Napakadali na magdahilan ngayon, paraan para makaiwas sa lahat ng bagay subalit hindi pwedeng dahilan ang sakit na COVID-19 sapagkat ito ay maselan.
Kamakailan ay nakarinig akong muli na may papasyalang isang pulitiko ang ilang reporter upang makapanayam (hindi ang inyong lingkod) walang kagatol-gatol na sinabi nito na siya ay naka-quarantine. “Naka quarantine ako pre’ pasensya”. Subalit ilang araw lamang ay nakita ito na nasa loob ng munisipyo. Hahaha katuwa! Masyadong umiiwas sa hindi ko malamang dahilan.
Isa na naman muling kandidato ang hindi nakapaghain ng kanyang kandidatura at ito daw ay positive sa COVID-19. Gaano katotoo? Maaring ito’y nahihiya lamang sa kanyang desisyon, nagdalawang-isip. Magkagayon man ay itinuloy pa rin. Kahihiyan nga ba ang naging dahilan upang hindi sya personal na naghain ng kanyang COC.
Ano ang totoong dahilan positive nga ba? o kubid-kubidan lamang.
Mga igan kayo na ang mag isip…
MGA BODYGUARD NG KANDIDATO, ASTIG
Huwag kang pahara-hara sa daanan at hahawiin ka ng mga bodyguard ng kilalang pulitiko. Bastos din at walang galang. Tulad kaya ng amo nilang puitiko? Bakit nga kaya naglipana ngayon ang mga ganyang bodyguard ng mga kandidato?
Animo’y sila na ang hari ng daanan. Aba teka nga naman, inutusan ba ito o sadyang mga bastos talaga sa kusa lang nila.. Kayong mga taga Bulakan, Bulacan, magisip-isip kayo sa mga iboboto nyo. Maging mapanuri sa mga aspirante.
Ronald Cristobal. Larawan mula sa kanyang Facebook account
Nina Carmela Reyes-Estrope at Anton Catindig
LUNGSOD NG MALOLOS–Maituturing na mahuhusay na mga bagong mukhang maglilingkod sa bayan at Best Among the Best candidates na nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-konsehal at pagka-mayor ang isang COVID-19 volunteer registered nurse, isang retired policeman at isang negosyanteng kapitan mula sa Bayan ng Sta. Maria at gayundin ang isang graduating college student ng Ateneo de Mania University mula naman sa Bayan ng San Rafael.
Si Ronald Cristobal, 53 ay isang registered nurse na nag-volunteer bilang COVID-19 vaccinator ng Bulacan Provincial Government sa Hiyas Pavilion simula ng buksan ito noong Mayo.
Kahit na isang registered nurse ay hindi ito ang piniling gawing propesyon ni Cristobal kundi ang kanyang passion, ang maging isang fashion designer at couturier. Bago siya mag-volunteer nurse sa vaccination center ay gumawa muna siya ng sarili niyang version ng Personal Protective Equipment (PPE) na kanyang ibinahagi sa mga local government units (LGU), barangay, piling ospital hanggang sa may mga nagpasadya nang nagpagawa at nakapag-benta na siya sa iba’t ibang lugar.
Siya ay nagtapos ng Nursing sa Our Lady of Fatima College noong 2006 at pumasa sa nursing board ng 2007. Pangalawang kurso niya ang nursing dahil nauna na niyang natapos ang occupational therapy.
Kilala bilang Sonia sa fashion industry hindi lamang sa Bayan ng Sta. Maria kundi maging sa buong lalawigan, nais niyang mas lalong lumawak ang kanyang matutulungan at mapaglilingkuran kaya siya kumandidato bilang konsehal.
Si Cristian Catahumber na isang pulis at naka-assign sa Manila Police District ay nagretiro at tinapos ang 24 na taong pagseserbisyo sa pamahalaan at sa mamamayan bilang uniformed personnel at kumandidato bilang konsehal upang makapaglingkod ng direkta sa mamamayan ng Sta. Maria.
Retired policeman Cristian Catahumber. Larawan mula sa kanyang Facebook account
Ayon kay Cristobal at kay Catahumber, idolo nila sa paglilingkod sa bayan at sa kapwa si Kapitan Renato “Rey” Castro ng Barangay Manggahan kaya dito sila sumama upang maglingkod sa kanilang bayan sa ilalim ng “Team Reymalyn”.
Si Kap. Rey ay dating kagawad bago naging kapitan. Siya ngayon ang miyembro ng kanilang pamilya na magsisilbi sa Bayan ng Sta. Maria at sa posisyong mas malaki at mas malawak ang sakop, bilang alkalde. Ang kanyang anak na si Konsehal Ynah Castro, Top 1 councilor ng bayan noong 2019 election ay ipinaubaya na sa kanyang ama ang pulitika, upang kung paano napatatag, napaunlad at naproteksiyunan ng kanyang ama ang kanilang pamilya, ay ganoon din nito mapalakad ang bayan ng Sta. Maria.
Manggahan, Sta. Maria Bgy. Captain Renato Castro ng Team Reymalyn kasama ang kanyang anak na si 2019 Top 1 Councilor Ynah Castro sa kanyang pag-file ng COC para alkalde ng Bayan ng Sta. Maria. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig
Siya ang may-ari at pangulo ng Reymalyn Group of Companies na engage sa pawnshop and trading, pharmacy at medical clinic.
Sa kanyang panunungkulan bilang alkalde, nais ni “Mayor Rey” na pag-ibayuhin ang hospital, medical at iba pang pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan ng Sta. Maria lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Sa Bayan naman ng San Rafael, ang 21 years old graduating student ng Atenedo de Manila University na si Jolo Viceo ay kandidato bilang konsehal ng bayan.
Jolo Viceo. Larawan mula sa kanyang Facebook account
Si Jolo ay anak ni Third District Board Member Atty. Emily Viceo at dating Mayor ng San Rafael Jaime Viceo.
Bantad sa paglilingkod sa kapwa ng kanyang mga magulang mula sa kanyang murang edad, hinila na rin si Jolo ng paglilingkod sa kapwa at sa bayan. Siya ay graduating sa kursong Development Studies sa isang taon.
Si Kap. Renato Castro ng Manggahan, Sta. Maria sa paghain niya ng COC bilang alkalde ng Bayan ng Sta. Maria kasama ang kanyang pamilya at buong ticket sa pangunguna ng kanyang vice mayoralty running mate dating Konsehal Obet Perez. Larawan ni Anton Catindig
Nina Carmela Reyes-Estrope at Anton Catindig
STA. MARIA, Bulacan–Binusog ng magkahiwalay na mga panalangin at dasal ng halos 30 pastor at misa sa simbahan ang umaga ni Kap. Renato Castro ng Barangay Manggahan, asawa at dalawang anak nito at mga kasama sa kandidatura ang paghahain nito ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-alkalde ng bayang ito kahapon hudyat at patunay ng isusulong nilang malinis at maka-Diyos na panunungkulan.
Kasama ni Kapitan na naghain ng kanilang COC ang buong Team Reymalyn, vice mayoralty running mate dating 18 taong konsehal Obet Perez, Cristian Catahumber, isang retired policeman na 24 years sa service, Froilan Caguiat, anak ng batikang reporter na si Paul Caguiat at si Ronald “Sonia” Cristobal, isang registered nurse at fashion designer, at si JV Salazar.
Ayon kay Kap. Castro, may ari ng Reymalyn Group of Companies, siya at ang kanyang pamilya mula laylayan ng lipunan ay biniyayaan ng Diyos kaya gusto niya itong ibahagi sa kanilang kababayan bilang pasasalamat sa Poong Maykapal.
Isang malinis at maka-Diyos na pamamahala ang ipagkakaloob ng kanyang panunungkulan sa Bayan ng Sta. Maria at una niyang pupunan ang pangangailangang pang-kalusugan lalo na sa medical partikular ang pangangailangan sa ospital ngayong panahon ng pandemya.
Si Kap. Rey ay nagsilbi ding kagawad ng Barangay Manggahan bago sumabak at manalo bilang first time kapitan at lumabang alkalde ngayon.
Naghain na ng kanilang certificate of candidacy si kasalukuyang Gobernador Daniel R. Fernando at Bokal Alexis Castro ng Ikaapat na Distrito kahapon sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan para sa kanilang pagtakbo bilang gobernador at bise gobernador sa 2022 National and Local Elections sa ilalim ng National Unity Party. (PPAO)
LUNGSOD NG MALOLOS–Naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) si Gob. Daniel Fernando para sa kanyang second term re-election bid kahapon kasama ang kanyang bagong vice gubernatorial running mate, Bokal Alex Castro sa ilalim ng National Unity Party (NUP).
Noong Miyerkules, naghain ng kanyang COC sa pagka-gobernador upang labanan siya ang halos 12 taon niyang political ally, Bise Gob. Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado. Katambal na bise gobernador ni Alvarado si dating Gob. at Third District Rep. Joselito “Jonjon” Mendoza. Kapwa naman sila nasa Partido Demokratiko ng Piipino (PDP)-Laban.
Bise Gobernador Wilhelmino Sy-AlvaradoDating Gobernador at Third District Rep. Joselito “Jonjon” Mendoza.
BANDWAGON
Sa labang ito, karamihan ng nakaupo at bago pa lang na kakandidatong Bulacan mayors ay ng-exodus sa NUP upang samahan at suportahan at samahan ang kandidatura at tambalang Daniel-Alex.
Una na rito sina City of Malolos Mayor Gilbert Gatchalian, San Ildefonso Mayor Paula Carla Galvez-Tan at Pandi Mayor Enrico Roque sa kanilang re-election bids at Angat Mayor Leonardo de Leon sa pagtakbo niya sa vice mayoralty post..
Ang nagbabalik na 12 taong dating Bocaue Mayor Eduardo “JJV” Villanueva na anak ni Jesus Is Lord Bishop Eddie Villanueva, kapatid nina Senator Joel Villanueva at ng namayapang Mayor Joni Villanueva.
Kasama ring nakihugos sa band wagon ng Daniel-Alex tandem sina former City of Malolos Mayor Danilo Domingo na tatakbo sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Bulacan laban sa incumbent Rep.Jonathan Sy Alvarado, Agustina Dominique “Tina” Pancho ng Second District at Lorna Silverio sa Third District.
Sa Daniel-Alex din sumama sina Norzagaray Mayor Alfredo Germar para sa pagka-kongresista ng ika-anim na distrito at asawa nitong si Ma. Elena Germar sa pagka-mayor ng Norzagaray.
Si Raul “Aye” Mariano ay sumama rin sa NUP sa pagtakbo nito bilang bokal ng third district.
Sina San Miguel Mayor Roderick Tiongson mula sa United Nationalist Alliance (UNA) ay lumipat na rin sa NUP habang si Kapitana Jhane dela Cruz ng Iba, Hagonoy na kakandidatong mayor ng nasabing bayan ay lumipat na rin sa NUP mula sa Partido Federal ng Pilipinas.
Sumama rin sa NUP Daniel-Alex tandem sina dating Mayor Patrick Neil Meneses ng Bulakan, Glorime “Lem” Faustino ng Calumpit, Ma. Christina Gonzales ng Paombong, Arnel Mendoza ng Bustos, Renato Castro ng Sta. Maria, Ronaldo Flores ng Doña Remedios Trinidad, Jemina Sy ng Marilao, Joselito Polintan ng Balagtas, Leonardo “Ding” Valeda nh Obando at Eliseo “JJ” Santos ng Guiguinto.
Sa pagka-bokal ng Sangguniang Panlalawigan, sumama rin sa NUP sina dating Bokal Felix “Toti” Ople at Bernardo “Jong” Ople para sa first district at Erlene Luz Dela Cruz at Ramon Posadas para second district; at Romeo “RC” Castro, Jr. para sa third district.
Gayundin sina Allen Dale Baluyut para sa bokal sa ika-4 na distrito, Richard Roque sa fifth district; at Florinio Saplala, Jr. at Rico Jude Sto. Domingo para sa the sixth district.
Ang mag-bayaw, former Mayor Eduardo "JJV" Villanueva (third from left) at lawyer former CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna para sa pagka-mayor at bise mayor ng Bocaue at kanilang mga konsehales sa pag file nila ng kani-kanilang COC's sa ilalim nh National Unity Party (NUP) kaninang umaga. Larawan ni Mac Eleogo
Nina Anton Catindig at Mac Eleogo
BOCAUE, Bulacan–Ibabalik ang mahusay na paglilingkod sa bayan, bukas-palad sa mga mamamayan at itutuloy ang legacy projects ng namayapang dating alkalde, Mayor Joni Villanueva ang bitbit ng mag-bayaw na dating Mayor Eduardo “JJV’ Villanueva Jr. at dating Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Partylist Rep. Atty Sherwin Tugna sa pamahalaang bayan bilang ama at pangalawang ama ng bayang ito.
Naghain ang dalawa kasama ang kanilang walong mga konsehales–Mira Bautista, Alvin Cotaco, Yboyh Del Rosario, Noriel German, Aries Nieto, Ate J Nieto, Jerome Reyes at Gigi Salonga ng kani-kanilang Certificates of Candidacy (COC) kaninang umaga sa Comelec office ng bayang ito.
Ayon sa mag-bayaw, ang laban nila ay laban ng yumao nilang mahal sa buhay na si Mayor Joni.
Iginiit ni Villanueva, panganay na kuya ng pumanaw na alkalde na ibabalik niya ang husay, katapatan at dangal sa paglilingkod sa bayang Bocaue na naging pangunahin nilang panuntunan ng kanyang kapatid sa panahon ng kanilang panunungkulan.
Mataas na kalidad umano sa larangan ng kalusugan, edukasyon, livelihood at iba pang social services kabilang ang ayuda at atensiyong medical lalo na sa panahon ngayon ng pandemya ang karapat umanong nararanasan at tinatamong paglilingkod sa mga mamamayan ng Bocaue.
Bukod sa legacy ito ng kanyang kapatid, ito rin umano ang husay, tapat at may dangal at dignidad na pamumuno sa kanilang bayan na kanya rin mismong isusulong.
Gayundin, hindi mapamili bagkus ay ibabalik nila sa bukas-palad sa lahat ng mamamayan ang uri ng pamumumuno sa munisipyo.
Naumpisahan na anila ni Mayor Joni ang pagkamit sa matagal ng pangarap na pagpapatayo ng sariling ospital ng Bocaue, ang kauna-unahang pampublikong ospital sa Bocaue sa lupang pag-aari ng kanilang pamilya na ipinagkaloob sa kanilang bayan at ito ay kanila umanong pagyayamanin at susundan pa ng iba pang medical and health services para sa kanilang mga mamamayan.
Nakamatayan ng alkalde ang pinasimulan nitong maitayo na nasabing ospital kasama ang diagnostic laboratory sa pamamagitan ng tulong at suporta ng kanilang kapatid na si Senator Joel Villanueva kaya’t pinagpursigihan ng senador na matapos agad ang ospital at ang diagnostic center bilang pagkilala sa namayapang mayor na kapatid.
Mahigit lamang isang buwan pagkatapos mamatay ni Mayor Joni Mayo 28 noong isang taon ay inagurahan na ang Mayor Joni Villanueva Moleculat Laboratory na isa sa pinaka inasahang COVID-19 testing center sa Central Luzon. Pangunahin nitong layuning mapagsilbihan ang mga Bulakenyo at nagawa rin ang proyektong ito sa tulong ni Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr.
Hindi nakuntento ang buong pamilya Villanueva, ipinursigi ni Sen. Joel na matapos na rin ang ospital at ipinangalan din ito sa yumaong kapatid bilang Mayor Joni Villanueva Memorial Hospital at binuksan nitong Mayo 28 bilang pag-gunita sa ika-1 taong anibersaryo ng pagkamatay ng alkalde. Ang ospital na ito na extension ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital na matatagpuan sa Pampanga ay gumagamot ng moderate cases ng COVID-19.
Noong nakaraang linggo ay inagurahan ang P100-Milyon halagang sports oval, bleacher, three storey fifteen classrooms, stage at covered court sa Cong. Erasmo Cruz Memorial Central School na pet project ng yumaong alkalde at pinondohan ni Sen. Joel. Ginawa ang nasabing mga proyekto noong Enero lamang.
Pinangunahan ni Sen. Joel Villanueva, former CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, DPWH Bulacan First District Engineering Office Chief Henry Alcantara at iba pang mga opisyales ng Bocaue ang pag-inagura sa P100-Milyong proyekto ng senador sa Cong. Erasmo Cruz Memorial Central.Schiol na brain child and pet project ng yumaong Mayor Joni Villanueva. Larawan ni Mac Eleogo
Inagurahan din ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary ang Ciudad de Victoria interchange, overpass and road sa bahagi ng North Luzon Expressway na direkta ng pinag-kokonek ang NLEX, ang MacArthur highway at ang Sta. Maria partikular ang Gov. F. Halili Road. Ito rin ay isa sa mga proyektong isinulong ng namayapang alkalde bilang alternate route upang solusyunan ang problema sa trapiko sa lugar.
Pahabol ni Tugna, ang kanilang pamilya ay nakilala rin sa bayang ito na nagbibigay ng lupa para sa proyektong pambayan at nagbebenta ng ari-arian kung kailangan para sa proyektong ukol sa paglilingkod at walang ano mang bahid ng katiwalian at corruption.
Police Reg. 3 Director Brig. Gen. Valeriano De Leon hands a "Bayanihan" memento to Bulacan Gov. Daniel Fernando as a symbol of Filipino innate helping hand trait and duty. Photo by Carmela Reyes-Estrope
CAMP OLIVAS, Pampanga–Bulacan Gov. Daniel Fernando hailed and thanked the Philippine National Police (PNP) for being the best protector and servant of the people at all times particularly during this pandemic as he congratulate the Police Regional Office 3 (PRO3) for being awarded the Best Police Regional Office in the country for 2020 during the PNP’s120th Police Service Anniversary celebration at this camp on Monday.
Fernando who was keynote speaker in the event said the police despite being themselves infected with COVID-19 continue to man the control points, maintain peace and order, help the local government units implements minimum health protocols while remaining on top of their anti illegal drug and all forms of criminality operations.
Fernando congratulated Brig. Gen. Valeriano De Leon, PRO3 regional director for being awarded the best said regional office award since after two decades.
PRO3 bagged the said award besting 16 other PRO’s.
“This recognition will surely lift the spirits of our PRO3 personnel as we work tirelessly to fulfill our commitment of fighting criminality and wiping out illegal drugs in the region. I commend all the officers, men and women of the different police/city police provincial offices for a job well done,” De Leon said.
“We also share this feat with our stakeholders and all local government units who have been extending their unyielding support, we dare to soar and aim at raising ourselves to keep on delivering excellent police services to the people of Central Luzon ignited on our desire to continuously carry out our mantra, “To Serve is our Passion, To Protect is our Action,” he added.
Based on the records of the National Historical Commission, Police Service as an institution takes its roots from the Insular Police Force that was created on August 8, 1901.Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio also congratulated and thanked the PRO3 and the police for its services to the people.
She further said that all PNP personnel should re-affirm their commitment to police service and should keep on serving the Filipino people with unfaltering perseverance and devotion.
Si Nanay Neneth "KusiNanay" Madrona kasama si Maestro Jaime Corpuz, Bulacan heritage and culture icon at si Ceszille Miciano, marketing manager ng Stevia Glamorous Company, partner company ng Madronas's Jungle Edge Farm and mountain site ng inilunsad nila ang "Tsokolate Batirol sa Buho" sa Barangay Talbak sa DRT at ang daan paakyat sa glamping site. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig
DONA REMEDIOS TRINIDAD (DRT), Bulacan–Taste more the real nature, uminom ng mainit na tsokolate batirol sa buho ng kawayan bilang “welcome drinks” at puwede ring “all stay drinks” sa isang glamping site and farm sa bayang ito.
Ang Madrona’s Jungle Edge Farm sa Barangay Talbak ay naghahain ng libreng inuming ito sa kanilang mga guests bilang isang dagdag na treat upang mas higit na maipadama ang kanilang nature trip and fun at pansamantalang ilang oras na pagtalikod muna sa real world sa buhay siyudad.
Ang tsokolate batirol ay gawa mula sa inaning cacao sa cacao plantation sa three hectares agro farm ng pamilya ni Nanay Neneth Madrona, kilala bilang KusiNanay. Ang hot chocolate ay mas lalong pinasarap sa pamamagitan ng paggamit ng Stevia sugar bilang sweet enhancer.
Si Madrona na matagal na naka-base sa Taguig ay may catering business subalit dahil sa pandemya simula noong isang taon ay umuwi sa kanilang farm glamping site sa Talbak upang pagyamanin naman ang kanyang culinary expertise sa kanyang mga halamang pananim at mga alagang hayop.
Ang tsokolate batirol ni Nanay Neneth KusiNanay ay hinahaluan din niya ng unique and exquisite secret herbs and leaves na matatagpuan sa kanilang farm.
Sa ginawang launching noong nakaraang Sabado ng masarap na inuming tsokolate batirol sa buho, pinatikim din ni Nanay Neneth ang kanyang mga bisita ng mainit at masatap na soup gamit ang buto ng “bitik,” pinagsamang breed ng bibi at itik na alaga nila sa kanilang farm na nilagyan niya ng dahong langkawas na pampalasa at pampalinamnam. Ang langkawas ay isa sa mga pananim niyang herbs sa kanilang farm.
Sa farm na ito, ang mga turista ay maaring magtanim, umani ng mga pananim, lutuin ito o ipaluto ayon sa kalutong gusto, pumili din ng alagang hayop na kanilang lulutuin o ipalaluto. Mayroong baboy ramo, bitik at kabir at iba pang hayop na alaga sa farm.
Ang Madrona’s Jungle Edge Farm ay hindi lamang isang tourist destination bilang glamping site, ito rin ay isang livelihood provider para sa mga native na residente partikular sa mga kabataan sapagkat dahil sa tsokolate batirol sa buho ay bibilhin i ni Nanay Neneth ang mga kawayan mula sa mga ito.
Isa ang 18 anyos na estudyante ng Talbak High School na si Leinard Arboso sa mahigit 100 kabataang scholar ng munisipyo ng DRT sa pangunguna ni Mayor Marie Flores na nagtatanim ng mga kawayan bilang environment ambassadors ng DRT. Ayon sa kanya, kailangan nilang magtanim ng 20 puno ng kawayan dalawang beses isang taon, tuwing Enero at Hulyo upang palitan ng mga nagamit na.
Ang glamping site naman ay pinalagyan ng signal booster ng anak ni Nanay Neneth na si Gratian Madrona bilang dagdag na amenity sa kanilang mga guests.
Labis na ikinatuwa ni Jaime Corpuz, culture and heritage icon at author ng mga libro ng kalinangan sa Bulacan ang paghahain sa Bulacan ngayon partikular sa farm ng DRT bilang umuusbong na tourism capital ng lalawigan ang tsokolate batirol sa buho sapagkat lalo itong magpaparamdam sa mga turista ng angking yamang kultura ng mga mamamayan at ang mas malapit na nature encounter nito.
Ang tsokolate batirol sa buho ay organic farm to table drinks na hindi tulad ng mamahaling inumin sa mga sikat na coffee and milk tea shops sa kapatagan na commercialized na ang pag proseso.
Ang Talbak ay isa lamang sa 8 bulubunduking barangay ng DRT kabilang ang Pulong Sampaloc, Camachile, Bayabas, Kabayunan, Sapang Bulak, Talbak, Camachin and Kalawakan na paborito ng daan-daang mga mountaineers, bikers, motorcycle riders, hikers, trekkers at iba pang nature adventurists.
Bukod sa mga kabubdukan gaya ng Mt. Sumag, Tanawan, Silad, Sumacbao, Palanas, Lumot, Mabio, Susungdalaga, Silid, Balistada Hill, Digos hill, Mount Gola, Tila Pilon and Mount Manalmon, ang DRT ay mayaman sa mga falls o talon tulad ng mga pinaka sikat na Verdivia Falls, Talon ni Eva Falls, Talon Lucab Falls, Talon Pedro falls, Talon Pari Falls, 13th Falls and Zamora Falls. The rivers are Balaong at Madlum River.
"Team "VCD" ng National Unity Party (NUP) ng Obando Konsehal Leonardo "Ding" Valeda kasama ang walong konsehales incumbent Councilors Rowell Rillera at Aries Manalaysay at SK Chairman Rico Dela Cruz, Kagawad Oyen Bautista at mga dati na ring naglingkurang Konsehal Gerald Gomez, Edmund Papa, Louie Reyes at Dra.Vanjie Bautista matapos ihain ang kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Comrlec office sa loob ng makasaysayang lumang gusali ng munisipyo ng Bayan ng Obando. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig
Nina Mac Eleogo at Anton Luis Reyes Catindig
OBANDO, Bulacan-Pormal ng naghain ng kandidatura sa pagka-alkalde at bise-alkalde ng bayang ito sina Konsehal Leonardo “Ding” Valeda at incumbent Vice Mayor “Kuya” Arvin Dela Cruz sa tanggapan ng Commission on Election (Comelec) kahapon ng umaga para sa halalan sa 2022.
Kasama ang walo nilang konsehales sa National Unity Party (NUP)– incumbent Councilors Rowell Rillera at Aries Manalaysay at SK Chairman Rico Dela Cruz, Kagawad Oyen Bautista at mga dati na ring naglingkurang Konsehal Gerald Gomez, Edmund Papa, Louie Reyes at Dra.Vanjie Bautista, maaga nilang tinungo ang nasabing tanggapan at matagumpay nilang inihain ang kanilang Certificate of Candidacy (COC).
Tinagurian silang “Team VDC” o team ni “Mayor” Valeda at Vice Mayor Dela Cruz..
Bagama’t hindi nakadalo si Vice Mayor Dela Cruz dahil ito ay naka-quarantine, pormal at matagumpay ding naihain ang kanyang third term re-election bid.
Si Konsehal Valeda ay isa ng antigo at taga sa panahon sa larangan ng paglilingkod sa mamamayan ng Obando matapos siyang magsimula sa pulitika sa bayang ito noong 1986 bilang miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Barangay Tawiran sa edad na 18.
Ang tumatakbong pagka-Alkalde ng bayan ng Obando, Konsehal Leonardo “Ding” Valeda (Panandaliang hinubad ang face mask para sa pagkuha ng litrato). Larawan ni Anton Luis Catindig
Taong 1989 ay muli siyang kumandidato sa pagka-SK at nahalal siya bilang Top 1 member nito. Taong 1994 naman ng kumandidato siyang kagawad at nanalo ring Number 1. Taong 1997-2000 ay muli na namang Number 1 sa nasabing posisyon at taong 2000 hanggang 2002 ay naging acting barangay captain.
Sa kabila ng hindi nakaranas ng pagkatalo sa pulitika ay namahinga muna siya ng taong 2002-2007 at sumabak naman sa negosyo para sa kanyang pamilya. Nalinya siya sa pamamalaisdaan at pangingisda at iba pang pang-kabuhayan na matuwid na nagtaguyod sa kanyang pamilya.
Taong 2007 ng maisipan niyang magbalik paglilingkod sa Tawiran kaya’t bumalik siya bilang kapitan at umabot sa 8 and 1/2 year ang itinagal niya bilang paulit-ulit at walang talong kapitan hanggang 2016 kung saan siya ay naging chairman ng Association of Barangay Captains (ABC) ng bayang ito. Noong 2013-2016 ay naging bise presidente siya ng Liga ng mga Barangay sa buong Bulacan..
Taong 2016 naman hanggang sa kasalukuyan ng siya ay maging consistent Number 1 councilor.
Ani Valeda, ang karanasan sa matapat at mahusay na paglilingkod sa kanilang bayan ng lahat ng miyembro ng kanilang “Team VCD” ay isa lamang patunay ng mas higit pa nilang pagnanais at kakayahan na makapag-silbi sa kanilang mahal na mga kababayan sa Bayan ng Obando upang bigyan ng bagong mukha ang kanilang lugar sa larangan ng pagbabago at kaunlaran nito.
Tagumpay ng naihain ni Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr. ang kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-kongresista ng ika-5 distrito kahapon, Oktubre 5 sa Capitol Gymnasium. Sinamahan siya sa larawang ito ni Provincial Election Supervisor Atty. Mona Campos. Larawan mula sa Facebook account nii Mayor Boy Ambrosio Cruz Jr.
Ni: Rolly Alvarez
GUIGUINTO, BULACAN – Nais patunayan ni Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr. na hindi lang taga-Guiguinto ang magaling, kundi maging taga ika-limang distrito rin. Ito’y matapos siyang maghain ng kanyang Certificate of Candidacy ngayong araw bilang kinatawan ng ika-limang distrito sa Kongreso na binubuo ng mga bayan ng Pandi, Guiguinto, Balagtas at Bocaue.
Matatandaang kinilala noong nakaraang taon bilang isa sa Most Outstanding Mayors in Bulacan si Mayor Boy at naging tanyag din sa kanyang adbokasiya sa kalikasan, imprastraktura, kabuhayan at edukasyon sa bayan ng Guiguinto at kasalukuyang pangulo ng League of Bulacan Mayor’s.
Sa kanyang termino bilang alkalde, kanyang pinatunayan na basta magaling, sa Guiguinto nanggaling. Ngayon na tinanggap niya ang hamon sa halalan bilang kinatawan ng Distrito Singko, hamon din kay Mayor Boy na maipadama sa ika-limang distrito ang kasaganahan at kaunlarang kanyang naisakatuparan bilang ama ng bayan ng halamanan.
LUNGSOD NG MALOLOS–Walang patumpik-tumpik at maagang tinungo ni Augustina Dominique ‘Ditse Tina” C. Pancho ang Capitol Gym noong Biyernes, unang araw ng Oct. 1-8 filing ng candidacy upang pormal na maghain ng kanyang certificate of candidacy bilang kinatawan ng ikalawang distrito.
Mahigit ng isang taong maugong ang pangalan ng nakakatandang kapatid na babae ni outgoing Second District Rep. Gavini “Apol” Pancho na kakandidato sa nasabing posisyon.
Si Ditse Tina ay kasalukuyang nagsisilbi bilang chief of staff ni Rep. Pancho sa patapos na nitong tatlong termino at magsisiyam na taon sa Kongreso.
Itutuloy ni Ditse Tina ang Legacy ng Paglilingkod ng kanyang kapatid at kanilang ama, dating Rep. Pedro Pancho na siyang nagpasimula ng “Tatak Pancho” na uri ng paglilingkod sa buong ikalawang distrito.
Nakilala ang Pancho bilang matatapat at dedikado sa paglilingkod at laging tumutulong ng direkta sa mga nasasakupan nila ng mabilis at agaran. May programa ng pagtulong ang tanggapan ni Rep. Pancho para sa lahat ng sektor na nangangailangan partikular ang tungkol sa mga medical, hospitalization, education, scholarship grants and support, transportation, infrastructure.
Inaasahang magtutuloy ng lubos kung hindi man mas mahigitan pa ni ditse ang pagmamahal at pagkalinga ng kanyang ama at kapatid sa kanilang nasasakupan alinsunod sa Tatak Pancho o legasiya ng paglilingkod ng kanilang pamilya.
Inaasahan ding mas lalong malaki ang pondo, mga proyekto at biyayang iuuwi ni Ditse Tina sa ikawalang distrito kung siya ang mananalo dahil lumiit na lamang sa tatlong bayan–Baliwag, Plaridel at Bustos ang nasabing distrito o mga bayang mahahatiran ng pondo ng gobyerno na laan sa kongreso dahil nahiwalay at babawas na ang dati nitong mga kasamang bayan–Pandi, Balagtas, Bocaue at Guiguinto.
Ang redistricting ng Bulacan sa anim na distrito ay isinasaad sa batas na RA 11546 na pinirmahan ni Pangulong Duterte nitong May 2021.