Burgos, NEWS CORE Publisher pumanaw dahil sa COVID-19
BULAKAN, Bulacan–Pumanaw ang kinikilalang publisher ng NEWS CORE na si Josephine Fatima Bautista Reyes-Burgos dahil sa komplikasyon dala ng sakit na COVID-19.
Si Burgos, 59, kilala bilang “Josie,” “Jo,” at “Joy,” sa kanyang pamilya, ka-trabaho at kaibigan ay tubong Maysantol, Bulakan, Bulacan at naninirahan sa Bacoor, Cavite. Siya ay retired Department of Labor Employee (DOLE) bago niya samahan bilang publisher ng News Core ang nakababata niyang kapatid na si Carmela Bautista Reyes-Estrope na editor-in-chief ng nasabing pahayagan.
Namatay si Burgos sa cardiac arrest dala ng COVID-19 complications 11:08 ng umaga noong Huwebes, Setyembre 2, habang nasa ICU ng Tala hospital (Jose N. Rodriguez Memorial Hospital) sa Caloocan City isang linggo matapos siyang madala doon noong Agosto 26.
Naulila niya ang kanyang asawang si Honorio G. Burgos at mga anak na si Joanna Raiza R. Burgos-Ajes na nasa New Zealand at sina Henry Martin at Jhay Alvir R. Burgos at mg manugang Ariel Ajes at Jenny Valencia-Burgos at apo na si Andriel Ellijah B. Ajes.
Naulila din niya ang kanyang tatlo pang nabubuhay na kapatid–Theresa, Jose Roy at Carmela at hipag na sina Nelia, Corsini at bayaw na Samuel Estrope at Romeo Eleogo at mga pamangkin at apo sa pamangkin.
Isang mapagmahal, mapagkumbaba, masayahin at tapat na ka-trabaho, kaibigan, asawa, ina at kapatid si Josie.
Sadyang ikinabigla at sobrang ikinalungkot ng buong pamilya ang kanyang paglisan.
Seminar ng PDP-Laban: Mayor Boy Cruz binastos ni Atty. Alcaraz

GUIGUINTO, Bulacan, PHILIPPINES–Sumama ang loob at nag walk out si Guiguinto Mayor Ambrosio C. Cruz Jr. sa ginanap na seminar ng PDP-Laban Bulacan kahapon matapos na biglang dumating ang maugong na makakalaban niya sa pagka-congressman ng District 5 sa darating na May 2022 election na si Atty. Arnel Alcaraz.
Hindi napigilan ng alkalde na lisanin ang programa ilang sandali matapos na dumating si Alcaraz sa loob ng sarili niyang balwarte at pag-aaring Agatha Hotel Function Hall kasama si Melvin Matibag, ang secretary general ng PDP-Laban.
Nauna rito ay ipinaalam sa kanya umano ng PDP-Laban hierarchy sa Bulacan, Chairman, dating Energy Undersecretary at ngayo’y National Power Corporation President Donato Marcos at PDP-Laban Bulacan President Undersecretary Atty. Christian Natividad na siya ang opisyal na kandidato ng kanilang partido.
Si Mayor Cruz ay miyembro ng National Unity Party (NUP) subalit lumipat sa PDP-Laban kasama ni Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado na isa ring NUP. Ang paglipat ay para buuin ang respective gubernatorial and vice gubernatorial tandem ni dating Gob. Alvarado at dating Third District Congressman Joselito “Jonjon” Mendoza at si Mayor Cruz naman nga ang kandidato sa pagka-congressman sa 5 disrito.
Kaya laking gulat ni Mayor Cruz at lahat ng iba pang matataas na opisyales ng Bulacan na miyembro ng PDP-Laban ng makita si Atty. Alcaraz kasama si PDP-Laban Sec. Gen. Matibag.
Matapos ang ilang minuto ay bumalik si Mayor Cruz sa programa at nakinig sa speaker habang bakas sa kanyang mukha ang pagka-dismaya.
Sa panayam ng media, sinabi nito na tila nga siya ay nabastos nang dayuhin siya sa sarili niyang lugar ng kanyang makakalaban na nagpapakita yata umano ng lakas. Ganunpaman, aniya, igagalang niya ang anumang magiging desisyon ng partido, kung sino man sa kanila ni Atty. Alcaraz ang opisyal na kandidatong dadalin sa pagka-congressman ng district 5.
Aniya, secondary lamang sa kanya ang party at ang main concern niya ay ang winning chances niya, ang mga supporters at ang kampanya upang masiguradong manalo. Marami pa naman umanong partido na maaari siyang lipatan.
“I was informed na dito sa Bulacan ay ako ang dala ng PDP-Laban sa pagka-congressman sa ika-5 distrito but if it is otherwise, it is for the party to settle. Ako ay party member kaya nga ako umaattend ng seminar na ito ng partido. Pero hindi ko alam na merong darating na ganito. Knowing na ako ang kandidato, na ako ang host dito at ito ang lugar ko at pumunta pa siya rito, he is trying to send a message probably na sila iyong malakas, na sila iyong dala. Ganunpaman at the end of the day, wala tayong magagawa, whether ang national o ang Presidente ang magdesisyon at hindi tayo ang dalin, if that will be my faith, so be it,” pahayag niya.
Sinabi rin niyang saan man siya mapuntang partido ay ang magiging ulo o gobernador ng partidong iyon ang kanyang susuportahan.
Dagdag pa ng alkalde na siya ring pangulo ng League of Bulacan Mayors na ang pagdating umano ng grupo ni Atty. Alcaraz ay parang isang outright na pambabastos subalit hindi na para bumaba pa siya sa level nito na ang isang pambabastos ay gagantihan pa ng isa pang pambabastos.
“Pero oo, nag-appear kami (fist bump), kakilala ko naman siya, ang aking asawa at ang kanyang ina ay magkaibigan, nagkasama pa sila kamakailan lang sa Holy Land and he calls me Tito. Pero kung ang Tito mo ay babastusin mo ay nasa sa kanya na iyon. Kung tayo man ay binastos eh kaya ko bang pigilan iyon,” dagdag niya.
Inanunsiyo naman ni Matibag na sa Setyembre 8 ay magkakaroon ng convention ng PDP-Laban sa Bulacan na gagawin sa City of San Jose del Monte at doon ipapahayag ang lahat ng opisyal na kandidato ng partido sa lalawigan.
32 Delta variants naitala sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS–Pumalo na sa 32 ang bilang ng Delta variant cases sa Bulacan sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, base sa huling tala ng Bulacan Public Health Office.
Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Bulacan COVID-19 Task Force vice chair 4 mula sa 32 mga kaso ay returning Overseas Filipino Workers habang ang 28 ay mga local cases na maaring nakuha sa Metro Manila, sa Bulacan at sa iba pang lugar.
Nauna na ring tala na may kabilang na Bulakenyong workers sa Metro Manila sa mga nahawa ng Delta variant.
Mula sa 28 na ito, 18 ang record ng new cases na ibinaba sa kanila ng Department of Health nitong Agosto 23 matapos lumabas ang resulta mula sa Philippine Genome Center noong Agosto 21.
Ayon sa pinakahuling tala, may 55,383 na COVID-19 cases sa lalawigan, 3,973 dito ang active cases, 1,127 ang namatay at 50,283 ang recoveries.
Bikers can park and dine in SM Marilao

MARILAO, Bulacan–Dine in an al fresco. Bulacan bikers now have a more convenient and safe place to stop over to relax and eat as a mall opens a first of its kind in the province Bike and Dine grounds.
SM City Marilao had just opened its Bike and Dine facility in compliance with the IATF-EID guidelines for a safe dining experience yet convenient and fun.
Gladyz May Latiza, SM Marilao Press Relation Specialist said bikers are not required to buy food inside the mall but they are encouraged to patronize them to help keep the tenant’s business afloat during this challenging times.
She said in compliance with safety dining guidelines, the park and dine grounds can accommodate four bikers at a time to ensure health protocols are strictly observed. The area is located outside the mall adjacent to SM City Marilao’s temporary transport terminal.
The new outdoor dining concept of the mall is a first in the province of Bulacan that allows cyclists to enjoy their favorite meals while their bikes are conveniently parked near them. Bike and Dine is equipped with customized bike racks that serve as dining tables for a hassle-free dine in experience that cyclists can enjoy.
Bike-riding customers can mount their bikes securely in the racks which double as table and use their own bike’s saddle as their dining stool. Each of the bike racks likewise comes with a footrest to provide leg support for cyclists.
“More and more Filipino commuters have turned to biking as mode of transportation during pandemic” shares SM City Marilao Mall Manager Engr. Emmanuel Gatmaitan. “With our Bike and Dine, customer have one less thing to worry about when it comes to bike parking and outdoor dine-in safety” Engr. Gatmaitan added.
Apart from the new outdoor dining concept, SM City Marilao’s Bike and Dine is also equipped with a mobile repair station that included bike pump and tools necessary to perform basic bike repairs and maintenance, from changing flat tire to adjusting brakes and derailleurs.
“With SM City Marilao’s bike-friendly facilities, customers can dine on the go and look forward to a safe, convenient, and enjoyable biking experience” says SM City Marilao Assistant Mall Manager Janette Aguilera.
Bike riding customers who wish to visit are strictly advised to follow health protocols by wearing face masks, and face shields, and practicing social distancing.
NO MORE TENTS FOR THE TRIAGE

LUNGSOD NG MALOLOS–Ang bagong gawang Out Patient Department ng Bulacan Medical Center (BMC) katabi ng Bulacan Infection and Control Center (BICC) kung saan ang unang palapag ay pansamantala munang gagawing triage area ng ospital upang hindi na sa tents o triage area lamang sa labas ng BMC dinadala ang mga maysakit.
Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Bulacan COVID-19 Task Force vice chair, target na nilang ilipat ngayong linggong ito ang bagong triage area sa loob ng nasabing bagong gusali.
Ang Out Patient Department na ito ay donation ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng programa nitong Health Enhancement Facilities.

Ayon naman kay Gob. Daniel Fernando, ang paglipat ng triage sa gusaling ito ay ikatlong bahagi ng isinagawa ng Capitolyo na Bulacan Hospital Surge Design simula noong Abril upang i-address ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa pinakahuling tala, pumalo na sa 3,929 ang active COVID-19 cases sa Bulacan at may total na 54,427 na simula March 2020. Nakapagtala na rin ng 1,120 deaths ang lalawigan. Ganunpaman, nagtala rin ang lalawigan ng 49,378 recoveries.
Ang ngayong Out Patient Department ng BMC ay gagawing Department of Opthalmology and Visual Sciences.
Tabang bridge malapit nang buksan

GUIGUINTO, Bulacan—Inaasahang mabubuksan na sa mga motorista ang walong buwang isinara at ginawang Tabang bridge sa bayang ito na isang vital infrastructure patungo at nagkokonekta sa Manila North Road (MacArthur highway), North Luzon Expressway (NLEX) at Cagayan Valley Road.

Ayon kay Bulacan Department of Public Works and Highways (DPWH) First District Engineering Office Head Henry Alcantara ginagawa nila ang lahat upang matapos na ang nasabing pagawain upang muli ng madaanan ang Tabang bridge.
Dahil sa mahabang mga araw ng naging pag-ulan ng mga nakakaraang buwan ay nabalam ang sana ay nakatakdang matapos na tulay nitong nakaraang buwan.
Isinara noong Enero nitong taon ang 200 metrong haba na nasabing tulay upang palitan ito ng bago sapagkat ito ay 30 taon na at sadyang luma na. Gayundin, nilaparan na ngayon ang nasabing tulay.
Dahil din sa sunod-sunod na mga pag-ulan, maya’t maya rin ang pagsasaayos ng tanggapan ni Engr. Alcantara sa north and south detour road ng mga sasakyan patungo sa kahabaan ng MacArthur Highway papuntang Baliwag at Monumento, Cagayan Valley Road at NLEX.
Tambak-lubak ang nangyari sa nasabing detour lalo na ang north bound lane sapagkat doon din dumadaan ang mga dambuhalang trucks tuwing hating gabi at madaling araw.

Ikinadismaya ito ni Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. sapagkat ang mga trucks daw na ito na overloaded at umiiwas sa NLEX dahil nagpapatupad doon ng anti-overloading law ang siyang nagpapalubak sa maayos na detour na ginawa ng tanggapan ni Alcantara.

Bilang pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Bulacan Chapter, nakipagpulong na siya kay Alcantara upang mahigipit na ring ipatupad sa Mac-Arthur Highway at Cagayan Valley Road ang nasabing anti-overloading law upang proteksiyonan ang mga kalsadang iyon kabilang ang bubuksan muling Tabang bridge.

Patuloy namang isinasagawa sa third and fourth districts na sakop ni DPWH Second District Engineer George Santos ang mga pagsasaayos ng mga ilog upang hindi ito umapaw bunsod ng mga pag-ulan.
Usec Doning Marcos, newly appointed NPC president

PAOMBONG, Bulacan–Umupo na sa bago niyang puwesto nitong Miyerkules si Department of Energy Undersecretary Donato “Doning” Marcos bilang bagong presidente ng National Power Corporation (NPC).
Nagsilbing Energy undersecretary si Marcos mula 2014.
Bago iyon ay halal siyang alkalde ng Bayan ng Paombong at naging pangulo rin ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Bulacan Chapter. Nahalal din siyang vice mayor ng Paombong noong bago siya mag-mayor.
Si Marcos din ang kasalukuyang chairman ng PDP-Laban sa Bulacan at kinikilalang isang mataas na lider pulitika sa lalawigan. Siya ay isang mining engineering graduate at isang contractor bago nasabak sa pulitika sa Paombong. Isa rin siyang farmer sa kanyang bayan.
Siya ang kabiyak ni curent Paombong Mayor Mary Anne Marcos.
Sa panahon ni Usec Marcos bilang mayor ng Paombong, unti-unti muling sumigla ang nasabing bayan. Isa rito ang pagpapagawa at pagsasaayos ng munisipyo, palengke at iba pang mga pampublikong imprastraktura.
More contact tracers sa ilalim ng TUPAD program ni Sen. Villanueva
SIYUDAD NG MALOLOS–Inaasahang mapapalakas ang contact tracing sa mga close contacts ng mga nag-positibo sa COVID-19 upang maagapan sila mula sa nasabing sakit dahil may mga dagdag na contract tracers na makukuha ang provincial, municipal and city governments sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantageous and Displaced Workers (TUPAD) na programa ni Senator Joel Villanueva.
Ayon kay Gob. Daniel Fernando, Bulacan COVID-19 Task Force chair, pinagbigyan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello ang sulat-kahilingan niya na na maglaan pa ng dagdag na pondo sa Bulacan sa ilalim ng TUPAD program upang makapag-hire pa ng mga dagdag na contact tracers.
Kailangang-kailangan umano ito ng Bulacan sa ngayon upang tapatan at labanan ang muli na namang lumaganap na COVID-19 sa panibagong anyo nitong Delta variant.
Ibinalita naman ni Atty. Kenneth Lantin, hepe ng Employment Services Office ng Bulacan Provincial Government o ng Capitolyo na sa Metro Manila lamang unang pinayagan na ang TUPAD funds ay magamit din sa contact tracers at ito nga ay magagamit na ngayon sa lalawigan dahil sa kahilingan ni Gob. Fernando.
Dagdag ni Atty. Lantin, bagong programa ang mangyayari sapagkat ngayon pa lamang magha-hire sa ilalim ng TUPAD emergency employment ng mga displaced workers dahil sa pandemya na magta-trabaho bilang contract tracers sapagkat ang pangkaraniwang trabahong ibinibigay sa mga TUPAD-hired ay paglilinis sa kapaligiran.
Sinabi ni Gob. Fernando na mas mabuting pagiging contact tracers ang maging trabaho ng benepisyaryo ng TUPAD sapagkat mas kailangan ang mga contact tracers ngayon upang labanan ang sakit na COVID-19.

“Ang paglilinis ng ating kapaligiran ay napakahalaga rin subalit may mga volunteers tayo diyan at ang isinusulong din natin ay volunteerism kaya’t mas magagamit ang ating pondo sa TUPAD para sa contact tracers,” ani ng gobernador sa panayam ng NEWS C CORE.
Ayon kay Dra. Hjordis Marushka Celis, Bulacan COVID-19 Task Force vice chair. habang tumataas ang bilang ng mga COVID-19 cases sa Bulacan ay mas lalong kailangan ang mga contact tracers.
Sa pinaka huling tala ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), pumalo na sa 52, 783 ang COVID-19 cases sa lalawigan habang ang recoveries ay nasa 50,000. Nananatili namang mataas pa rin ang Active Cases na 3,699 at ang mga namatay ay 1,086.
Bukod pa sa contact tracers sa ilalim ng TUPAD ay tuloy pa rin ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pag-hire sa nauna nilang mga kinuhang halos 400 contact tracers para sa provincial government at sa 21 bayan at 3 siyudad sa Bulacan.
Ayon kay DILG BulacanDirector Darwin David, ang mga kinuhang contact tracers mula Pebrero-Agosto ay muling magtatrabaho hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre. Ganoonpaman ay may bago umanong ibinabang memorandum ang kanilang national office na i-e-extend pa ito hanggang sa Disyembre 31.
Ngayong taon ay mayroong inilaang P19-Bilyong halaga ang programang TUPAD matapos itong ipanukala at isulong ni Senator Villanueva. Noong isang taon na unang putok ng pandemya ay mayroong P6-Bilyon ang pondong inilaan ng national government upang mabigyan ng emergency jobs ang mga nawalan ng trabaho dulot ng health crisis na COVID-19.
Nitong Biyernes ay mayroon na namang TUPAD beneficiaries ang kumubra ng kanilang sahod. Ito na yata ang ika-20-30 beses na ang iba’t ibang grupo p sektor ng mga Bulakenyong nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 lock downs and restrictions ay nabigyan ng tabaho sa ilalim ng TUPAD program ng senador.
Sa kasalukuyan ay nasa senado na ang batas na inihain ng senador na gagwing permanenteng job emergency program tuwing pandemya at kalamidad ang TUPAD program. Sa illaim ng kanyang bagong panukala, ang bilang ng araw na ipagtatrabaho ng mga susunod na TUPAD beneficiaries ay hindi lamang 10-araw kundi maaaring umabot sa 20-30 araw at sasahod ng minimum wage.
Sa kasalukuyan, nasa P370-P550 per region-based minimum wage ang sahod ng TUPAD beneficiary sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Coffee Processing Center sa DRT, binuksan ng DA at DTI

Ni Shane F. Velasco, PIA Bulacan
Sa loob ng pasilidad na pinondohan ng DA, inilagak ang mga kasangkapan na ipinagkaloob naman ng Department of Trade and Industry (DTI)-Bulacan sa ilalim ng Shared-Service Facility (SSF) na nagkakahalaga ng P230 libo.
Sinabi ni DTI-Bulacan Provincial Director Edna Dizon na kumpleto sa mga pangunahing kasangkapan at kagamitan ang ipinagkaloob ng ahensiya gaya ng Mechanical Solar Dryer na patuyuan ng mga beans ng Kape, Winnower Machine na naghihiwalay ng mga laki o liit ng mga beans, Mellanger Machine o gilingan, Moisture Meter o ang sumusukat kung tuyo o hindi pa ang mga beans at ang timbangan.

Kaugnay nito, tiniyak ni Gobernador Daniel R. Fernando na patuloy na magsasagawa ng iba’t ibang pagsasanay ang Provincial Agriculture Office (PAO) para sa mga magkakape sa Donya Remedios Trinidad upang tunay na maiangat ang antas ng kabuhayan at kalidad ng mga produktong Kape.
Dahil sa tumataas na bilang ng mga turistang umaakyat sa nasabing bulubunduking bayan, minarapat ng mga kasapi ng Talbak Fruits and Coffee Growers Inc. na magtayo ng isang Kapihan na ngayo’y patuloy na dinarayo. Iba pa ito sa mainam nang kalidad ng packaging na iniluluwas sa malalaking merkado sa Metro Manila. (SFV/PIA-3/BULACAN)