Home Blog Page 445

57 traktora sa ilalim ng Rice Tariffication Law ipinamigay sa 44 farmer’s coop

0
Ceremonial na sinakyan ni Gob. Daniel Fernando ang isa sa 57 na mga farm machinery na ipinagkaloob ng national government sa 44 farmer's cooperatives at LGU's sa lalawigan sa ginawang distribution nito kahapon sa harap ng Capitol Gym. Larawan ni Mac Eleogo.

Nina Carmela Reyes-Estrope at Mac Eleogo

LUNGSOD NG MALOLOS–Nasa 44 farmer’s cooperatives and groups kabilang ang ilang LGU’s sa lalawigan ang tumanggap ng 57 Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Farm Machineries sa ilalim ng Rice Trariffication Law upang tulungan ang mga magsasaka na mapalakas ang mga pananim at mga ani nito. 


Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando ang pagtanggap sa mga ito kasama pa ang 26 Four-wheel Tractors, 18 Rice Combine Harvesters, 5 Hand Tractors, 3 Riding-type Transplanters, 2 Rice Reapers, 2 Rice Threshers, and 1 PTO Driven Disc Plow/Harrow mula kina Deputy Director Engr. Don David Julian ng Department of Agriculture-PhilMech at representatives ni Sec. William Dar, Regional Executive Director Crispulo Bautista, Jr. ng DAR Region 3 at Mrs. Leony Marquez mula sa opisina ni Senator Cynthia Villar kahapon ng umaga sa Capitol Gym. 


Kasama din ni Gob. Fernando na tinanggap ang nasabing mga ayudang kagamitan sa pagsasaka sina Bulacan Third and Second District Congressmen Lorna Silverio at Gavini Pancho. 


Ayon kay Fernando and mga ipinamigay na kagamitan ay hindi lamang tutulong mapataas ang produksiyon at ani ng mga magsasaka sa Bulacan kundi isang malaking pagpaparamdam ng patuloy na malakas na kalinga at suporta ng pamahalaan sa industriya ng sakahan.  


Aniya, ang programa ay malaking katuwang ng kanyang kasalukuyang proyekto na pagtatayo ng Bulacan Agriculture  Farmers Training Center sa Capitolyo upang lalong matulungan at maturuan ang mga magsasaka maging kanilang mga anak ng mga bagong approaches and techniques sa sakahan at upang lalo pang palakasin ang agriculture entrepreneurship sa lalawigan.

Kasama ni Gob. Daniel Fernando sina Third and Second District Congressmen Lorna Silverio and Gavini Pancho at mga farmer’s coop leaders na tinanggap ang 57 farm machineries. Larawan ni Mac Eleogo


Paliwanag ng gobernador, dahil sa pandemya ng COVID-19, muling napaalala sa ating lahat ang kahalagahan ng pagkain sa ating bakuran, tulad ng bigas, gulay at paghahayupan at marami ang mga industriya at hanapbuhay na umusbong na may kinalaman sa agrikultura at pagkain. 


Kaya naman, aniya ay dapat itong lalong palakasin kahit pa matapos na ang pandemya sapagkat nakapagbibigay ito ng maraming hanapbuhay bukod pa sa seguridad sa pagkain ng mga pamilyang Bulakenyo.


Pagkatapos ng Bulacan Agriculture and Farmer’s Training Center ay itatayo din ang Bulacan Animal Breeding and Multiplier Center sa DRT, dagdag pa ng gobernador.


Ang Rice Tariffication Law ay naglalayon na palakasin ang food security sa bansa at gawin itong globally competitive.
Ang RCEF ay may P10 billion annual fund para sa susunod na anim na taon kabilang ang nasabing Mechanization Program. 

30 sa droga at iba pang krimen arestado ng Bulacan PNP

0
NEWSCORE FILE PHOTO

Ni: Rolly P. Alvarez

CAMP GEN.  ALEJO SANTOS, Bulacan– – Arestado ang drug suspects at pitong iba pa sa isinagawang drug and other criminality operations ng Bulacan police habang 15 pang iba ang napasakamay ng pulisya sa magkakaibang operasyon nitong nagdaang weekends.

Ayon kay Acting Bulacan PNP Provincial Director PCOL Manuel M. Lukban Jr, apat sa mga suspek ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat, Guiguinto at San Rafael MPS. Kinilala ang mga ito na  sina Ronald at Robin Santiago kapwa mula sa Sta. Lucia, Angat; Sonny Viola ng San Rafael at Jeffrey Baña mula sa Guiguinto. Nakuha mula sa mga suspek ang l14 na sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang motorsiklo at buy bust money.

Gayundin, arestado naman ang mga suspek na sina Analyn Domulon alyas Lovely at Angelito Calumba alyas “Agaw” na kapwa residente ng Iba, Meycauayan habang huli sa aktong tumitira ng shabu. Apat na sachet ng shabu ang kumpiskado at iba pang drug paraphernalia.

Samantala, tatlo 3 naman ang arestado mula sa responde ng mga awtoridad mula sa iba’t ibang krimen sa Doña Remedios Trinidad at Marilao.

Kinilala ang mga suspek na sina Josephine De Guzman sa salang pagnanakaw, habang huli naman sa kasong Trespass of dwelling, grave threat at slight physical injury sina Larry Bayrante at Rey Ambo mula sa Kalawakan, DRT.

Habang apat na pinaghahahanap ng batas ang arestado sa bisa ng warrant of arrest sa pangunguna ng Meycauayan at San Miguel tracker team at sa sanib pwersang manhunt operation ng Sta. Maria, 2nd PMFC gayundin ng San Ildefonso, 2nd PMFC at Malabon CPS Station 2. Kulong ang mga wanted dahil sa kasong frustrated homicide, robbery, paglabag sa RA 9165 (Dangerous drug act) at RA 11199 (Social Security Act of 1997). Ang mga naaresto ay nasa kustodiya na ngayon ng pulisya.

Noong Oktubre 16 naman ang  timbog sa magkakahiwalay na drug operation ang mga suspek na kinilalang sina Ricardo Taruc alyas Batman mula sa Bagong Silang San Miguel; Albert Dela Cruz ng Bagong Barrio, Pandi; Gilbert Initantes ng Bagumbong Caloocan, at Melvin Solomon alyas Buloy mula sa Tenajeros, Malabon. Nakuha mula sa nasabing buy bust operation ang 14 sachet ng pinaghihinalaang shabu aT 3 sachet ng Marijuana at buy bust money.

Samantala, 7 suspek ang arestado sa isinagawang drug operation ng San Rafael MPS.

Habang 4 ang hinuli ng pulisya mula sa Marilao at Angat. Kinakaharap nila ngayon ang kasong murder at frustrated murder at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at attempted rape in relation to RA 7610 (Anti Child Abuse Law)

Inihahanda na ang mga kaso na isasampa sa mga nasabing suspek.

Patuloy na ginagampanan ng Bulacan PNP ang kanilang trabahong makapagbigay ng serbisyo para sa seguridad ng mga bulakenyo kalakip ang pagpapanatili ng safety health protocols.

Ang lahat ng operasyon ay nasa kabatiran ng PNP Region 3 Director – PBGEN Valeriano T. De Leon (PIO, Bul PPO)

NLEX namahagi ng mga donasyong pagkain sa government health workers sa vaccination sites

0
Guiguinto, Bulacan Municipal Health Director Lea Chua on behalf of Mayor Boy Cruz

Ni: Mochie Lane M. Dela Cruz

GUIGUINTO, Bulacan–Naglunsad ang North Luzon Expressway (NLEX) Corp na siyang nangangasiwa at nag-o-operate ng NLEX at SCTEX ng isang food donation project o ayuda para sa mga government health workers sa mga vaccination centers sa mga nasasakupan nitonbg lugar  sa Metro Manila at North at Central Luzon.

Kahon ng pagkain at meryenda para sa mga government health workers na nakatalaga sa mga lugar ng pagbabakuna sa 13 LGUs sa Manila, Quezon City, Caloocan City, Malabon City, Navotas City, Bulacan, Pampanga, at Bataan ang ipinamahagi ng kumpanya ng tollway. Ang mga LGU na ito  ay sakop ng expressway network ng NLEX.

Sa kanilang mga post sa social media, ang Quezon City LGU na pinamunuan ni Mayor Joy Belmonte at Malabon City LGU na pinamumunuan ni Mayor Lenlen Oreta ay nagpasalamat sa kumpanya ng tollway para sa mga donasyon at nangako na madaling ipamahagi ang mga ito sa mga frontliners.

“Maraming salamat sa NLEX Corporation sa kanilang ibinigay. Agad po natin itong ipapamahagi sa ating health workers at frontliners,” mula sa post ng QC LGU

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor Oreta sa kanyang post, “Maraming salamat sa mga ipinaabot ninyong donation sa aming lungsod, NLEX Corporation! Agad namin itong ibinahagi sa mga frontliners ng lungsod na naka-assign sa aming vaccination sites upang manatili silang malakas sa kanilang duty.”

Samantala, kinilala ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga donasyon ng kumpanya sa isa sa kanyang mga video sa Facebook Live.

“The donations are part of our commitment to aid the government’s efforts in the fight against COVID-19. Since the pandemic began last year, NLEX and the entire Metro Pacific group are striving to contribute to COVID-19 response efforts which will benefit healthcare workers, host communities, motorists, and the general public,” sabi ni J. Luigi L. Bautista, NLEX Corporation president and general manager.

Ang mga alkalde naman ng Bulacan ay nagbahagi din ng taos pusong pagpapasalamat sa mga donasyon, “Thank you for your donations, NLEX. Salamat sa iyong pagmamalasakit. Malaking bagay ito para sa mga frontliner natin sa vaccination sites,” sabi ni Guiguinto Mayor Boy Cruz.

Pulilan, Bulacan Municipal Admin Nette Cruz on behalf of Mayor Maritz Ochoa-Montejo

Sa kanyang parte, Binangit naman ni Pulilan Mayor Maritz Ochoa-Montejo ang kanyang pasasalamat, “Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa aming bayan. Ang mga donasyon na ito ay makakatulong sa ating health workers na katuwang natin sa laban kontra COVID-19. Kagaya nga ng sinasabi ko ang buhay ko, buhay mo ay mahalaga.”

Noong nakaraang buwan, Ang NLEX ay nagbahagi din ng mga Food items at iba pang pangangailangan sa mga pamayanan na tinamaan ng pagbaha at mga driver ng jeepney na apektado ng COVID-19 pandemya. Mahigit 450 mga driver ng jeepney na dumadaan sa NLEX at 1,000 pamilya sa Caloocan City, Valenzuela City, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Bataan ang nakinabang sa nasabing inisyatiba.

Kamakailan lamang ay naging aktibo na ng kumpanya ang lugar ng pagbabakuna sa NLEX Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. Ang site, na pinangangasiwaan ng mga frontliner mula sa Sacred Heart Hospital-Malolos at mga empleyado ng Metro Pacific Tollways Corporation, ay isa sa maraming mga pasilidad na nakilala ng MVP Group Vaccine Task Force sa inokula na 60,000 empleyado ng Grupo pati na rin ang mga miyembrong nakadepende sa kanila.

Ang NLEX Corporation ay isang sangay ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC).

New DPWH Secretary, nag-inspection sa NLEX Connector project

0
Si NLEX VP for Tollway Development and Engineering Nemesio Castillo habang ipinakikita kay DPWH Acting Secretary Roger Mercado ang natitirang kailangang magawang right-of-way para sa NLEX Connector.

Ni:  Cloei Garcia

GUIGUINTO, Bulacan—Nagsagawa nito lamang ng inspection si newly installed Acting Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger G. Mercado sa proyektong NLEX Connector upang maging pamilyar sa progreso ng konstruksyon at right-of-way requirements para sa pangunahing imprastraktura ng NLEX Corporation.

DPWH PPP Director Alex Bote, NLEX Corporation VP for Tollway Development and Engineering Nemesio Castillo, DPWH Acting Secretary Roger Mercado,  DPWH Undersecretary Catalina Cabral, DPWH Project Manager Dave Galang

Kasama rin sa pag-inspeksyon sina DPWH Undersecretary Catalina Cabral, DPWH PPP Alex Bote, DPWH Project Manager Dave Galang, at NLEX Corporation Vice President for Tollway Development

Pinabilis ng NLEX Corporation ang konstruksyon sa proyektong NLEX Connector sa gabay ng DPWH sa layuning maisakatuparan ang right-of-way delivery para sa benepisyo ng mga motorista upang maibsan ang haba ng byahe at suporta sa pag-unlad ng ekonomiya.

“Itong bagong expressway ay malaking tulong para sa publiko. Ipagpapatuloy naming pagsikapan na mai-deliver ng tama ang proyektong right-of-way na kailangan para sa NLEX Connector na planong makumpleto sa unang quarter sa susunod na taon,” ani Mercado.

Ang public-partnership na proyekto ng Metro Pacific Tollways led-NLEX Corporation at DPWH, NLEX Connector ay 8-kilometer elevated expressway na nakapokus na mapagaan ang trapiko at maisaayos ang pag galaw ng mga motorista sa loob ng Metro Manila.

Nakikilahok sa programa ng gobyerno na “Build Build Build” ang proyektong ito. Ang NLEX ay naglaan ng P23 billion para sa kanilang pangunahing imprastraktura.

Ang unang 5-kilometer section ng expressway, na ngayon ay malapit ng makumpleto, mula Caloocan Interchange sa C3/5TH Avenue hanggang sa España Boulevard sa Sampaloc, Manila. Ang sumunod na 3-kilometer section naman ay mula sa España Interchange hanggang sa paligid ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Manila.

Kapag natapos na ang bagong elevated road na proyekto, ay aabot sa 35,000 na motorista ang maaring dumaan kada araw at 24/7 route para sa mga truck delivery goods sa pagitan ng north at south ng Metro Manila.

SM gives pair of shoes to 10,000 delivery riders

0
SM City Baliwag mall officials led by Mall Manager Rodora Tolentino together with Assistant Mall Manager Eugene Martin inaugurated the distribution of shoes to partner tricycle drivers turned delivery riders in Baliwag. The donation is the mall’s little way of thanking partner riders for their service in delivering the needs of the community amid pandemic.

MARILAO, Bulacan–Some 10,000 COVID-19 frontliners and essential workers in the country have started to receive a special gift of brand new pair of comfortable shoes after SM Malls treated them with such an early Christmas gift through its 100 Days of Caring Campaign which kicked off last week. 

Gladiz May Latiza, SM Marilao press relation officer said the donation is part of SM Supermalls’ 100 Days of Caring Campaign which will donate over 10,000 pair of shoes to medical frontliners, dedicated delivery partners, communities in need including hardworking SM employees as a simple way of honoring them in their jobs as everyday heroes during the pandemic particularly the delivery riders, essentials workers, and frontliners.

In Bulacan, 100 delivery riders from Mervilla tricycle group in Marilao, Rambol and Pagala tricycle group in Baliwag and PC Joda Transport and Pultopa Inc. in Pulilan received the first pair of their rubber shoes for a comfortable daily work from SM Malls in Marilao, Pulilan, and Baliwag.

Practicing social distancing, Mervilla Toda Delivery Riders arrived in batches to get measured and fit their new pair of rubber shoes from SM City Marilao. SM City Marilao Mall Manager Engr. Emmanuel Gatmaitan and Assistant Mall Manager Engr. Janette Aguilera assist in the gift giving and distribution of new shoes as part of SM Supermalls’ 100 Days of Caring. The campaign aims to honor and give back to everyday heroes like delivery riders, essentials workers, and frontliners this Christmas season.

According to Allan Eugenio of Mervilla Toda, riders typically struggle to buy shoes required for work. Eugenio also added that riders often use slippers because some lack resources to buy shoes.

“Our shoe gift is our humble way of showing our appreciation to the riders who put their lives at risk by delivering food and other necessities to our customers” shares SM City Baliwag Assistant Mall Manager Eugene Martin.

The shoes giving campaign is close to the of heart SM because it signifies the humble beginning, legacy and the pledge in making communities better as all SM Malls started out with shoes, says SM Marilao Manager Engr. Gatmaitan. 

Latiza said other than the 100 pair of shoes, the delivery riders were also provided towels and other items for sanitation and hygiene.

Pa-Jollibee birthday ni Mayor Joni, binuhay muli ni Atty. Sherwin Tugna

0
Kinantahan ng Happy Birthday at binigyan ng cake mula sa mga opisyal ng Saint Martha, Brgy. Batia, si Atty. Sherwin Tugna. Larawan ni Anton Luis Catindig

Nina Carmela Reyes-Estrope at Anton Catindig

BOCAUE, Bulacan–Mahigit 700 residente sa bayang ito ang muling nakakain ng Jollibee pa-birthday treat matapos buhayin ni Atty. Sherwin Tugna ang nakagawiang birthday blow-out ng kanyang yumaong kabiyak, Mayor Joni Villanueva sa mga kababayan kapag kaarawan nito noong ito’y nabubuhay pa. 


Masayang masayang nakapananghalian ng Jollibee chicken, spaghetti at pansit ang mga taga Saint Martha sa Barangay Batia at maging taga Barangay Lolomboy noong Biyernes ng ipagdiwang ni Atty. Tugna ang kanyang kaarawan sa piling nila. 


Ayon kay Tugna, hindi siya naghanda sa bahay at sa kanyang pamilya bagkus ay pinili niyang ibili na lamang ng pananghalian ang mahigit 700 kababayan sa nasabing dalawang barangay bilang pagbuhay at pagtutuloy sa tradisyon ng kanyang maybahay noong nabubuhay pa ito na mag blow out ng Jollibee foods sa mga bata sa maraming lugar sa kanilang bayan. 

Isa sa mga residenteng masayang masayang naki-celebrate at naki Jollibee pa-birthday ni Atty. Sherwin Tugna. Larawan ni Anton Catindig


Ang tradisyong pagblow-out ng nasabing masarap na pananghalian ay isinagawa naman ni Atty. Tugna sa mga nanay nanay at mga kababaihan bilang ina ng tahanan at higit na lalong pagpupugay sa ala-ala ng kanyang kabiyak bilang ina at ilaw ng kanilang tahanan.


Noong kaarawan niya noong isang taon ay hindi pa niya nabuhay ang nasabing tradisyon ng yumaong alkalde sapagkat nasa karubduban pa siya at kanilang apat na anak ng pagluluksa. 


Matapos ang mahigit isang taon, nito ngang kaarawan niya noong Biyernes ay binuhay niya muli ang nasabing pa-birthday blow-out sa mga kababayan. 


Bumati, nakiisa at nagbigay ng suporta sa nasabing pa-birthday blow out ang mga barangay officials ng Batia at Lolomboy gayundin ang mga kasama ni Atty. Tugna sa Team Solid na mga konsehales at ang kanyang tandem sa pagka-mayor, ang kanilang kuya, dating Mayor Eduardo “JJV” Villanueva Jr.


Nalugmok man dahil sa paghihirap ng kalooban nang mawala ang kaniyang kabiyak sa buhay, nag-uumpisa na ring bumangon mula sa labis na kalungkutan si Atty. Tugna lalo na at sasamahan niya ang kanilang Kuya JJV sa pamumuno at paglilingkod sa Bayan ng Bocaue.


Ang kanilang tandem kasama sina Vice Mayor Alvin Cotaco, dating mga konsehal at kasalukuyang kagawad Mira Bautista, Ate Jane Nieto, Takong Del Rosario, Aries Nieto, Noriel German, Gigi Salonga, Gerome Reyes ay naghain ng kanilang kandidatura bilang Team Solid na maglilingkod sa Bayan ng Bocaue.

MAGKAKALABAN NAGING MAGKAKAMPI, MAGKAKAMPI NAGING MAGKALABAN

0
MONDRAGON. Vhioly Rosatazo Arizala, NEWS CORE columnist.

Halos isang linggong naging busy ang lahat, naghanda sa kanilang paghahain ng Certificate of Candidacy, maging kapulisan at Comelec ay naging siyang mga punong abala.

Si Gobernador Daniel R Fernando at Bokal Alex Castro ay pormal nangg naghain ng kanilang kandidatura para sa 2022 election. The People’s Governor Daniel Fernando ay nagnanais na makamit ang kanyang pangalawang termino samantalang si Bokal Alex Castro ang kanyang Bise Gobernador. 


Bago sila maghain ng kanilang kandidatura ay nagsimba muna at humingi ng basbas sa Maykapal.kasama ang boung partido nila.Naging maayos naman ang kanilang paghahain. Maging ang kanilang mga supporters ay limitado bagamat makikita mo ang pagmamahal ng mga supporters ng Team FERNANDO at CASTRO.


Samantala ang dating magka-partner ay nag-break na. Si incumbent Vice Governor Willy Alvarado ay ang kanyang maybahay kasama ang abogado ang nag-sumite ng OC sa kadahilanang si Bise Gob daw ay nag-positive sa Covid bilang  katunggali sila ni The People’s Governor Daniel Fernando. Si former Congresaman at former Governor Jonjon Mendoza ay naghain bilang bise gobernador ni Willy Alvarado. Marami ang nagsasabi na ang dalawang ito ay mortal na magkaaway subalit ngayon sila ay mag kasangga na.


Sa larangan ng pulitika ganun naman talaga walang permenenteng kakampi o kaaway..Kadalasan pa nga yaon naging dating kakampi mo siya pa mismo ang gigiba sayo ng husto.


Sa Bocaue naman pormal na ring naghain si dating Mayor JonJon Villanueva, kapatid ni Mayor Joni Villanueva at Senator Joel Villanueva na anak ni Bro. Eddie Villanueva na kasalukuyan Congressman ng CIBAC sa pagka-mayor ng Bocaue kasama ang naulila ni Mayor Joni Villanueva na si Atty. Sherwin Tugna na siyang Bise Alkalde nito.


Madamdamin nag hayag ng saloobin si JJV matapos nito makapag file ng COC. Aniya lahat ng pinaghirapan at sinimulan ni Joni ay inaari ng kasalukuyang nakaupo. Itutuloy ni JJV ang pamamahagi ng mga ayuda na timba timba, social services, i-open ang munisipyo sa mga Bocawenyo.


Kung kinakailangan muli silang ma benta ng lupa upang makatulong sa kanilang mga mahal na kababayan.ay gagawin nila, Hindi ganun kadali upang mag desisyun siya na muli syang bumalik sa larangan ng pulitika sapagkat naparaming isinasakripisyo  unang una ang pamilya na syang mahahati ang kanyang oras..


Subalit hindi na sya nagdalawang isip upang pagbigyan ang kanilang mga supporters, kasama ang kaniyang bayaw na siyang naulila ni Mayor Joni na si Atty Sherwin Tugna na syang bise Alkalde nya.


Bagay na bagay na magkapartner ang dalawa na may puso at nasa isip ang kapakanan ng mamamayan ng Bokawe. Hindi natin pwedeng tawaran ang kakayanan ni Atty Sherwin sapagkat naging Congressman ito ng tatlong termino kaya kailangan kailangan sila ng kanilang bayan. Good Luck sa inyo..


Buenaventura at Mateo saradong puso na, Matapos mag hain ng kanilang Certificate of Candidacy si Vice Mayor RiCKY Buenaventura sa pag ka Mayor kasama ang kanyang running Mate na si Konsehal Jun Mateo na siyang kanyang Bise Alkalde ng Bayan ng Sta Maria BuLACAN..At ang mga ka ticket nito masaya at maayos nairaos ang kanilang filling organisado at disiplinado. Mabuhay kayo.


Pulilan Mayor Maritz Ochoa Montejo muling tumakbo para sa kaniyang pangatlong termino bilang ina ng Bayan ng Pulilan mas lalo paiigtingin ang Contra Covid na patuloy na pagbabakuna na sariling pera ng bayan nila ang pinangbili nito, pag papagawa ng palengke , employment generation kailangan maging business friendly sila,magkaroon ng TAX HOLIDAY  magkakaroon ng IT building na siyang inaasahan na mag gegenerate ng kanilang income sa kanilang mga employment patuloy parin ang pamamagi sa mga magsasaka, ng pataba, seeds at iba pa, 


Napakaraming pang proyekto ni Mayora Maritz na kanyang ipag papatuloy sa muling pagiging ina nya ng Pulilan nakaka hanga ang ang plata porma nya na syang ginagawa niya ngaion. Keep up the good work Mayor. Kami ay sa iyo nakakahanga na ang  kagaya mo ay buong buo ang layunin para sa iyong bayan.


SA BAYAN NAMAN NG CABIAO NUEVA ECIJA KAMAGONG ANG NO 1


Kung dati ang mga ginagawa nito ay supilin ang mga sakit ng lipunan, ngayon ay iba na mula ng magretiro sa kanyang pagka-pulis ay naging libangan na nito ang taniman malawak na palayan mag alaga ng hayop at ang kanyang sports ay maglaro ng golf na kung saan walang nanalo


Subalit ito ay tinawag sa larangan ng pulitika na ngayon ay papasok na sa ikalawang termino ,Masungit kung iyong titingnan matikas na matikas kahit asong ulol ay sasaludo dito, Likas sa kanyang pag katao ang pagtulong sa tao kahit nga ang inyong lingkod kapag lumapit at humingi ng tulong agad agad ang responde .


Napaka palad ng bayan ng Cabiao na may isang taong handang tumulong sa abot ng makakaya nito, walang kyeme derechong tao higit sa lahat hindi magnanakaw sa kaban ng bayan.


Hinahangaan ko ang taong ito Retired General Moises KAMAGONG Guevarra na kasalukuyan KONSEHAL ng bayan ng Cabiao..

Kung malapit ka lang Sir araw araw kitang sasamahan sa inyong paghahatid ng tulong sa inyong kababayan. Ipagpatuloy mo lang ang kabutihan mo sa tao nakikita ng maykapal ang inyong puso naway patuloy kang gabayan at ingatan at ibigay ang desire ng iyong puso ng ating AMA sa LANGIT muling nag hahandog ng serbisyong totoo MOISES KAMAGONG GUEVARRA 2022

Patuloy parin tayong mag ingat at laging manalangin..GOD BLESS US ALL

PULIDO PULILENYO: Mayor Maritz Montejo sa ikatlong termino

0
Mayor Maria Rosario "Maritz" Ochoa-Montejo kasama si ABC Dennis Cruz bilang bise alkalde at kanilang mga ka-ticket na konsehal sa paglilingkod sa Bayan ng Pulilan. Larawan ni Mac Eleogo

PULILAN, Bulacan–Kasabay ng paghahain ni Mayor Maritz Ochoa-Montejo ng Certificate of Candidacy (COC) para sa ikatlo at huli niyang termino kasama ang  ang kanyang buong line up para sa May 2022 election sa ilalim ng Partido Demokratiko ng Pilipino (PDP)-Laban nitong Oktubre 6 ang isang salu-salo at pasasalamat para  sa kanyang kaarawan.


Tuloy tuloy ang pagiging mahusay at pulido sa paglilingkod ni Mayor Montejo sa Bayan ng Pulilan at priority niya ngayong huling tatlong taon niya bilang alkalde ang isang modernong design na palengke.


Aniya, ang kasalukuyang palengeke ng Pulilan ay nasa 30 years na mula ng ito ay magawa at talagang may kalumaan na at kailangan ng mapalitan.


Gayundin, lalo pa niyang palalawakin ang pagbibigay ng tulong at trabaho sa mga manggagawa at mamamayan ng Pulilan sa pamamagitan ng mga bagong bubuksang industriya sa kanilang bayan kung saan ang mga kababayan niya ang prioridad na mabigyan ng trabaho. 


Ipinagmalaki rin ni Mayor Ochoa na sa kabila ng pandemya ay dalawang beses naipagdiwang ang Carabao Festival sa pamamagitan ng virtual presentation. Ang programa ay bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaang lokal sa mga magsasaka na yamang mamamayan at sektor ng bayang Pulilan. Patuloy din pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan tulad ng binhi at iba pang suporta sa bukid. 


Inamuki niya ang mga kababayan na patuloy na magpabakuna upang maging ligtas sa COVID-19. 

Permission to Write

0
FOCAL LENS By: Nina Tablan – Villarete

FOCAL LENS By: Nina Tablan – Villarete

It has been a while since I last shared my insights in this local newspaper. I thank our dear lady Editor-in-Chief for the trust and support. Well, I must say the psycho-socio-emotional struggles one has, do play a huge toll in surviving this pandemic. It was not easy knowing people close to you got hit by the virus and finding yourself in deep prayers with all uncertainty to help them, in your own little way, to recover from it. Thus, the hiatus in writing just happened and just decided it has to end now, So, here I go again…

Do not feel you are alone because … you are not. Everybody struggles each day to survive. Mindset plays a vital weapon to survive the times and most importantly, PRAYERS. The unfounded fears enveloping us, the unknown future ahead, physical and mental pain, the financial strains and boredom are not easy to overcome, very true indeed but hey, look at you! You are still here. You are surviving. Take a PAUSE. Breath. Live each day one day at a time. You are brave enough to survive more than a year of this pandemic and you are still making it, right? Good job! Do you realize you just passed a series of mental and physical trials and hardships measuring your phenomenal strength as a person in this New Normal World we live in? Things will be better for us. You are not alone, remember? This all shall end. And let us believe it will.

Till next issue. Stay safe!

One day the world stopped without a warning. Spring did not know how to wait, showed up not a minute late.Streets erased of footprints. I lie here, fallen to the ground. Time goes by on its own without a single apology…”


– Life Goes On (BTS)

Bgy. Captain sa tatayuan ng airport sa Bulakan, kandidato ring mayor

0
Taliptip Bgy. Captain Michael Ramos. Larawan mula sa kanyang Facebook account

BULAKAN, Bulacan–Kandidato ring mayor ng bayang ito ang barangay captain ng Taliptip, ang lugar kung saan itatayo ang P745-Bilyong halaga na international airport ng San Miguel Corporation bilang ika-apat na kandidato sa pagka-alkalde ng bayan.


Si Kapitan Michael Ramos ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang alkalde noong Oktubre 7. 


Si Ramos ay naging boses ng mga residente ng Taliptip partikular ang mga taga coastal na apektado ng itatayong airport sa 2,500 hectares abandoned fishpond areas at coastal waters at lumipat patungo sa ibang mga lugar upang masiguradong makapagsisimula ang mga pamilyang ito ng maayos at disenteng pamumuhay na may lupa, bahay na titirhan at hanapbuhay. 


Nag-file ng kanyang second term re-election bid si Mayor Vergel Meneses sa ilalim ng Partido Demokratiko ng Pilipino (PDP) noong Oktubre 8. 

Second term re-electionist Mayor Vergel Meneses. Larawan mula sa kanyang Facebook account

Gusto namang muling bumalik na alkalde ni Vice Mayor Patrick Meneses ng National Unity Party (NUP). Naghain siya ng kanyang COC noong Oktubre 6. Nagsilbi siya bilang three terms nine year na alkalde 2010-2019. Nauna rito ay nahalal siyang bise alkalde at naupo na ring alkalde.

Vice Mayor Patrick Meneses. Larawan mula sa kanyang Facebook account


Ang dalawa ay mag-pinsan at miyembro ng matandang angkan ng mga lingkod-bayan sa Bayan ng Bulakan mula kay “Ba Ramon Meneses,” na tinaguriang Barefoot Millionaire ayon sa biography na isinulat ng manunulat na si Emilio Bautista. 

Anak ni Ba Ramon si Artemio “Temyong” Meneses na nagsilbing alkalde ng Bayan ng Bulakan 1955-1971. 


Ang dating konsehal naman, Atty. Ryan Trinidad ay naghain din ng COC sa pagka-mayor noong Oktubre 6.

Atty. Ryan Trinidad. Larawan mula sa kanyang Facebook account


Si Trinidad ang ika-apat na kandidatong alkalde ng bayang ito. Si Trinidad ay isang independent candidate.