Home Blog Page 450

Gov. Fernando renews call for more vigilance on minimum health protocols as Pulilan purchased vaccines arrived

0
Gobernador Daniel Fernando. Larawan mula sa Galing Bulacan.

CITY OF MALOLOS–Gov. Daniel Fernando renewed his stricter call to all residents to highly observe minimum health protocols to maintain the notable low 172 active COVID-19 cases in the province as a number of places in the country now brace for Delta variant recorded in Metro Manila, Cavite and Ilocos province. 


Fernando ordered all mayors to enforce a more active works and monitoring of compliance to social distancing, face mask and face shield wearing, constant washing of hands and using of alcohol despite the lighter restriction General Community Quarantine status of the province while the country braces for Delta variant. 


Fernando said the provincial government is really spending huge on COVID-19 deaths which now totalled to 908 as the burial assistance cost of the provincial government rose to more than P27-Million from P30,000 given to each family of COVID-19 deaths.


On Friday, Pulilan town, the only local government unit in Bulacan which procured vaccines worth P20-Million for its 80,000 target herd immunity population have started inoculating residents of its first arrival of 3,000 doses. 

Mayor Maria Rosario “Maritz” Ochoa attending to residents in vaccination lines. Photos by Carmela Reyes-Estrope

Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo personally led the vaccination of the first dose of Astrazeneca vaccines to 3,000 senior citizens, co-morbidities,  including essential workers at SM Pulilan Mega Vaccination site. 


Montejo signed the tripartite agreement for the procurement January this year. However, only 3,000 of the 80,000 purchased doses has arrived so far.

Pulilan Mega Vaccination Center in SM Pulilan accommodates 3,000 residents for the 3,000 first arrival of procured vaccines through tripartite agreement.

Ochoa told NEWS CORE that they expect the next batches of arrival by August and for the remaining more than 50,000 before the end of the year. 

The town has earlier already vaccinated 21,400 residents through what the Department of Health provides to the region and provincial government. 


It still has more than 55,600 needed to be vaccinated to meet the 80,000 herd immunity requirement. Pulilan has around 109,000 population. 


With the total 24,400 vaccinated as of this time, Pulilan has already achieved about 31% from its target 80,000 herd immunity population.

Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, second from right is flanked by media members and their close kin after being vaccinated of first dose of Astrazeneca on Friday at Mega Vaccination site SM Pulilan. Contributed photo

Bulacan journos and their immediate families have also benefitted from the said 3,000 doses.

Walang pasok sa Capitolyo, Malolos, Guiguinto dahil sa ulan at baha

0
Walang pasok sa Capitolyo, Malolos, Guiguinto dahil sa patuloy na ulan at baha

SIYUDAD NG MALOLOS–Dahil sa halos isang linggong mga pag-ulan at pagbaha dala ng habagat na pinalakas ng bagyong Fabian ay idineklarang walang pasok ang Capitolyo ngayong araw, ayon kay Gob. Daniel Fernando. 

Samantala, ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office at iba pang service offices kung may kalamidad ay mananatiling bukas para sa operasyon nito. 

Gayundin, ipinag-utos ni City of Malolos Mayor Gilbert Gatchalian na walang pasok sa lahat ng tanggapan ng city government at maging ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskuwelahan. Wala ring pasok sa munisipyo ng Guiguinto ayon sa deklarasyon ni Mayor Mayor Ambrosio C. Cruz Jr.

Nagsuspinde rin ng pasok sa lahat ng opisina ng Bulacan State University sa main campus sa Siyudad ng Malolos at sa lahat ng Satellite Campus nito.

Binaha ang mahigit kalahati ng lalawigan at naglikas ng may 2,000 residente at nakapagtala rin ng halos P40-Milyon halaga ng nasirang pananim, pangisda at imprastraktura bunsod ng mga pag-ulan.

Bulacan nagtala ng P40-Milyon halaga ng nasira sa agrikultura at imprastraktura dala ng mga pag-ulan; 2,000 residente inilikas

0
Binaha na rin ang Paliwas St., Barangay Maysantol sa Bayan ng Bulakan indikasyon na nagsabay-sabay na ang high tide, patuloy na pag-ulan at ang pagpapalabas ng tubig mula sa Ipo at Bustos Dam. Mabuti at 2 metro pa lamang ang itinataas ng Angat Dam bunsod ng halos isang linggong pag-ulan at ito ay nasa 187.47 meters above sea level (masl) lamang sa pinakahuling tala habang 210. masl ang spilling level nito kaya hindi pa ito sumasabay sa pagpapalabas ng tubig. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

SIYUDAD NG MALOLOS–Nasa P40-Milyon ang inisyal na naitalang nasira sa mga pananim at pangisdaan kabilang ang sa pampublikong imprastrastura at may 2,000 residente mula sa 515 pamilya sa 12 bayan at siyudad sa lalawigan ang inilikas matapos na bahain ng hanggang 5ft. flood water ang mahigit 100 barangay dahil sa halos isang linggong pag-ulan bunsod ng southwest monsoon rains na pinalakas ng bagyong Fabian, ayon sa pinakahuling ulat ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).


Ayon sa ulat, nagpalabas ng 210 cubic meter per second (cms) na dami ng tubig ang Bustos Dam kahapon ng umabot ito sa 17.36 meters na lagpas sa 17.00 meters spilling level nito habang ang Ipo Dam ay nagpalabas na rin ng tubig na umabot pa sa 116.31 cms at bumaba ito sa 40.40 cms 5:00pm kahapon matapos lampasan nito ang spilling level na 101.00 meters at umabot sa 101.40 hanggang 101.07 meters. 


Ang mga pag-ulan ay nagpataas sa Angat Dam ng 2 metro dahil nasa 187.47 meters above sea level (masl) na ito kumpara sa mahigit lang 185.00 masl noong isang linggo ng nagsisimula pa lang ang mahinang mga ulan. Ganunpaman ay malayo pa rin ito sa 210.00 masl spilling level.


Inilikas ang 1, 828 na mga residente mula sa 515 pamilya sa siyudad na ito kung saan ang Barangay Bulihan ay inabot ng hanggang 5ft. flood water at mga bayan ng Hagonoy, Paombong, Bulakan at Calumpit, Guiguinto, Plaridel, Bocaue, Obando, Siyudad ng Meycauayan, Norzagaray at Marilao habang naitalang binaha rin ang mga bayan ng Balagtas, Sta. Maria. May mga bayan sa mga nabanggit na ito na inabot ng hanggang 3ft. ang taas ng tubig. 

Nasa 13 ang binahang barangay sa Bocaue, 24 sa Siyudad ng Malolos, 4 sa Plaridel, 14 sa Paombong, 17 sa Calumpit, 11 sa Siyudad ng Meycauayan, 4 sa Guiguinto at mayroon din sa mga bayan ng Bulakan, Hagonoy, Marilao, Norzagaray at Obando. 


Ang Macaiban bridge sa Sta. Maria ay muling hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan habang ang Barangay Sta. Cruz sa Bayan ng Guiguinto at Iba, Saluysoy sa Marilao ay hindi madaanan ng light vehicles. Ang Lias, Marilao road ay hindi rin madaanan ng lahat ng light vehicles. 


Nagtala ng inisyal na halagang P5-Milyon na nasirang imprastraktura ang Bulacan First District Engineering Office habang inisyal namang P14,300,000 ang District 2 Engineering Office at nasa mahigit P19-Milyon ang halaga ng inisyal na  naitalang nasira sa mga pananim na gulay, palay, iba pang gulay at mga pangisda.

Capitol replaces 2-decade old service cars

0
Bulacan Gov. Daniel Fernando poses with some of the department heads and the newly acquired vehicles in front of the Capitol replacing the more than 20 year old provincial government service cars. Contributed photo

CITY OF MALOLOS–The Bulacan Provincial Government acquired P16-Million worth twenty units of Sport Utility Vehicles (SUV) finally replacing its more than two decade old already malfunctioning service cars.

Gov. Daniel Fernando led the blessing more than a week ago of the first five units of Toyota Rush, a non-high end, non-luxury SUV valued at around P800,000 each as service vehicles of the different departments and its chiefs.

Fernando said the vehicles are bought in batches and the next three sets of five units will arrive in the coming weeks.

The Capitol acquired an initial of 20 units following inventory wherein almost all the department’s service vehicles were found already malfunctioning. The service vehicles were acquired during the then term of former Gov. Josefina Dela Cruz about 20 years ago.

Fernando said the cars, being old and often are not in good condition were already a headache to the department heads and to the budget of the Capitol due to regular and frequent repairs.

The Toyota Rush units replaced the old Mitsubishi Adventure SUV’s and sedans.

Fernando said the Capitol ranking employees who are all well performing and doing their job particularly in the field deserve new and better vehicles.

“Like that of what our Provincial Public Affairs Office is using, that of our Tourism, History, Arts and Culture office under Eli, they often malfunctioned and underwent troubles on the road, they deserve better service cars while in the field performing their works,” the governor said.

The governor announced replacing the already malfunctioning old cars upon his assumption to office in July 2019 but he had to set aside this and gave more focus on the expenditures needed to address the COVID-19 pandemic.

“Right at the very start when I assumed office in July 2019, it is among our priorities to provide our departments with better service vehicles. All of them have been using old and already replaceable cars which give them problems and headache on the road”.

While they will dispose off the old ones through bidding, they will keep the units which can still be used by other personnel working in the field, it was learned.

3 milyong puno itinatanim ng San Miguel Corp. para sa reforestation and renewable energy

0
Katuwang ang komunidad, matatapos ng San Miguel Corp. (SMC) ang pagtatanim ng pang-3 milyong puno ngayong taon at 7-milyong puno sa 2025. Larawan mula sa SMC

MANILA–Nakapagtanim na ng 2.7 million na puno ang San Miguel Corp. (SMC) simula 2019  para sa reforestation project nito na carbon capture program o kilala rin bulang “Project 747” na layuning makapagtanim ng 7-Milyon kabuuang mga puno sa 7 probinsiya sa bansa bilang taya ng kumpanya sa umiiral na climate change. 

Isang milyon kada taon ang target maitanim sa ilalim ng programang ito at tatapusing maitanim lahat ang 7-Milyong mga puno sa taong 2025 ay para sa power facility and operations sa bansa ng SMC Global Power Holdings Corp.’s (SMCGP) kung saan nais nitong magdagdag ng mas malinis na renewable power facilities sa power portfolio nito matapos na hindi na nito itutuloy ang naunang planong pagtatayo ng three clean-coal power plants with a capacity of 1,500 MW, bilang bahagi ng SMC’s larger sustainability goals.

“Through massive reforestation, we can help mitigate the impacts of climate change. Over the past couple of years, we have also been utilizing the best and most modern technologies to minimize our impact on the environment, even as we try to provide for our country’s growing need for reliable and affordable power,” pahayag ni SMC president Ramon S. Ang.

Kamakailan lang ay inanunsiyo ng SMC na ang SMCGP ay nearing completion na ng marami nitong Battery Energy Storage System (BESS) facilities sa maraming lugar sa bansa. Tinataya nitong sa pagitan ng 2021 at 2022 ay matatapos na nito ang 31 BESS facilities na hindi lamang mag-i-improve sa power reliability sa buong bansa kundi magbibigay daan din para sa integration ng 3,000 megawatts of intermittent renewable power supply sa mga grid o transmission lines.

Kasabay ding inanunsiyo ng SMC ang pagtatayo nito ng solar plants na may BESS facilities sa 10 locations. Nakalinya ring itayo ng kumpanya ang liquefied natural gas plant and some hydroelectric power plants pipeline bilang bahagi ng mga programa at proyekto tungo sa cleaner and renewable technologies.

As of July 9, ang SMC Global Power Holdings Corp. ay nakapagtanim na ng 780,214 seedlings out of the 1.1 million targeted ngayong taon sa 268 hectares of land sa Zambales, Davao Occidental, Bataan, Negros Occidental, Pangasinan, Albay at Quezon province. 

Kasama na rin ang sa Bulacan, ang target na maitanim na natitirang 320,000 trees para sa 1 milyon ngayong taon ay matatapos sa  September. Mula 2019-2020, ang SMC kasama ang mga magsasaka at mangingisda sa Bulacan ay nakapagtanim na ng 1,994,988 seedlings and propagules. 

“As with our other initiatives, this massive tree-planting project represents our commitment to environmental stewardship. With each of our business units pursuing sustainability programs and engaging their respective communities to help out, I am confident we can collectively achieve a lot in the next couple of years in terms of meeting our climate goals,” Dagdag ni Ang. 

Binigyang diin din ni Ang na mahalaga ang papel ng mga komunidad sa Project 747, kabilang din ang minority tribes sa bawat pitong probinsiya dahil sila ang makakatuwang sa pagpapalago ng mga tanim at pag-aalaga dito.

Kabilang sa mga punong itinanim ay ang Narra, Molave, White Lauan, Palosapis, Agoho, Batino, Igang, and Malabayabas while mangrove varieties include Bakawan Babae, Bakawan Lalaki, Bungalon at Api-Api. Ayon sa SMC, ang survival rates ng mga punong ito sa kabundukan kasama na ang mangroves sa kailugan ay nasa 89 – 91 percent. 

Ang San Miguel Brewery, Inc., subsidiary of SMC ay nakatakda ring magtanim ng 66,000 trees ngayong taon sa ilalim ng “Trees Brew Life” program. 

Ang Distileria Bago, Inc. Mangrove Project ng Ginebra San Miguel Inc., sa Bago City, Negros Occidental ay nagtatanim ng 40,000 full-grown trees across 12 hectares of land.

Ang proposed Petron’s 10-year biodiversity conservation efforts para sa Sarangani Bay Protected Seascape ay may kasama ring pagtatanim ng 50,000 seedlings.

Simula 2000, ang Petron ay nakapagtanim na ng 1-milyong puno at mangroves sa ilalim ng National Greening Program ng national government. Nag-adopt ito ng 30 hectares ng mangrove reforestation areas sa Tacloban City, Leyte at Roxas City, Capiz sa ilalim naman ng Puno ng Buhay program.

NLEX Corp. binida ang Bulacan culture and history sa first leg ng Lakbay Norte

0
Puni Art demo by Ms. Rheeza Hernandez, one of the remaining palm leaf artists in Bulacan

SIYUDAD NG MALOLOS–Ipinakita at ipinagmalaki ng North Luzon Expressway (NLEX) Corp. ang mayamang kultura at kasaysayan ng lalawigan ng Bulacan kasama na ang mga masasarap na kaluto at mga magaganda at dinadayong simbahan sa first leg ng Lakbay Norte nito ngayong nagsisimula na ang pagluwag sa mga tourism restrictions and destinations sa bansa. 


Ang Bulacan, kasama ang Metro Manila at marami pang lalawigan sa Luzon at higit sa ibang bahagi ng bansa ay nasa ilalim na ng mas maluwag na General Community Quarantine (GCQ) at kung saan pinapayagan na ang 40-50 percent capacity lalo na sa mga outdoor tourist destinations habang strikto pa ring pinaiiral ang pag-sunod sa minimum health protocol na pag-suot ng face mask at face shield, pag gamit ng alcohol, paghuhugas ng kamay at social distancing. 

As part of the cultural heritage tour, the team visited the Santos Mansion known for its classical art deco architecture

Ayon kay J. Luigi Bautista, president and general manager of NLEX Corp., ang Bulacan na mayaman sa kasaysayan, kultura at pamana (heritage) at puno ng adventure sites and opportunities ay halos isang oras lang lakbayin sakay ng kotse mula sa Kamaynilaan patungong norte at siyang gateway province ng North and Central Luzon. 

Kasama ang mga miyembro ng media sa Metro Manila, una nilang binisita ang Hiyas ng Bulacan Museum sa Capitolyo sa siyudad na ito na siyang capital ng lalawigan kung saan naroon ang maraming valuable relics, mementos, articles, documents and handicrafts noong panahon ng Philippine Revolution. 


Pinuntahan ng grupo at kanilang nilasahan ang authentic taste ng haing-Bulakenyo sa siyudad na ito–sa restaurant na Kalye Mabini sa Barangay Mojon na may unique fusion of European and Filipino cuisine at ang makabagong Casie’s Restaurant sa Barangay Dakila na may Italian-American dishes. 


Sa siyudad pa ring ito, tinungo rin nila ang historic Barasoain Church, ang Casa Real Shrine, ang Malolos Historic Town Center na tinatawag ding  Camestisuhan or Pariancillo District kung saan  magkakahilera at patuloy na nakatayo at inaalagaan ang mga Spanish-American-era houses na ginawang pangunahing tanggapan ng national government offices noong panahon ni Gen. Emilio Aguinaldo na Philippine Republic. Ang Malolos noong panahon na iyon ang sentro ng national government. 

Sumunod na destinasyon ay ang Marcelo H. Del Pilar Shrine sa Bayan ng Bulakan, ang old capital ng lalawigan. Binisita rin sa bayang iyon ang Nuestra Senora dela Asuncion Church, isang19th century Neo-Byzantine-Romanesque stone church na idineklara ng National Center for Culture and the Arts (NCCA) na isang rich cultural property ng bansa. 
Ayon kay Kaye Mendez ng La Bulakenya, dahil daw sa tour ay nadiskubre niyang stranger siya sa sariling lalawigan. Hindi daw niya inakalang ilang hakbang lang sa kanyang tahanan ang mga makasaysayan, makabuluhan at nakakatuwang lugar ng mayamang kultura, kasaysayan at pamana ng lalawigan. 


“This trip made me realize that I’m still a stranger to my own province. Who would’ve thought little jaunts close to home can be this much fun and enriching? I look forward to exploring my beloved province more through safe and convenient trips via NLEX,” said Kaye Mendez of La Bulakenya. 

The famous Lomo Ribs of Kalye Mabini located in Malolos


Ito naman ang pahayag ni Dennis Esplana ng Pinoy Traveler, “NLEX Lakbay Norte featuring Bulacan was a fun filled travel adventure. The tour was excellent and provided a real insight of the province and its history.”

“The trip was fun, enjoyable, and informative. I felt safe to explore the beautiful town of Malolos and nearby places because of the strict protocols that were put in place. Bulacan is such a delightful destination, which reminded me of how big the role the province and its people had played in the country’s rich history,” pahayag naman ni Kenneth Del Rosario ng Inquirer. 


Dahil sa tagumpay na first leg ng Lakbay Norte ng NLEX, umaasa si Bautista na magtutuloy-tuloy na ang pag-recover ng tourismo sa bansa at makatulong din sa mga travelers para makabalik na muli sa kanilang mga lakbayin, one trip at a time.

Ang NLEX Lakbay ay isang taunang media familiarization tour na isinasagawa ng NLEX Corp. upang i-promote at i-accelerate ang tourism development sa northern part ng bansa. Bilang main gateway sa maunlad na norte,  ang NLEX-Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) ang siyang pinaka mabilis, ligtas at komportableng daan upang marating ang mga lugar na ito katulad ng Bulacan.   

“This edition of NLEX Lakbay Norte not only intends to encourage people to drive to the north, but also to help economic recovery. Tourist destinations have been adversely affected by the pandemic and this is our way of safely boosting tourism in these regions, and inspiring motorists to journey north through NLEX-SCTEX,” pahayag din ni Bautista.  Ang NLEX Corp. ang siyang builder and operator ng NLEX at SCTEX, two of the major tollways in the Philippines. Ang NLEX Corp bilang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation ay involve sa development, design, construction, finance, operation and management ng toll road projects.

NALALAPIT NA HALALAN 2022 ,THE PEOPLE’S GOVERNOR PA RIN

0
MONDRAGON. Vhioly Rosatazo Arizala, NEWS CORE columnist.

MONDRAGON VHIOLY ROSATAZO ARIZALA

Ano pa ang hahanapin ng mga Bulakenyo sa Ama ng lalawigan ng Bulacan , kung baga sa menu kumpleto rekado.Malasang malasa masahol pa sa magic sarap.

Kamakailan ay nag pahayag ang Ama ng makasaysayan lalawigan ng Bulacan na si Governor Daniel R. Fernando na siya ay muling tatakbong Governor sa 2022 subalit ayaw pa niya itong pag usapan bagkus ay mag focus muna sa pangangailangan ng Bulacan lalo’t tayo ay nasa ilalaim pa ng pandemic.

Winika ng Ama ng Bulacan sa loob ng tatlong taong nyang panunungkulan ay hindi naman siya tumigil sa  pagsusumikap na maibigay sa mga Bulakenyo ang matapat, may puso at maka Diyos na paglilingkod. Hanggang dumating ang isang malupit na pag subok sa buong mundo ang pandemya.

Walang pagod na naghahanap ng solusyon ang gobernador upang maibsan ang pangamba ng kanyang mga kalalawigan sa banta ng kamatayan at sakit, hindi biro ang maging Gobernador sa panahon ng Pandemya , subalit matapang na hinarap ang lahat ng ito ng magiting na Gobernador, na kaylanman ay hindi marunong bumitaw.

Palaging niyang sambit ang kalakasan ko ay galing sa ating Panginoong Hesu Cristo na palaging naka gabay sa aba ninyong lingkod, ang pandating ng vaccine ay malaking bagay sa ating buhay kaya lagi niyang pakiusap na magpabakuna na tayo, na kung may bakuna at tamaan man ng virus ay hindi na malala, at dapat ay laging panatiliin ang social distancing, mag hugas ng kamay, maligo agad pag galing sa labas o mag palit agad ng damit at ugaliing lagi gumamit ng alcohol.

Masayang ibinahagi ng Gobernador na siya ay naka second dose na, sa kabila ng pamdemya ay tuloy-tuloy pa rin ang kanyang mga proyekto ng pagpapagawa ng skul sa DRT para sa magsasaka at sa mga betereraryo , malaking lupa ang ibinigay ng gobernador upang magamit ng magsasaka subalit dapat ito ay kanilang pagyamanin, ganun din ang pag-aalaga ng mga hayup kung ito ay pababayaan ay pwedeng bawiin sayo, gayundin ang malaking jail na parang IWAHIG style na kahit mga preso mula Metro Manila ay maaring din tanggapin.

Tuloy tuloy din ang pamamahagi nya ng tulong sa mga financial assistant sa burial, mga solo parent patuloy ang pamamahagi ng mga gamot at iba.  Lalo na ang mga skolar. 

Walang kapaguran, tuloy-tuloy na trabaho 24/7 higit natutuwa ang gobernador sa pagbaba ng porsiyento ng mga tinatamaan ng Covid sa kanyang mga kalalawigan.. MABUHAY KA GOV.. 

Happiest Birthday sa anak ng Presidente ng Rosabel Hoa Jay Santos maligayang bati Jamaila Sophia Santos

Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan mag-aagawan sa unang public school of medicine sa Central Luzon

0
Tinatanggap ni Senator Joel Villanueva ang Plake ng Pagkilala at Pagpapahalaga mula kina Mayor Anastacia Vistan at dating Mayor Jocell Vistan-Casaje dahil sa pangunguna nito sa pagkakaroon ng pondo upang maitayo ang Mayor Alfonso Reyes Sr. Memorial Health Center sa Poblacion, halos katabi lamang ng munisipyo. Nakiisa rin at nagbigay ng suporta sa pagbabasbas si Augustina Dominique "Ditse Tina" Pancho, kapatid ni Second District Rep. Gavini "Apol" Pancho. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

PLARIDEL, Bulacan–Mag-aagawan ang mga primyadong state universities sa Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan sa pagtatayo ng kauna-unahang public school of medicine sa buong Central Luzon sa ilalim ng Doctor Para sa Bayan law na ipinapatupad ngayon. 

Ayon kay Senator Joel Villanueva, author ng nasabing batas, ang Nueva Ecija State University, ang Bulacan State University at isang pampubliko ring unibersidad sa Pampanga ang nagpahayag sa kanya ng interest na magtayo at magbukas ng kauna-unahang public school college of medicine sa buong rehiyon. 

Pinaalalahanan niya ang mga opisyales ng nasabing mga unibersidad na first come first served ang iiral na sistema kung alin sa kanila ang siyang makikinabang sa P1.2-Bilyon na nakalaan sa proyekto sa ilalim ng nasabing batas. 

Dating Mayor Jocell Vistan-Casaje, Plaridel Mayor Anastacia Vistan, Senator Joel Villanueva at Gobernador Daniel Fernando. Larawan ni Anton Luis Catindig

Ayon sa senador, nakasaad sa Doctor Para sa Bayan law na sa taong 2025 ay dapat mayroon ng isang public school college of medicine ang lahat ng rehiyon sa bansa.
Aniya, kausap niya ang mga academe officials noong isang linggo at nagpahayag ito ng marubdob na hangarin na makapagtayo ng school of medicine sa kanilang lalawigan. Ganoon din umano ang mga taga Pampanga na nakausap din niya kamakailan.

Ayon naman kay Bulacan State University Cecilia Gascon, Ph. D., nasa medium term development nila ang pagtatayo ng college of medicine sa Malolos Campus nito.

Sa ngayon ay itinatayo na ang college of medicine sa Cebu Normal University sa Visayas at sa University of Southern Philippines Mindanao  sa ilalim ng nasabing P1.2-Bilyong pondo. 

Ayon kay Villanueva, bago pa aniya maipanukala at hanggang sa pumasa ang nasabing Doctor Para sa Bayan law ay naka-apply na sa Commission on Higher Education (CHED) ang papeles para itayo sa 2 unibersidad ang kani-kanilang college of medicines. 

Dating Mayor Jocell Vistan-Casaje, Gobernador Daniel Fernando at Senator Joel Villanueva. Larawan ni Anton Luis Catindig

Dahil sa COVID-19 pandemic na kumitil ng maraming buhay ng ating mga kababayan simula pa ng una itong manalasa sa bansa noong isang taon ay nakita ni Villanueva ang kahalagahan ng mga doctor sa bawat lalawigan kaya agad niyang ipinanukala na dapat magkaroon ng maraming eskuwelahan ng gobyerno para sa mga kabataang gustong mag doctor.

 Pinangunahan ni Villanueva ang pasinaya sa bagong gawang Plaridel municipal health center sa Bayan ng Plaridel nitong Sabado na tutugon sa mga pangangailangang medical ng mga residente lalo na ngayong panahon ng pandemya. 

Ang pagamutang bayan na pinangalanang Mayor Alfonso Reyes Sr.  Memorial Health Center, ipinangalan sa namayapang dating punong-bayan Alfonso Reyes Sr. ay isang maituturing na malaking medical and health facility sa bayang ito na makakatuwang ng Bulacan Medical Center (BMC) Extension o Plaridel Infirmary sa pag-gagamot sa mga residenteng nangangailangan ng medical attention, ayon kay Mayor Anastacia Vistan..

Ayon kay Villanueva, tinulungan niyang mabilis na mapondohan ng P10-Milyong halaga ang proyekto upang kaagad na malapatan ng lunas ang mga mamamayan ng Plaridel na dumaranas ng sakit at hindi na kailangan pang dalin sa BMC o sa pribadong lugar sa ibang bayan o maging sa labas ng Bulacan lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sinimulan ang proyekto noon lamang pandemic noong isang taon at agad na rin itong natapos nito ngang Hulyo. 

Gobernador Daniel Fernando. Larawan ni Anton Luis Catindig

Pinasalamatan ni Gob. Daniel Fernando si Senador Villanueva sa patuloy na pagmamahal sa mga kalalawigan. Aniya, ang health center na ito ay isang malaking pasilidad na isa na namang mahusay na paglilingkod-bayan ng kasalukuyang mga nanunungkulan sa pangununa ni Senador Villanueva, Mayor Vistan, kasama ang dating Mayor Jocell Vistan at gayundin ang iba pang mga lokal na opisyales ng Bayan ng Plairdel para sa mga mamamayan ng nasabing bayan. 

UNIQLO, SM DONATE 2M HOUSING SUPPLIES, CONSTRUCTION SUPPLIES TO BULACAN COMMUNITIES

0
Uniqlo through SM Foundation and SM City Marilao donated housing materials and construction supplies to beneficiaries recommended by Provincial Social Welfare and Development Office in Obando, Meycauayan, San Jose Del Monte, Meycauayan, Marilao, Paombong, and Bulakan, Bulacan. SM City Marilao Mall Manager Emmanuel Gatmaitan spearheaded the donation in 7 PSWDO identified communities.

2 million worth of housing materials and construction supplies were donated by Japanese global apparel retailer, UNIQLO, through SM Foundation Incorporated to communities from Obando to San Miguel, Bulacan

Being one of the of the hardest hit provinces during typhoon season, many communities in low-lying areas in Bulacan are often submerged in floods; prompting families to seek temporary roof in evacuation centers or public disaster shelters.

With this, the housing materials and construction supplies donated by Uniqlo will not only support the repair, rebuilding, and new construction of home for families displaced by the recent calamities like Ulysses but will also help in the disaster preparedness as typhoon season peaks in the Philippines.

“Malaking bagay po (donation) kasi maitatayo po yung nasira na bahay namin nung Ulysses” says Rolando Santos, a beneficiary from Tabing Ilog in Marilao. Lorena Dauba from Lambakin, Marilao also added “Malaking tulong po dahil may pandagdag na materyales na yero, plywood sa pagawa ng bahay lalo na at padating ang tag-ulan”.

As recommended by the Provincial Social Welfare and Development Office, each of the 58 communities in Bulacan composed of 200 families will received Php.10,000 worth of construction materials such as galvanized iron sheets, roofing and wood nails, sealants, sealant guns, marine plywood and lumber.

Through SM City Marilao, donations were brought to families living in San Pascual in Obando, San Jose in Paombong, San Pedro and Fatima V in San Jose Del Monte and Matungao, San Nicolas and Taliptip in Bulakan, Bulakan. Beneficiaries also include families in Banga and Calvario in Meycauayan and Sta. Rosa, Tabing Ilog and Lambakin in Marilao.

Rounds of donation, on the other hand, were conducted by SM City Baliwag in communities like Sta. Cruz, Laog, Sto. Cristo in Angat, Sabang, Bagong Nayon, San Jose and Poblacion in Baliwag, Pulong Sampalok, Kalawakan, Sapang Bulak and Camachile in DRT, Poblacion, Matictic and Baraka in Norzagaray, San Juan and Maasim in San Ildelfonso and Santa Rita Matanda, Tartaro, San Vicente, Sta. Ines, Sta. Lucia, Santa Rita Bata, Poblacion, Bagbaguin and Sta. Clara in San Miguel.

SM City Baliwag recently started the distribution of the first batch of housing materials and construction supplies donated by Uniqlo to selected Barangays in Baliwag as well as nearby towns in San Ildefonso and San Miguel. Leading the distribution on behalf of Uniqlo and SM Foundation is SM City Baliwag Mall Manger Rodora Tolentino.

Chosen beneficiaries in Baliwag were identified as the most affected families, with houses that are still damaged at present. “Mayroon tayong partial damage na 2,500 at may more or less 900 na totally damage last year” said Baliwag MSWDO Department Head Josephine Lopez.

In close coordination with the Local Government Units of the recipient towns, families from Poblacion, Cambaog and Catacte in Bustos, Sumapang Bata, Lugam, Masile, Dakila, Niugan, Santor, Tikay and Balite in Malolos, Dampol 2nd in Pulilan and Bagbaguin and Sta. Clara in Sta Maria likewise received donations from Uniqlo through SM Center Pulilan.

“Pauna na po ang aming taos pusong pasasalamat sa inyong pagsuporta” shares Provincial Social Welfare and Development Office head Rowena Tiongson. “Nawa po ay mas marami pa tayong Bulakenyong matulungan sa naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad lalo na po ng Bagyong Ulysses” Ms. Tiongson added.

Uniqlo’s housing materials and construction supplies donation is part of the relief and recovery efforts made through its parent company- SM Group. As recalled, the global fashion brand donated over 1 million USD in aid last quarter of 2020. Through SM Foundation Inc, an entity that manages the CSR activities of SM Group, donations were mobilized to affected communities around the Philippines to provide emergency food supplies and rebuild flooded housing, as well as build preventative infrastructure in areas susceptible to flooding.

Bulacan Provincial Jail lumuwag na, congestions, naiwan sa municipal at city jails

0
Ang maayos, malinis at maluwag na loob ng Bulacan Provincial Jail habang binisita ni Warden Marcos Rivero at ilang opisyal nito. Kuha ni Carmela Estrope

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Magdadalawang taon na ngayong hindi na congested ang sitwasyon ng mga detainees sa loob ng Bulacan Provincial Jail subalit naiwan naman umano sa municipal and city jails ang pagsisikip, ayon sa mga concern officials.

Nagsimula umanong lumuwag ang bilangguan nang ipatupad ng mga courts ang plea bargaining agreement kung saan ang mga akusado ay maaari ng hindi ikulong habang dinidinig ang kanilang kaso. Ang karaniwan umano sa nag-benefit sa plea bargaining agreement na ito ay ang mga may kaso ng drugs na siya umanong nagpaluwag sa bilangguan ng 60-65%.

Ayon kay Warden Marcos Rivero nang simula niyang pamunuan ang jail noong last quarter ng 2019 ay mahigit 4,000 ang mga detainees subalit ngayon ay nasa 1,806 na lamang ito: 1,568 males at 238 female. Bago siya dumating sa bilangguan ay halos umakyat na sa 5,000 ang bilang ng mga detainees.

Isa pa rin umanong dahilan ng pagluwag ng kanyang pasilidad ay bunsod ng COVID-19 pandemic sapagkat simula ng pumutok ang pandemya hanggang sa kasalukuyan ay 15 pa lamang na akusado ang dinadala sa kanila.

Ani Rivero, buhat ng ipinatupad niya ang atas ng Department of Interior and Local Government na i-require na sumailalim sa RT-PCR test at magtala ng negative result ang maaari lamang na tanggaping detainee sa kanilang pasilidad ay dumalang na ang dinadala sa kanila.

Noong walang pandermic, tanging commitment order lang buhat sa korte at medical certificate ng akusado ang requirements para tanggapin sa provincial jail subalit dahil nga sa pandemya ay nadagdag pa ang negative result ng swab test.

Nabalitaan umano niya na marami sa mga iyon ang may commitment orders subalit dahil hindi na-s-swab test kaya’t hindi madala o mailipat sa panlalawigang piitan.

Aniya, dahil dito, nakatanggap siya ng mga reports na ang maraming jails sa 21 munisipalidad at 3 siyudad ay siya ngayong nagsisikip. Ayon kay Rivero, siya ay nababahala sa kondisyon ng mga bilanggo sa nasabing mga detention facilities.

Ayon pa kay Rivero, nabalitaan din niyang walang mag-pondo para sa swab test ng mga nakakulong sa municipal and city jails upang ang mga may commitment orders dito na mag-negative sa swab test ay ma-i-commit na sa provincial jail.

Ganunpaman ay taliwas ito sa ipinahayag ni Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz. Jr. at pangulo ng Bulacan Mayor’s League sapagkat mayroon umanong nakalaang pondo sa bawat constituents ng mga bayan-bayan kabilang ang mga akusadong nakakulong sa kailangan nitong swab test dahil sa pakikipag-agreement umano ng mga local government units (LGU) sa Joni Villanueva Molecular Laboratory.        

Gayundin, aniya, may pag-uusap na ang mga LGU’s sa Bureau of Jail Management and Penology sa pagtatayo ng maayos, mas malaki at maluwag na jail facilities sa mga bayan-bayan upang hindi na maging congested ang sitwasyon ng mga detinado.    

Ipinagmalaki rin ni Rivero ang bagong mukha ng Bulacan Provincial Jail kung saan nagagamit na ng mga detainees ang roof top ng gusali sa oras ng kanilang trabaho na pag-lalala ng basket na pinagagawa ng taga-Marikina at ineexport.

Gayundin, nagtayo ng sariling high profile cell si Rivero para sa mga high profile detainees.

Ipinagmalaki rin ni Rivero ang aksiyong ginawa ni Gob. Daniel Fernando na pagprioridad na palakasin ang supply ng malinis na tubig sa piitan sa buong 24-hours upang masiguradong mas madalas nakakapaligo ang mga detinado at 27-7 ding malinis ang buong pasilidad.

Noong mga nagdaang panahon, aniya, de-bomba sa poso lamang, limitado ang supply at hindi malinis ang tubig na nakukuha ng mga detinado. Nagtayo rin ng sariling kooperatiba at tindahan ang mga detinado sa Provincial Jail upang maiwasan na ang pakikipakibili-bili sa labas at ang karaniwan nilang kailangang supply ng pagkain ay mabibili na rin sa pasilidad.