful and orderly election,” aniya.

Binalaan niya rin na ang sino mang miyembro ng kanilang hanay na magbibigay ng batik at sisira sa imahe ng organisasyon ay tatanggalin.

Si Franz Liam Arabia, spokesperson ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo at ambassador ng National Task Force-End Local Armed Conflict Affairs (NTF-LCAC) kasama ang ilang mga bata at residente sa Dumagat community sa Angat Dam area, San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan. Larawan ni CRE

Habang nasa Camp Alejo si Baccay, nagdala naman ng maagang ngiti sa labi at sa puso ng mga Dumagat tribe lalo na sa mga bata sa kanilang komunidad sa kabundukan sa Sitio Dike, Barangay San Lorenzo, Norzagaray at Sitio Iyak, Barangay Kabayunan, DRT si Col. Fitz Macariola, Force Commander ng PNP Regional Mobile Group Command kasama ang kanyang mga tauhan. 

Nasa 300 food packs, tsinelas, toys, bags, clothes ang ipinamigay sa dalawang sitios. Nagdala rin ng sariling banka ang mobile force group upang ihatid sa kabilang Sitio Iyak ang nasabing packs of goods. Kabilang sa inihatid na regalo sa Sitio Iyak ay ang 6 na solar lamps.

Ayon kay Macariola, ikalawang beses na nila iyong ginawa sa lugar sa ilalim ng Barangayanihan Legacy Program ni Pangulong Duterte at sa pamamagitan ng mga private partners na naghandog ng mga ipinamigay. 

Kasama rin sa mga serbisyong handog ng ating mga kapulisan ang libreng gupit para sa mga Dumagat. Larawan ni Anton Luis Catindig

Sakop din ng trabaho ni Macariola ang pagbabantay sa kabundukang lugar sa rehiyon, partikular ang Angat Dam sa Bulacan, kung saan, ang paligid ng reservoir na ito ay pinaninirahan ng tribong Dumagat. 

“Hindi ito ganoon kadami, ito ay abot lang sa nakayanan namin, pero marami rin tayong napasaya at naramdaman namin ang saya sa kanilang puso na nadalaw natin sila kahit sila ay nasa bulubunduking lugar, dinalan natin sila ng kahit kaunting pagkalinga,” ani Macariola sa NEWS CORE.

Halos mag-agawan naman sa mga laruan ang mga bata at tuwang tuwa sila ng makakuha nito. Ang ibang umiyak pa dahil hindi nakuha ang gusto nilang laruan ay partikular na nilapitan ng mga pulis upang bigyan.