31.5 C
Bulacan
Saturday, May 18, 2024
Home Blog Page 181

Pres. Duterte pinarangalan sina Marcelo H. Del Pilar at Gregorio Del Pilar ng Order of Lapu-lapu

0
Sinaluduhan ni Pangulong Duterte ang dambana ng mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar at Gregorio S. Del Pilar sa harapan ng Capitolyo ng Bulacan sa pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan nitong Sabado, Hunyo 12. Larawan ng Philippine Information Agency (PIA)

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng parangal na Order of Lapu-lapu ang mga bayaning Bulakenyo Marcelo H. Del Pilar at Gregorio S. Del Pilar sa kanilang mga monumento sa harapan ng Capitolyo sa pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan kahapon.

Isa umanong genius si Marcelo Del Pilar na kilala rin sa tawag na Plaridel sa larangan ng panulat lalo na sa pagsiwalat ng mga katiwalian at kaguluhan sa ilalim ng pamamalakad ng mga banyaga at si Gen. Gregorio S. Del Pilar naman bilang Bayani ng Tirad Pass at isang magiting na heneral na nag-alay ng buhay para makamit ang kalayaang matagal ng minimithii ng ating bansa. 

Tinatanggap ni Marita Santos ng Bulakan, Bulacan, descendant ni Gen. Gregorio Del Pilar mula kay Pangulong Duterte ang parangal na Order of Lapu-lapu para sa nasabing bayani at sa harapan ng Capitolyo ng Bulacan sa pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan nitong Sabado, Hunyo 12. Larawan ng Philippine Information Agency (PIA) 

Ang Order of Lapu-lapu ay parangal na ipinagkakaloob ng Pangulo ng Pilipinas sa isang Pilipino na nagpamalas ng kahusayan at kagalingan sa larangan ng kanyang adbokasiya.

Ayon sa Pangulo, sinadya niya umanong sa Bulacan niya itaas ang bandila ng Pilipinas sa ngayong taon ng Araw ng Kalayaan upang mabisita ang lupang tinubuan ng mga bayaning sina Del Pilar at ibigay ang parangal na nararapat sa kanilang kabayanihan.

Nais nga rin daw niyang tunguhin ang Tirad Pass upang magpugay din sa batang heneral. 

Tinanggap ni Marita Santos, isa sa mga descendants ni Gregorio S. Del Pilar ang nasabing parangal. Si Santos ay miyembro bg Kabesera, isang historical and cultural group sa Bayan ng Bulakan, ang bayang sinilangan ng dalawang bayani kung saan nakatayo ang kanilang mga dambana.  

Nag-alay ng bulaklak si Pangulong Duterte sa monumento ni Gen. Gregorio Del Pilar sa harapan ng Capitolyo ng Bulacan. Larawan ng PIA

Ayon sa Pagulo, noong isang taon umano ay sa Malabang Lanao del Norte siya nagtungo kung saan ay doon pinatay ang bayaning si Jose Abad Santos. Ang naturang bayani aniya ay mas ninais pa ang ialay ang kanyang buhay sa bayan kaysa mag pledge ng allegiance sa Japanese Imperial Army noong panahon ng pananakop ng Hapon.

Biro ng Pangulo, nakakatuwa na ang Luzon, lalo na ang Bulacan ay pinagmulan ng mga bayani samantalang sila doon sa Mindanao ay pinagmulan ng mga kontrabida.

“Mabuti kayo dito sa Luzon at sa Bulacan, maraming bayani. Hindi katulad doon sa amin sa Mindanao na mga kontrabida” pahayag niya.

Kasama ni Marita Santos, descendant ng bayaning si Gregorio S, Del Pilar si Bulacan provincial government tourism officer Eliseo Dela Cruz sa pagtanggap ng parangal na Order of Lapu-lapu para sa nasabing bayani na ipinagkaloob ni Pangulong Duterte. Larawan ng PIA

Ang solidarity at pagkakaisa umano nating mga Pilipino ang siyang susi ng ating patuloy na kasarinlan.

KALAYAAN 2021: Kabayanihan ng medical front liners kinilala, PRRD magpupugay sa bayaning Bulakenyo

0
ARAW NG KALAYAAN 2021. Pinangunahan nina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, Siyudad ng Malolos Mayor Gilbert Gatchalian at Vice Mayor Noel Pineda at iba pang opisyales ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Gen. Emilio Aguinaldo sa harapan ng Barasoain Church sa Siyudad ng Malolos na simpleng pagpupugay sa mga bayani at pag-gunita sa ika-123 Araw ng Kalayaan. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Kinilala ni Gob. Daniel Fernando ang mga medical and health front liners bilang kasalukuyang bayani sa laban ng bansa kontra COVID-19 sa isang payak na selebrasyon ng ika-123 Araw ng Kalayaan sa Barasoain Church ngayong umaga habang lubos umano ang kagalakan at pasasalamat ng mga Bulakenyo kay Pangulong Duterte dahil sa gagawin nitong bukod na Independence Day celebration ngayong hapon sa Capitolyo. 


Ito ang pahayag ng gobernador matapos niyang pangunahan ang nasabing okasyon sa pamamagitan ng isang muli ay payak na pagtataas ng bandila ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Gen.Emilio Aguinaldo sa harap ng simbahan ng Barasoain kaninang umaga. 


Tulad noong nakaraang taon dahil sa outbreak ng COVID 19 ay wala ring programa o mga pagsasalita sa entablado at walang mga miyembro ng komunidad na pinayagang dumalo upang mapanailiti ang no mass gathering at ang social distancing. 


Sa panayam ng media sa gobernador, sinabi nitong hindi lamang ang ating mga bayaning sila Jose Rizal, Marcelo Del Pilar, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar at marami pang iba ang ating inaalala at dinadakila ngayong ika-123 Araw ng Kalayaan kundi kasama rin ang ating mga medical and health front liners and workers.

ARAW NG KALAYAAN 2021. Pinangunahan nina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado, Siyudad ng Malolos Mayor Gilbert Gatchalian at Vice Mayor Noel Pineda at iba pang opisyales ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Gen. Emilio Aguinaldo sa harapan ng Barasoain Church sa Siyudad ng Malolos na simpleng pagpupugay sa mga bayani at pag-gunita sa ika-123 Araw ng Kalayaan. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

“Ang COVID-19 ang pangunahing digmaan na ating sinasalihan at kinabibilangan ngayon at ang ating medical front liners at mga health workers ang ating siyang mga bayani na nangunguna sa ating bawat hakbang upang magtagumpay,” pahayag nito. 


Hinimok niya ang lahat ng Bulakenyo na ipagpatuloy ang striktong pagsunod sa minimum health protocol upang tuluyan ng mapagtagumpayan ang giyera kontra pandemya.


Lubos naman aniya ang kanyang pasasalamat sa Pangulo sa pagbisitang gagawin nito mamayang hapon sa Capitolyo upang magdaos ng hiwalay at payak ding selebrasyon ng Araw ng Kalayaan at bigyang parangal ang mga bayaning Bulakenyo.

Mga media sa Bulacan, ngayong Hunyo babakunahan

0
Naisumite na kahapon ni Bulacan Provincial Public Affairs Office head Maricel Santos- Cruz at Frederick Silverio ng Manila Times at dating pangulo ng Bulacan Press Club ang listahan ng nasa 60 na Bulacan-based journalists and media workers na target mabakunahan ng Bulacan Provincial Government ngayong Hunyo. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Halos 60 Bulacan-based local and national media members ang babakunahan nang libre ng provincial government ngayong buwan pagdating ng mga kasunod ng bakunang inaantay ng lalawigan. 
Ito ang ipinahayag ni Gob. Daniel Fernando nitong Lunes sa mga mamamahayag.


Nauna rito ay humiling din si Jenny Raymundo ng Mabuhay Newspaper at pangulo ng Bulacan Press Club (BPC) sa gobernador na agaran ng ibilang ang mga kasapi ng samahan upang mabigyan na rin ng proteksiyon ang palaging expose na media members. 


Inatasan din ng gobernador si Frederick Silverio, Correspondent ng Manila Times at dating pangulo ng BPC na gumawa ng listahan ng lahat ng media members sa lalawigan at isama doon kahit hindi miyembro ng BPC upang makabilang rin sa babakunahan. 


Patapos na second dose ang maraming senior citizens at co-morbidities (A2 and A3) ang binabakunahan ngayon sa Bulacan at kasunod na ang nasa A4 category na frontline personnel mula sa hanay ng essential sectors kabilang ang media, uniformed personnel at higher risk other than senior citizens and poor population.

Nito lamang Abril naisama sa A4 category ang media matapos na hilingin ng mga miyembro nito at iba pang sektor sa national Inter Agency Task Force na maisama sila. 


Maraming media members ng Bulacan na affiliated sa local and national media organizations partikular ang mga miyembro ng Bulacan Press Club ang patuloy na lumabas at nagtrabaho sa field sa buong panahon ng pamdemya kung kaya’t expose ang mga ito at mataas ang banta na mahawa.


Marami sa mga ito ang mga nag-su-suob din kapag may sintomas na nararamdaman at ang iba ay nagse-self quarantine na agad hanggang sa bumuti na ang pakiramdam. Halos puro very mild symptoms lang naman ang kanilang naramdaman.


Ayon kay Fernando, paparating ngayong linggo ang 70,000 pa na doses ng bakuna dahil priority ng national IATF ang Bulacan dahil ito ito sa National Capital Region (NCR) Bubble Plus. 

Isa na namang guwardiya ng SM, nagsauli ng napulot na 40K

0
Ang guwardiya ng SM na siRodel Victorino na nagsauli ng Php 40,000 na laman ng wallet na kanyang napulot sa may-ari na si Cristan Parajas.

PULILAN, Bulacan, Philippines—Isa na namang guwardiya ng SM Center Pulilan Center ang pinapurihan matapos na magbalik din ito ng napulot na wallet sa parking ng nasabing mall kamakailan lang.

Duty sa parking area ng nasabing mall si Rodel Victorino nitong isang linggo at habang nag-iikot siya sa paligid ay namataan niya ang isang wallet. Agad niya itong pinulot at hindi nagdalawang-isip na i-report ito at dalhin sa Customer Relations Office (CRS) ng nasabing mall.

Ang wallet ay naglalaman ng P46,798.00 at maraming mga identification (ID) cards.

Mabilis ding nakilala ang may-ari nito na si Cristan Parajas na taga Sta. Maria, Bulacan dahil sa mga lamang ID.

Ayon kay Veronica B. Cunan, public relations officer ng SM City Baliwag at SM Center Pulilan, patuloy na  nagpapamalas ng katangai-tangi at kapuri-puring asal ang mga manggagawang Pilipino katulad ng kanilang mga guwardiya at hindi napapatukso na gumawa ng mali at mang-angkin ng perang hindi sa kanila kahit na dumaranas ang lahat ng kahirapan sa pangkabuhayan dulot ng COVID-19 pandemic. 

Noong Mayo 2020 ay pinuri rin at pinasalamatan si Reynold Gumarang ,isa ring guwardiya sa parking ng nasabing mall ng mag-sauli naman ito ng wallet na naglalaman ng P36,431.00 halaga.

Ang dalawa ay kapwa umani ng papuri sa social media. Ayon kay Cunan, ang dalawa ay kapwa binigyan ng komedasyon at parangal ng SM Management kasabay ang pagtanghal sa kanila bilang modelong guwardiya ng kanilang kumpanya at bilang mabuting halimbawa at dapat tularang mangagawang Pilipino.

Gob. Daniel, Bise Gob Willy nanguna sa national ID System registration

0
Ini-scan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang fingerprint bilang bahagi ng proseso ng pagpaparehistro para sa Philsys Institutional Registration ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na "#DutyFirst Kapitolyo, Rehistrado" sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon. Larawan ng Bulacan Provincial Public Affairs Office

LUNGSOD NG MALOLOS –Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado at ng iba pang mga opisyales ng Capitolyo ang mabilis na sistema ng pagpaparehistro para sa national ID System sa pamamagitan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Philsys Institutional Registration sa ginanap na “#DutyFirst Kapitolyo, Rehistrado” sa Bulacan Capitol Gymnasium nitong Lunes.

Bise-Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado. larawan mula sa Provincial Government of Bulacan

Ayon kay Marcelino O. De Mesa, Supervising Statistical Analyst sa PSA Bulacan ang Philsys ay pinrograma upang mapadali ng mga kawani ng gobyerno ang pag-access sa national identification system.  Ang Philsys ay ang central identification platform ng gobyerno na naglalayong magtatag ng isang pambansang sistema ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mga mamamayang Pilipino at mga dayuhan sa bansa.

Kasabay ng dalawang pangunahing opisyal ng lalawigan ang mga bokal at department heads ng Capitolyo sa mga naunang nagpa-rehistro at ang iba pang mga kawani ng Capitolyo ay naka-iskedyul na magparehistro mula Hunyo 8-29.

Ayon kay De Mesa, maaaring magamit ang national ID bilang isang patunay ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mga transaksyon, maging sa isang ahensya ng gobyerno o pribadong institusyon at maaari ding magamit sa labas ng bansa.

“Ang inyong mga ID po ay idedeliver sa inyong mga address. Bukod dito, kikilalanin din po ang inyong mga national ID hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa; ang sabi nga, ito ay ‘one ID for all transaction’ at ‘ease of doing business.’ Mas pinadali dahil po hindi na kailangan pa ng iba pang ID at supporting documents, iisang ID na lang sa bawat transaction, sa gobyerno man o sa probadong institusyon,” paliwanag ni De Mesa.

Aniya, nakikipag-ugnayan ang PSA sa mga lokal na pamahalaan upang tulungan ang pagpaparehistro sa Philsys ng kani-kanilang nasasakupan, kasama na ang proseso ng pre-registration at mismong pagpaparehistro.

Samantala, inihayag naman ni Fernando ang kanyang pagsuporta sa layunin ng Philsys at sinabing ang pagkakaroon ng national ID ay simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

“Tayo po ay lubos na sumusuporta sa Philippine Identification System dahil sa pamamagitan nito, maaari nang makuha ng ating mga kababayan ang iba’t ibang serbisyo mula sa gobyerno o sa pribadong institusyon na hindi na kinakailangan ng marami pang mga ID o ibang mga dokumento. Malaking kaluwagan ito para sa ating mga kalalawigan. At ang maganda rin dito ay makikilala tayo sa ibang bansa na tayo ay mga Pilipino sa pamamagitan lamang ng isang ID card,” ayon sa gobernador.

Ang Philippine Identification System Act na kilala bilang Republic Act No. 11055 ay nilagdaan upang maisabatas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 2018. (Kasamang ulat mula sa Provincial Public Affairs Office)

Multiplier Animal Center itatayo sa DRT, farmer’s school sa Malolos at MRI at opthalmology sa Bulacan Medical Center

0
Si Gob. Daniel Fernando habang pinapangunahan ang pagbibigay ng ayuda sa mga homeowner's officers kasama ang ilang opisyales nito at si Provincial Social Welfare Development Officer Rowena Joson-Tiongson. Kuha ni Anton Luis Reyes Catindig

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Magtatayo ang provincial government ng Animal  Multiplier and Breeding Center sa lupa nito sa Dona Remedios Trinidad (DRT) upang alagaan at gawing dagdag hanapbuhay ng mga Bulakenyo lalo na sa panahon pa rin ngayon ng pandemya, ito ang ibinahagi ni Gob. Daniel Fernando sa homeowner’s associations sa buong lalawigan. 


Isinagawa ang meeting with the homeowners sa buonh apat na distrito ng Bulacan nitong nakaraang linggo upang bigyan sila ng kaunting ayuda at upang hilingin ang lalo pa nilang puspusang pakikiisa sa paglaban ng lalawigan sa COVID-19 sa kani-kanilang mga nasasakupan sa pamamagitan ng mahigpit na paalala sa mga miyembro ng pagtalima sa minimum standard health protocols. 


Bukod sa ayuda, ibinalita ng gobernador ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan na ngayo’y nagtala na ng 54% na pagbaba.


Ibinalita rin niyang magtatayo ang Capitolyo ng Animal Multiplier and Breeding Center sa lupang pag-aari nito sa DRT upang lalong makapagbigay ng hanapbuhay at pagkain sa mga Bulakenyo lalo pa ngayong patuloy na pandemya.
Aalagaan doon, ani ng gobernador ang manok, kalabaw, baka, kambing, baboy, bibe at iba pa. 


Gayundin itatayo umano ang isang Farming and Agricultural School sa lumang building ng Girl Scout sa palibot ng Capitol Grounds sa siyudad na ito upang bigyan ng sapat na kaalaman at training ang mga kabataan tungkol sa agrikultura sapagkat isa ito sa major na pinagkukunan ng kabuhayan at iyan ay napatunayan umano nitong panahon ng pandemya.


Dapat umanong ang kabataang Bulakenyo ay mapukaw din ang interest sa mga pananim at paghahayupan bilang pangunahing kabuhayan at pagkain.


Gayundin ibinalita ng gobernador na maglalagay siya ng Magnetic Resonance Imaging (MRI) equipment sa Bulacan Medical Center (BMC) upang hindi na dadalin pa sa Maynila ang mga pasyenteng Bulakenyo na nangangailangan nito. 

Nagkakahalaga umano ang isang unit o equipment ng MRI ng halos P80-Million subalit ito ay kakayanin ng pondo ng lalawigan.


Dagdag pa ring ibinagagi ng gobernador na magtatayo siya ng Opthalmology Center sa BMC upang mabigyan ng sapat at modernong lunas sa mata ang mga Bulakenyo at hindi na gumagasta pa ng malaki sa private o nagpupunta pa sa Maynila.

BulSU College of Medicine isusulong na rin

0
Ibinabaon ni Sen. Joel Villanueva kasama si Gov. Daniel R. Fernando, Bulacan State University President Cecilia Gascon, Ph. D., at City of Malolos Mayor Gilbert Gatchalian ang time capsule para sa itatayong 5-storey Human Resource Building ng unibersidad sa Campus 2 ng Main Campus sa nasabing siyudad ngayong umaga, Hunyo 7. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines—Isusulong na ring itayo ang College of Medicine sa Bulacan State University (BulSU), ito ang pahayag ng matataas na opisyales ng Bulacan ngayong Lunes sa groundbreaking ng isang five-storey building structure na itatayo sa Main Campus nito sa siyudad na ito.

“When would our time come that Bulacan State University will push for a school of medicine. President Gascon said it is in their blueprint already but I could hardly wait because I will be there in Senate and that will not be long that a school of medicine will be offered by Bulacan State University”. Ito ang pahayag ng senador sa nasabing okasyon. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Ayon kay Senator Joel Villanueva na nasa likod ng pag-pondo ng national government sa P324-Million budget para sa construction ng Human Resource Building na inumpisahan ngang itayo ngayong araw, hinihintay niyang matapos ang feasibility study at blueprint ng BulSU College of Medicine at ibigay ito sa kanya ni President Cecilia Gascon upang ma-sponsor na niya ang pagpopondo dito at masimulan na itong itayo para sa kapakinabangan ng kabataang Bulakenyo na gustong maging doctor.

Ipinahayag ni Gascon sa nasabing groundbreaking na ngayon ay ginagawa na nila ang feasibility study para sa pagtatayo ng College of Medicine at ito ay nasa 2022 medium term plan ng unibersidad.

“Ang Doctor Para sa Bayan Law na ipinanukula ng ating butihing Senador Joel Villanueva ay sa na pong batas kaya’t sa pagtatayo po natin ng school of medicine ay may aalalay na po sa atin at hindi na po tayo mahihirapan,” pahayag ni Bulacan State University President Cecilia Gascon. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Ayon kay Villanueva, nais niyang manguna ang BulSU sa pagkakaroon ng public College of Medicine sa buong Region 3. Aniya, ang BulSU ay maaaring mapondohan ng malaki sa pagtatayo nito ng College of Medicine sa ilalim ng RA 11509 o Doctor Para sa Bayan Law na kanyang ipinanukala at nito nga lamang ay inaprubahan ni Pangulong Duterte.

Sa ngayon umano ay may P300-Milyong inilaan para sa pagtatayo ng tatlong public College of Medicines sa Davao region at sa Central Visayas sa ilalaim ng nasabing batas.

Ang hangarin umano ng batas ay magkaroon ng public College of Medicine sa bawat rehiyon sa bansa. “Nais nating mauna tayo dito sa Bulacan para sa Central Luzon. Pero sa ngayon ay pinupush din ng Pampanga. Pero kung kaya naman natin ang dalawa, mas mainam iyon para sa Central Luzon,” pahayag ng senador sa NEWS CORE.

Ikinalulungkot ng senador na sa sampung rehiyon sa bansa ay wala ni isa ang mayroong public school of medicine kaya’t ipinanukala niya ang Doctor Para sa Bayan Law noong isang taon habang pinahihirapan ng pandemya ang buong mundo partikular ang bansa. “Nakita natin na ang tao ay helpless, kaya naisip natin na dapat gumawa tayo ng hakbang, dapat makagawa tayo ng mag-iinspire sa tao. Kaya ipinanukala natin ang batas ng Doctor Para sa Bayan,” pahayag ng senador.

Ipinagmalaki naman ni Gob. Daniel Fernando na siya ay produkto ng BulSU noong siya ay high school pa lamang at ang unibersidad ay kilala pa lamang bilang Bulacan College of Arts and Trades o BCAT at sinabi niyang napakalaking tulong sa mga kabataang Bulakenyo kung mayroon ng libreng eskuwelahan sa medisina sa lalawigan sa pamamgitan ng BulSU College of Medicine.

Produkto ng Bulacan State University noong siya ay high school at Bulacan College of Arts and Trades (BCAT) pa lamang noon, ipinagmamalakai ni Gob. Daniel Fernando ang aniya ay malayo ng narating at nalipad ng unibersidad kaya’t masigla siyang nakibahagi sa groundbreaking ng Human Resource Building ng unibersidad. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Matagal nang tinitingnan ng mga opisyales sa Bulacan na ang mga estudyante ng medisina ng BulSU kapag naitayo na nag-ooperate na ito ay makakapag-intern o practice sa katabing Bulacan Medical Center (BMC) at Bulacan Infection Control Center (BICC).

Isang gusali ng BulSU na katabi ng BICC at BMC ang nauna ng ginamit bilang quarters ng mga medical front liners at nitong Marso na nagkaroon ng second wave ay ginamit bilang COVId-19 healing facility.  

Ayon kay Gascon, ang Resource Management Building ay magiging research and community engagement facility hindi lang para sa Bulacan kundi maging para sa buong Region 3. Environment friendly ang itatayong gusali dahil sa passive design nito at pag gamit ng solar power system.

Ang Human Resource Building ay ang ika-4 na major infrastructure na ipinatayo ni Gascon simula ng maupo ito bilang pangulo ng unibersidad noong 2015. 

Ito ay itinatayo sa Campus 2 ng BulSU o sa bahagi ng 25-hectares na pag-aari ng unibersidad katapat ng Campus 1 o Main Campus sa siyudad na ito. Ang 25-hectares lot property ng BulSU dating pag-aari ng Philippine Information Agency na ipinagkaloob ni Pangulong Joseph Estrada sa BulSU noong 1998 sa ilalim ng panahon ni dating Gob. Josefina Dela Cruz.

70K Moderna, Pfizer at SinoVac vaccines dadating ngayong linggo sa Bulacan

0

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines—Nasa 70,000 doses ng Moderna, Pfizer at SinoVac vaccines ang tatanggapin ng Bulacan ngayong darating na linggo sa ilalim ng pinaigting na vaccination roll out ng national government upang matuldukan na ang COVID-19 pandermic.

Ito ang pahayag ni Gob. Daniel Fernando sa panayam ng NEWS CORE kaya naman agad niyang ipinag-utos sa mga alklade sa Bulacan na palakasin at paigtingin ang mga vaccination center capabilities ng mga ito sa kani-kanilang bayan at siyudad upang makasunod sa mabilis na pagbabakuna na isinusulong ng national government.  

Ayon kay Fernando, chairman ng Bulacan Inter Agency Task Force (IATF) on COVID 19, priority ng national government ang Bulacan bilang isa ito sa National Capital Region (NCR) Bubble Plus provinces kasama ang Cavite, Laguna at Rizal na nagtala ng muling pagtaas ng mga kaso nitong nagdaang pagputok ng second wave nitong Marso.

Ang 70,000 doses ng nasabing mga vaccines ay magsisilbing second dose ng mga A2 o senior citizens at ng A3 o mga co-morbidity cases at first dose naman ng mga nasa A4 o front liners sa ibang essential works.

Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, Bulacan IATF vice chair, ang nasabing parating na mga bakuna ay tiyak na pupunuin ang anim na freezers ng lalawigan na nasa Bulacan Vaccination Center sa Hiyas Convention Center sa siyudad na ito.

Paliwanag ni Celis, ang padating sa isang linggo na 70,000 doses of vaccines ay magkukumpleto sa halos 300,000 total doses na naihatid na ng national government sa Bulacan at nainiksiyon na sa mga Bulakenyo matapos unang makapagbigay na ng kabuuang 216,078 doses.

Ayon sa gobernador, inuubos na umano ngayon ang mga huling bahagi sa nakaraang 70,000 doses na ibinaba sa Bulacan para para sa second doses ng A1 category o mga medical front liners and health workers at first doses ng A2 senior citizens at A3 comorbidities. 

Ayon naman sa doctora, dumagsa ngayon ang mga gusto ng magpa-bakuna kaya naman lumobo na ang mga nag-rehistro sa online upang mabakunahan.

Ayon kay Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr., president ng Bulacan Mayor’s League, ang bawat munisipyo ay naghahanda na at pinalalakas na ang kani-kanilang mga pasilidad sa vaccination centers para sa bulto ng pagdating nga mga bakuna ngayong Hunyo hanggang Setyembre at sa Disyembre.  

Nauna ng ipinahayag ni Gob. Fernando na ang Bulacan ay nakapagtala na ng 54% decrease o pagbaba sa mga naitatalang COVID-19 cases.

Sa ngayon ay nagtala ang lalawigan ng 34,534 confirmed cases with 93% recovery rate or 32,066 as of June 1. Ang death cases naman ay umakyat sa 788 subalit nanatiling mababang porsiyento o 2% rate lamang, ayon sa datos ng Bulacan IATF na iniulat ni Celis.

Ang active cases sa lalawigan ay bumaba na rin sa tala nitong more than 1,600 cases kumpara sa nakakaraang buwan at linggo nitong second wave nitong Marso na mahigit 2,500 cases.

Ang mga naka-admit sa COViD-19 hospital sa lalawigan–Bulacan Infection Control Center (BICC) at Bulacan Medical Center (BMC) ay bumaba na rin sa 122 kumpara sa nakakaraang linggo at buwan nitong second wave nitong Marso na halos pumalo sa 300 pasyente. 

NLEX completes link slab upgrade of Candaba Viaduct southbound ahead of schedule; to start northbound work in July

0
Candaba Viaduct

The NLEX Corporation announced that link slab upgrade on the southbound portion of the Candaba Viaduct has been completed ahead of schedule, adding that it will also upgrade some of the priority link slabs at the northbound side this coming July 2021.

Stretching five kilometers, the Candaba Viaduct is a vital structure that links Pampanga and Bulacan provinces. It has been serving the Metro Manila, and Central and North Luzon road corridor for many years. 

Candaba Viaduct Link Slab

About 25 bridge link slabs made of concrete that connect two bridge deck spans have been replaced with a pot bearing system to restore the driving comfort of motorists. Thirteen of these were completed in 2020 while the other 12 were undertaken this year. By July, there are four link slabs that will be replaced at the northbound portion to strengthen the bridge and boost road safety.

Series of upgrades are being done at the Candaba Viaduct since 2019 as part of the four-year rehabilitation plan that will ensure safety, stability, and long-term serviceability of the structure.

“We have slated a series of upgrades for the Viaduct as a result of the bridge condition survey and engineering study that we commissioned in 2018. We are optimistic that these improvements will enhance the capacity and efficiency of our expressway thus promote safety and provide better service to our motorists,” said J. Luigi L. Bautista, president and general manager of NLEX Corporation.

The study concluded that aside from the usual wear and tear over the years, the increasing number of overloaded trucks have greatly put stress on the bridge and damaged several link slabs.

As in the previous works on the southbound, the upcoming northbound upgrade will also require motorists to slow down and utilize a temporary steel Bailey bridge that will be installed to allow cars, vans, small trucks, and buses to cross over the link slab construction site. A counterflow lane at the southbound carriageway will also be available for cargo trucks and the above-mentioned vehicles.

Candaba Viaduct Link Slab

Aside from replacing the link slabs at the Candaba Viaduct, the tollway company is also rehabilitating the Meycauayan and Bigaa bridges in Bulacan and conducting safety repairs on Pau, Pasig Potrero, and Caulaman bridges in Pampanga.

Bagyong Dante: Light to moderate rains lang ang ibinuhos sa Bulacan

0
Gob. Daniel Fernando. NEWSCORE file photo

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Light to moderate lang ang ibinuhos na ulan ng signal No. 2 na bagyong Dante nitong Martes at Miyerkules kung kaya naman halos walang itinaas sa lebel ng tubig sa Angat Dam at maging ang Ipo at Bustos Dam. 


Sa ulat ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ngayong araw, umabot lamang sa 192.00 meters above sea level (masl) ang elevation ng Angat Dam matapos daanan ni bagyong Dante simula Martes ng gabi at hanggang kahapon ang ilang bayan sa lalawigan mula sa elevation na 191.95 masl kahapon.


Noong Martes ay 192.08 masl ang Angat Dam.


Nanatiling below spilling level (101.00 meters) naman ang Ipo Dam sa 98.79 meters elevation nito at ang Busos Dam 17. 21 meters mula sa spilling level nito na 17.00 meters. 

Ayon pa rin sa ulat ng PDRRMO, ang mga bayan lamang ng Bulakan, Calumpit, Paombong, Hagonoy at Siyudad ng Malolos ang dinaanan ng light to moderate rains habang ang Bustos at Obando ang dumanas ng heavy rains at hindi dinaanan ng bagyo ang Norzagaray o bundok ng Sierra Madre upang madagdagan ang tubig sa Angat Dam.


Ang Angat Dam ang siyang nagsu-supply ng 97% water requirement ng Metro Manila. 

Patuloy itong pababa mula mahigit 211.00 masl noong katapusan ng Pebrero hanggang dumausdos sa 206. 12 masl ng katapusan ng Marso, 199.51 masl katapusan ng Abril at 192.32 masl nitong Mayo 31. 


Iniulat ni Raul Agustin, isa sa mga opisyales ng PDRRMO kay Gob. Daniel Fernando na ayon umano sa mga experts ay 4-5 pang bagyo ang makakapagpapuno sa Angat Dam. 

Personal na minonitor kahapon ni Gob. Fernando sa Operation Center ng PDRRMO ang lagay ng pag-ulan sa lalawigan, partikular ang tatlong dam.