Home Blog Page 451

Gob. Fernando sa Bulacan youth scholars: I-tiktok ang minimum health protocols

0
Ipinapaliwanag ni Gob. Daniel Fernando ang kahalagahan ng palagiang napapaalalahanan ang ating mga kababayan ng patuloy na pagsunod sa minimum health standards kung saan isang paraan ay idaan umano sa Tiktok dance upang mapagtagumpayan nang lubos ang laban sa COVID-19. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig.

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines—Hinamon ni Gob. Daniel Fernando ang mahigit 10,000 Bulacan youth scholars na daanin sa paborito nilang Tik-Tok dance sa social media ang maari nilang malaking pagtulong sa pamahalaan upang lalong mapaalalahanan ang mga kababayan sa pagsunod sa minimum health protocols upang lalong mapaigting ang bumubuting laban ng lalawigan sa COVID-19.

Sa harapan ng nasa 500 estudyante ng Bulacan Polytechnic College (BPC) Malolos Campus sa ginanap na last leg ng pamamahagi ng scholarship certificate para sa mga kabataang estudyanteng Bulakenyo na ginawa sa Capitol Gym nito lamang ay sinabi ng gobernador na magkakaroon ng mahalagang kabuluhan ang mga Tik-Tok dance nito kung ang palagiang pagsusuot ng face mask, face shield, ang paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol at pag-observe sa social distancing ang ipapakita ng mga ito na steps o choreography kaysa ipagmalaki lamang at i-display ang mahabang buhok ng mga kadalagan, ang kanilang magandang mukha, ang maalindog na katawan.

Iminonstra pa at isinayaw ng gobernaodr ang mainam daw na choreography ng kanilang health protocol sa Tik-Tok dance.

“Hindi basta ipapakita lang natin ang magaganda at makintab at mahahaba nating buhok na ating hinahawi habang tayo ay nagtitiktok, ang magaganda nating mukha, ang mga sexy nating katawan, tulungan ninyo kami sa ating pamahalaan, kami nila Bise Gob. Willy Sy-Alvarado at mga bokal para mapaalalahanan ang ating mga kababayan sa minimum health protocols, iyan ang gawin ninyong Tik-Tok dance,” pahayag ng gobernador.

Mga mag-aaral ng Bulacan Polytechnic College (BPC) Malolos Campus sa ginanap na last leg ng pamamahagi ng scholarship certificate para sa mga kabataang estudyanteng Bulakenyo.

Patuloy umanong gumaganda ang laban ng Bulacan konta COVID-19 sapagkat ang naunang 96% na pagbaba ng mga kaso ay lalo pang bumuti ng magtala ang lalawigan ng mahigit ng 105% decrease sa mga bilang ng kaso.

Ganunpaman, ayon sa gobernador ay hindi siya kuntento sa ganitong tala sapagkat ang nais niya ay lalo pang pabulusukin pababa ang naitatalang kaso sa buong lalawigan.

Aniya, hindi niya hihilingin sa national Inter Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Bulacan sa mas lalong mababang category na Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula July 16 bagkus ay hihilingin niyang patuloy na manatili ito sa kasalukuyan nitong status na General Community Quarantine (GCQ) with some restrictions upang patuloy na maging vigilant ang lahat sa paglaban sa COVID-19 at humantong sa lundo na mababang mababa na ang mga naitatalang kaso.

Ang nakakaraang buwang halos 4,000 na active cases ay bumaba na lamang sa 800-900 kaso. Sa ngayon ay nasa 41,453 ang kabuuang talang kaso sa lalawigan simula Marso noong isang taon habang 39,647 ang mga naka-recover at 893 naman ang namatay.

Nauna ng nagbigay ng nasabing scholarship certificates ang provincial government sa mga campuses ng BPC sa Bayan ng Obando, San Rafael, City of San Jose del Monte, San Miguel, Pandi at Angat.

May scholars din ang Capitolyo na mga estudyante ng Bulacan State University, iba pang public colleges sa lalawigan maging pribadong eskuwelahan.

KAMAGONG NG CABIAO NUEVA ECIJA

0
KAMAGONG RET GEN CABIAO COUNCILOR MOISES GUEVARRA.

MONDRAGON by Vhioly Rosatazo Arizala

Matagal ko ng hindi nasisilayan ang taong sumikat sa larangan ng bakbakan sa mga taong labas, mga salot sa lipunan na kung saan hindi na mabilang ang tinanggap na medalya at galit sa droga , Kilalang kilala sya sa tawag na KAMAGONG..


Kulang ang isang buong dyaryo kung aking iisa-isahin ang kanyang mga nagawa at mga karangalan sa makasaysayang lalawigan ng Bulacan. Isang matikas na laging naka tiger look na, ni sa isip ay hindi mo gugustuhin na sya’y makausap sapagka’t sa tindig palang ito’y iyong katatakutan.


Naging isang opisyales din ng Malacanang si KAMAGONG nang panahon ni Late President PNOY.

Kabagligtaran ng kanyang panlabas na anyong siyang isang matapang at palaban, walang sinusukuan anumang laban pag nasambit na ang KAMAGONG maiihi kana sa takot subalit sa katauhan nito itoy isang mabait, palakwento, masiyahin at higit sa lahat ay joker na tao yan, ang tootong pag katao ni KAMAGONG .


Matapos mag retiro ay umuwi na sa kanyang hometown upang mag business na lamang. Sa pag-aakala nya na matatapos na ang pag sisislbi nya sa gobyerno , maraming lumapit at naki-usap na hindi na niya matangihan ay pinasok nya ang pulitika, nahalal si KAMAGONG ng Konsehal ng bayan ng Cabiao Nueva Ecija .


Sa pagkakaupo nya ay sinalubong naman sya ng malupit na pag subok na buong mundo ay  nag durusa, Hindi naging hadlang sa kanyang ang Pandemic upang tumulong sa kanyang mga kababayan sa abot ng kanyang makakayanan. Tuloy-tuloy serbisyo sa bawat barangay.


Katuwiran nga nya ang taong gustong tumulong ay dapat walang mga dahilan sapagkat ito’y nanggaling sa puso at may kasamang pagmamahal. Mabuhay ka KAMAGONG RET GEN CABIAO COUNCILOR MOISES GUEVARRA .

Idol talaga kita nawa’y marami pa ang katulad mo na may mabuting kalooban .. Keep safe and stay healthy Boss kamagong

ANG TAGAPAGSINUNGALING

0
LABUYO, Johnny Mercado, NEWS CORE columnist

LABUYO BY JOHNNY MERCADO

Sa lahat ng mahirap sabihin ay kung ang isang tao ay totoo o mali ang sinasàbi lalo na kung ang taong ito ay mayroong pinag-aralang masasabi sà kanyang sarili . Mayroon namang sa buka pa lamang ng bibig ay alam na alam mo na kung ang taong ito ay mapagkakatiwalaan at hindi dahil puro kasinungalingan lamang ang kanyang ipapakle . Kasinungalingan sa madaling sabe ang maririnig mo at wala kang maaasahang katotohanan .

Napakamahirap ang magsabi ng hindi totoo lalo sa harap ng korte kung saan ay napapaligiran ng maraming tao, at hindi lamang basta – bastang tao. Mahirap ang maglubid ng kasinungalingan o kaya’y sadyang inimbento lamang .

Ngayon ,ano ang sasabihin ng mga tao kung ikaw ang tumatayong tagapag-salita ng taong iyong nais iligtas sa kahihiyan. Ano na lang ang sasabihin ng bawat tao sa iyong maikakailang kasinungalingan, makuha mo pa kayang mapirmi sa iyong upuan . Hindi kaya parang sinisilihan ang iyong puwetan.

Ang mga taong ganyan ay bagay na bagay na tawagin ng TAGAPAG SINUNGALING . Sila yung nilalang na ang baluktot ay pilit na itinutuwid sa pamamagitan ng mga salitang hindi kanais-nais. Pilit siyang gagawa ng paraan mapagtakpan lamang ang kamalian ng taong kayang pinaglilingkuran. Pilit pa rin niyang iniiwas ang usapan sa katotohanan .

Ganyan silang mga TAGAPAGSINUNGALING . Hindi na baleng magkasabit-sabit basta’t ayos sila sa kanilang pinapanginoon lalo’t malaking tao ang kanyang pinagsisilbihan. Eka nga nila, magkahiyaan na kung magkakahiyaan. Naparaming ganyan sa ating pamahalaan na handang magpakapabayani huwag lang mapahiya sa taong bayan .

Pero sa totoo lang malaki ang papel na ginagampanan nilang TAGAPAGSINUNGALING sa mga taong sangkot sa katiwalian lalo na kung ikaw ay OPISYAL NG BAYAN. Sila ang taga-salo sa lahat ng kahihiyan nakalaan sa taong lubhang isinusuka ng mamamaya. Pikit-mata nilang tinatanggap ang kahihinatnan ng kanilang kasinungalingan .Ganyan silang mga TAGAPAGSINUNGALING ng bayan .Hindi sila natatakot sa idudulot ng kanilang kasinungalingan maisalba lamang ang kanilang AMO sa kahihiyan.

Ngayon ay may isyu sa pamahalaan na baka sakaling maibestigahan at upang lumabas ang katotohanan na hindi pa man ay mayroon ng nagnanais na siyang maging TAGAPAGSINUNGALING ng taong sangkot sa anumalya na pag-uusapan . Alam na marahil ninyo kung sino ang taong ito na masahol pa sa nasasakot kung magsalita .Ang tao’y walang hinihintay kung hindi ang ikatutuloy ng laban upang malaman ang malaman ang sinasabing bigat ng isang TAGAPAGSINUNGALING. SIGURO’Y MAGKAKAALAMAN NA RIN KUNG SINO ANG HIGIT DAPAT NA PANIWALAAN.

PrimeWater steadily grows in the City of Malolos

0
PrimeWater

PrimeWater Infrastructure Corp., in partnership with the City of Malolos Water District, provides services to the City of Malolos and the Municipality of Paombong. With a joint venture that began almost three years ago, Malolos and Paombong concessionaires now experience notable service improvements and expansion projects.

The water wasted due to pipe leaks and connection losses is a big concern for the joint venture. In 2018, the Non-Revenue Water (NRW), or water not reaching the households, was 40%. It means that almost half of the water supply in the City of Malolos does not get to the residents’ faucets. Steadily, PrimeWater resolved the issue by conducting massive leak repairs and line rehabilitations. During its third year, PrimeWater targets to reduce NRW by almost half, or 22%, by the end of 2021.

Bulacan Bulkwater supply was a massive government project that PrimeWater City of Malolos welcomed with open hands. In 2019, to receive the water coming from the Ipo Dam, PrimeWater City of Malolos interconnected its line with the bulk water provider. 71% of the water supply of PrimeWater City of Malolos comes from this surface water source. 

Engineering innovations such as Horizontal Directional Drilling (HDD) are also set to fast-track our development programs. One example of this is the pipe laying project from Tikay to Guinhawa, which was completed in just six months from the original one-year project timeline. As of press time, PrimeWater City of Malolos had completed 23,870 meters of pipelaying projects across its service area.

PrimeWater City of Malolos, with the support of the City of Malolos Water District, continuously addresses the issues in water supply, water pressure, water quality, aging distribution lines, lack of water storage, and non-revenue water in the Water District. With these general issues, additional capital expenditures are needed to ensure water sustainability.

PrimeWater added 3,844 new connections since it started operations. By 2027, the tenth year of the Joint Venture, the City of Malolos and Paombong’s population is expected to hit 357,505.

The Malolos joint venture would need 70,000 cubic meters of water per day at this population growth rate. To address and support this demand growth, infrastructure projects and additional service line connections are in the pipeline. As for the years to come, PrimeWater will use technology and innovations to expand its service coverage. 

San Miguel Corp Pampanga employees binakunahan na rin, 13 pang lugar ng empleyado outside Metro Manila kasunod na

0
San Miguel Corporation (SMC) recently rolled out its COVID-19 vaccination drives in Laguna, Pampanga, and Davao City in coordination with the local government units and the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). In over a month, some 7,189 of the company’s A4 workers nationwide were able to get their initial doses of COVID-19 vaccine. Photos show some San Miguel Group employees based in Pampanga getting their shots yesterday at the GreenCity Medical Center in San Fernando, Pampanga.

BULACAN, Philippines–Nasa 500 empleyado ng San Miguel Corporation sa Pampanga na kabilang sa A4 category o essential workers ang nabakunahan ngayong linggo sa ilalim ng “Ligtas Lahat”vaccination program ng kumpanya. 

Ang mga empleyado ay mga naka-base sa pasilidad at operasyon ng kumpanya sa Pampanga. Ginawa ang pagbabakuna sa pamamagitan ng tulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at ng City of San Fernando sa the GreenCity Medical Center sa San Fernando.

Bukod sa 500 na ito sa Pampanga, kabuuang 2,500 na A4 workers ng SMC outside Metro Manila ang nabakunahan mula July 2-8 mula sa kabuuang 7,189 na bilang ng lahat ng empleyado ng kumpanya na nabakunahan na. 

Nakiisa sa pagbabakuna sa Pampanga sina National Task Force Against Covid-19 deputy chief implementer Vince Dizon, Pampanga Governor Delta Pineda at City of San Fernando Mayor Edwin Santiago.

Pagkatapos ng Pampanga habang nauna na ring nabakunahan ang mga workers nito sa Laguna at Davao City, ang mga SMC employees naman na naka-base sa Bulacan at Cavite ang babakunahan at nakatakda itong isagawa sa isang linggo.

Ayon kay SMC President and COO Ramon Ang, dahil karamihan ng major facilities ng kumpanya sa beverage, packaging, power, fuels and infrastructure ay nasa labas ng National Capital Region, ang pagbabakuna sa kanilang mga empleyado sa mga lugar na ito ay sadyang napakahalaga upang siguraduhing ligtas ang work place nila. Nagpahayag din si Ang ng pasasalamat sa kanilang private and government partners dahil sa patuloy na pag-suporta ng mga ito sa kanilang programa lalo na sa vaccination ng kanilang mga empleyado. 

 “Hindi pa ganoon kalaki ang bilang ng mga nababakunahang ito sa aming kumpanya subalit kapag dumating na ang supply ng bakuna, makakapag-contribute tayo ng malaki sa ating national goals. Sa ngayon, binabakunahan namin ang aming mga empleyado as much as we can. This is the best way we can help make sure that our economic recovery will be more sustainable,” pahayag ni Ang. 

Early this year ay sinabi ng SMC na P1-Bilyon ang inilaan nitong pondo para sa pagbabakuna ng 70,000 direct and indirect employees nito sa buong bansa sa ilalim ng “Ligtas Lahat” program bilang lalong taya at tulong ng SMC sa nationwide vaccination program ng gobyerno upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya mula sa dagok at hagupit ng pandemya. 

Sa Sta. Rosa City, 600 Laguna-based employees ng SMC ang nabigyan na ng first dose na ginawa sa The Medical City South Luzon sa pakikipagtulungan ng Sta. Rosa local government unit sa pangunguna ni Mayor Arlene Arcillas.

Sa Davao City naman, sa pakikipagtulungan ng local government nito ay nabakunahan ang 1,369 San Miguel employees from various business units na ginawa sa Davao Doctors Hospital Main. 

 Noong June 3 to July 2, kabuuang 4,720 employees mula sa National Capital Region (NCR) ang nabakunahan sa tulong ng Pasig at Mandaluyong local government units sa mga vaccination sites na itinayo ng SMC sa Jose Rizal University (JRU) sa Mandaluyong, La Salle Green Hills at SMC Sports Complex at C-5 Road sa Pasig City.

Kasunod pang magbabakuna sa 13 vaccination sites in Laguna, Cavite, Batangas, Albay, Pampanga, Pangasinan, Isabela, Bataan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao at Cagayan de Oro.

Ayon kay Ang, kaugnay ng “Ligtas Lahat” vaccination ng SMC ay magha-hire sila ng 300 medical professionals. Nauna na silang nag-hire ng 100 medical doctors and nurses para sa kanilang  vaccination sites sa Mandaluyong, Malabon, Manila, Paranaque at Quezon City.

May kabuuan ng 180,000 vaccines ang naibakuna ng SMC vaccination sites and teams as of June 22, dagdag pa ni Ang. 

National Press Club kinondena ang pag echapwera sa media tuwing okasyon ni Marcelo Del Pilar

0
Walang representante ang National Press Club at ang Bulacan Press Club sa pag-aalay ng bulaklak sa dambana ni Marcelo H.Del Pilar sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas, Bulakan, Bulacan sa pag-gunita sa ika-125 taon nitong kamatayan noong Linggo habang nanguna sa pagpupugay sina Gob. Daniel Fernando, Bulakan Mayor Vergel Meneses, Bulacan Provincial Government History, Arts, Culture, Tourism Officer Eliseo Dela Cruz, Ph. D., Ruel Paguiligan, National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Barasoain Curator Ruel Paguiligan at iba pang mga opisyales. Contributed photo.

BULAKAN, Bulacan, Philippines–Mariing kinondena ng National Press Club (NPC)  ang sunod-sunod na pag-etchapwera sa media sa ilang beses na okasyon ng pagpupugay kay Marcelo H. Del Pilar, ang kinikilalang Ama ng Peryodismo sa bansa. 


Ayon kay NPC President Paul Gutierrez, hindi tamang hindi kasama sa priority ang grupo ng mga mamamahayag, ang NPC at Bulacan Press Club, at iba pang samahan ng media tuwing may programa at mag-aalay ng bulaklak sa bayani sapagkat sila ang mga alagad ng peryodismo at pamamahayag sa bansa na itinaguyod ni Del Pilar. 


Kahapon ay muling wala ang Bulacan Press Club sa hanay ng mga nag-alay ng bulaklak sa shrine ng bayani sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas sa bayang ito sa okasyon ng ika-125 guning taong pag-alaala sa kamatayan ni Del Pilar na kilala rin sa tawag na Plaridel. 


Nakakapagtakang ang halos lahat ng pangunahing grupo na may kinalaman sa pagdakila kay Plaridel tulad ng Bulacan officials, National Historical Commission of the Philippines (NHCP) heads in Bulacan, kabilang ang pinuno ng Philippine Masonry at ang lokal na opisyales ng bayang ito ay naroon kasama pa ang pulisya subalit ang Bulacan Press Club, na samahan ng mga mamamahayag ay wala na naman. 


Noong Agosto 30 noong isang taon, hindi rin invited ang Bulacan Press Club sa ilalim ng pamumuno ni Jenny Raymuno ng Mabuhay Newspaper, subalit maalab itong dumalo kasama ang iba pang mga opisyales at miyembro. 

Suot ang kanilang uniporme na may tatak na Bulacan Press Club at dala ang kanilang tradisyunal na bulaklak na gawa sa mga diyaryo upang ialay kay Del Pilar, hinihintay ng grupo na banggitin sila sa mikropono subalit hindi nangyari. 


“Eto na naman tayo,” pahayag ni Alex Aguinaldo, curator ng Del Pilar Shrine sa panayam ng NEWS CORE. “Muli po ipagpaumanhin po ninyo hindi na nakapag-imbita dahil nililimitahan po ang mga dadalo dahil sa pandemya katulad din po noong isang taon,”. 

Ayon kay Gutierrez, may mali yata sa priority list ng mga ahensiya ng gobyerno na nag-iimbita dahil ang media pa ang inalis sa priority. 


“Dapat ayusin nila ang priority nila. Tayo ay mga media, mamamahayag at si Del Pilar ang Ama ng Pamamahayag at napakahalaga na tayo ay kasama sa mga nag-aalay din ng bulaklak sa kanya sa mahalagang okasyon tungkol sa kanya”.


Ayon kay Gutierrez, may papel din sana ang Bulacan officials concern upang hindi ma-etchapwera ang mga mamamahayag.


“Nakakalungkot na ang maling priority ay kinukunsinte ng Bulacan officials. Sa preparation ng programa hindi ba’t may meeting diyan, oh bakit wala doon ang media ay hindi nila kinukuwestiyon. Kami dito ay okey na hindi muna ma-invite ngayon pandemic lalo na at malayo kami, pero hindi nila dapat hindi iniimbita at pina-priority ang Bulacan Press Club,” dagdag ng pangulo ng NPC. 

Ang Bulacan Press Club kasama ang National Press Club ang mga nanguna kasama ang pamilya ni Del Pilar sa pag-hatid ng mga labi ng bayani mula Maynila pauwi sa lugar na kanyang tinubuan sa Sitio Cupang noong okasyon ng pag-gunita sa ika-134 guning taon niyang kapanganakan, Agosto 30, 1984 kung saan buhat noon ay itinayo ang kanyang dambana.


Ayon kay Frederick Silverio ng Manila Times, noong siya ang pangulo ng samahan noong 2018 ay hindi rin kasama ang BPC sa inimbitahan sa annual grand parade upang mag-alay ng bulaklak subalit inihabol niyang makasama. 

Sa taun-taon ding programa, ani Silverio, laging pang-kulelat lang ang BPC sa mga bilang at puwesto ng mga mag-aalay ng bulaklak.


Itinatag at pinamahalaan ni Del Pilar ang pahayagang La Solidaridad upang mamulat ang mga Pilipino sa mga pagmamalabis ng mga dayuhang Kastila. 


Isinilang siya sa bayang ito Agosto 30, 1850 at namatay sa Barcelona, Spain noong Hulyo 4, 1896.

Vendor patay matapos atakihin sa puso nang posasan ng isang barangay enforcer!

0
Ang 47 anyos na biktima na si Angelito Alcantara, barbeque vendor ang binawian ng buhay habang naka posas.

MONDRAGON – VHIOLY ROSATAZO ARIZALA

Minsan masama din sa tao ang nakakatikim ng kapangyarihan, lumalaki ang ulo, yumayabang, nalulunod hindi na alam paano dalhin.

Marami ng nakukulong, nasususpinde na mga pulitiko dahil sa tinatawag na pang a-abuso sa kapangyarihan.

Kagaya na lang itong nangyari sa Barangay Caypombo Sta. Maria Bulacan, isang kaawa- awang barbeque vendor ang binawian ng buhay habang naka posas.

Ang 47 anyos na biktima na si Angelito Alcantara, may asawa at apat na anak at nakatira sa Km. 37 Pulong Bihangin Sta. Maria Bulacan ay agad nasawi mula ng posasan ng Traffic Enforcer na si Mario Domingo.

Ayon kay Col. Ismael Conde Gauna, hepe ng Sta. Maria police station, isang Barangay Caypombo traffic enforcer si Domingo.

Batay sa kwento ng may bahay ng biktima na si Angeline Alcantara pauwi na sila galing sa palengke ng binabagtas na nilang mag asawa ang lugar ng Caypombo ay pinara sila ng enforcer na agad naman silang tumigil.

Paliwanag ni Angeline ay hinahanapan ang asawa nya ng driver’s license at rehistro na wala silang dala.

Interview sa may bahay ng biktima na si Angeline Alcantara.

Ang sabi ng enforcer ay i-impound nya ang motor. Pumayag naman ang biktima at sabi sa asawa ay sumakay nalang sila ng jeep.

Nagtalo lamang sila ng kinukuha ang susi at hindi ibinigay ni Alcantara. Sabi ng biktima hayun ang motor ko impound mu dalin mu. Na siyang ikinagalit ng enforcer na si Mario Domingo kaya pinosasan nya ang biktima na si Angelito Alcantara.

Umiiyak na nagmamakaawa ang asawa na huwag po huwag po may sakit po ang asawa ko. Sinabihan pa raw ng mga kasama niyang iba na tanggalin ang posas subalit matigas si Domingo.

Sa takot at noon lang nakaranas ng ganun ay nanikip ang dibdib at nawalan ng buhay habang naka posas.

Ang tanong ito bang mga enforcer na ito ay sumailalim ba ng seminar? Dapat alam nila ang hangganan ng pagiging enforcer at bakit may posas. Allowed ba na mag bitbit ng posas ang mga traffic enforcer?

Kaninong responsibilidad ang pangyayaring ito?

Command responsibilities, abuse of power and authority. Hindi dapat umabot sa ganyan kung hindi kayabangan ang pinairal. Tama naman, may mali ang biktima pero para posasan mo at hindi naman yata tama na ginawa mong parang isang kilabot na kriminal.

Sa ngayon ay naka piit sa kulungan si Domingo at kinasuhan ng homicide ayon kay Angeline na may bahay ni Angelito.

Dagdag pa ni Angeline habang humahagulgol ay magkaroon ng patas katarungan para sa kanyang asawa.

Bahay ng lolo ni PNoy sa Malolos hindi bakas ang pagluluksa

0
Kapansin-pansing hubad sa ano mang death adornments katulad ng dilaw na ribbon, tarpauline na may mukha ni dating Pangulong Noynoy Aquino na mayroong marubdob na mensahe ng pakikidalamhati ang ancestral house ng kanyang lolo, Jose Cojuangco. Larawan ni Carmela Reyes-Estrope.

SIYUDAD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines—Halos patapos na ang 10-araw na pagluluksa ng sambayanang Pilipino sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III subalit ang bahay ng kanyang lolo, Don Jose Cojuangco sa lungsod na ito na malimit din niyang pasyalan noong bata pa siya ay walang anomang bakas ng pagluluksa at pag-alaala.

Walang ano mang dilaw na ribbon na simbolo ng pamilya Aquino na makikita sa bahay, sa bakuran, sa gate at iba pang bahagi ng lugar, tarpaulin ng mukha ng dating pangulo o mensahe ng pakikidalamhati at pag-alaala.

Ang bahay ng Cojuangco ay matatagpuan malapit sa historic Barasoain Church sa kahabaan ng Paseo del Congreso na nasa pangangalaga ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Ayon kay Bulacan heritage, history and culture icon na si Jaime Corpuz, katulad ng kanyang ina na si dating Pangulong Corazon Aquino, madalas din sa lumang bahay si Noynoy at tuwing nandoon ay nagsisimba ito sa Barasoain Church.

Si Don Jose ang ama ng nauna ng pumanaw na dating pangulo Corazon “Cory” Aquino, na siayng ina ni Noynoy.

“Madalas magpunta doon ang magkakapatid na Cory noong bata pa sila kasama ang kanilang ama na si Don Jose Cojuangco. Marami silang kamag-anak dun gaya ng Pamilya Estrella, Tantoco, Tanjutco at iba pa”. 

Ayon kay Anna Marie Gonzales Felizardo, guro sa Bulacan State University at executive director ng Kabesera, ang grupong pangkalinangan ng Bayan ng Bulakan sa isang personal na pahayag, ang kawalan ng anomang simbolo ng pagluluksa, pagalaala sa struktura ng mga Cojuangco ay nakakagulat at sadyang lalo pang nakalulungkot na bagay. 

Aniya, ang tanggapan ng pamahalaan na nakakasakop doon ay siyang dapat nakapaglagay ng anomang simbolong pag-alaala at pakikidalamhati sa Cojuangco-Aquino family sa panahon ng pagluluksa ng sambayanang Pilipino dahil sa pagpanaw ng isa pang pangulo mula sa nasabing angkan.

“Based on standard procedure, dapat ang tanggapan ng pamahalaang nakakasakop dito ang gumagawa ng ganoong mga bagay,” pahayag niya sa NEWS CORE.

Ayon kay Rolly Marcelino, focal person ng tourism office ng siyudad, talagang halos ay hindi na nakakabisita ng mga nagdaang taon ang mga kaanak ni Noynoy doon sa ancestral house ng kanilang nuno.

Si Don Jose, mula sa isang mayamang angkan sa Malolos na isinilang at lumaki sa matandang bahay ay isang abogado at mangangalakal at lumipat sa Tarlac dahil sa gusto nito ang isang malawak na lupaing agrikultura. Kung kaya nga’t itinayo nito at pinatakbo ang Hacienda Luisita taong1959-1976. 

Si Don Jose ay naging konsehal ng Bayan ng Paniqui, Tarlac taong 1922-1925 at congressman mula 1934-1947.

Kalaunan ay itinatag niya ang Philippine Bank of Commerce at naging pangulo nito.  

Naging Pangulo ng bansa si Cory noong 1986-1992 habang si Noynoy ay mula 2010-2019.

Ang ten-day national mourning ay idineklara ni Pangulong Duterte noong araw na namatay si Noynoy noong Hunyo 24 at ito ay tatagal hanggang sa Hulyo 3 na kaalinsabay ng kaarawan ng kanyang Lolo Jose na isinilang noong Hulyo 3 1896.

Namatay si Don Jose sa Tarlac noong Agosto 21, 1976.

NOYNOY, BAYANI KANG NATURINGAN SA AMING PUSO AT ISIPAN

0
Patuloy na naka half-mast ang ating bandila sa harapan ng Capitolyo tanda ng national mourning dahil sa pagpanaw ng dating Pangulo Benigno Simeon Aquino III. Larawan ni Anton Luis Reyes Catindig

LABUYO ni JOHNNY B. MERCADO

Tatlong araw na lamang at matatapos na ang declared 10-day national mourning nating mga Pilipino dahil sa pagpanaw ni dating Pangulong BENIGNO SIMEON AQUINO III.

Nagulat ang buong bansa at marahil ay ang buong daigdig ng ibalita sa mga estasyon ng television maging sa radyo at lahat ng diyaryo na punanaw na ang dating PANGULONG BENIGNO AQUINO III. Aaminin ko na kahit ang sarili ko ay hindi makapaniwala sa pagpanaw ng isang magaling na namuno sa ating bansa.

Hindi ko makakalimutan ang kanyang mga sinabi noong siya pa ang PANGULO ng bansa na KAYO ANG BOSS KO KAYA DAPAT LANG NA KAYO AY DAPAT KONG SUNDIN.

E WALA DAW KURAP KUNG IKAW AY HINDI PAKUKURAP. WALANG TONG AT WALA RIN WANG-WANG. ILAN LAMANG IYAN SA MGA HINDI NATIN MAKAKALIMUTAN NA GINAWA NI PINOY SA KANYANG PANUNUNGKULAN NOON SIYA AY NABUBUHAY PA.

Kung atin lamang matatandaan sa administrasyon niya nangyari ang pagkakapanalo sa usapin ng WEST PHILIPPINES SEA na ngayon ay naging masalimuot magmula ng maupo ang bagong administrasyon. Matatandaan na sa administrasyon ni Pangulong Noynoy ibinubunton lahat ng sisi na nangyayari ngayon sa ating karagatan.

Sa pagpanaw ni Pangulong Noynoy ay para mo nang nakikinikinita na para ba nagpi-piyesta ang kabilang kampo. Nagdiriwang lahat ng galit sa dilawan pagkat nawala ang isa sa itinuturing nilang TINIK sa kanilang lalamunan. Galit na galit sila sa taong ( Noynoy ) hindi mo makitaan ng kahit konting kayabangan sa katawan.

Bakit nga ba ganoon ang buhay. Kung sino pa ang masasabi mong talagang matino ay kung bakit siya pang unang nauunang kinukuha ng nasa itaas. Bakit nga ba ganoon. Kay dami diyang naghihintay na KALAWITIN NI KAMATAYAN. Marami rin na hindi ang ugali ang masama kung hindi ang buong pagkatao ay talagang iyong isusumpa.

Siguro naman, ngayon ay matitigil na ang mga bunganga ng iba sa kasasabi ng kung ano-anu lalo na sa mga puro dilawan. Mababawas-bawasan na siguro ang sobrang panlalait ng iba riyan na kesyo si Noynoy ( Panot ) ay nagawa sa usapin WPS maging sa droga.

Maging ang mga taga MEDIA ay walang masasabi kay Ex. President Noynoy kung kaya naman laging puno ang Malacañang. Hindi mo sila maririnig na sila ay binanatan lalo na ang sila ay binulyawan.

Totoo nga sa ngayon ay mahihirapan pang matanggap ang pagpanaw ni Noynoy sa kanilang kalooban. Bayani kung tutuusin ng sinoman nakakaalam ng kanyang nakaraan na siya lamang katotohanan.

Ngayon ay PURO paghihinagpis na lamang ang siyang maririnig sa taong-bayan sapagkat nawalan sila ng isang naging pinuno na naging tapat sa ting bayan. Nanghihinayang sila sapagkat batid nila sa kanilang sarili na wala tao na sinlamig magpasya sa mga usapin tulad ng PWS.

Tunay na isa kang bayani sa aming puso at isipan. Hindi ka mawawala sa aming mga alaala magpakaylan pa man. Ang mga salita moy hinding hindi maglalaho sa aming diwa at isipan. Patuloy naming itataguyod sa mga kabataaan ang aral mong mahirap makalimutan.

NOYNOY TUNAY KANG BAYANING NATURINGAN SA AMING PUSO AT ISIPAN.

ANO KLASENG UTAK MAYROON KA?

0
LABUYO, Johnny Mercado, NEWS CORE columnist

LABUYO

JOHNNY MERCADO

Pwede po bang magtanong kahit na kanino? Nakaranas na po ba kayo na murahin ng ibang tao. Sakaling mangyari ito sa buhay ninyo, ano naman kaya ang inyong gagawin. Mapanatag kaya ang inyong kaloobaban.

Ganito ang nangyayari ngayon sa bayan natin. Nakakatikim ng MURANG walang puknat dahil ang gusto lamang ay tumino ang takbo ng ating bayan. Namumura ang kanilang nanahimik na mga magulang ng dahil sa pagmamahal nila sa Inang Bayan. Ganyan-ganyan kalimitan ang nangyayari sa ating lipunan na hindi mapigilan.

At hindi nagkasya sa mga salitang masasakit sapagkat nagagawa pa niyang pagbantaan ang tao na hindi makakibo dahil natatakot na sila ang pagbalingan. Anong klaseng isipan mayroon ang taong iyan. Hindi mo naman masasabi na BOBO sapagkat alam lahat na siya ay mayroong pinag-aralan. Kung sabagay ultimo ang patayan na kahit pagpatay ay tila ba balewala lang sa kanya kaya ano lang lang ang magmura.

Kamakailan ay dumale na naman ng pananalita na labis na ikinagulat ng maraming tao . Ayon sa kanya ay kanyang ipahuhuli ang sinumang hindi magpapakuna. Kesyo mismong sa “puwet” pa niya isasaksak ang bakuna.

Nakakatawa talaga ang taong ito. Hindi ko malaman kung anong klaseng pag-iisip mayroon ang taong ito. Hindi malaman kung may TOPAK sa ulo o baka naman sira nang talaga ang kanyang sintido.

Kung kayo ang tatanungin. ano ang nararapat sa ganyan tao. Maluwag naman ang MENTAL HOSPITAL eh bakit hindi dalin at baka “lumuwag lang ang turnilyo ” eh mahigpitan ng konti.

Kayo, sabihin ninyo kung ano ang nararapat. Magsipagsalita kayo sapagkat nakasalalay sa mga bibig ninyo ang kinabukasan ng Bayan at mga ANAK ninyo. AY BAYAN KONG KAWAWA LALONG KINAKAWAWA.