Home Blog Page 444

Food drive ng San Miguel Corp sa urban poor communities patuloy pa rin

0

MANILA–Umabot na sa halos 2 milyong piraso ng nutribun at pandesal breads ang naipamigay na ng San Miguel Corporation (SMC) sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan tulad ng Bulacan habang mahigit sa 200,000 na pamilya mula sa urban poor na lugar sa Maynila ang patuloy na nakakatanggap ng food aid mula sa kumpanya.

Bagamat ang pokus ng kumpanya nitong nakaraang mga buwan ay sa pagpapabakuna ng mga empleyado nito laban sa COVID-19, patuloy pa rin ang pagtulong nito sa mga mahihirap na naapektuhan ng pandemya, ayon kay SMC president Ramon S. Ang.

“While vaccinating our employees and deploying medical personnel to various public vaccination sites became our focus these past couple of months, we never left our disadvantaged countrymen who are still struggling to cope with the pandemic. Many of our employees continue to devote their time and effort to make sure San Miguel can at least help the poorest of the poor avoid hunger on a daily basis,” wika ni Ang.

Magmula Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan ay nag-distribute na ang San Miguel Mills ng 1,895,826 na piraso ng nutribun at pandesal sa iba’t ibang lugar. Kasama na dito ang kabuuang bilang na 8,000 na nutribun na pinapadala kada linggo sa Malolos, Tondo, Payatas, at Caloocan City sa pamapagitan ng Petron stations sa mga lugar na ito.

Sa pamamagitan ng SMC Better World Tondo ay nagbigay na ang kumpanya ng kabuuang 168,180 meals 74,099 grocery packages sa 211, 253 na pamilya, simula noong September 2019.

Ang nutribun ng San Miguel ay mataas sa dietary fiber at puno rin ng iron at iodine. Ang mga tinapay ay niluluto sa pasilidad ng SMC sa Sta. Rosa, Laguna at Pasig City.

“With the help of local government units, the Diocese of Malolos, Gawad Kalinga, and Philippine Business for Social Progress (PBSP), and other partners, we’ve managed to distribute breads where they are most needed, to ensure that the poorest of our countrymen don’t go hungry during these difficult times,” wika ni Ang

“We thank our partners for continuing to support us in our various pandemic response activities. It is important that we work together and help each other, continue to observe health protocols, and get vaccinated when our turn comes to win over this pandemic,” dagdag nya.

Mayor Roque namahagi ng educational assistance sa mga scholars na Pandieños

0

Ni: Cloei Garcia

PANDI, Bulacan–Personal na ipinamahagi ni Mayor Enrico A. Roque ang first tranche ng P5,000 worth cash assistance sa ilalim ng Educational Assistance and Reward Program para sa 2,000 scholars na Pandieños.

Aabot sa P10 milyon ang total na halaga ng scholarship fund na tig P2,500 sa dalawang tranches para sa isang taon sa 2,000 mga scholars.

Katuwang ni Roque sa pamamahagi sa kabataang Pandienos ang Team Puso at Talino na sina Konsehal Jonjon Roxas, Konsehal Kat Marquez, Danny Del Rosario, Monette Jimenez, Konsehal Ronald Sta.Ana, Kon. Potpot Santos, Kon. Wilma Parulan, at si Vice Mayor Luisa Sebastian.

Labis ang tuwa ng mga scholars o kung tawagin ay iskolar ng bayan at pati na rin ang kanilang mga magulang na sa kabila ng pandemyang nararanasan ay patuloy ang Team Puso at Talino sa pamumuno ni Mayor Roque na nagbibigay tulong pinansyal para sa kanilang edukasyon.

“Sa mga magulang at iskolar, sana po kung papaano namin patuloy na ipinaglalaban na magkaroon kayo ng mumunting ayuda buhat sa lokal na pamahalaan ay ganun din n’yo pagsumikapan ang inyong pag-aaral. Patuloy po kaming magiging kaagapay ng bawat isang magulang at mag-aaral sa pagtupad ng inyong mga pangarap,” ani Roque.

Sa ating mga iskolar, patuloy kayong magsumikap at maging masigasig sa pag-abot sa inyong mga pangarap para sa sarili ninyo at lalo’t higit sa pamilya ninyo.

Asahan ninyong kasama at kaagapay ninyo ako at ang buong Team Puso at Talino patungo sa inyong mga pangarap at mithiin.

Bulacan nagsagawa ng bakuna kontra tigdas, etc.

0
Bukod sa mga pagbabakuna kontra COVID-19, tigdas at iba pang sakit, abala rin si Gob. Daniel Fernando sa pamimigay ng ayuda. Kuha ang larawang ito noong isang buwan ng mamigay ang Capitolyo ng ayuda sa mga taga Barangay Sto. Rosario, Lungsod ng Malolos. NEWS CORE file photo

Ni Rolly Alvarez

LUNGSOD NG MALOLOS—Nakiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pagsasagawa ng community immunization program ng Department of Health para labanan ang MR-TD o Measles (Tigdas), Rubella, Tetanus, Diphtheria (MR-TD) na sinimulan noong Oktubre 19.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Gob. Daniel Fernando ang mga magulang na hayaang mabakunahan ang kanilang mga anak lalo na ngayong humaharap ang lahat sa banta ng COVID 19. Aniya, posible umanong magkaroon ng outbreak ng naturang mga sakit sa lalawigan kung hindi sila mababakunahan.

“Ayon po sa mga pag-aaral ng mga epidemiologist, sa darating na taong 2022 o 2023 ay posibleng magkakaroon ng measles outbreak sa ating bansa dahil nangyayari ito tuwing tatlong taon; ang huling measles outbreak po ng bansa ay taong 2019. Mga kababayan ko, huwag po nating hayaan na mangyari ito na magkarooon ng panibagong outbreak sa ating lalawigan. Hinihikayat ko po ang mga tagapag-alaga at mga magulang na pabakunahan po ninyo ang inyong mga anak,” ani Fernando.

Layunin ng programang ito  na palawakin ang saklaw ng vaccination sa mga target na populasyon, pagpapatupad ng libre, ligtas at mabisang bakuna para sa mga bata mula 6-7 at 12-13 taong gulang upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na may kinalaman sa MR-TD at ang pakikiisa ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan sa pagtulong at pagsasagawa ng pagbabakuna sa bawat komunidad. Upang magabayan ang lokalidad, naglabas ng Memorandum No. 2021-0383 ang Department of Health o ang ‘Guidelines in the Conduct of 2021 Community-Based Rubella—Tetanus Diphtheria Immunization during COVID-19 Pandemic’ upang masiguro na  ang mga pamahalang lokal at mga health worker ay makapagpatupad nang maayos na immunization services kasabay ng kasalukuyang pagbabakuna para sa COVID-19.

Mahigit P500,000 halaga ng shabu at marijuana kumpiskado sa 5 suspek

0
Ang mga nakumpiska na droga at mark money mula sa mga suspek. Larawan mula sa Bulacan Provincial Police Office

Ni: Christian Paul S. Tayag

CAMP GEN ALEJO, SANTOS, Bulacan — Mahigit P500,,000 halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam ng pulisya mula sa limang mga suspek sa iligal na droga sa sabay na buy-bust operation sa iaba’t ibang bayan nitong Martes.

Ayon kay Bulacan PNP Provincial Director PCOL Manuel M. Lukban Jr, 55 gramo ng shabu na nagkakahalagang P374,000 and nasamsam mula kay Gregor Maclam at P136,000 halagang shabu naman mula kay Wilson Laureta mula Caloocan City sa isang buy-bust operation sa Barangay Graceville City of San Jose del Monte.

Sa Barangay Sabang, Baliwag, nasamsam kina Jeffrey Salinas at Cesar Reyes ang 2.33 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P15,844 at isang sealed brick ng marijuana na nagkakahalaga ng P20,000 habang 12 heat-sealed plastic sachet naman ng shabu na nagkakahalaga ng P12,000 ang nasamsam ng mga pulis kay Christopher Lazaro na mula sa Barangay Lumand Bayan sa Plaridel Bulacan.

Labindalawa pang iba ang naaresto sa magkatulad na operasyon ng buy-bust sa ibang mga bayan. Narekober din ng pulisya ang mga baril, motorsiklo at mga parapernalyas kasasama ang buy-bust money.

Patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, pasan sa balikat ng ordinaryong manggagawa

0
RICHARD "KUYA PONYONG" D. GLIPONEO

RICHARD “KUYA PONYONG” D. GLIPONEO

Marcelo H. Del Pilar National High School

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, patuloy din ang pagdami ng bilang ng mga walang trabaho dahil sa pandemya. Tinatayang nasa tatlong milyong Pilipino ngayon ang walang trabaho. Marami ang umaasa sa patubuang utang maitawid lamang ang kalam ng sikmura at ang pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Kaya ang tulad ko ay mapalad sapagkat bukod sa marangal na hanapbuhay ang pagiging janitor, matagal ko na itong hanapbuhay na siyang nagtaguyod sa aking pamilya. Bagama’t pandemya, ay patuloy pa rin akong nakapaghanapbuhay para sa aking pamilya.

Mayroon mang mga industriya na kasalukuyang nagbubukas dahil sa pinaluwag na community quarantine, skeletal naman ang sistema ng pagpapapasok nito. Ibig sabihin, hindi lahat ay pinapayagang pumasok ng pisikal sa pinagtatrabahuhan kung kaya’t nauso ang salitang “work from home.”

Ngunit, paano naman ang mga ordinaryong mangagawa tulad ng janitor, factory worker, security guard, tindera at iba pang hindi naman di-kurbata ang damit?

Hindi rin naman masisisi ang industriya ng iba’t ibang produksyon ng pagkain dahil sa nais rin nilang makabawi mula sa pagkalugi dulot ng pandemya. Ngunit sana’y gumawa ng aksyon ang pamahalaan upang sila’y matulungan nang hindi sa kustomer nila bumabawi upang makaahon sa pagkalugi.

Ito’y isang babala na din para sa ating mga Pilipino na ngayong darating na eleksyon, huwag tayong mabulag sa perang itatapat upang presyuhan ang ating boto. Ang nangyaring pagkagutom at paghihirap natin dahil sa krisis dulot ng COVID 19 ay paalala na maghalal tayo ng lider na may kahandaan. Mga magsusulong ng batas na may plano upang hindi na muling maulit pa ang ganitong pangyayari dahil sa hindi naging handa ang gobyerno sa krisis na darating.

SM nagbahagi ng mga kapote at pagkain sa mga traffic enforcers sa San Jose Del Monte

0
SM City San Jose del Monte Assistant Mall Manager na si Maria Angeli Luna ang isa sa mga tumulong sa pamamahagi ng mga kapote at meryenda sa City Traffic Management Group (CTMG) bilang bahagi ng SM Supermalls na ‘100 Days of Caring and Giving.’

Ni: Mochie Lane M. Dela Cruz

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE – Nasa 100 traffic enforces ang tumanggap ng mga kapote at pagkain sa ilalim ng proyekto ng SM Supermalls na “100 Days of Caring and Giving” tungo sa Pasko.

Ang Inisyatibang hakbang na ito mula sa SM City San Jose del Monte ay bahagi lamang ng adbokasiya ng SM Supermalls na ibalik ang higit sa 10,000 target na beneficiaries tulad ng mga frontline workers, delivery rider, mga displaced tricycle at jeepney drivers, magsasaka, mangingisda, at maging ang mga katutubo .

Ang mga ngiti ay hindi maitatago ng face mask sa mukha habang ipinakita ng mga miyembro ng City Traffic Management Group ang kanilang mga bagong kapote mula sa SM City San Jose del Monte.

Sa kanyang maikling mensahe habang namamahagi ng regalo, nagpasalamat si Assistant Mall Manager Maria Angeli Luna sa lahat ng mga traffic enforcer, partikular ang mga nakatalaga sa Quirino Highway kung saan matatagpuan ang SM City San Jose del Monte. “We thank you for always helping us and our customers,” sambit nito. “We hope these raincoats can somehow help you especially during rainy days,” dagdag pa niya.

Bago ang SM City San Jose del Monte, iba pang mga SM malls sa Quirino Highway – SM City Fairview at SM City Novaliches, at iba pang SM Malls sa Bulacan – namahagi rin ang SM City Marilao, SM City Baliwag, at SM Center Pulilan ng mga care package at pares ng sapatos sa iba’t ibang mga pangkat ng pampublikong transportasyon at mga delivery riders.

Pinagtabing Negosyo Center at B.O.S.S., binuksan sa San Ildefonso

0
Binuksan na ang Negosyo Center sa San Ildefonso na katabi ng bagong gawa na Business One Stop Shop (BOSS) sa San Ildefonso Commercial Complex (SICC) na pag-aari ng pamahalaang bayan. Target na lalo pang mapabilis ang mga proseso sa pagkuha ng business names at business permits. (Shane F. Velasco)

Ni Shane F. Velasco

SAN ILDEFONSO, Bulacan (PIA) – Sabay na binuksan sa San Ildefonso ang magkatabi nang mga tanggapan ng Negosyo Center ng Department of Trade and Industry (DTI) at Business One Stop Shop (BOSS) ng pamahalaang bayan.

Matatagpuan ito sa ikalawang palapag ng San Ildefonso Commercial Complex (SICC) kung saan mayroon itong malaki at maaliwalas na espasyo. Ang SICC ay ipinatayo, pinapatakbo at pag-aari ng Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso upang mapagkunan ng karagdagang pondo bukod sa nakokolektang buwis at Internal Revenue Allotment (IRA).

Ayon kay DTI-Bulacan Provincial Director Edna Dizon, napapanahon ang pagbubukas nitong Negosyo Center sa San Ildefonso, na pang-22 sa Bulacan, ngayong bagong lipat ang B.O.S.S. ng pamahalaang bayan.

Naaayon aniya ito sa mga repormang pang-ekonomiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bisa ng Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act. Naglalayon ito na mas pabilisin ang lahat ng mga sistema sa pamahalaan partikular na ang may kaugnayan sa hanapbuhay.

Sinabi ni Mayor Carla Galvez-Tan na target ng pamahalaang bayan na lalo pang mapabilis ang mga proseso sa pagkuha ng bago o renewal ng mga business permits sa pagbubukas nitong B.O.S.S. Sa ngayon, nasa isa hanggang dalawang araw ang proseso sa  bagong business permit at isang araw kung renewal.

Matatagpuan na sa San Ildefonso Commercial Complex (SICC) ang Business One Stop Shop (BOSS) na bagong kuhanan ng mga renewal at bagong business permits. Katabi nito ang bagong bukas din na Negosyo Center kung saan pwede nang makakuha ng business names sa Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na kailangang sumadya sa San Rafael o sa Malolos. (Shane F. Velasco)

Sa pagbubukas ng Negosyo Center kasabay ng B.O.S.S., kung saan kumukuha naman ng mga business names sa DTI, tinatarget na mapabilis pa sa isang araw ang naturang mga proseso.

Uubra ring dito gawin ang mga serbisyong may kinalaman sa business advisory gaya ng mga nais makahiram sa Small Business (SB) Corporation ng DTI ng karagdagang puhunan, kasanayan para mapalawak ang merkado at maitaas ang antas ng kalidad ng isang produkto.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Mayor Tan na ang pagkakatabi ng Negosyo Center at ng bagong B.O.S.S ay pakikinabangan agad ng mga bagong micro, small and medium enterprises sa San Ildefonso.

Pangunahin dito ang 25 na indibidwal na pinagkalooban ng E-Bikes upang magkaroon ng hanapbuhay sa paglalako. Pinondohan ito ng halagang P5 milyon mula sa Local Government Support Fund (LGSF) ng Department of Budget and Management (DBM).

Iba pa rito ang halagang P3 milyon mula sa tanggapan ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na inilaan sa 50 benepisyaryo upang makapagbukas ng mga Sari-Sari Store na may kasamang Bigasan. May pasunod pa itong P2 libong karagdagang puhunan mula sa pamahalaang bayan.

Samantala, inaasahan din ang pagdaragdag ng bilang ng mga MSMEs na gagawa ng mga produkto sa ilalim ng One Town, One Product (OTOP) Next Generation Program ngayong nagsimula na ang pagtatayo ng Pasalubong Center sa San Ildefonso. (SFV/PIA-3/BULACAN)

Bagong southbound lanes ng Plaridel Bypass, 47.8% na ang nagagawa

0
Nasa bahagi na ng San Rafael ang ginagawang konstruksiyon ng bagong southbound lanes nitong Plaride Bypass Road. Prayoridad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos sa Enero 2023 ang unang pitong kilometro o mula San Rafael hanggang sa Bustos. May kabuuang 24.61 kilometro ang ilalatag na bagong southbound lanes, na kapantay ng kasalukuyang salubungang daan na magiging northbound lanes kapag nakumpleto ang proyekto. (Shane F. Velasco)

Ni Shane F. Velasco

SAN RAFAEL, Bulacan (PIA) – Umabot na sa bahagi ng San Rafael ang konstruksiyon ng bagong dalawang linya na southbound lanes ng Plaridel Bypass Road.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH)-Central Luzon Regional Director Rosseler Tolentino, target matapos sa Enero 2023 ang unang pitong kilometro mula sa San Rafael hanggang sa Bustos na ngayo’y nasa 47.8% na ang nagagawa.

Nauna nang natapos ang 1.2 kilometrong second viaduct na tumatawid sa Angat River na nasa hangganan ng San Rafael at Bustos. Bahagi ang second viaduct na bumabaybay sa magiging bagong southbound lanes nitong Plaridel Bypass. Tapos na rin ang bagong dalawang linya sa bahagi ng Bustos na idudugtong sa ginagawang Bustos Flyover.

Layunin ng proyekto na makapagpadaan nang mas marami pang mga sasakyan sa kabuuan ng 24.61 kilometrong Plaridel Bypass Road.

Nasa bahagi na ng San Rafael ang ginagawang konstruksiyon ng bagong southbound lanes nitong Plaride Bypass Road. Prayoridad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos sa Enero 2023 ang unang pitong kilometro o mula San Rafael hanggang sa Bustos. May kabuuang 24.61 kilometro ang ilalatag na bagong southbound lanes, na kapantay ng kasalukuyang salubungang daan na magiging northbound lanes kapag nakumpleto ang proyekto. (Shane F. Velasco)

Kapag natapos ang bagong southbound lanes, o ang partikular na dalawang linya mula sa San Rafael hanggang sa Balagtas Exit ng North Luzon Expressway (NLEX), ang kasalukuyang salubungan na Plaridel Bypass Road ay magiging northbound lanes na.

Ibig sabihin, magkakaroon ng partikular na dalawang linya mula sa Balagtas Exit ng NLEX papuntang San Rafael. Tinatayang makukumpleto ang proyekto sa susunod na dalawang taon. Nagsisilbing bagong alternatibong daan ito ng mga motorista mula sa NLEX na patungo sa hilagang-silangang bahagi ng Bulacan at maging sa Nueva Ecija.

Pinondohan ito ng P4.3 bilyong Official Development Assistance (ODA) ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Resulta ito ng ikalawang official visit sa Japan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Oktubre 2017 bilang suporta sa Build-Build-Build Infrastructure Program. (SFV/PIA-3/BULACAN)

Sen. Villanueva: DOH, may 14,000 unfilled plantilla positions, naghahanap pa rin ng P3.8-B para kumuha ng healthcare workers

0
Si Senator Joel Villanueva sa nakaraang TUPAD Payout sa lalawigan ng Bulacan. Larawan ni Anton Luis Catindig

Ni: Cloei Garcia

MANILA—Pinuna ni Senator Joel Villanueva, chairman ng Senate labor committee ang tila magkasalungat na numero ng Department of Health’s (DOH) sa hiring system nito na humihingi ng P3.8 bilyong pondo upang kumuha ng mga karagdagang tauhan sa ilalim ng emergency hiring program, habang nananatili pa rin na may higit 14,000 unfilled positions sa departamento.

Hiningi niya sa mga representatives ng DOH  sa budget hearing nito, na magbigay ng isang update sa  rekomendasyon na ginawa niya sa pamamagitan ng Senate Blue Ribbon committee para sa mga kontrata ng mga frontline healthcare workers upang mapahaba ng kahit isang taon.

Tinanong niya ang DOH kung mayroong anumang pagsisikap, sa koordinasyon ng Civil Service Commission (CSC), na kumuha ng mga regular na manggagawa sa halip na kontraktwal.

“We cannot determine if we are nearing the end of the pandemic,”sabi ni Villanueva sa pagdinig.

Aniya, mahalaga para sa DOH na magkaroon ng isang sistema na makakatugon sa mga pangangailangan ng pandemic response sa bansa.

Kung ang mga kontraktwal na empleyado ay tinanggap muli, sinabi ni Villanueva na dapat din silang maging qualified upang makatanggap ng mga special risk allowance (SRA), hazard duty pay at iba pang mga allowance na ibinibigay sa mga healthcare workers na may regular na panunungkulan.

Humingi din siya sa DOH na magbigay ng isang update, tungkol sa SRA at iba pang mga allowance dahil may mga healthcare workers na nabigyan na.

Sinabi ni Villanueva sa huling pagdinig tungkol sa budget ng DOH, na ang departamento ay may request na pondo na magmumula sa Department of Budget and Management (DBM) para sa SRA ng hindi bababa sa 85,000 na mga healthcare workers.

Sinabi niya na ang paglabas ng SRA at iba pang mga benepisyo para sa mga frontliners laban sa COVID ay dapat na pare-pareho para sa lahat ng mga health workers.

“There will be a lot of factors that will determine the risks involved in a risk-based classification of grant of COVID-19 benefits,” Villanueva said. “It would be difficult to ascertain this because this may vary depending on whether a surge may occur in a particular area,”sabi ni Villanueva. 

PDP Laban: Candidate’s substitution hindi insulto sa Electoral process

0

Ni: Christian Paul S. Tayag

MANILA–Itinanggi ni PDP Laban Secretary General Atty. Melvin Matibag ang paratang na ang mga political parties na gagamitin ang panahon para sa substitution ng kanilang mga standard bearers sa national election sa taong 2022 ay gumagawa ng pang-iinsulto sa proseso ng halalan.


Nauna nang itinanggi ng nangungunang partido ang mga haka-haka na ang kanilang kandidato sa pagkapangulo na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ay isang “placeholder” lamang para sa anak ng pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte.


Binigyan diin din ni Matibag na si Dela Rosa, na nag-file ng kanyang certificate of candidacy noong huling araw ng filing ay hindi isang “last-minute candidate” dahil nasa listahan siya ng mga posibleng kandidato sa pagkapresidente ng partido mula nang simulan nito ang internal selection process.


Ayon kay Matibag, “If the real intent of the Omnibus Election Code envisioned only those who will die along the way or be disqualified, then why didn’t the lawmakers just state so? It’s that simple. If the law is clear there should be no room for interpretation”. 

Isinasaad sa Artikulo IX, Seksyon 77 ng Omnibus Election Code, “If after the last day for the filing of certificates of candidacy, an official candidate of a registered or accredited political party dies, withdraws or is disqualified for any cause, only a person belonging to, and certified by, the same political party may file a certificate of candidacy to replace the candidate who died, withdrew or was disqualified.”


Sa ilalim ng Commission on Election’s calendar sa halalan para sa sa 2022, ang pagpapalit para sa isang kandidato sa isang pambansa or lokal na post ay maaaring payagan pagkatapos ng panahon ng pag-file ng Certificate of Candidacy (COC) hanggang ika-15 ng Nobyembre taong 2021.


Binigyang diin din ni Matibay na, “It’s not a mockery of the elections law if the political parties use every available legal option, or time, for them to finally decide the candidates to field,” Sinabi ni Matibag na naghahanda ang PDP Laban na ilabas ang caravan nito upang mangampanya para sa tandem ni Dela Rosa at ng kanyang running mate sa pagka bise presindente na si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go. Gayumpaman, sinabi niya na walang mali kung magpasya ang partido na magkaroon ng kapalit si “Bato” sa ngayon o bago ang ika-15 ng Nobyembre.


Sinabi rin ni Matibag na, “The Comelec resolution allows for substitution up to November 15. That is a process that we have to respect and recognize,”

Binigyang diin niya na ang mga deadline ng Comelec ay mayroong “certain logic” sa kanila, na nabanggit na ang deadline na hanggang ika-15 ng Nobyembre ay nangangahulugang ang Comelec ay may sapat na oras upang mai-print ang mga balota na naglalaman ng pinal na listahan ng mga kandidato.


Ayon pa rito, ang isyu ng pagpapalit ay hindi magiging mahalaga kung hindi pa nanalo si Pangulong Rodrigo Duterte noon 2016 bilang isang kapalit na kandidato para sa PDPD Laban.


“Any political party can opt to utilize the rule on substitution as it is allowed by law. It is available to everyone without distinction. A mockery is when rules are not applied equally. And every party is entitled to employ its own political strategies”. 


Dagdag ni Matibag na, “Just like the Liberal Party Chairperson choosing to run as an independent candidate and changing her color from yellow to pink. In short, anyone in the political game may employ a strategy as long as it is within the bounds of the rules”. 


Gayunpaman, tumanggi na magbigay ng komento si Matibay ukol sa pag-amin ng ehekutibo ng Lakas-CMD na si Prospero Pichay na inilagay nila ang mga kandidato na “place holder” na sina Anna Capella Velasco (Pangulo) at si Lyle Fernando Uy (Bise presidente) dahil sa “fluidity” ng sitwasyon. Sinabi ni Pichay na tinitingnan nila ang posibilidad na kuhanin alinman vkay Mayor Sara Duterte o Bongbong Marcos.


“I cannot comment on the Lakas-CMD actions since this concerns a party decision which candidates to field, endorse or adopt. But of course, we are always open to alliances to help PDP Laban candidates,” Sabi ni Matibag. Ang kontrobersya sa isyu ng papapalit ng mga kandidato ay nag-udyok sa isang mambabatas sa House of Representatives na sabihin na ipapanukala niya ang isang amendment sa batas na magbibigay ng pagbabawal sa pagpapalit maliban kung ang kandidato na hinirang ng isang political party ay namatay o na-diskwalipikado bago ang araw ng halalan.