28.9 C
Bulacan
Sunday, May 19, 2024
Home Blog Page 182

P83-Milyon ayuda sa displaced tourism workers

0
Nasa larawan mula sa kaliwa sina Eliseo Dela Cruz, Bulacan Provincial Tourism officer, Tonette Constantino, Bulacan Provincial Administrator, Carolina DG Uy, Regional Director ng Department of Tourism, isa sa benepisyaryo ng ayuda, Geraldine Panlilio, Department of Labor and Employment regional director at kasama sa tanggapan, Fourth District Board Member Alex Castro at Atty. Kenneth Ocampo-Lantin ng Bulacan Provincial Employment Service Office o (PESO). Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Umabot sa mahigit P83-Milyong halaga ng kabuuang ayuda ang ipinagkaloob ng Department of Tourism sa lagpas 16,000 displaced tourism workers sa lalawigan dahil sa COVID 19 pandemic noong 2020.
Sa isang simpleng ceremony na ginawa sa Capitol Gym kamakailan ay tinangap ng naunang mahigit isang libong mga tricycle drivers, make-up artists, resort and hotel attendants at iba pang manggagawa sa ilaim ng sektor ng turismo ang P5,000 halagang ayuda. 
Masusing sinuyod ni Bulacan Provincial Government Tourism Office sa pangunguna ng pinuno nito Eliseo Dela Cruz at Bulacan Provincial Employment Service Office (PESO) Head Atty. Kenneth Ocampo-Lantin sa pamamagitan ng kanilang mga counterparts sa mga bayan-bayan upang maisama sa listahan ang mga higit na naapektuhan at nawalan ng trabaho na  manggagawang Bulakenyo mula sa tourism sector dulot ng pandemya.
Ang ayuda ay ibinaba ng Department of Tourism matapos na hilingin ito ni Gob. Daniel Fernando upang matulungan ang mga maliliit na manggagawa na nasa sektor ng turismo na isa sa mga higit na pinakanaapektuhan ng pandemya.
Ayon kay Dela Cruz, dahil sa kanilang pagsusumikap sa pangunguna ni Gob. Fernando ay kabilang ang lalawigan sa mga pangunahin na nakakuha ng pinakamalaking pondo para sa naturang ayuda. 

P1-B pondo at proyekto kayang iuwi sa distrito

0
Guiguinto Mayor Ambrosio Boy Cruz. Contributed photo

RA 11546, reaportioning of Bulacan legislative districts

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines—Kayang mag-uwi sa mga distrito sa lalawigan kabilang ang dalawang bagong legislative districts na fifth and sixth districts ng P1-Bilyong halaga ng mga proyekto sa infrastructure, health, economy, housing at iba pang pangangailangan ng mamamayan.

Ito ang pahayag ni Guiguinto Mayor Ambrosio C. Cruz Jr. na siya ring pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Bulacan Chapter matapos aprubahan ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo ang RA 11546, ang batas na nagpapanibagong hati o reaportioning ng 21 mga bayan at tatlong siyudad sa lalawigan kung kaya’t nagkaroon ng dalawang bagong dagdag na fifth and sixth districts.

“May dagdag na magsasagawa ng programa para sa pag-unlad ng dalawang bagong distrito na may bagong pananaw at pamamaraan kung papaano pa higit na matutulungan ang ating mga kababayan sa larangan ng edukasyon, kalusugan, housing, economic benefits, infrastructure,” pahayag ng alkalde.

Ayon sa kanya, magkakaroon ang dalawang bagong distrito ng hiwalay at sariling pondo na maaaring umabot sa P500-Milyon o hanggang P1-Bilyon at higit pa lalo na kung magagawa itong mahiling ng kongresista ng distrito.

“Sa ngayon ay may P200 Million a year na pondo ang bawat distrito pero kaya pa iyong pataasin lalo na kung kayang i-justify ng kongresista ang mas malaking pondo na kailangan niya sa mga proyekto niya gaya ng P500-M or even P1-B per year or even more,” pahayag ng alkalde sa NEWS CORE. 

Sa ginawa umano niyang review sa mga infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways sa kanyang bayan bilang isang alkalde ay natuos niya na umabot ito sa halos isang bilyon ganoong isang bayan lamang ito at isa lamang siyang alkalde.

“Ako nga mayor lang but we were able to justify the Plaridel-Baliwag Bypass and the Daungan-Sta. Rita Bypass dito sa Guiguinto. Let’s wait and see for these projects,” dagdag ng alkalde.  

Piangtulong-tulungan nina Bulacan First District Congressman Jose Antonio “Jonathan” R. Sy-Alvarado, Second District Congressman Gavini “Apol” Pancho, Third District Congressman Lorna Silverio, Fourth District Congressman Henry Villarica at asawa nitong dating Congresswoman Linabelle Ruth Villarica at maging si City of San Jose del Monte Lone District Congresswoman Florida Robes na maihain at maipasa ito sa kongreso habang ginawa naman ng mahusay ni Senator Joel Villanueva ang kanyang bahagi sa senado.

Sa ilalim ng RA 11546, nagkaroon ng Fifth District na binubuo ng mga Bayan ng Bocaue, Pandi, Balagtas at Guiguinto at Sixth District na sakop ang mga Bayan ng Angat, Norzagaray at Sta. Maria.

Ang Bocaue, Guiguinto, Balagtas at Pandi ay dating bahagi ng Second District kung saan naiwan sa ikalawang distrito ang Baliwag, Plaridel at Bustos. Ang Angat at Norzagaray naman ay dating bahagi ng ikatlong distrito habang ang Sta. Maria ay dating sakop ng ika-apat na distrito. Naiwan sa ikatlong distrito ang San Ildefonso, San Miguel, Donya Remedios Trinidad (DRT) at San Rafael at naiwan naman sa ika-4 na distrito ang Obando, Marilao at Siyudad ng Meycauayan.

Mabuting kongresista

Pamimili naman sa karapat-dapat na mabuting kongresista ang napagbalingan ngayon ng mga residente sa mga bagong mga distrito dahil sa ihahalal na nila ito sa eleksiyon sa Mayo 2022.

Kasamang atas ng RA 11546 ay para sa Commission on Elections upang paghandaan ang pagpapatupad ng nasabing reaportioning o pagdadagdag ng dalawa pang legislative districts sa lalawigan.

Ayon sa guro na si Joyce Galamiton Dalisay, 33, mula sa Bayan ng Guiguinto, pantay pantay na sana ang pagtingin at mga proyektong ibababa ng kongresista at hindi iyong sistemang ang priority lamang ay ang bayang pinagmulan nito.

“Sana mabuting proyekto para sa lahat ng bayan ng distrito.  Mababawasan na ang mga maririnig mo na e kasi bayan niya iyan kaya priority niya!” 

Ayon naman kay Val Trinidad, municipal employee sa Bayan ng Angat, dapat pagbasihan ng allotment ng pondo ng bawat distrito ang lawak ng lupa at ng populasyon ng mga bayang sakop nito katulad ng kanilang bayan na malawak at maraming mga residente.   

“Kung walang pagbabago sa balangkas ng pagpo-pondo sa bawat distrito, pwedeng asahan na lalaki ang alokasyon sa bawat bayan ng ika-anim na distrito, mataas ang populasyon ng Angat, Sta. Maria at Norzagaray, mataas ang antas ng komersyo at malawak ang lupain na nasasakupan.  Sana lang ay isa sa maaaring basehan ng pondo iyan ng bawat distrito,” pahayag niya. 

Ayon naman kay Hermie Mendoza, isa ring guro at part time businesswoman mula rin sa Bayan ng Angat, isang malaking blessing ang magkaroon ng panibagong distrito sapagkat panibagong pondo ito para sa basic servicers sa mga residente. Kasabay nito ang kanyang hiling na sana ay mabuting lider ang maupo sa kanila sa bagong ika-6 na distrito.  

Samantala ay hindi nagalaw ang Unang Distrito at nanatiling sakop nito ang lahat ng mga bayan nito—Bulakan, Paombong, Calumpit, Pulilan, Hagonoy at Siyudad ng Malolos.  

DPWH inaksiyonan ang kontra baha sa NFA Tikay at SM Marilao

0
Ang tinataasang kalsada sa MacArthur highway bahagi ng NFA office sa Barangay Tikay, Siyudad ng Malolos sa ilalim ng proyekto ng DPWH First District Engineering Office. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines—Target na mapabilis ng matapos ngayong buwan ng Hunyo ang reblocking at upgrading ng kalsada sa harapan ng National Food Authority (NFA) office sa Tikay sa Mac-Arthur highway sa siyudad na ito na laging nilulubog sa baha kapag malakas ang ulan o may bagyo at siyang nagiging dahilan upang maging non-passable ang Malolos Mac-Arthur highway.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) First District Engineering Office Head Henry Alcantara, itinataon nilang matapos ang proyekto ngayong bago ang panahon ng tag-ulan upang ma-address na ang matagal ng malalang problema ng pagbaha sa lugar sanhi upang hindi ito madaanan ng anumang light vehicle kapag biglang lumakas ang ulan o may bagyo.

DPWH First District Engr. Henry Alcantara. Photo by Rommel Manahan.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng halos P69.5 Milyon na upgrading and reblocking ng 2 kilometrong kalsada sa nasabing lugar. SInimulan ito noong last quarter ng 2020 sa kabila ng COVID-19 pandemic matapos na aprubahan ang proposal ni Alcantara sa kanilang ahensiya na malagyan ito ng pondo para sa nasabing taon.

Ayon kay Engr. Ernesto Daos, ang pinuno ng Construction Division ng nasabing tanggapan, tinaasan din ang drainage canal sa NFA compound upang matiyak na dadaloy ang tubig papuntang kailugan at maiiwasan ang pagbaha.

Perennial flooding area ang lugar tuwing tag-ulan dahil sa mababang kalsada at walang pagdaluyan ng tubig baha.

Sa Bayan ng Marilao, dumaan na rin sa upgrading ang perennial flooding area na harapan ng SM Marilao sa Mac-Arthur highway at ngayon ay nagtatayo ng pumping station ang DPWH Second District Office upang patuloy na maibsan ang pagbaha sa lugar.

Ayon kay DPWH Second District Engineer George Santos, ang pumping station na kanilang ilalagay malapit sa lugar ay aalisin ang tubig baha sa kalsada patungong katabing ilog sa may Poblacion upang tiyaking maibsan ang pagbaha sa lugar.

DPWH Second District Engr. George Santos. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Nauna ng isinagawa ang upgrading ang reblocking ng kalsada sa nasabing lugar sa panahon ni dating DPWH Second District Engineer Ramiro Cruz. 

90% ang COVID-19 recovery rate sa Bulacan

0
JOYCE MARIE G. DALISAY GUIGUINTO NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL TEACHER I


JOYCE MARIE G. DALISAY

GUIGUINTO NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL TEACHER I

Patuloy na gumaganda ang laban ng Bulacan sa COVID-19 dahil sa pagtatala nito ng 90% recovery rate. Simula noong unang nagkaroon ng outbreak ng sakit na ito March last year ay mataas na ang recovery rate ng lalawigan at nanatili ito sa ganoong estado.

Sa ngayon ayon sa ulat ng Bulacan Provincial COVID-19 Task Force sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando ay 29,425 ang mga nakarecover sa COVID-19 mula sa confirmed cases na 32,777. Ang datos na ito ay mula sa 21 bayan at tatlong siyudad sa lalawigan.

Pumalo naman ang cases of death sa 705 at ito ay 2% lamang sa kabuuang bilang ng mga confirmed cases.

Patuloy na ring bumaba ang mga active cases sa 2,647 ngayon at ang mga naka admit na lang sa hospitals ay nasa 154 na lamang at ito ay nasa 5% kumpara noong mga nakakaraang linggo na umabot sa mahigit 200 pasyente ng COVID 19 ang nasa mga ospital natin dito sa Bulacan.

Ipinagpapasalamat ng gobernador ang patuloy na pagtalima at pakikiisa nating mga Bulakenyo sa minimum health protocols at kahit pa tayo ay nasa NCR Bubble Plus na nagtala ng second wave pangunahin ang Metro Manila at kasama pa ang mga lalawigan ng Rizal, Cavite at Laguna ay gumaganda na talaga sa ngayon ang ating laban sa COVID-19.

Inamuki niya ang lahat na patuloy na mahigpit na tumalima sa mga health protocols lalong lalo na ngayon na isinailalim tayo sa lighter restriction na General Community Quarantine o GCQ but with stricter restrictions. Nasa 30% na ang dine-in sa mga restaurants at kabilang ang piling tourism destinations gaya ng resorts. Ganoondin, nasa 30% na ang accommodation sa mga beauty salons and spas at maging ang religious gatherings.

Kamakailan lang ay binawi na rin ng gobernador ang liquor ban executive order nito.

May munti lamang po akong panawagan sa ating mga katulad na netizens, na huwag na pong mag-share and share ng mga kuwento o balitang natatanggap nila na paparating na daw ang THIRD WAVE at ito daw ay paghandaan. Isang malaking pinagmumulan po ito ng panic at takot.

Ang panic at takot ay pinagmumulan ng paranoia na nagpapalito sa tao na nagdudulot na mamali ang desisyon at mga hakbangin imbis na mabuti at maganda para sa pamilya at nagdudulot din po ito ng sakit na anxiety hanggang sa mauwi sa nervous breakdown.  Ang atin pong gawin ay masugid na sumunod at isabuhay ang health protocols, palakasin ang katawan upang lumakas ang immune system, iwasang lumabas ng bahay kung hindi kailangan, magdasal ng taimtim para sa sarili, sa pamilya, sa ating mga mahal sa buhay, sa ating bayan at sa mundo. Itigil po nating maging kabahagi ng FAKE NEWS at MISINFORMATION.

Itim na timba ng ayuda, ipinamigay sa pag-alaala kay Mayor Joni

0
Ang mga kaanak at kaibigan ng namayapang si dating Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna habang namimigay ng ayuda packs na nasa kulay itim na timba na naging simbolo ng alkalde. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

BOCAUE, Bulacan, Philippines–Muling tumanggap ng mga kulay itim na timba ng ayuda ang mga residente sa bayang ito kahapon bilang pag-alaala sa unang taong anibersaryo ng pagkamatay ni dating Mayor Joni Villanueva-Tugna na namigay ng grocery packs noong isang taong kasagsagan ng COVID-19 pandemic at nasa hard lock down ang maraming lugar sa bansa.


Ayon kay dating Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Representative at kabiyak ng namayapang alkalde, Atty. Sherwin Tugna, tatapusin nilang mabigyan ang mahigit 30,000 mga kabahayan sa Bocaue hanggang sa Biyernes bilang pag-gunita at pagsasabuhay ng nasabing proyektong inilunsad ng kanyang kabiyak nong isang taon. 

Patuloy ang pagmamahal ng mga residente ng Bocaue sa namayapang alkalde, ipinapakita pa nila ang kanyang larawan na kanilang pinrint mula sa social media account ng namayanag opisyal. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Matatandaang nagluksa ang buong mamamayan ng Bocaue kasama na rin ang lahat pa ng bayan sa Bulacan ng biglang mamatay sa sakit na ‘sepsis secondary to pneumonia’ ang naturang alkalde Mayo 28 noong isang taon. Nakakaramdam na pala ito ng sakit subalit hindi nito ininda at patuloy sa personal na pagrerepack ng mga ayudang groceries, bangus, at iba pa laman ng timbang itim para sa kanyang mga kababayan.


Simula Day 1 ng COVID-19 pademic noong isang taon ay puspusan na itong kumilos upang huwag lumaganap ang sakit sa kanyang bayan at bigyan ng lingap ang kanyang mga mamamayan lalo na na ang mga nangangailangan.

Umabot sa 36,000 kabahayan ang nabigyan noong isang taon ng naturang timbang itim na ayuda packs, ayon kay Atty. Tugna.


Ang proyektong pagbuhay sa itim na timba na naglalaman ng grocery packs ayuda para sa mga Bocauenyo ay naisagawa sa pamamagitan ng Mayor Joni Villanueva-Tugna Foundation.

Ang mga kaanak at kaibigan ng namayapang si dating Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna habang namimigay ng ayuda packs na nasa kulay itim na timba na naging simbolo ng alkalde. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Naging simbolo ng alkalde at kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa Bayan ng Bocaue ang timbang itim matapos na itaob ito ng mga mamamayan at tulusan ng kandila ang ilalim na bahagi nito at ilagay sa harapan ng kani-kanilang bahay noong huling lamay niya upang ipakita at ipabaon sa alkalde at sa kanyang buong amilya ang kanilang pagmamahal sa kanya.


Ayon kay Atty. Tugna, itinatag nila ng buong pamilya ng kanyang maybahay kasama ang ilang mga kaibigan ang nasabing Foundation upang patuloy na makapagsagawa ng mga outreach programs para sa mga taga Bocaue na isa sa pangunahing proyekto at adhikain ng kanyang maybahay noong nabubuhay pa ito. 


Nakapagtala ng landslide victory si dating Mayor Joni nitong 2019 election na ikalawang termino niya matapos na nauna siyang nanalong mayor sa pamamagitan ng toss coin para ma-break ang tie votes sa katunggali nito noong 2016 elections. 
Bilang pag-alala at pagbibigay-pugay ng mga kasamang alkalde sa League of Municipalities of the Philippines Bulacan Chapter sa pangunguna ng Pangulo nito na si Guiguinto Mayor Ambrosio C. Cruz Jr., ipinangalan din ang molecular laboratory sa bayang ito sa alkalde bilang “Mayor Joni Villanueva Molecular Laboratory”. 


Ang pasilidad ay nagsilbing isa sa mga kauna-unahang COVID-19 testing center sa buong Central Luzon. 

Isang truck ng timbang grocery ayuda para sa 2 barangay lamang ng Binang II at Binang I at marami pang ganitong truck ang iikot sa Bayan ng Bocaue para mabigyan lahat ng mahigt 30,000 kabahayan. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

Gob. Fernando: Hindi katatawanan ang pagluhod at pananalangin sa Diyos sa gitna ng pandemya

0
Ang taimtim na pananalangin ni Gob. Daniel Fernando na siya ring nasa tarpaulin ng kanyang mobile prayer. Larawan mula sa Provincial Public Affairs Office ng Kapitolyo.

CITY OF MALOLOS, Bulacan, Philippines—Dinepensahan ni Gob. Daniel Fernando ang mobile prayer na inilunsad niya kung saan sa tarpaulin ay nakaluhod siya at taimtim na nananalangin sa Diyos upang iligtas ang lahat at himukin ang mga Bulakenyo na lalong ipagpatuloy ang pananalangin sa gitna ng COVID 19 pandemic matapos na gawin itong katawa-tawa at gawan ng insulto ng ilang mga indibidwal o grupo at siya ay batikusin na maaga umanong namumulitika at walang ibang kakayanan para lutasin ang pandemya kundi ang lumuhod sa Diyos.

Sa pamimigay ng 80 assistive devices, P2,000 regular burial assistance sa 100 na pamilya ng mga pumanaw, 10 centenarian at 17 sewing machine sa ating mga kababayan nitong nakaraang linggo na ginawa sa Capitol Gymnasium, ibinahagi ng gobernador sa mahigit 100 mga Bulakenyong benepisyaryo ng nasabing mga tulong ng Bulacan Provincial Government ang nabanggit na mapait na pang-aalipusta na kanyang dinaranas habang marubdob siyang naglilingkod sa mga kalalawigan.

Ganunpaman, aniya, lalo siyang pinatitibay ng mga pang-aalipustang iyon upang lalo niyang mapaglingkuran ng lubos at buong pagmamahal at husay ang sambayanang Bulakenyo.

Ang mga benipisyaryo ng burial assistance mula sa Kapitolyo kasama si Gobernador Daniel Fernando. Larawan ni Vhioly Rosatazo-Arizala

“Tayo po ay pinagtatawanan, kahit po ang panalanging ating ginawa at ang akin pong pagluhod sa Diyos at pagmamakaawang iligtas tayong lahat sa mapamuksang sakit na ito. Pero hindi ko na po iyon pinapansin, kung katatawanan po para sa ilan nating kababayan ang lumuhod at magmakaawa sa Diyos para sa kagalingan ng ating kapwa, Diyos na po ang bahala sa kanila. Huwag na po natin silang pansinin, patuloy po tayong mag-ingat laban sa COVID 19. Sundin ng mahigpit ang mga health protocols at palakasin ang ating katawan at higit sa lahat, palakasin din po natin ang ating pananalangin at pananampalataya sa Diyos,” pahayag ng gobernador.

Isinagawa ni Gob. Fernando ang mobile prayer kung saan umiikot ang 6 na sasakyan lulan ang isang trompa na maririnig ang kanyang panalangin sa Diyos na humihiling na iligtas ang sambayanang Bulakenyo laban sa COVID 19 at matapos na ang sakit na ito. Ang bawat sasakyang ito ay may tarpaulin na naka display sa labas kung saan ang gobernador ay ipinakikitang nakaluhod at taimtim na nananalangin. Mayroon ding isang bangka na lulan din ito ang umiikot sa mga isla at coastal barangays sa siyudad na ito at sa mga Bayan ng Hagonoy, Paombong, Bulakan, Obando at iba pang kailugang barangay. 

Ayon pa rin sa pang-iinusulto, walang ginagawa ang gobernador upang lutasin ang mga kaso ng COVID 19 pandemic sa lalawigan.

Iniaabot ni Gob. Daniel Fernando sa isang benipisyaryo ang burial assistance ng Bulacan Provincial Government. Larawan ni Vhioly Rosatazo-Arizala

Ang pang-iinsulto ay sa kabila ng patuloy na programa ng Capitolyo na pagpapalakas ng health system ng lalawigan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng COVID 19 Surge Design na sentralisado sa Bulacan Infection Control Center (BICC) at sa Bulacan Medical Center (BMC) ang panggagamot sa COVID cases at may respektibong specialization ng panggagamot ang bawat isa sa 7 district hospitals sa lalawigan.

Ayon sa gobernador, naging epektibo ang pagsailalim simula Marso 29-Abril 4, Abril 5-30 at Mayo 1-14 sa Enhanced Community Quarantine at Modified Enhanced Community Quarantine sa lalawigan ng Bulacan na kabilang sa mga lalawigan) Rizal, Cavite ant Laguna) na Bubble Plus ng Metro Manila upang bumaba ang mga kaso ng COVID 19 sa lalawigan dahil bumaba na ito ng 17% sa ngayon.

Gayundin aniya, epektibo ang COVID 19 Surge Design ng Capitolyo, ang patuloy na pagbili ng supply ng gamot para sa COVID kabilang ang Remdecivir at iba pa na ipinapainom sa mga COVID 19 patients sa hospital.

Matatandaang ipinamadali ng gobernador noong isang taon kay Provincial Engineer Glenn Reyes ang konstruksiyon ng Bulacan Molecular and Diagnostic Laboratory na isang swab testing center sa loob ng BMC facility at inulit ngayong taon ang ganitong mabilisang konstruksiyon ng iutos niyang maitayo agad ang Mega Quarantine facility sa Bulaan Sports Complex. Nauna na ring binuksan noong isang taon ang Bulacan GeneXpert Laboratory sa loob mismo ng BMC Laboratory.      

Patuloy pa ring pinapalakas ng Capitolyo ang health care system ng lalawigan sa pamamagitan ng pagbili ng marami pang medical equipment upang bigyan ng lunas ang mga Bulakenyong tinamaan ng COVID 19 at kailangang dalhin sa ospital.

Ito ay matapos na magkaroon ng sapat na pera para dito ang lalawigan sapagkat inako na ng national government ang gastos sa bakuna para sa halos 2 milyong Bulakenyo.

Kinumpirma ni Secretary Carlito Galvez, chief implementer of government’s national policy in addressing the COVID 19 pandemic sa NEWS CORE na binigyan nga niya ng advise si Gob. Fernando na mas mabuting ilaan na muna ang P130-Milyong itinatabi nito na vaccination augmentation fund ng lalawigan sa ibang pangangailangan ng probinsiya upang palakasin ang laban ng lalawigan kontra COVID 19 dahil kaya na ng national government ang gastusin para sa bakuna ng mga Bulakenyo.

Sa halagang P30,000 burial assistance sa 705 na pamilya ng mga Bulakenyong namatay sa COVID 19, nasa mahigit ng P21-Milyon sa ngayon ang halagang ipinamimigay ng Capitolyo.

Nasa 32,777 naman ang mga kaso ng COVID 19 sa lalawigan at 29,435 dito ang naka-recover na.  Sa datos ng Department of Health Central Luzon office, pangalawa ang Bulacan (1.93%) sa Zambales (1.56%) sa may pinakamababang COVID 19 death rate sa buong rehiyon.

SM CITY SAN JOSE DEL MONTE 3-DAY SALE IS BACK!

0

After more than one and half year, SM City San Jose del Monte is finally bringing back the much awaited sale! It’s SM 3-Day Sale on May 2829, and 30 with one extra day on May 31!

The mall-wide sale offers awesome deals and great bargains that is up to 70% OFF. A lot of items from essentials to home decors and tools, from fashionable wear to smart gadgets and appliances will be available.

Complete your summer lifestyle from The SM Store, Surplus, SM Appliance Center, and Ace Hardware, and catch your discounted bundles from SM Supermarket, Watsons, and Miniso.

Customers can also shop at the comfort of their own homes via #SMCallToDeliver. You can check items at thesmstore.com and chat via personal shopper at bit.ly/CTD-Messenger. You have 3 options to get your items – pick up the curbside, SM Store delivery partner, or book your own delivery service.

Ace Hardware SJDM is also online. Make your transactions safe and cashless. Be part of the Ace Hardware’s growing community on Viber where you can place your inquiries and orders at bit.ly/AceSJDMVIber. You may personally pickup your orders or book a delivery service.

Shop and get the chance to win the Suzuki SPresso MT!  P1,000 worth of purchase is equivalent to one electronic raffle entry. Saturday and Sunday purchases will give you double entries.

And because we are still in the midst of a pandemic, mall goers are expected to strictly follow the health protocols to wear face masks and face shields, observe physical distancing, and are encouraged to bring their own handy alcohol and sanitizers.

Mark your calendars and set your alarms to enjoy great discounts. It’s SM City San Jose del Monte 3-Day Sale with one extra day on May 28 to May 31.

For mall updates, don’t forget to visit SM City San Jose del Monte’s official Facebook Page at https://www.facebook.com/SMCitySanJoseDelMonte/ and official Instagram Page at @smcitysanjose.

Nagkakanlong ng opisyal na mahilig…..

0
MONDRAGON. Vhioly Rosatazo Arizala, NEWS CORE columnist.

MONDRAGON

Vhioly Rosatazo Arizala

Dahil sa pandemic marami ang nahihirapan, maraming nawalan ng trabaho, nagsaradong mga merkado, maraming namatay.

Subalit kakaiba ang opisyal na ito. Up to the highest level sobrang lakas, Ilang oras lang nakulong at di nag piyansya kahit merong nakasampang reklamo.

Ang siste diumano ayon sa mga bubwit ng inyong lingkod ay kinakanlong pa ito ng ilang mga sekta. Totoo kaya ang bulong na ito sa akin ng ating mga bubwit? Ano kaya ang dahilan bakit siya diumano ay kinakanlong? Sobrang lakas naman ng opisyal na ito.

Ayon sa source ni Mondragon, magkasama ang opisyal na ito at kanyang kalokadidang na kinanlong ng mga sekta. Saang biblia kaya nakasulat na tama ang ginawa ng opisyal at kalokadidang nito at higit sa lahat ng mga sekta na magkanlong ng isang halal ng bayan na maaaring tawaging isang imoral?

Anyare, bakit gayon? Huwag niyong babuyin ang batas at higit sa lahat ang sektang inyong kinabibilangan. Dapat kayo mismong pinuno ng sekta ay alam ninyo ang tama at mali at iyong tama ang pinipili ninyong gawin at hindi iyong mali.

Santong kabayo banal na aso natatawa ako, hi hi hi.

“Itama ninyo ang mali, huwag kayong magkanlong ng santong kabayo, matakot kayo sa totoong Diyos. Baka iba ang Diyos ninyo. Tsk tsk tsk. Ibang klase kayo”.

Liquor ban lifted na sa Bulacan

0
Liquor ban lifted na sa Bulacan

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines—Maaari ng makabili ng mga inuming alak o hard drinks sa buong lalawigan ng Bulacan matapos na tanggalin na ni Gob. Daniel Fernando ang halos 2 buwan na liquor ban order nito.

Ang lifting ng liquor ban ay iniutos ng gobernador limang araw matapos na ibaba noong Mayo 15 sa lighter restriction na General Community Quarantine (GCQ) ang Bulacan kasama ang Rizal, Cavite at Laguna at National Capital Region na tinatawag na (NCR) Bubble Plus.

Nauna ring patuloy na ipinatupad ng gobernador ang Provincial Liquor Ban hanggang Mayo 31 sa pamamagitan ng Executive Order No. 19 na inilabas noong May 14.

Subalit sa ipinalabas ni Fernando na Executive Order No. 20 nitong Miyerkules, lifted na ang liquor ban order upang bigyan ng pagkakataon ang matinding naapektuhang liquor industry partikular ang mga maliliit na manggagawa nito dahil sa halos dalawang buwang pagtigil ng benta ng mga alak at iba pang nakalalasing na inumin sa buong lalawigan.

“Kailangan na rin silang mabigyan ng pagkakataong makapaghanapbuhay muli ng sa ganoon ay makapag-contribute muli sa ekonomiya ng bansa,” saad sa utos ng gobernador.

Mahigpit namang tagubilin ng nasabing executive order na nananatiling bawal ang pag-inom ng alak sa lahat ng commercial and public places bilang pagtalima sa no social gathering health protocol at mabibili lamang ang alak sa pagitan ng 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Nagsimula ang liquor ban sa Bulacan noong Marso 29-Abril 5 ng isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Bulacan kasama ang Rizal, Cavite at Laguna at National Capital Region sa (NCR) Bubble Plus dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID 19.  

 

Call Center recruiter patay sa pamamaril, suspek na pulis, nagbaril sa sarili

0
CRIME NEWS

Ni Bong Cruz

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines–Humantong sa kamatayan ang buhay ng magkarelasyon na isang call center recruiter at boyfriend nito na isang pulis matapos ang mainitang  pagtatalo sa loob ng isang sasakyan sa Mc Arthur Highway, Barangay Caniogan ng lungsod na ito kaninang madaling araw.


Sa ulat ng pulisya,  nakilala ang mga biktimang sina PCpl Clinton Paterno, 28, tubong Mountain Province at nakatalaga sa Malolos Police Community Precinct sa Barangay Bangkal at Maria Isabel Ganelo, 27 anyos, isang call center recruiter at residente ng No.117 St.Francis, Barangay Borol 2nd, Bayan ng Balagtas.


Batay sa imbestigasyon ni PCpl Alberto Escartin ng Malolos police, alas 3:00 ng madaling araw nitong Huwebes, lulan ang dalawang biktima ng isang colored white Ford Ranger XLT na may conduction sticker C2R903 na minamaneho ni Ganelo nang mapansin ng ilang Bantay Bayan ang pagewang-gewang na sasakyan sa kahabaan ng Mc Arthur Highway sa nabanggit na barangay.


Nang huminto ang sasakyan sa gilid ng highway ay nakarinig ang mga Bantay Bayan na may sumisigaw mula sa sasakyan at tila mga nakainom umano ng alak. Si Ganelo ay nagsalita na may baril ang kanyang kasamahan at pagkatapos ay itinapon ang susi ng sasakyan sa kalsada. Matapos marinig ng mga Bantay Bayan ang mainitang pagtatalo ay mabilis silang tumawag ng mga pulis para saklolohan ang dalawa.


Hindi pa man sila nakakabalik kasama ang mga otoridad ay patay na ang magkarelasyon sa hinihinalang isang insidente ng crime of passion.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na unang binaril ng pulis ng dalawang beses sa ulo ang kanyang karelasyon at pagkatapos ay saka nagbaril ito sa kanyang sentido. Idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr.Nell Sioco ng Sacred Heart Hospital itong si Ganelo habang si Paterno na naitransfer pa sa JB Hospital sa San Fernando, Pampanga ay binawian rin ng buhay kaninang hapon.
Narekober sa loob ng Ford Ranger XLT ang isang .9mm Glock, 1 Colt US Magnum .22 revolver, basyo ng baril at ilang kagamitan ng mga biktima.