Home Blog Page 447

KAUNA-UNAHANG PAW PARK SA BULACAN, INILUNSAD NG SM MALLS

0
Nasa larawan: Ang mga fur parents kasama ang kanilang mga alaga sa kauna-unahang paw park sa SM Marilao.

Ni: Rolly Alvarez

Sa kanilang tagline na ” We got it all for you”, muling pinatunayan ng managemwent ng SM Malls na lahat ng kailangan at nais ng kanilang customer ay maibibigay ng Mall kasabay ng pagbubukas ng kauna-unahang paw park sa lalawigan ng Bulacan.

Ang indoor paw parks ay matatagpuan sa 2nd floor ng SM City Marilao at sa ground floor ng SM Baliwag at Pulilan. Bukas ito sa publiko mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi. Dahil sa pambihirang pagkakataong ito, maaari nang dalhin ng mga dog lovers ang kanilang mga alaga sa parke kung saan mayroong obstacle courses, agility training equipments na maaaring magamit sa pag-aaral ng iba’t ibang tricks, pag-eehersisyo at pakikisalamuha sa kapwa aso.

Libre ang paggamit sa parke. Mayroon lamang online registration para masiguro ang kaligtasan ng alaga atpati na rin ng mga may-ari ng pets. Pumunta lamang sa mga sumusunod na website para makapagparehistro online: SM City Marilao: https://www.smsupermalls.com/paw-park-registration-sm-city-marilao/

SM Center Baliwag: https://www.smsupermalls.com/paw-park-registration-sm-city-baliwag  at SM Pulilan:  https://www.smsupermalls.com/paw-park-registration-sm-center-pulilan 

Para sa kapakanan ng lahat, mahigpit na ipinatutupad ang safety rules at protocols sa loob ng parke. Ang Paw park rules ay naka-post sa kanang bahagi ng website ng mga nabanggit na SM Malls bilang gabay. Samantala, ang mga asong maysakit at agresibo at ang mga tuta na may edad apat na buwan pababa ay hindi pinapapasok ng paw park upang maiwasan ang panganib. Pinapayuhan din na ang mga pet owners ay maglinis ng mga naiwang kalat ng kanilang alaga. 

Upang mapanatili ang physical distancing, hanggang 20 katao lamang ang pinapapasok sa parke na may tig – 2 alaga sa SM Baliwag at Marilao, habang sa SM Pulilan ay hanggang 10 pet owners lamang ang pinapayagan.

Ang paw park ay ilan lamang sa maraming inisyatibong  ibinibigay ng SM sa kanilang mga customer sa panahong ito ng pandemya. Ito rin ay bahagi ng pagpapahalaga ng SM sa kanilang sinumpaang pangako na patuloy na pagbibigay ng bago, kapanapanabik at ligtas na mga offerings sa komunidad sa panahon ng new normal.

Drive thru swab test available sa parking ng SM San Jose del Monte

0

Ni: Rolly Alvarez

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE–Naging pangangailangan na nga ang pagkakaroon ng COVID 19 test result sa iba’t ibang transaksyon- sa trabaho, sa biyahe at maging sa pagbisita sa ospital upang makasiguro na hindi kumalat ang nakakahahawang virus sa kabila ng pagtugon sa pangangailangan ng tao.

Gayunman, marami ang may alinlangan na kumuha nito sa mga testing centers dahil sa pangamba na sa mismong pasilidad pa magkaroon ng hawahan.

Ngayon, upang mawala ang takot ng masa sa banta ng pagkahawa, inilunsad ng Be Safe MD Medical Clinic ang Drive to Swab na matatagpuan sa parking lot ng SM City Mall ng Lungsod ng San Jose Del Monte. Bukas ito sa mga nais magpakuha ng Antigen at RT-PCR test mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. 

Ang kanilang FDA approved antigen nasal swab test ay nagkakahalaga ng P950 na may pirma ng isang licensed physician habang ang RT – PCR ay nagkakahalaga ng  P3,350  na ang resulta ay maipoproseso 24 oras mula sa mga partner DOH accredited laboratories.

Ang Drive to swab ay tumatanggap din ng home service testing. Maaaring magpadala ng mensahe sa kanilang official Facebook Page: https://www.facebook.com/drivetoswab/.

Para naman sa kaukukulang impormasyon at update mula sa mall, i-like at follow  ang SM City San Jose del Monte’s Facebook page :at https:www.facebook.com/SMCitySanJoseDelMonte/instagram at https://instagram.com/smcitysanjose.

120 Microenterprises sa Bulacan, tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa DTI

0
Nasa larawan: DTI – Bulacan Negosyo Center Coordinator, Charisse R. Miravalles, Negosyo Center Counsellor Jon Bryan Santos at mga benipisyaryo.

Ni: Rolly  Alvarez

LUNGSOD NG MALOLOS–Muling nagpamahagi ng tulong pangkabuhayan ang Department of Trade and Industry Bulacan Provincial Office sa mga microenterprises sa ilalim ng programang Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay.

Kabilang sa nakinabang sa nasabing programa ang 120 microenterprises ng 17 Barangay sa Bulacan: Barangay Sapang Bayan at San Miguel sa Calumpit, Barangay Sto. Rosario sa lungsod ng Malolos, Barangay Banaban sa Angat, Barangay San Mateo sa Norzagay, Barangay Tabe sa Guiguinto, Barangay Pandayan sa Meycauayan, Barangay Gaya Gaya sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Barangay Pagala sa Baliwag, Barangay Bunsuran 2nd sa Pandi, Barangay Ulingao sa San Rafael, Barangay Lalakhan sa Santa Maria, Barangay Dulong Malabon sa Pulilan, Barangay Parulan sa Plaridel, Barangay Tanawa sa Bustos, Barangay Lias sa Marilao at Barangay Taal sa Bocaue.

Ang Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo Sa Barangay (LSP-NSB) ay programa ng DTI na layuning maabot ng serbisyo ng kagawaran ang mga maliliit na negosyo sa komunidad at makatulong na mapaunlad ito. Sa pamamagitan ng Barangay Development Councils (BDCs), ang kagawaran ay may tungkuling makipagugnayan sa mga parangay personnel ukol sa pagbibigay ng impormasyon sa mga MSMEs sa lokalidad.

Sinikap ng DTI Bulacan Provincial Office sa pangunguna ni Director Edna D. Hizon na makapagpamahagi ng livelihood kits na naglalaman ng walong libong piso (Php 8,000) sa bawat microenterprise at mga gamit pangkabuhayan na makatutulong sa pagpapalago ng negosyo ng benepisyaryo. 

Bukod sa pagkakaroon ng livelihood kits ng mga benipisyaryo, ang mga MSMEs ay maaari na ring makatanggap ng ibat’ibang sebisyo tulad ng pagkakaroon ng business registration, business advisory, business information, at ang lahat ng kapakinabangan mula sa programa.” ani Director Dizon.

Ang mga benipisyaryo ng programang LSP – NSB ay mula sa mga nagmamay-ari ng sariling negosyo, mga kooperatiba, mga samahang pang-sektor na nasa Barangay, gayundin ang mga apektado  ng Local Communist Armed Conflict (LCAC) at mga katutubo o Indigenous People (IPs), mga walang permanenteng tahanan o mas kilala sa tawag na People of Concerns (POCs). Maaaring makamit ang tulong na ito ng mga MSMEs na apektado ng mga di inaasahang kalamidad kabilang na ang pagkalat ng epidemya at pandemya.

Taong 2020, nakapagpaabot ang DTI-Bulacan ng  200 livelihood kits, nakapaglunsad ng 40 entrepreneurial seminar sa 20 Barangay na may 200 benispisyaryo (10 benipisyaryo sa bawat Barangay) at nakapagbigay kaalalaman tungkol sa mga livelihood opportunities sa 2, 200 indibidwal.

Inaasahang makapagbibigay pa ang programang ito ng maraming tulong pinansyal sa buong bansa sa panahong ito na maraming microenterprises ang kasalukuyang bumabangon mula sa pagbulusok dulot ng pandemya.

Pandi Magic 7 Coop: Walang anomalya sa DSWD livelihood fund

0
Ang Task Force Livelihood Assistance Grant (LAG) na binuo ni Pandi Mayor Enrico Roque kasama si Vice Mayor Lui Sebastian at municipal heads sa ginawang first hearing sa imbestigasyon ng umano ay anomalya sa tinanggap na pondo mula sa DSWD. Larawan ni A. L. R. Catindig

PANDI, Bulacan–Mariing pinabulaanan ng mga opisyales ng Magic 7 Cooperative Inc. ng Bayan ng Pandi na may anomalya at iregularidad sa P6.9 Milyon halaga nilang pondo mula sa Livelihood Assistance Grant (LAG) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga apektadong sektor sa kanilang lugar bunsod ng pandemyang dala ng COVID-19. 

 
Ito ang ipinahayag ni Nick Cabias, pangulo ng nasabing samahan matapos ang isinagawang imbestigasyon ni Mayor Enrico Roque noong isang linggo upang malinawan ang umano’y anomalya.


Isinagawa ni Roque ang imbestigasyon bilang pag-suporta sa nauna ng nabalitang imbestigasyong isasagawa ng Presidential Anti Crime Commission (PACC) makaraang umano ay tumanggap ito ng reklamo mula sa 15 miyembro ng Magic 7 na sinasabing sapilitan silang kinolektahan ng mga opisyales nito ng P5,000 at ang iba ay P10,000 na share capital para sa isang pangkalahatang pangkabuhayan project. 


Ang Magic 7 ay may kabuuang 1,009 miyembro at ang nakolektang pondo ay umabot sa P6.9 Million. 


Bago pa ang unang hearing sa ilalim ng nasabing imbestigasyon ay sumulat si Roque sa PACC at humihingi ng kopya ng nasabing reklamo ng 15 Magic 7 members. 


Itinanggi ni Cabias ang alegasyon at sinabing walang katotohanan ang nasabing balita at katunayan ay walk-in pa umano at kusang nagpunta sa kanilang tanggapan ang kanilang mga miyembro upang maglagak ng puhunan para sa kanilang itatayong proyektong pangkabuhayan. 

Ang ginagawang talipapa ng Magic 7 Cooperative sa Barangay Mapulang Lupa, Bayan ng Pandi na matatapos ngayong darating na Nobyembre. Larawan mula kay Nick Cabias.


Idiniin pa niya na ng nakolektang pondong P6.9 Million ay ginamit nila sa kasalukuyang itinatayong talipapa sa Barangay Mapulang Lupa kung saan ay magkakaroon ng puwesto ang mga miyembrong nag-share ng capital upang makapagtinda at magkaroon ng permanenteng kabuhayan ayon sa layunin ng LAG. 


“Intact ang aming pondo at walang anomalya. Nagulat na lamang kami ng may biglang ganyang balitang kumalat,” pahayag ni Cabias sa NEWS CORE. 


Ang Magic 7 ay itinayo ni Cabias at anim pang mga kasama mula sa katulad niyang sektor ng mga house owners, vendors sa palengke, manlalako o street sellers, transport group at sektor ng indigents mula sa samahan ng 4P’s upang makapagtayo ng sama-samang pangkalahatang pondo na magagamit pangkabihayan bilang pagtalima sa layunin ng LAG. 


Ang pagbuo sa cooperatiba ay kaalinsabay ng unang pag release ng pondo noong Setyembre 2020. Natapos ang pag release ng pondo Marso nitong taon. 


Hindi buong P15,000 na tinanggap ng bawat isang miyembro ng Magic 7 ang ibinigay nilang share capital bagkus ay may nagbigay ng P5,000 at mayroong P10,000 habang ginamit sa personal na pangangailangan ang iba. 


Sa kabuuan, sa halagang P15,000 bawat isang LAG beneficiary ay may total na halagang mahigit P52-Million ang tinanggap ng 3,521 na mga residente ng Pandi na higit na nangangailangan. Ito ang isa sa pinakamalaking LAG allotment sa bansa at bumaba sa Bayan ng Pandi dahil sa pagsusumikap ni Roque. 


Sa nasabing hearing, dumating din ang ibang beneficiaries ng LAG sa Bayan ng Pandi mula sa grupo ng senior citizens, PWD, women’s group at iba pa na hindi miyembro ng Magic 7 at napag-alaman sa kanila na sila rin ay naglaan ng pondong pangkalahatan para naman sa pangkabuhayan nilang grocery stores. 


Ayon kay Cabias, matatapos na sa Nobyembre ang kanilang talipapa.


Nagpasubali naman si Roque na walang sasantuhin ang Task Force LAG na kanyang binuo at pinangungunahan sino man ang kanilang mapatunayang gumawa ng anomalya at iregularidad..

ANG WALANG PAGBABAGONG PEOPLE’S GOVERNOR

0
Sa kuhang ito ni Mondragon, ibinabahagi rin ni Gob. Daniel Fernando sa mga BHW ang patuloy na pag- ganda ng laban ng lalawigan kontra COVID-19 dahil sa pagbaba ng mga naitatalang kaso.

MONDRAGON By Vhioly Rosatazo-Arizala

Halos dekada na ng aking makilala ang artistang sumikat sa Scorpio Night, kandidatong bokal ng ika-2 distrito hanggang sa maluklok mula sa pinaka mataas na boto bilang bokal, natapos ang termino hanggang maging Vice Governor at ngayon ay Ama ng makasaysayan lalawigan ng Bulacan na tinaguriang, The People’s Governor.

Karamihan sa mga Pulitiko ay PLASTIK, napipilitan kang harapin kasi kailangan, subalit ibang klase may ibang power na kahit galit sa isang tao ay nagagawa pa nyang harapin, kausapin ng maayos. Iyan ang totoong PubLic Servant, hindi namemersonal.

Higit nya pa ngang tinutulungan kapag lumalapit sa kanya at humihingi ng tulong. May pusong matulungin. Ang mga taong bumabatikos tapos lalapit at mag lalambing sa kanya, bukas ang dalawang palad nya.

Maging sa pag tratrabaho halos hindi na natutulog 24/7 naglilingkod sa kanyang lalawigan, nalilipasan ng gutom, hindi naging ligtas ke Covid kahit sya ay tinamaan dahil sa patuloy na pag-ganap sa kanyang tungkulin.

Nanampalataya at patuloy na nanalangin sa Dios Ama sa langit na gabayan sya at bigyan ng kalakasan upang magampanan nya ang kanyang tungkulin bilang Ama ng Bulacan.

Si Governor Daniel Fernando magiliw, pag parating na sa kahit anong okasyon o activity ay nag titiliinan na ang mga kababaihan (wow kunwari pa ko kasama naman ako sa tumitili) bata man o matanda ay humahanga sa kanya..

Napaka aproachable ng guwapong gobernador ng Bulacan, bukod sa angkin at pinanganak na nasa puso ang paglilingkod ay very humble pa ito at malapit sa Diyos.

Patuloy ang kaniyang mga programa, ang Barangay vaccine roll out, DSWD and TUPAD pay out, Scholarship, burial assistance, educational assistance, financial assistance at marami pang iba, pamamahagi ng mga ayuda, ..

Naging katuwang ng Gobernador ng Bulacan ang batang Bokal na si Alex Castro sa kanyang mga aktibidades lalot ikinatuwa ng mga BHW na dadagdagan ang kanilang allowance ng isang libo. Higit sa lahat na magkaroon ng tamang mga gamot at anu pang mga kakailanganganin ng mga barangay Health Center ng sa gayon ay hindi ito pupunta pa ng hospital para mag pa+check up.

Naalala ko tuloy ng si Gobernador DF kapag bumababa sa mga okasyon paano niyayakap , hinahalikan halos mahimatay pa mayakap lang, ay ganun din ngayon ang batang Bokal na si Alex Castro. Tuwang tuwa sila makapag selfie lang, niyayakap, kinukurot (ouch) naka ngiti lamang at walang bakas na nagagalit puno ng kasiglahan at may pagmamahal.

Nagbibigay aliw din (ui wag malisyoso ha) sa pamamgitan ng pag awit si Bokal Alex na nakakawala naman talaga ng stress habang pinanonood mo sya. Subukan naman natin ang bata na agresibo sa paglilingkod, bigay ang pagtitiwala, pagbigyan muna mag trabaho saka husgahan .

Patuloy pa rin tayong mag ingat magpa-bakuna at maging ligtas.

BASTOS NA KANDIDATO HINDI KA BAGAY SA PARTIDO NI GOB. DANIEL FERNANDO

0

MONDRAGON By Vhioly Rosatazo-Arizala

Kung anong ganda ng kalooban ni Gob. Daniel Fernando ay siya naman yatang ikinasama ng ugali ng bagitong kandidato na ito sa bagong distrito ng lalawigan.

Sumikat ka na sa kabastusan sa harapan ng mga pulitiko, ngayon naman sa media ka na naman nagpakita ng ka-angasan, kabastusan at kasagwaan ng ugali.

Astig na astig ang datingan mo ‘pre. Baguhan ka pa lamang ay tila sumobra na ang yabang at akala niya siya si Agilus na kayang lumipad ng mataas subalit bali naman ang pakpak.

Minsan ko ng nasaksihan ang kabastusang ginawa ng baguhan kandidatong ito sa isang pagtitipon na hindi naman sya imbitado at ng dumating na walang kagatol gatol na umupo at nakihalubilo.

Kung ikaw ay taong may delikadesa hindi ka pupunta doon o sadyang makapal talaga ang mukha mo para isang okasyon na hindi para sa iyo sukat ba naman pumunta ka. Maliwanag na pang babastos ang ginawa mo. Kapal muks ka talaga.

Masyado kang naging assuming na ikaw ang magiging kandidato ng isang malaking partido na sinasabi na malapit ka pa sa pangulo, o nasaan ka ngayon para kang basang sisiw na inaayawan mo pero doon ka sumilong.

Marami ng nagsasabi na ISNABERO ka daw talaga, aba! eh bakit anu pa’t tumatakbo ka sa posisyon na gusto mo pero magaspang naman ang ugali mo? Aru bakit ganon baka hindi ka tumagal sa pag papanggap mong isa kang mabuting tao.

Kamakailan lamang may nagtatanong sayo at hinawakan ka pa sa braso para tanungin paano ka naka pasok sa NUP. Lekat naman tila wala kang narining parang multo lang walang nakita at derederecho lang. Tsk tsk

Ganyan ba ang iboboto ninyong tao. Naku huwag naman baka kapag naluklok na yan piliin lang ang kakausapin eh ilang bayan ang nasasakupan ng gusto niyang posisyon. Kung sabagay wala ka naman panama sa iyong katunggali at beterano na sa larangan ng pulitika subalit hindi mo kagayang bastos. Iyon ay propesyunal na tao at napapakibagayan niya ang mga tao.

Kung pera lang naman ang pag-uusapan baka nga barya lang ang sa iyo laban sa kanya….

Dahan dahanin ko muna ang pitik sayo hanggang sa makilala ka nila at ng ibang tao na hindi ka dapat manalo at iboto ….

Kaya esep esep muna tayo huwag makontento sa mugs, airpot, at face mask na pinamimigay, ang hanapin nyo ay iyong marunong rumespeto, maliit ka man o malak, mayaman o mahirap kahit maglulupa ka pa ay igagalang at bibigyan ng atensyon.

GOB. DANIEL HATAW SA PAGLILINGKOD

0
Pula ang kulay ng araw-araw na Pasko sa mga Bulakenyo dahil sa halos 24/7 na serbisyo ng ama ng lalawigan, Gob. Daniel Fernando. Muli na namang inanunsiyo ng gobernador sa mga Barangay Health Workers na magiging P3,500 na ang kanilang allowance sa pagharap niya sa kanila nitong Biyernes sa Capitol Gym. Larawan ni Mac Eleogo

Ni Mac Eleogo

Kahit Araw ng linggo ay tuloy tuloy sa serbisyo sina Gob.Daniel R. Fernando at Bokal Alex Castro.

Pitong barangay sa Bayan ng Calumpit ang binigyan ng relief Goods nila Gob Daniel Fernando kasama si Bokal Alex Castro at ilang mga opisyal ng Bulacan provincial goverment tulad ni Ms.Weng Joson ng PSWDO.

Nitong Linggo naman ay namahagi siya ng relief packs sa Barangay San Jose sa Bayan ng Calumpit mula sa pamahalaang panlalawigan Larawan ni Mac Eleogo

Isa ang Barangay San Jose sa mga nabigyan ng ayuda na pangatlo sa may pinaka malaking papulasyon sa Bayan ng Calumpit.

May 1.407 pamilya ang nabigyan sa nasabing barangay kaya’t ubos ang pasasalamat ng mga residente sa pangunguna ni Kapitan Rodolfo Villanueva at mga kagawad nito gayundin ang Barangay Health Workers (BHW) at mga Mother Leaders sa pagbisita sa kanila ng Ama ng Lalawigan kahit pa araw ng linggo.

Nitong Linggo naman ay namahagi siya ng relief packs sa Barangay San Jose sa Bayan ng Calumpit mula sa pamahalaang panlalawigan. Larawan ni Mac Eleogo

BARANGAY HEALTH WORKERS TINAASAN ANG ALLOWANCE

Noong Biyernes ay muli na namang sumigla ang dugo ng mga Barangay Health Workers ng marinig nilang muli ang magandang regalong naghihintay sa kanila, ang karagdagang P1,000 pa sa kasalukuyan nilang tinatanggap na P2,500 na allowance.

Taos-puso ang paasalamat ni Gob. Daniel sa kanilang mga gampanin bilang mga frontliner ng bawat barangay. Labis din ang pagpapagal upang masugpo ang pandemyang Covid 19. Sila ang mga nagbabahay-bahay upang matugunan ang mga may karamdaman o ang may mga sakit kaya naman sa piligro ng kanilang sinumpaang tungkulin sa panahong ito ng napakaraming nag kakasakit ng Covid ay hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo kaya’t marapat lamang na makatanggap sila ng mas malaking allowance.

Ganoon din ang saya ng mga BHW na nauna ng nakarinig ng anunsiyo ni Gob. Daniel na gagawing P3,500 ang kanilang kasalukuyang allowance.

P100-M worth projects ni Sen. Villanueva sa Erasmo Cruz Bocaue school tapos na

0
Ang tapos ng P100-Million worth track and field oval, three storey-fifteen room school building (kaliwa), bleacher (kanan) na proyekto ni Senador Joel Villanueva na finishing touches na lamang ayon kay DPWH Bulacan First District Engineering Office Chief Henry Alcantara. Nagsagawa ng inspection ang nasabing tanggapan kasama si Assistant District Engineer Rafael Marcelo at iba pang mga heads nito. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

BOCAUE, Bulacan–Sa kabila ng pandemya ay natapos ng mabilis at maayos sa takdang panahon ang P100-Million worth track and field oval, three storey fifteen rooms building, bleacher at multi purpose covered court and stage projects ni Senador Joel Villanueva saCong. Erasmo Cruz Memorial Central School sa bayang ito. 

Finishing touches na lamang ang mga ito matapos ang walong buwang konstruksiyon na sunod sa takdang panahon na magawa ito, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineering Office Head Henry Alcantara matapos na makita ang status ng mga proyekto ng binisita niya ang mga ito kahapon. 

Sinimulang gawin ang proyekto nitong Enero at nakatakda itong matapos ng Agosto. Kahit na nag second and third wave ang COVID-19 at nagkaroon ng mga pag-ulan bunsod ng bagyong Fabian ng nagdaang buwan ng Hulyo ay hindi nabalam ang proyekto, pahayag ni Alcantara. 

Ipinagmalaki ni Alcantara na ang proyektong ito ng senador ay ang kaisa-isang public elementary school sa buong Bulacan na may track and field oval. 

Ayon kay Assistant District Engineer Rafael Marcelo, ang oval ay dati ng ginagamit sa mga palarong panglalawigan at maging pang rehiyon kung kaya naman ang pagsasaayos at pagpapaganda nito ay isa sa mga priority projects ni Bocaue Mayor Joni Villanueva bago ito namatay. 

Ang pag-pondo sa nasabing oval, ang three storey fifteen room buildings, bleacher at multi-purpose covered court na may stage ay mga proyektong inilapit ng alkalde sa kanyang kuya na si Sen. Villanueva. 

Ang multi-purpose covered court with stage. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig


Nang mamatay ang alkalde May last year dahil sa sakit habang nasa kasagsagan ng COVID-19 at abalang abala sa mga ayuda packs na kanyang ipamimigay sa mga nasasakupan sa bayang ito, lalong nag-pursigi ang senador na magawa ang mga proyekto para sa mga kabataang mag-aaral ng Bocaue bilang tribute sa kanyang nakababatang kapatid at sa legacy nito sa kanilang bayan. 

PDP ni Pangulong Duterte masusubukan sa Bulacan

0
Guiguinto Mayor Ambrosio 'Boy' Cruz Jr. at Atty. Arnel Alcaraz

LUNGSOD NG MALOLOS–Nalalagay sa isang malaking hamon ngayon ang liderato ng partido ni Pangulong Duterte, ang Partido Demokratiko ng Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Bulacan sa pagpili ng opisyal na kandidato sa pagka-kongresista sa kabubuo lamang na ika-5 distrito sa lalawigan. 

Ito ay matapos na bitbitin at suportahan ni PDP Secretary General Melvin Matibag ang kandidatura ng taga Bayan ng Pandi, Atty. Arnel Alcaraz para sa nasabing posisyon samantalang ang opisyal namang dala at ineendorso ng PDP Bulacan leadership ay si Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. .

Sa pinangunahan ni Pangulong Duterte na PDP Convention noong nakaraang linggo sa Pampanga bilang siyang national chairman ng partido, parehong dumalo sina Alcaraz at Cruz. 

Ayon kay PDP Bulacan Chairman, dating department of Energy Undersecretary Donato Marcos na ngayon ay National Power Corporation President and General Manager, si Cruz ang opisyal na ineendorso ng PDP Bulacan. 


Sinabi ni Marcos sa panayam ng NEWS CORE na ayon sa constitution and bylaws ng PDP, ang mga lokal na pinuno ng bawat lalawigan ang may kapangyarihang mag-endorso ng opisyal na mga kandidato ng partido.

“Nag-s-short cut si Alcaraz. He is violating the constitution ng PDP.  Isa sa pangunahing polisiya ng PDP ay democratic and participatory,” pahayag ng pinaka mataas na PDP official ng Bulacan.

Nauna rito ay nadismaya ang grupo ng PDP sa Bulacan sa pangunguna ni President Atty. Christian Natividad, chairman ng Optical Media Board (OMB) at dating mayor ng Malolos ng biglang dumating si Matibag bitbit  si Alcaraz sa seminar ng PDP na inisponsoran at ginaganap sa mismong pag-aari at balwarte ni Cruz na Agatha Resort and Hotel sa Guiguinto dalawang linggo ang nakakalipas. 
Sa nasabing convention sa Pampanga, may selfie picture si Alcaraz na nasa harap ni Pangulong Duterte na may mga kausap. Ito ay na post sa social media at marami ang nakakita. 

Ang ika-5 distrito ay ang nahiwalay at bumukod mula sa ika-2 distrito, mga bayan ng Guiguinto, Balagtas, Bocaue at Pandi habang naiwan naman sa nasabing distrito ang mga Bayan ng Baliwag, Plaridel at Bustos sa ilalim ng RA 11546 na naisabatas ngayong taon matapos aprubahan ni Pangulong Duterte. 

Si Cruz, patapos na ngayon sa second season ng kanyang tig three year term (1998-2007 at 2013-2022) bilang mayor ng Guiguinto at pangulo rin ng League of Bulacan Mayors ay kinilala bilang nasa likod ng kaunlaran ng Bayang Guiguinto mula sa matagal na pagkatulog nito at naghatid din ng kaunlaran sa mga katabing bayan ng Balagtas at Plaridel kabilang na rin ang Pandi at Bustos, maging Baliwag at iba pang bayan sapagkat nagkaroon ng Plaridel Bypass dahil sa kanyang matalino at matapang na paninindigan. 

Nag-rally siya sa North Luzon Expressway (NLEX) dala ang mga kabaong noong early 2000 bilang protesta ng isara ng noo’y Philippine National Construction Company ang Tabe Exit sa kanyang bayan na proyektong  kanyang ginawa at ibinukas upang maging daan at lagusan ng kaunlaran ang Bayan ng Guiguinto dahil ito ay naka-entrada sa NLEX. 

Ang Plaridel Bypass ang siyang naging kapalit na ibinigay sa kanyang entrada sa NLEX upang hindi na maulit ang kanyang mga protesta. 

Ang katulad na kaunlarang inihatid ng Plaridel Bypass sa maraming bayang nabanggit ay nasa blue print na ng alkalde na gagawin sa ika-5 distrito kung siya ang papalaring maging kinatawan nito. 

Bumaba ngayon ang COVID-19 cases sa Bulacan

0
Masayang ibinalita ni Gob. Daniel Fernando sa mga taga Pamarawan ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 nitong nagdaang linggo. Larawan ni Carmela E

LUNGSOD NG MALOLOS–Bumaba ang COVID-19 cases sa Bulacan ng kulang 900 nitong nagdaang isang linggo at ibinahagi ni Gob. Daniel Fernando ang masayang balitang ito noong Biyernes, ng bisitahin niya ang mga residente sa coastal Barangay ng Pamarawan sa lungsod na ito. 

“Good news sapagkat bumaba po ang ating mga kaso,” pahayag niya sa mahigit 1,200 katao na tumanggap ng handog ng kapitolyo na ayuda packs. 

Base sa pinaka latest na tala mula sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), bumaba ang kaso ng 893 dahil 3,617 ang active cases sa lalawigan nitong Setyembre 10 kumpara sa 4,510 noong Setyembre 3. 

Pagbaba sa bangka mula sa isla ng Pamarawan ay tinungo naman ni Gob. Daniel Fernando ang Barangay Sto. Rosario covered court at ibinahagi rin ang magandang balita at nag-abot din ng ayuda. Larawan ni Carmela E

Bumagal din ng bahagya ang bilang ng mga pumapanaw sa loob ng isang linggo. Mula Setyembre 3-10, 57 ang bilang ng mga kaso ng namatay dahil sa COVID-19 mula sa 1,150-1,207 sa nasabing week period kumpara sa mas mataas na bilang noong nakakaraang linggo.

Ganunpaman ay nakapagtala ng 14 na kaso sa Pamarawan. Ang nga ito ay naka-quarantine. 
Masaya ring ibinalita ng gobernador na sa mga islang barangay Binakod at Sta. Cruz sa Paombong at Tibaguin sa Hagonoy ay nakapagtala lamang ng 0-2-3 cases ng COVID-19. 

Si Pagbaba sa bangka mula sa isla ng Pamarawan ay tinungo naman ni Gob. Daniel Fernando ang Barangay Sto. Rosario covered court at ibinahagi rin ang magandang balita at nag-abot din ng ayuda. Larawan ni Carmela E

Patuloy na hinikayat ng gobernador ang mga residente na mahigpit na laging sundin ang minimum health protocols at higit sa lahat ay pag-ibayuhin pa lalo ang pagdarasal na iligtas ng Diyos ang bawat isa at wakasan na ang COVID-19. 

Nagtungo din sa Barangay Bagna at Sto. Rosario ang grupo ng gobernador upang ibahagi ang balita ng pagbaba ng kaso ng COVID-19, hilingin ang patuloy na pagsunod sa health protocols at mamigay din ng ayuda packs.